You are on page 1of 2

KAANTASAN NG WIKA: Pambansa, Pampanitikan, Rehiyonal

WIKA - Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga
kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa
pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na
makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng
isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa
pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong
ng mga tao.

- Ang wika ay isang lengguwahe "sa Pilipinas".

- Ang kahulugan ng wika ay lengguwahe.

ang wika ay may sistema, binubuo ng arbitrayong simbolo ng mga tunog, at ginagamit para sa
komunikasyon ng mga tao

Wikang Pambasa

- Ayon kay Tope Omoniyi sa kanyang aklat na Language and Postcolonial Identities: An African
Perspective (2010), ang wikang pambansa ay ang wikang sama-sama itinaguyod ng mamamayan sa isang
bansa upang magsilbing simbolo ng kanilang pagkakakilanlan. Hindi lamang ito kinikilala ng
mamamayan; dinadama rin nila ito kaya ang wikang pambasa ang siyang gamit sa mga okasyong
nadarama ng mamamayan ang kanilang identidad, gaya ng pag-awit ng pambansang awit o panunumpa
ng katapatan sa watawat.

- Ayon sa probisyong pangwika ng Artikulo XIV, Sksiyon 6 ng Saligang Batas ng 1987: Ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa
salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Wikang Pampanitikan

- Ang wikang pampanitikan ang wikang gamit sa pagkatha ng mga akdang pampanitikan, gaya ng tula,
maikling kuwento, sanaysay, nobela, at dula. Nagkakaiba-iba ang gamit ng wikang pampanitikan ayon na
rin sa genre na isinusulat.

Wikang Rehiyonal

- Ito naman ang wikang taal na gamit sa isang partikular na rehiyon na nagpapakilala ng etnisidad nito.
Ang wikamg rehiyonal ay maaari ding maging ang unang wika ng isang tao. Ang unang wika ay ang
wikang pinakaunang kinamulatan ng tao at siyang natural niyang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon.
- Ayon kina Skutnabb-Kangas at Philippson (1989), ang unang wika ay maaaring maging alinman sa mga
sumusunod: (1) ang wikang natutuhan sa mga magulang; (2) ang pinakaunang wikang natutuhan, kanino
pa man ito natutuhan; (3) ang mas dominanteng wikang gamit ng isang tao sa kaniyang buhay;
pinakamadalas gamitin ng isang tao sa pakikipagtalastasan; o (6) ang wikang mas gustong gamitin ng
isang tao. Ang mga sumunod namang wikang matututuhan ng estudyante pagkatapos ng kaniyang unang
wika ay itinuturing na ikalawang wika, ikatlong wika, at iba pa at nagpapagawang bilingguwal o
multilingguwal sa kanya.

Kaligirang Pangkasaysayan ng Pilipinong Komiks

- Sa kaniyang aklat na A History of Komiks of the Philippines and Other Countries (1985), masusing
tinalakay ni Cynthia Roxas ang kasaysayan at pag-unlad ng komiks sa Pilipinas. Aniya, si Dr. Jose Rizal ang
itinuturing na unang Pilipino na nakagawa ng comic strip na nailathala. Noong 1886, habang binibisita ni
Rizal sa Europa ang kaibigang pintor na si Juan Luna iginuhit niya ang anyong cartoons ang pabulang "
Ang Matsing at ang Pagong."

- Ayon kay Roxas (1985), ang pormal na kasaysayan ng Pilipinong komiks ay nagsimula noong 1926 nang
maisip ni Antonio S. Velasquez, (itinuturing na " Ama ng Pilipinong Komiks"), ang maaaring kahinatnan at
paggamitan ng nasabing genre.

- Mula sa malikhaing guniguni ni Velasquez, isinilang ang tauhang si Kenkoy, isang karakter na may ulong
kapansin-pansing mas malaki kaysa sa kaniyang katawan.

- Ang komiks ay isang midyum na nagsasama-sama ng kuwento, imahen, at diyalogo sa isang guhit. Sa
mahabang panahon ay naging bahagi ito ng araw-araw na buhay ng mga Pilipino mula sa pagbibigay-aliw
hanggang sa pagtalakay ng mga isyung panlipunan. Ito rin ay isang halimbawa ng popular na babasahin.

You might also like