You are on page 1of 3

“mga wika ng Filipinas”?

-ang iba't ibang wikang katutubo na sinasalita sa buong kapuluan.

"wikang katutubo"
-alinman sa mga wika na sinuso ng isang tao na ang mga magulang ay may angkang katutubo sa
Filipinas.
Hal.
Tagalog
Sebwano
Higaonon
lvatan

mga “pangunahing wika” ng Filipinas?


Ang karaniwang katwiran sa "pangunahing wika" ay dahil (1) may malaking bilang ito ng
tagapagsalita, karaniwang umaabot sa isang milyon ang tagapagsalita .Malimit ding tawagin
ang mga ito na wikang rehiyonal
walong pangunahing wika ng bansa :

Bikol,
llokano,
Hiligaynon,
Pampanggo,
Pangasinan,
Sebwano,
Tagalog;
Waray.

May pagkakataong isinasama sa pangkat ang


Mëranaw,
Tausug, at
Magindanaw.

“wikang opisyal”?
-itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.

-wika na maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat, sa


loob at labas ng alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno.

-Sa 1987 Konstitusyon, nakasaad na wikang opisyal ang Filipino, at hanggang ipinahihintulot ng
batas, ang Ingles.
Pinalakas pa ng Pangulong Corazon C. Aquino ang kaso ng Filipino sa pamamagitan ng
Executive Order No. 335 noong 25 Agosto 1988 na nag-aatas sa lahat ng kagawaran,
kawanihan, ahensiya, at instumentaliti ng pamahalaan na gumagamit ng wikang Filipino sa
lahat ng uri ng komunikasyon. Espisipikong iniutos sa EO 335 ang pagsasalin sa Filipino ng
"Panunumpa sa Katungkulan" ng lahat ng pinuno at tauhan ng pamahalaan at ang
pagsasalin sa Filipino ng mga pangalan ng opisina, gusali, at mga karatula sa lahat ng opisina at
pook publiko.

“wikang panturo”?
wikang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon.

-wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng


mga aklat at kagamitan sa pagtuturo sa silid- aralan.

Ngayon, sa ilalim ng programang MTB-MLE, naging dagdag na wikang panturo sa antas na K-3
ang ibang mga wikang katutubo (19 sa kasalukuyan, kasama ang Tagalog).

5. Bakit may “wikang pambansa”?


Itinuturing ang wika na isang mabisang bigkis sa pagkakaisa at pagkakaunawaan. Ang
pagkakaroon ng isang wikang pambansa, sa gayon, ay nagmimithing mabilis magkaunawaan at
sibulan ng damdamin ng pagkakaisa ang mga mamamayan na may iba-ibang wikang katutubo.
Katulong ito ng isang pambansang watawat, pambansang awit, at iba pang pambansang sagisag
sa pagtatatag ng isang pambansang pamahalaan.

6. Bakit hindi Ingles ang naging wikang pambansa natin?


Malimit na hinihirang na wikang pambansa ang sinasalita ng dominante at/ pinakamaraming
pangkat. Maaaring maging dominante ang wika ng isang pangkat na gumaganap ng
pangunahing tungkulin sa kasaysayan ng paglaya ng bansa. Maaari ring maging dominante ang
wika sa pook na sentro ng komersiyo, edukasyon, kultura, at gawaing pampolitika.
national language, common language of the Archipelago. Maliban sa pahayag na pagtutol na ito
ni Saleeby na alisin ang ang katutubong wika bilang kapalit ng wikang Ingles, pinag-aralan rin ni
Saleeby ang malaking gastos sa panig ng Estados Unidos, lalo na dahil kailangang magpadala ng
mga gurong Amerikano para sa higit na episyenteng pagtuturong Ingles at dahil

Ayon pa nga kay Joseph Ralston Hayden. Bise gobernador ng Filipinas noong 1933-35, na sa
kabila ng paggamit ng Ingles sa pagtuturo hanggang sa kasalukuyan, at dumadami na ang mga
Filipinong nakapagsasalita ng Ingles ang wikang katutubo pa rin ang ginagamit ng karaniwang
Filipino kapag hindi kailangangg mag-Ingles.

7. 7. Bakit Tagalog ang nahirang na batayan ng Wikang Pambansa ng Filipinas?


Dahil ito ang rekomendado agad kahit ng Committee on Official Language ng Kumbensiyong
Konstitusyonal. Tiyak ding ibinatay ito sa mungkahi ng mga ekspertong gaya ni Najeeb Miltry
Saleeby. Pinagtibay ng National Assembly noong Nobyembre 1936 ang Commonwealth Act No
184 na lumikha sa National Language Institute (na naging Institute of National Language o
Surian ng Wikang Pambansa ang pangalan noong 1938)

at ito ang pumili sa Tagalog na maging batayan ng wikang pambansa, gaya ng ipinroklama ni
Pangulong ManuelL. Quezon noong ika-30 ng Disyembre 1937. Ang mga sumusunod ang
isinaalang-alang sa pagpili ng Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa: Ginagamit ng
mayorya ng mamamayang Pilipino, lalo na sa Maynila na sentro ng kalakalan, industriya, at
pulitika.

OGinagamit sa pagsulat ng pinakadakilang panitikang Filipino. a Wikang may pinakamaunlad na


balangkas at mayamang mekanismo at madaling matutuhan ng mga mamamayang Filipino.

8. 8. Ano ang pinagkaiba ng wika sa dayalekto?


Matatawag na wika (language sa Ingles) ang isang wika kung hindi magkaintindihan ang
dalawang tagapagsalita nito na may magkaibang katutubong wika. Halimbawa, hindi
magkakaintindihan ang tagapagsalita ng llokano kapag kinakausap ang tagapagsalita ng
Sebwano. Samantala, ang dayalekto naman ay ang mga sanga ng wika. Ito ay maaaring
magkaiba sa isa't isa sa ilang katangian. Ngunit nagkakaintindihan ang dalawang tagapagsalita

na may magkaibang dayalekto. Halimbawa, may mga dayalektong Dumaguete-Sebwano,|


Siquijor-Sebwano, at Davao-Sebwano ang wikang Sebwano.

You might also like