You are on page 1of 21

INTRODUKSYON SA

WIKANG PAMBANSA,
OPISYAL AT PANTURO
WIKANG PAMBANSA

Isang wikang magiging daan


ng pagkakaisa at pag-unlad
bilang simbolo ng kaunlaran
ng isang bansa
Kinikilalang pangkalahatang
midyum ng komunikasyon sa
isang bansa. Kadalasan, ito ang
wikang ginagamit sa pang-
araw-araw na pamumuhay ng
lahat ng mamamayan ng isang
bansa.
Ayon sa Saligang
Batas ng Biak-na-Bato
na ang Tagalog ang
magiging opisyal na
Wika ng Pilipinas.
Komite sa Wikang Opisyal

Ito ay itinatag upang maresolba


ang isyu sa pagpili ng wikang
panlahat.
Iminungkahe na dapat wikang
katutubo at hindi dayuhang wika
ang maging wikang pambansa.
8 Pangunahing Wika sa Bansa
Tagalog
Cebuano
Ilokano
Hiligaynon
Bikol
Samar-Leyte o Waray
Pampango o Kapampangan
Pangasinan o Pangalatok
Disyembre 30, 1937
Pinili at iprinoklama ng Pangulong
Quezon ang Tagalog bilang batayan ng
bagong Pambansang Wika.

1940
Ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang
Pambansa sa lahat ng pampubliko
pribadong paaralan sa buong bansa.
Bakit pinili ang Tagalog
bilang Wikang Pambansa?
Ang Tagalog ay malawak na
ginagamit sa mga pag-uusap ng mga
Pilipino at marami din sa bansa ang
nakakaintindi ng wikang ito.
Higit na maraming aklat ang
nakasulat sa Tagalog kaysa sa iba
pang mga katutubong wikang
Awstronesyo.
Ito ang wika ng Maynila- ang
kabiserang pampulitika at pang
ekonomiya sa buong bansa.
Tagalog din ang wikang ginamit
noong rebolusyon at ng mga
katipunero kung saan ang salik na ito
ay mahalagang elemento sa
kasaysayan ng Pilipinas.
Saligang Batas ng 1987
FILIPINO ang ngalan ng
Wikang Pambansa ng
Pilipinas.
Artikulo 14 Seksyon 6 ng Saligang
Batas ng 1987

“Ang wikang pambansa ng Pilipinas


ay Filipino. Samantalang nalilinang,
ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa sa salig sa umiiral na
mga wika sa Pilipinas at iba pang
wika”.
WIKANG OPISYAL
Bago maging opisyal ang isang
Wika, maraming pag-aaral ang
isinagawa upang malaman kung
ano ang pinaka karapat dapat na
wika para sa bansa. Tiniyak ng
gobyerno na tama ang pagpili ng
wika para sa buong kapuluan at
nabigyan daan ito sa pamamagitan
ng pagsaalang-alang ng iba’t ibang
salik.
Paano naging wikang
opisyal ang wikang
pambansa?
Batas Komonwelt blg. 570
• Ang wikang pambansa ay ipinahayag
bilang opisyal na wika simula Hulyo
4, 1946.

Konstitusyon ng 1973 (Artikulo XV,


Sek. 3)
• “Hangga’t walang ibang itinatadhana
ang batas, ang Ingles at Filipino ang
magiging opisyal na wika”.
WIKANG PANTURO
Ang wikang panturo ang opisyal na
wikang ginagamit sa pormal na
edukasyon.
Ito ang wika ng talakayang guro-mag-
aaral na may kinalaman sa mabisang
pagkatuto dahil dito nakalulan ang
kaaalamang matutuhan sa klase.
Sa pangkalahatan ay FILIPINO at
INGLES ang mga opisyal na wika at
wikang panturo sa mga paaralan.
Mother Tongue-Based
Multi-Lingual Education

Sa K to 12 Curriculum, ang


mother tongue o unang wika ng
mga mag-aaral ay naging opisyal
na wikang panturo mula
Kindergarten hanngang Grade 3.
19 na Wikang Panturo
Tagalog Ilokano
Cebuano Sambal
Yakan Waray
Kapampangan Bikol
Ybanag Aklanon
Surigaonon Tausug
Pangasinense Chavacano
Ivatan Kinaray-a
Hiligaynon Maguindanaoan
Proklamasyon blg. 19 (Agosto 1988)
Idineklara ang pagdiriwang ng
Linggo ng Wika mula ika-13
hanggang 19 ng Agosto kada taon.

Proklamasyon blg. 1041 (Enero 1957)


Idineklara naman ni Pangulong Fidel V.
Ramos ang buong buwan ng Agosto
bilang Pambansang Buwan ng Wika.

You might also like