“Ang Pambansang Asemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na gagamitin opisyal”.
Pangulong Manuel L. Quezon, Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 noong ika-30 ng
Disyembre, 1937 “Ang Wikang Tagalog ang magiging batayan ng Wikang Pambansa”.
Saligang Batas 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6
“Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito’y dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang wika”. Mahalaga sa isang bansa at sa mga mamamayan nito na magkaroon ng isang wikang bibigkasin at maiintindihan ng lahat. Ito ay magbibigkis sa mamamayang Pilipino upang magkaroon ng pambansang pagkakakilanlan at pagkakaisa. Maisakatuparan lamang ang mga bagay na ito kung magkakaroon ng isang wikang pambansa batay sa isa sa mga katutubong wika ng Pilipinas. Ngunit bago natin tuluyan malaman ang kasaysayan ng Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa ng Pilipinas, ano nga ba ang kahulugan ng Wika?
Saligang Batas 1935, Artikulo XIII, Seksyon 3
“Ang Pambansang Asemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na gagamitin opisyal”.
Pangulong Manuel L. Quezon, Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 noong ika-30 ng
Disyembre, 1937 “Ang Wikang Tagalog ang magiging batayan ng Wikang Pambansa”.
Saligang Batas 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6
“Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito’y dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang wika”. Mahalaga sa isang bansa at sa mga mamamayan nito na magkaroon ng isang wikang bibigkasin at maiintindihan ng lahat. Ito ay magbibigkis sa mamamayang Pilipino upang magkaroon ng pambansang pagkakakilanlan at pagkakaisa. Maisakatuparan lamang ang mga bagay na ito kung magkakaroon ng isang wikang pambansa batay sa isa sa mga katutubong wika ng Pilipinas.
Ang Filipino Bilang Wikang Pambansa
1|Pahina Ngunit bago natin tuluyan malaman ang kasaysayan ng Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa ng Pilipinas, ano nga ba ang kahulugan ng Wika? Narito ang ibat-ibang kahulugan ng Wika ayon sa mga kilalang dalubwika/linggwista ng ibat-ibang panahon:
Ang Kalikasan ng Wika
Ang wika ay masistemang pag-aayaw-ayaw ng lipon ng mga salita na ginagamit sa paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin na tangi sa isang pangkat ng tao sa isang pamayanan o bansa. Ang wikang tangi sa isang pamayanan ay may set ng mga salitang ang pakahulugan ay nauunawaan ng bawat isa. Gayondin, ang wikang ito ay may sariling balarila at Sistema ng pag-uugnay ng mga salita at nagagawang bigyan ng kahulugan ng mga taong kasapi sa pamayanang iyon.
Ayon kay Fortunato at Valdez (1995)
“Makapangyarihan at pangunahing kodigo sa komunikasyon ang wika. Ang wika ay binubuo ng mga salita na nagsisilbong instrument sa pagbabago ng pananaw ng kapwa sa realiadad lalo na kung maayos itong magagamit.”
Ayon kay Carroll (1973:289)
“Ang wika ay isang may kaayusang sistema ng mga tunog na gamit sa interpersonal na komunikasyon at nakagagawa nang puspusang pagkakatatag ng mga bagay, pangyayari at mga proseso ng mga karanasan ng tao.”
Ayon sa Webster New Internationational Dictionary, 1961:1270)
“Ang wika ay sistematikong paraan ng pakikipagkomunikasyon ng mga ideya o damdamin sa pamamagitan ng pagggamit ng kombensyunal na mga pananda, tunog,kilos o galaw na mayroong talatas na mga kahulugan.”
Ayon kay Pineda (2004:236)
“Ang wika ay isang kasangkapan ng isang manunulat sa paglikha ng kanyang sining. Karaniwang di totoong mahalaga kung ano man ang wikang iyon. Ang higit na mahalaga’y kung paano ginagamit ng maguniguning manunulat ang wikang kasangkapan.”
Ayon kay Archibald A. Hill
“Ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt sa anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at pardon na lumilikha at simetrikal na istruktura. Ang mga simbolon ito ay mayroon ding kahulugang arbitraryo at kontrolado ng lipunan.” “Ang wika ay kaluluwa ng tao at ito ang pangunahin at ang pinaka elaborate na anyo ng simbolikong gawaing tao.”
Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban
Ang Filipino Bilang Wikang Pambansa
2|Pahina “Ang wika ay paraan ng pagpapahayag ng kuru-kuro at damdamin sa pamamagitan ng mga salita upang makipag-unawaan sa kapwa tao. Ito ay binubuo ng mga salita, parirala at pangungusap na may kahulugan.”
Ayon kay Henry Gleason
“Ang wika ay sistematikong balangkas na isinatinig ng mga tunog at isinagawa sa pamamaraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nabibilang sa isang kultura.” “Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa kultura.”
Ayon kay Rene Descartes
“Ang wika ay nagpapatunay na ang tao ay kakaiba.”
Ayon kay Plato/Plateau
“Ang wika ay nabuo ayon sa batas ng pangangailangan at may mahiwagang kaugnayan at kalikasan ang mga bagay at kinatawan nito. Tulad ng ibat-ibang saling angkan na maaaring magsimula sa simple hanggang maging malawak. ”
Ayon kay Edward Sapir
“Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin.”
Ang Filipino Bilang Wikang Pambansa
3|Pahina Probisyon ng Pag-unlad ng Wikang Filipino 1935 – Sa Saligang Batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa na “ Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa na mula sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.” Hanggat hindi ipinag- utos ng batas; Mananatili ang Ingles at Kastila bilang mga opisyal na wika. (Seksyon 3, artikulo XIII). 1936 – (OKTUBRE 27) – Itinagubilin ng Pangulong Manuel Luis Molina Quezon sa kanyang mensahe sa Asembleya Nasyonal ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng pag-aaral ng mga wikang Katutubo sa Pilipinas. Mayroon itong layuning mapaunlad at mapatibay ang isang wikang panlahat na batay sa isang umiiral. 1936 – (NOBYEMBRE 13) – Pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumikha ng isang surian ng Wikang Pambansa at itinakda ang mga kapangyarihan at tungkulin niyon. 1937 – (ENERO 12) – Hinirang ng Pangulong Manuel Luis Molina Quezon ang kagawad na bubuo sa Surian ng Wikang Pambansa, alinsunod sa tadhana ng Seksyon 1, Batas Komonwelt Blg. 184. Batas Komonwelt Blg. 333 – Matapos ang sampung buwang pag-aaral, ipinalabas ng SWP ang resolusyong nagsasabing Tagalog ang lubos na nakatugon sa ginawa nilang pag- aaral, ang Tagalog ay batayan ng wikang pambansa. 1937 – (DISYEMBRE 30) – Iprinoklama ni Pangulong Manuel Luis Molina Quezon na ang Wikang Tagalog ang batayan ng Wikang Pambansa base sa rekomendasyon ng Surian ng Wikang Pambansa sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134. Tagalog ang naging batayan ng wikang pambansa sapagkat isinaalang-alang ang mga pamantayan: BE Circular No. 71, s. 1939 – Ipinag-utos nang noo’y Kalihim Jorge Bocobo na Paturuang Bayan na gamitin ang mga Katutubong Diyalekto bilang mga pantulong na wikang panturo sa primary simula taong panuruan 1939-1940. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 – Noong Abril 1, 1940 ay nilagdaan ni Pangulong Manuel Luis Molina Quezon ang kautusan at dito’y ipinag-utos ang pagtuturo ng wikang pambansa sa lahat ng paaralang pampubliko at pribado sa bansa. Kautusang Pangkagawaran blg. 1 – Iniutos ng kalihim ng Pampublikong Instruksyon, Jorge Bocobo na ituro sa lahat ng paaralan ang pambansang wika na base sa Tagalog, taong panuruan 1940-1941. Order Militar Blg. 13 – Ibinaba noong panahon ng pananakop ng Hapon, ginagawang opisyal ng mga wika ng Pilipinas ang wikang Hapon at Tagalog. Executive Order No.10 – Noong Nobyembre 30, 1943 nagpalabas si Pangulong Jose P. Laurel ng Executive Order Blg. 10 na nagsasaad na ang wikang pambansa ay ituturo sa lahat ng mataas na paaralang pampubliko at pampribado, kolehiyo at unibersidad. Memorandum Pangkagawaran Blg. 6, s. 1945 – Ipinalabas ng Kagawaran ng Edukasyon na nagtatakda ng tentatibong kurikulum sa elementarya. Sa kurikulum na ito ang wikang pambansa ay binibigyan ng araw-araw na pagkaklase, 15 minuto sa primary at 30 minuto sa intermedya. Batas ng Komonwelt Blg. 570 (Hulyo 4, 1946) – Ang wikang pambansa ay tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay maging isa nang wikang opisyal ng pilipinas.
Ang Filipino Bilang Wikang Pambansa
4|Pahina Proklama Blg. 12 (Marso 26, 1954) – Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang pagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika, simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 at Araw ng Balagtas tuwing Abril 2 na kanya ring kaarawan ayon sa mungkahi ng Surian ng Wikang Pambansa. Proklama Blg. 186 (Setyembre 23, 1955) – Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang susog sa Proklama bilang 12 na inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taon-taon simula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto bilang paggalang sa kaarawan ni Pangulong Manuel Luis Molina Quezon, “Ama ng Wikang Pambansa”. Agosto 13, 1959 – pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula sa Tagalog ay naging Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang Kalihim ng Edukasyon noon. Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 (NOBYEMBRE 14, 1962) – Ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos simula sa taong-aralan 1963-1964 ay ipalilimbag na o may salin sa Wikang Pilipino. Kautusang Pangkagawaran Blg. 96 (OKTUBRE 24, 1967) – Ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino. Ito ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos. Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 – Noong Hunyo 19, 1974 ang Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ay naglagda sa pamamagitan ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974 ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilingguwal. Kautusang Pangkagawaran Blg. 50. s. 1975 – Simula sa taong panuruan 1979 – 1980, isasama sa kurikulum ang lahat ng mga institusyong tersiyarya ang anim (6) nay unit ng Pilipino. Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Kontitusyunal na binuo ni dating Pangulong Corazon C. Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino. Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ang probisyon tungkol sa wika na nagsasabing: “Ang Wikang Pambansa ng Pilipina ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin sa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika”. Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 8 – “Ang konstitusyon, ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.” Kautusang Pangkagawaran Blg. 52. s. 1987 – Ang Filipino at Ingles ay gagamiting mga midyum sa pagtuturo. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 (ENERO, 1987) – Nilagdaan ng Pangulong Corazon C. Aquino ang paglikha ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) bilang pamalit sa dating SWP at makatugon sa panibagong iniatas na gawain nitong patuloy na pagsasaliksik at pagpapaunlad ng wikang pambansa. Batas Republika Blg. 7104 (AGOSTO 14, 1991) – Itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), bilang pagsunod sa itnatadhana ng Saligang Batas 1987, Seksiyon 9. Ito rin ang pamalit sa dating SWP at LWP. Proklamasyon Blg. 1041 (1997) – Ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, Agosto 1-31. Nilagdaan ito ni Pangulong Fidel V. Ramos. Ang Filipino Bilang Wikang Pambansa 5|Pahina Kautusang Pangkagawaran Blg. 60. s. 2008 – Ang Filipino at Ingles ang mananatiling mga wika sa pagtuturo at ang mga lokal na wika ay gagamitin bilang pantulong na wika ng pagtuturo pasa sa pormal na edukasyon at para sa alternatibong sistema na pagkatuto. Kautusang Pangkagawaran Blg. 74. s. 2009 – Ito ay may pamagat na Institutionalizing Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTBMLE). PSLLF – (Pambansang Samahan sa Lingguwistika at Literaturang Filipino) – ay isang propesyonal na organisasyong nagtataguyod ng mahusay na paggamit ng wikang Filipino, pangunahin sa edukasyon at pananaliksik. Isa rin ito sa mga kasaping organisasyong tagapagtatag ng Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika) na nangunguna sa matagumpay na pakikibaka para mapanatili ang mga asignaturang Filipino at panitikan sa Kolehiyo. Tanggol Wika o Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino – ay isang organisasyon na nabuo noong 2014 na binubuo ng mga dalubhasa sa wika, dalubguro, manunulat, at mga mag-aaral bilang tugon sa pagbabalak na pagpatay ng Wikang Filipino. NCCA (National Commission for Culture and the Arts) o Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining – isang organisasyon na nagtataguyod sa kahalagahan ng Wikang Filipino. Idagdag din ang pangunahing Wika sa Pilipinas na gamitin ng bawat rehiyon ng bansa: 1. Filipino. Ang pangunahing wika sa bansa. Ito ay nakasalig sa pangunguna ng Tagalog kasunod ng iba pang umiiiral na mga pagbigkas sa Pilipinas. 2. Tagalog. Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Katimugang bahagi ng Luzon, CALABARZON (Cavite, Laguna, Bataan, Batangas, Rizal, Quezon), MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) at ng buong Metro Manila. 3. Ilocano. Kilala rin sa tawag na Iloko. Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Hilagang Luzon at ginagamit sa Rehiyon 1 at 2. 4. Pangasinan/Pangasinense. Gamit sa lalawigan ng Pangasinan at ilang bahagi ng Hilagang Luzon at Gitnang Luzon. 5. Kapampangan. Pangunahing wika ng mga naniniraahan sa Gitnang Luzon. 6. Bikolano. Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Timog-Silangang Luzon. 7. Sebwano/Cebuano. Tinatawag ding Bisaya. Pangunahing wila ng lalawigan ng Cebu, Silangang Negros, Bohol at malaking bahagi ng Mindanao. 8. Hiligaynon. Tinatawag ding Ilonggo. Gamit sa mga lalawigan sa pulo ng Panay at Kanlurang Negros. 9. Waray-Waray. Gamit sa Silangang Visayas tulad ng mga lalawigan sa mga pulo ng Samar at Leyte. 10. e Sorot pa Dumaghet. Sinaunang wika na may kaugnayan sa halos lahat ng pagbigkas sa Luzon at Bisaya dahil sa katandaan nito. Isa itong salita ng mga Dumagat na mga Agta o Tawo sa lalawigan ng Rizal, bahagi ng Bulakan at Quezon. Ang salitang ito ay may dalawang kaurian, una ang “Mangnah” at ang ikalawa ay “Baybay”.
Samantala mayroong 175 wika/katutubong wika sa Pilipinas, 171 dito ay nananatiling
gamit pa at 4 ay tuluyang lumipas sapagkat patay ang mga taong gumagamit nang nasabing katutubong wika.