You are on page 1of 1

Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang

mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ngpakikipag-usap
niya sa kapwa kundi ginagamit din niya upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang
kanyang iba’t ibang opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at
pangyayarina tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kanyang kapaligiran at higit lalo na sa
kanyang bansa.

Ang wikang Filipino, na siyang pambansang wika sa Pilipinas ay ang wikang ginagamit sa lahat
ng sulok ng bansa. Ito ang nagsisilbing sinturon upang maitali ang mga mamamayan upang maging isa
sila sa kanilang mga diwa, pangarap at kalsadang tinutugpa. Mahirap na isipin kung walang sariling
wika na magiging daan upang magkabuklod-buklod ang mgahiwa-hiwalay na isla ng Pilipinas.
Maaaring magdulot ito ng mga kaguluhan at hindi pagkakaunawaan. Sa pagkakaroon ng wikang
pambansa, hindi naging madali ang proseso nito. Dumaan ito sa mahaba at masalimuot na proseso sa
simulang tawag na Tagalog na pinalitan Pilipino at naiproklama bilang opisyal na wikang Filipino.

Noong Disyembre 1937, sa ika-41 guning-taon ng pagkamartir ni Jose Rizal, opisyal na


idineklara ni dating Pangulong Manuel Luis Quezon ang wikang Tagalog bilang batayan ng
Pambansang Wika ng Pilipinas. Ito ay sa bisa ng Executive Order No. 134 na kanyang nilagdaan sa
araw na iyon at kanyang binasa habang binobrodkast sa radyo. Ang naturang kautusan ay batay na rin
sa resulta ng pag-aaral ng mga kagawad ng Institute of National Language (ngayon ay ang Komisyon sa
Wikang Filipino) at pinagtibay nito noong 9 Nobyembre 1937. Itinaon ni Quezon ang deklarasyon sa
Araw ni Rizal dahil sa paniniwala niya na si Rizal ay simbolo ng pag-aasam ng pagkakaroon ng sariling
wika. Kanya pang sinipi ang isa sa mga sinabi ni Simoun kay Basilio sa El Filibusterismo, “Spanish will
never be the language generally spoken in the country; the people will never speak it”

1940 , Pinalabas ng Kalihim Jorge Bocobo ng Pagtuturong Pambayan ang isang Kautusang
Pangkagawaran. Ito’y sinundan ng isang sirkular (Blg. 26, serye1940) ng Patnugot ng Edukasyon
Celedonio Salvador. Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay sinimulan muna sa mataas at paaralang
normal. Pinagtibay ang Batas ng Komonwelt Blg. 570, na nagtatadhana, bukod sa iba pa, na ang
Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940. 1959
Pinalitan ang tawag sa wikang pambansa.Mula tagalog ito ay naging Pilipino. 1973,
ang batasang pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at pormal na
magpapatibay sa isang panlahat na wikang pambansang kikilalaning Filipino .1987, Iprinoklama ang
opisyal na tawag ng wikang pambansa bilang wikang "FILIPINO"
Ang wikang pambansa ang siyang pagkakakilanlan ng isang bansa. Ito ang wikang siyang ginagamit ng
mga mamamayan sa iba't ibang larangan. Ito din ang nagpapatibay ng nasyonalismo.

upang maisakatuparan ang mga naudlot na pangarap noong simula pa.Sa paglipas ng
panahon, mapatutunayan na ang wika ang siyang pinakamahalagang sandata upang maiparating ng
isang bansa sa kanyang mga mamamayan ang mga pangyayari, kasaysayan at bahagi ng ekonomiya
nito.Gayundin naman na ang wika ang siyang sentro ng mga mamamayan upang ihugos sa kanilang
pamahalaan ang kanilang mga hinaing.Naipadarama ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang sariling
wika ang kasidhian ng kanyang damdamin, ang lalimng kanyang pagkatao, ang katangian ng kanyang
ginagalawang kapaligiran, ang lawak ng kanyang kultura at sining, ang kabihasnan niya sa anumang
larangan at ang katotohanan ng kanyang pag-iral. Sa kabuuan, ang wika ang nagsisilbing kaparaanan
upang maging isang ganap na tao ang isang tao at maging isang ganap na bansa ang isang bansa.

You might also like