You are on page 1of 3

Pangalan: Mark Vincent Ejurango

Petsa: Oktubre 30, 2021

Kaibahan ng Tagalog, Pilipino at Filipino

Maraming mamamayan sa Pilipinas ang hindi alam kung ano nga ba ang tawag sa
ating wikang pambansa. Kung tatanungin natin ang mga mag-aaral mula
elementarya at hayskul marami ang magsasabi na ito ay tagalog ang iba naman ay
nalilito kung ano nga ba talaga ang tawag sa ating wikang pambansa. ito’y
baguhin mula Pilipino (na batay sa Tagalog) sa pagiging Filipino. Ano nga ba ang
pagkakaiba ng Tagalog, Pilipino at Filipino?

Wikang Tagalog bilang wikang pambansa

Ang wikang Tagalog ang pinagbatayang katutubong wika upang mabuo ang
wikang pambansa. Mula sa kauna-unahang panahon ng ating mga ninuno
hanggang sa panahon ng pamahalaang Commonwealth, naging problema ng
bansa kung ano ang magiging wikang panlahat na makapagbubukod sa buong
kapuluan. Noong 13 Disyembre 1937, sinang-ayunan batay sa Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 na pagtibayin ang Tagalog “bilang batayan ng wikang
pambansa ng Filipinas.” Ngunit magkakabisa lamang ang nasabing kautusan
pagkaraan ng dalawang taon, at ganap masisilayan noong 1940. Ang pagpili ng
isang pambansang wika ay ibinatay sa “pagkaunlad ng estruktura, mekanismo, at
panitikan na pawang tinatanggap at ginagamit ng malaking bilang ng mga
Filipino.” Sa madali’t salita, Tagalog ang napili.
Wikang Pilipino bilang wikang pambansa

Noong 1943 tinukoy na ang magiging wikang pambansa ng Pilipinas ay wikang


Pilipino. Ang wikang Pilipino ay ang Filipino National Language (noong 1943) na
batay sa Tagalog mula noong 1959, nang ipasa ang Department Order No. 7 ng
noo'y Sec. Jose Romero, ng Department of Education. Ito ang itinatawag sa
wikang opisyal, wikang pampagtuturo at asignatura sa Wikang Pambansa mula
1959. nahinto lamang ito nang pagtibayin ang Filipino bilang wikang pambansa.
Filipino naman ang itinatawag sa wikang pambansa sa Konstitusyon ng 1987.
Simula noon ay ginamit itong wika para sa pagtuturo sa paaralan, ngunit nahinto
nang pagtibayin ang wikang Filipino bilang Wikang Pambansa alinsunod sa Article
14 Sec. 6 ng 1987 Konstitusyon.

Wikang Filipino bilang Wikang pambansa

Sa Konstitusyon 1987, muling pinalitan ang terminong wikang Pilipino sa wikang


Filipino. Nakasaad ito sa Artikulo 14 Seksyon 6. Ibig sabihin, ang wikang Filipino ay
komposisyon ng wikang Tagalog, mga wikang katutubo sa Pilipinas, at mga
banyagang wika na nasa sistema na natin. Pasok na rito ang walong hiram na letra
gaya ng c, f, j, ñ, q, v, x, at z. Ang LWP ay naging Komisyon sa Wikang Filipino o
KWF. Sa kasalukuyan, ang punong komisyoner nito ay si Arthur Casanova. Ang
wikang Filipino ay ating kasalukuyang wikang pambansa.

Ang wikang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas


bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang
buhay, ang Filipino ay dumaan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng
panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon ng
iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang saligang sosyal, at para sa mga
paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.

Sangunian:

http://modernongeskriba.blogspot.com/2017/01/tagalog-pilipino-at-filipino-
may.html?m=1

https://kwf.gov.ph/tungkol-sa-kwf/

Citation:

Basilisco,G. (2012). Tagalog, Pilipino at Filipino: May Pagkakaiba ba? Blogger.com.


Retrieved (October 29, 2021) from
(http://modernongeskriba.blogspot.com/2017/01/tagalog-pilipino-at-filipino-
may.html?m=1).

You might also like