Ayon sa aking nakalap na impormasyon, Bilang tugon sa proklamasyon ng
UNESCO na International Year of Indigenous Languages (Pandaigdigang Taon ng mga Katutubong Wika) ang taong 2019.
Ang wikang Filipino, na siyang pambansang wika sa Pilipinas ay ang wikang
ginagamit sa lahat ng sulok ng bansa. Ito ang nagsisilbing sinturon upang maitali ang mga mamamayan upang maging isa sila sa kanilang mga diwa, pangarap at kalsadang tinutugpa. Mahirap na isipin kung walang sariling wika na magiging daan upang magkabuklod-buklod ang mga hiwa-hiwalay na isla ng Pilipinas. Maaaring magdulot ito ng mga kaguluhan at hindi pagkakaunawaan. Isa pa, Wikang katutubo, ang ginamit ng mga sinaunang Pilipino ating muling gamitin kahit hindi moderno dapat pa din itong ipagmalaki sa ating bansa at mundo, ipakilala natin muli sa mga kabataang Pilipino ng sa gayon ay sila rin ay maging pundasyon ng pagsikat muli nito, Wikang katutubo, ang mga naunang wika na bumuo sa bansang Pilipinas. Ito din ang siyang pinaglaban ng sambayanang Pilipino, ngunit sa pag daos ng panahon ito din ay unti unti ng nalilimutan dapat ay hindi natin ito ipinapag sawalang bahala dahil isa ito kung bakit tayo itinatag na isang bansa. Kahit na sa anumang anyo, sa pamamagitan man ng pagsusulat o pagsasalita, ang wika ang pinakamabisang paraan upang maihatid ang mga kaisipan at mapanatili sa madaling hakbang ang kasaysayan at mga tala ng mga sinaunang Pilipino. Sa ganitong pagkakataon, malalaman ng mga kasalukuyang mamamayan ang mga hakbangin na ginawa noong una upang maituloy ito sa mabuting paraan at maiwasan ang mga hindi magagandang pangyayari noon. Ito ang ilaw na magiging tanglaw ng mga Filipino upang mapabuti pa ang mga gawain. Ito rin ang magsisilbing lakas upang maisakatuparan ang mga naudlot na pangarap noong simula pa. Sa paglipas ng panahon, mapatutunayan na ang wika ang siyang pinakamahalagang sandata upang maiparating ng isang bansa sa kanyang mga mamamayan ang mga pangyayari, kasaysayan at bahagi ng ekonomiya nito. Gayundin naman na ang wika ang pamamagitan ng kanyang sariling wika ang kasidhian ng kanyang siyang sentro ng mga mamamayan upang maihugos sa kanilang pamahalaan ang kanilang mga hinaing. Naipadarama ng isang tao sa damdamin, ang lalim ng kanyang pagkatao, ang katangian ng kanyang ginagalawang kapaligiran, lawak ng kanyang kultura at sining, ang kabihasaan niya sa anumang larangan at ang katotohanan ng kanyang pag - iral. Sa kabuuan, ang wika ang nagsisilbing kaparaanan upang maging isang ganap na tao ang isang tao at maging isang ganap na bansa ang isang bansa.
Ang pagdiriwang nitong kaarawan na ito ay ang maiangat ang kamalayan ng
mga mamamayang Filipino ukol sa halagang multilingguwalismo sa paglikha ng isang bansang Filipino na may pagkakaunawaan at para din mahikayat ang mga mamamayang Filipino para mag patupad ng mga malikhaing programang pangwika na makatutugon sa pangangailangan ng kanilang komunidad sa pakiki pag tulungan sa KWF, mapangangalagaan ng KWF ang mga karapatang pangwika ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga patakarang magbibigay ng seguridad laban sa mga diskriminisasyong pangwika; at Ang arkipelagong Pilipinas ay binubuo ng pitong libo, isang daan at pitong pulo. Ito’y nahahati sa tatlong dibisyong, Luzon, Visayas, at Mindanao, at sa labing pitong rehiyon. Sa bawat sulok ng bansa, mapahilaga man o timog, kanluran o silangan sa kadahilangang ang mga lugar ay pinaghihiwalay ng karagatan ang mga Pilipino sa bawat pulo ay gumagamit ng kani-kanilang diyalekto, ngunit ang diyalektong tagalong ang nag iisa isa sa atin. May ibang salita na magkatulad, may iba namang hindi pareho ang pagkakagamit ngunit kadalasan, iba talaga ang katumbas. Ang iba ay may tono kung magsalita, ngunit mayroon namang parang galit. Kung pagsasama-samahin ang isang kinatawan ng bawat lugar sa isang silid, paniguradong hindi sila magkakaintindihan. Kaya sa panahon ni Manuel L. Quezon, gumawa sila ng hakbang para bumuo ng isang pambansang wika na siyang magiging sagot sa hindi pagkakaunawaan. Ang mga ebidensyang nagpapahiwatig na pinapahalagahan ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng wikang maiintindihan ng lahat ay ang mga probisyon ng wika sa tatlong konstitusyon. Nakapaloob sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyong 1935 na dapat pangunahan ng Kongreso ang pagsasagawa at paghubog sa isang linggwahe batay sa mga umiiral na katutubong wika. Bilang resulta, hinirang ang Pilipino bilang wikang pambansa na siyang nagmula sa Tagalog. Isinasaad naman sa Konstitusyong 1973, Artikulo XV, Seksyon 3, na ang pambansang asamblea ay gagawa ng mga hakbang sa pagpapaunlad ng wikang Filipino, na Pilipino noong una at binubuo ng pinagsama-samang dayalekto sa Pilipinas. At sa wakas, idineklara na sa 1987 Konstitusyon, Artikulo 6 na ang pambansang wikang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa. Ang katutubong wika din ay mabisang kasangka!an ng tao sa pakikipag-uunawaan sa kanyang kapwa ito ay biyayang galing sa diyos upang ipaabot ng tao ang kanyang iniisip, nadarama, nakikita at nararanasan sa kanyang ka paligirang ginagalawan samakatuwid, ito ay isang daan sa pakikipagsapalaran at!agsulong ng bansa sa iba't ibang aspeto ng buhay.
Ang wika ay isang napakahalagang elemento at sangkap ng isang matatag na
bansa. Ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang bansa at mga mamamayan nito. Hindi lamang pambansang pagkakaunawaan ang hatid ng wika kundi pagkakabuklod buklod ng bawat isa sa hangaring makamtan ang mapayapa at progresibong pamayanan. Ang wikang katutubong Filipino ang siyang nagsisilbing pagkakakilanlan sa ating mga Filipino. Ito ay kailangang linangin at pakahalagahang upang ng may magamit ang mga susunod pang mga henerasyon. Kabilang ang wika sa pamanang pangkultura o intangible heritage ng isang lahi. Sa wika matatagpuan ang mga kayamanang pangkultura tulad ng identidad, gunita, oral na tradisyon, at panitikang nakasulat. Maituturing na yaman ng Filipinas ang pagkakaroon ng maraming katutubong wika. Batay sa KWF Atlas ng mga Wika ng Filipinas, may 130 katutubong wika sa bansa. Hinihikayat ng KWF ang mga mamamayang Filipino, hindi lámang sa buwan ng Agosto, na makiisa at manguna sa mga proyektong nakatuon sa pagpapasigla ng paggamit at pagtangkilik sa mga katutubong wika ng Filipinas. Ginagayanyak din ng KWF na makiisa sa pagdiriwang ang DepEd, CHED, CSC, NCIP, at DILG. Magsasagawa rin ang KWF ng mga seminar at timpalak sa buong bansa, kabilang na rito ang paghirang ng mga kabataang ambasador ng katutubong wika, ang iKAW. Kikilalanin rin ang mga nagwagi sa Gawad Jacinto, timpalak para sa pagsulat ng mga sanaysay ng kabataan hinggil sa kanilang katutubong wika.