You are on page 1of 3

Kasaysayan ng wikang Filipino

Noong 13 Nobyembre 1936, inilikha ng unang Pambansang Asemblea ang Surian ng


Wikang Pambansa, Tagalog ang pinili bilang batayan ng isang bagong pambasang wika.

Ang Tagalog ang pinakanauunawaang wika sa sa buong. Hindi ito nahahati sa mga
mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya. Sinasalamin ang dyalektong
Toskano ng Italyano. Higit na mararaming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang
mga katutubong wikang Awstronesyo.Ito ang wika ng Maynila, ito ang wika ng
Himagsikan at ng Katipunan, dalawang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng
Pilipinas.

Noong 1959, nakilala ang wikang ito bilang Pilipino upang mahiwalay ang kaugnayan
nito sa mga Tagalog. Nagtakda naman ang Saligang Batas ng 1973 ng panibagong
pambansang wikang, isang wikang itinawag nitong Filipino.

Sa Artikulo XV, Seksiyon 3(2) hindi binangit na Tagalog/Pilipino ang batayan ng


Filipino; nanawagan ito sa halip sa Pambansang Asamblea na mag-“take steps towards
the development and formal adoption of a common national language to be known as
Filipino.” nilaktawan din ang Saligang Batas ng 1987, na ipinagbisa matapos ng
pagpapatalsik kay Ferdinand Marcos.

Tiniyak pa ng isang resolusyon 11 ng 13 Mayo 1992, na ang Filipino “ang katutubong


wika, pasalita at pasulat, sa Manila, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na
ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.
Tagalog Bilang Batayan ng Wika

Ang wikang Filipino o Tagalog na siyang ginagamit na pangungusap sa Maynila.


Ito'y madalas na hinahaluan ng iba’t ibang mga panrehiyon na salita. Ang Wikang
Tagalogna kilalala rin sa payak na pangalang Tagalog, ay isa sa mga pangunahing wika ng
Republika ng Pilipinas at sinasabing ito ang de facto ("sa katunayan") ngunit hindi de jure
("sa batas") na batayan na siyang pambansang wikang Filipino mula 1961 hanggang
1987 Pilipino. Ang Maynila na tumatayo bilang melting pot o ng iba' t ibang pangkat
etnolinggwistiko ay tagpuan nga ng iba't ibang lahi sa ating bansa. Ang salitang Tagalog
ng Maynila ay may pagka-orihinal dahil sa pagkasalig nito sa pamamaraan ng tagalog
bulacan, madarama mo ang kasaysayan ng Pilipinas sa bawat pagbigkas ng mga salita sa
wikang ito; bagamat nanghiram ito ng mga salita sa mga nagsidayong lahi, inari nang
sarili ng mga Pilipino ang bawat dayong salita na ito sa pagbigkas ng wikaing ito; kaya
naman naging gamit na ito sa lahat ng mga usapin o pangungusap. Bilang isang
pangunahing wika sa Pilipinas, ang karaniwan at pamantayang anyo nito ang
pangunahing wika sa pambansang telebisyon at radyo, bagaman halos nasa Ingles ang
buong kayarian ng mga pahayagan. Bilang Filipino, kasama ng Ingles, isa ang Tagalog sa
kasamang-opisyal at tanging pambansang wika sa Pilipinas. Malawak na ginagamit ang
Tagalog bilang lingua franca o "tunay na wika" sa buong bansa, at sa mga pamayanang
Pilipino nasa labas ng Pilipinas. Subalit, habang kalat ang Tagalog sa maraming mga
larangan, higit na laganap ang Ingles, sa iba't ibang antas ng katatasan, sa mga larangan
ng pamahalaan at kalakalan. Tinatawag na mananagalog o mananalita ang isang may
mataas, may kahusayan, at kaalaman sa pananagalogMay kabagalan ang pagbigkas ng
Tagalog sa Maynila at patuloy na nahahaluan pa ito ng mga salitang banyaga; kabilang
dito ang mga hiram na mga salita sa Kastila at Ingles ng mga Amerikano. Kadalasan,
naipagkakasing-kahulugan na ang Taglish sa Tagalog Maynila dahil sa laganap na
paghiram nito sa Ingles na mga salita. Ito ang ipinalagay na pinakabatayan sa
pagkakalikha ng salitang Pilipino na dating kilala sa katawagang "Filipino".Bagama't may
pagbabago ng pamamaraan sa Tagalog Maynila dahil sa mga dayong mga salita, nanatili
ang standard tagalog o wastong pamantayan ng Tagalog sa palibot nito na nasa
lalawigan ng Bulakan at sa Timog Katagalugan.
Konstitusyon 1987

Ang Filipino ay hindi lamang magiging midyum ng opisyal na


komunikasyon o opisyal na wika bagkus ito ay wika rin ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon.

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.Dapat na


magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal
na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.

Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga


wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang
itinadhana ang batas, Ingles.Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong
na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na
mga wikang panturo roon.

Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at


dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyo, Arabic at Kastila.

Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang


pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at
mga disiplina sa magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga
pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.

You might also like