You are on page 1of 5

Buwan ng Wika

Tema: "Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha."


Ang Buwan ng Wika ay ginaganap tuwing buwan ng Agosto. Kaakibat ng pagdiriwang na ito
ang pagbalik-tanaw sa kasaysayan at magkaroon ng karunungan tungkol sa ating pambansang
wika.

Trivia:
Narito ang mga trivia para sa pagdiriwang ng buwan ng wika:

o ALAM MO BA?

Ang unang nagdeklara ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay si Pangulong Sergio Osmeña.


Mula 1946 hanggang 1954, alinsunod sa Proklamasyon Bilang 35, ito ay ginugunita mula ika-27
ng Marso hanggang ika-2 ng Abril.
Pinili ang Abril 2 dahil ito ang kaarawan ni Francisco Balagtas, isa sa mga sikat at dakilang
Pilipinong manunulat at makata. Siya ang may akda ng Florante at Laura.

Noong 1954, ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay iniusog ni Pangulong Ramon Magsaysay
sa ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril.

Noong 1955, sa pamamagitan ng Proklamasyon Bilang 186, inilipat ni Pangulong Magsaysay


ang selebrasyon sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto.
Sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 1041, ipinagtibay ni Pangulong Fidel V. Ramos na
gagawing Buwan ng Wika ang buong buwan ng Agosto bilang pagpapalawig pa ng
selebrasyong Linggo ng Wika.

o ALAM MO BA?

Si MANUEL L. QUEZON ang "Ama ng Wikang Pambansa"

Siya ang ikalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Siya rin ang nagproklama na ang
Wikang Tagalog ang magiging batayang Wikang Pambansa noong Disyembre 31, 1937.
o ALAM MO BA?

Ang FILIPINO at TAGALOG ay magkaiba.

Ang Filipino ay ang opisyal na wika na ginagamit sa buong bansa samantalang ang Tagalog ay
sinasalita o ginagamit lamang sa Gitnang Bahagi ng Luzon.

o ALAM MO BA?

Mayroon Walong (8) Pangunahing Dayalekto sa atin bansa.

Ito ay ang Tagalog, Ilocano, Kapampangan (Pampango), Pangasinan (Pangalatok), Waray,


Bicolano, Cebuano, Hiligaynon (Ilonggo).

o ALAM MO BA?

"Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating
pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala."

-José Rizal.

Ang tanyag na katagang nagmula sa ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose P. Rizal na
nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao.

o ALAM MO BA?

Ang salitang "Mahal Kita" sa ibang dayalekto ay....

Kaluguran da ka- Kapampangan


Gihigugma ti ka -Waray
Palangga ta ka - Hiligaynon
Inaro ta ka – Pangalatok

o ALAM MO BA?

Ang alpabeto noon ay may 20 na letra; A B K D E G H I L M N NG O P R S T U W Y


Ang alpabeto ngayon ay may 28 na letra; A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y
Z
Ang bigkas ng bawat letra ay ayon sa bigkas Ingles maliban sa enye na bigkas-Kastila.

o ALAM MO BA?

Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay ang opisyal na lupong tagapamahala ng wikang
Filipino at ang opisyal na institusyon ng pamahalaan na inatasan sa pagtataguyod ng mga iba't
ibang katutubong wika sa Pilipinas.

o ALAM MO BA?

Sa tala ng Komisyon sa Wikang Filipino, 39 na diyalekto sa Pilipinas ang/ay nanganganib


maglaho. Maituturing na "endangered" ang isang wika sa iba't ibang antas: kung ito ay hindi
naisaayos ang sistema nito, kung hindi na naipasa ang wika ng mga matatanda sa nakababata,
kung tanging matatanda na lang ang nagsasalita nito, o kung hindi na ito ginagamit ng kahit
sinong buhay na tao.

Ang mga patay na diyalekto sa Pilipinas ay ang mga sumusunod: Agta (Dicamay), Agta (Villa
Viciosa), Ayta (Tayabas), Katabaga

o ALAM MO BA?

Ang salitang Tagalog ay hinango sa salitang taga-ilog. Ito ay galing sa unlaping 'taga' na ang
ibig sabihin ay "katutubo ng" na idinagdag sa harap ng salitang ilog o "naloy" (tagal) na ang ibig
sabihin ay "mga taong nagbuhat sa matandang kabihasnan o sa daluyan ng tubig.

o ALAM MO BA?

Hindi magkatulad ang wika at diyalekto. Ang wika ay isa sa pinakamahalagang pagkakakilanlan
ng isang lugar. Ito ay lawas ng mga salita at sistema ng paggamit sa mga ito na laganap sa
isang sambayanan na may iisang tradisyong pangkultura.
Ang diyalekto naman ay isang natatanging uri ng wika na ginagamit sa isang rehiyon o lugar.
Ang mga ito ay magkakaiba sa punto, diin at pagbigkas depende sa rehiyon kung saan ito
ginagamit. Nabubuo ang diyalekto mula sa pangunahing wika at nagkakaroon ng kawing ang
mga grammar o bokabolaryo.

o ALAM MO BA?
Ayon sa pananaliksik ng Komisyon ng Wikang Filipino, ang Pilipinas ay may 130 na mga
wikang katutubo.

o ALAM MO BA?

Si Lope K. Santos ang Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa. Isa siyang makata, nobelista,
mamamahayag, at lingkod-publiko. Ipinakilala niya ang ABakaDa na hango sa alpabetong Latin.

o ALAM MO BA?

Ipinagdiriwang ang buwan ng mga wika upang maipalaganap ang kamalayan sa pagdiriwang at
kahalagahan ng Wikang Filipino. Batid nitong gunitain ang kasaysayan at paunalarin at
panatilihin ang wikang Filipino.

o ALAM MO BA?

Ang DOCTRINA CRISTIANA ang pinakaunang aklat na naisulat sa Tagalog na inakdaan noong
1593. Ito ay naglalaman ng mga panalangin at panuntunan sa pananampalatayang
Kristiyanismo.

o ALAM MO BA?

Ang sinaunang pagsulat ng mga Pilipino ay hindi alpabeto o alibata kundi silabaryo o baybayin.
Ang alibata ay binubuo ng mga letra na kumakatawan sa indibidwal na tunog samantalang ang
baybayin ay binubuo ng simbolo na kumakatawan sa isang pantig.

o ALAM MO BA?

Bakit pinalitan ang abakada ng alpabetong Filipino?

Dahil napatunayan ng saliksik at mga pangyayari na hindi sapat ang abakada para sa
pangangailangang nakasulat sa isang wikang pambansa. Dinagdagan ng mga titik ang lumang
abakada upang mabilis na maging modernisado ang wikang Filipino, lalo na upang mabilis na
makahiram ng salita sa Ingles at wikang internasyonal.

o ALAM MO BA?

Ang Pilipinas ay mayroong mahigit sa 170+ na diyalekto at lenggwahe batay sa isinagawang


pag-aaral.

o ALAM MO BA?

Bukod sa Baybayin script, mayroon din iba't-ibang sulat ang ginagamit sa bansa katulad ng
Hanuno'o at Buhid script na ginagamit ng mga Mangyan sa Mindoro. Tagbanwa script ng mga
Tagbanwa sa Northern Palawan, at Kulitan script ng mga Kapampangan sa Pampanga.

o ALAM MO BA?

Ang KAPANGYARIHAN ang pinakamahabang payak na salitang Tagalog. Ibig sabihin, wala
itong anomang panlapi. Ito ay binubuo ng 13 titik.

Ang wika ng isang bansa ay nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga komunidad na


naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitang ng wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang
bawat tao.
Higit sa lahat, nagsisilbi ito bilang ating pagkakakilanlan. Dahil dito ay nakikita ang iba't ibang
impluwensya sa bansa na siyang nakapagpabago at humulma sa pagkatao ng mga
mamamayan. Samakatwid, ang wika ay batayan ng natatanging kultura ng isang bansa.

Maligayang Pagdiriwang ng Buwan ng Wika!

You might also like