You are on page 1of 6

Name: Saragena, Janine G.

Course #: FIL162-B2
I.D Number: 2018-4240 Date: September 3, 2019

Wikang Pambansa

Ang wikang ito ay isang wika (o diyalekto) na natatanging kinakatawan ang


pambansang pakikilanlan ng isang lahi at/o bansa. Ginagamit ang isang wika sa politikal at
legal na diskurso at tinatatalaga ng pamahalaan ng isang bansa. Sa antas ng wika sa Pilipinas,
naisakategorya ang pambansang wika bilang pangatlo, kaakibat ng balbal (una), lalawiganin
(pangalawa), at ng pampanitikan (pangatlo). Gayumpaman, hindi nag iisa ang Filipino, bilang
opisyal na wika ng Pilipinas, ang saligang batas ng 1987 ay nagtakda ng Ingles, bilang isa na
rin sa opisyal na wika, kung pahihintulutan ng batas.

Maaaring tinutukoy sa impormal o itinalaga sa batas bilang pambansang wika ng


bansa ang isa o higit pang mga wika na ginagamit at isinasalita bilang unang wika sa teritoryo
ng isang bansa. Pero iba sa Pilipinas. Hindi nag-iisa ang wikang Filipino, bilang wikang
opisyal o opisyal na wikang pambansa ng Pilipinas. May pangalawa o isa pa! Ang saligang
batas ng 1987 ay nagtakda na ang English o Ingles ay isa ring opisyal na wika ng Pilipinas at
iyo ay pahihintulutan ng batas. Ginagamit ang wikang pambansa bilang wikang panturo rin.
May kani-kaniyang kasaysayan ng wikang pambansa ang mga bansa sa mundo.

Ang wikang Filipino ay ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na


wika ng Pilipinas—ang Ingles ang isa pa—ayon sa Saligang Batas ng 1987. Isa itong wikang
Awstronesyo at ang de facto ("sa katotohanan") na pamantayang bersiyon ng wikang
Tagalog, bagaman de jure ("sa prinsipyo") itong iba rito.

Alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184, itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa
“na mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at
magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika.” Ang pagpili
ng isang pambansang wika ay ibinatay sa “pagkaunlad ng estruktura, mekanismo, at
panitikan na pawang tinatanggap at ginagamit ng malaking bilang ng mga Filipino.” Sa
madali’t salita, Tagalog ang napili. At pinili ang Tagalog sa ilalim ng pamumuno ni Jaime C.
de Veyra (Samar-Leyte), at kinabibilangan ng mga kasaping sina Santiago A. Fonacier
(Ilokano), Filemon Sotto (Sebwano), Casimiro F. Perfecto (Bikol), Felix S. Salas Rodriguez
(Panay), Hadji Butu (Moro), at Cecilio Lopez (Tagalog).

Noong 13 Disyembre 1937, sinang-ayunan batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg.


134 na pagtibayin ang Tagalog “bilang batayan ng wikang pambansa ng Filipinas.” Ngunit
magkakabisa lamang ang nasabing kautusan pagkaraan ng dalawang taon, at ganap
masisilayan noong 1940. Dalawang mahalagang tungkuling naisagawa ng SWP ang
pagbubuo at pagpapalathala ng A TagalogEnglish Vocabulary at Balarila ng Wikang
Pambansa. Pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Batas Komonwelt Blg. 570 noong 7
Hunyo 1940 na kumikilala sa Pambansang Wikang Filipino [Filipino National Language]
bilang isa sa mga opisyal na wika ng Filipinas pagsapit ng 4 Hulyo 1946. Gayunman, noong
1942 ay inihayag ng Komisyong Tagapagpaganap ng Filipinas [Philippine Executive
Commission] ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nagtatakda na ang kapuwa Nihonggo at
Tagalog ang magiging mga opisyal na wika sa buong kapuluan. Nagwakas ang gayong
ordinansa nang lumaya ang Filipinas sa pananakop ng Hapon. At muling ipinalaganap ang
paggamit ng Ingles sa mga transaksiyon sa pamahalaan, akademya, at negosyo. At upang
matupad ang mithing Pambansang Wikang Filipino, sari-saring seminar ang idinaos noong
panahon ng panunungkulan ni Lope K. Santos sa SWP (1941–1946). Halimbawa,
iminungkahi ang paglalaan ng pitak o seksiyon para sa wikang pambansa sa mga pahayagang
pampaaralan nang masanay magsulat ang mga estudyante. Pinasimulan noong
panunungkulan ni Julian Cruz Balmaseda ang Diksiyonaryong Tagalog. Lumikha ng mga
talasalitaan sa mga espesyalisadong larang ang termino ni Cirio H. Panganiban, halimbawa sa
batas, aritmetika, at heometriya. Isinalin sa wikang Filipino ang pambansang awit nang ilang
beses bago naging opisyal noong 1956, at binuo ang Panatang Makabayan noong 1950.
Ipinatupad ang Linggo ng Wika, at inilipat ang petsa ng pagdiriwang mulang Marso tungong
Agosto. Itinampok ang lingguwistikang pag-aaral sa wikang pambansa at mga katutubong
wika sa Filipinas noong panahon ni Cecilio Lopez. Pagsapit sa termino ni Jose Villa
Panganiban ay isinagawa ang mga palihan sa korespondensiya opisyal sa wikang pambansa.
Nailathala ang English-Tagalog Dictionary; at pagkaraan ay tesawro-diksiyonaryo.
Nagpalabas ng kautusan ang kalihim ng Tanggapan ng Edukasyon noong 13 Agosto 1959, na
tawaging “Pilipino” ang “Wikang Pambansa.” Ang “Pilipino” na ibinatay nang malaki sa
Tagalog ay maghuhunos na “Filipino” alinsunod sa atas ng Saligang Batas 1973 “na linangin,
paunlarin, at pagtibayin ang Filipino alinsunod sa umiiral na mga katutubong wika at
diyalekto nang di-alintana ang pagtanggap ng mga salita mula sa mga dayuhang wika.” Sa
panahon ni Ponciano B.P. Pineda, ang SWP ay nagbunsod ng mga pananaliksik na may
kaugnayan sa sosyo-lingguwistika, bukod sa pagpapalakas ng patakarang bilingguwal sa
edukasyon. Naipalathala ang mga panitikan at salin para kapuwa mapalakas ang Pilipino at
iba pang katutubong wika.
Noong 1986, pumapel ang SWP sa paghahanda ng salin ng Saligang Batas ng 1986, at
sa naturang batas din kinilalang ang pambansang wika ng Filipinas ay “Filipino.” Kung
paniniwalaan ang nasabing batas, “habang nililinang ang Filipino ay dapat itong payabungin
at pagyamanin nang nakasalig sa mga katutubong salitang umiiral sa wikang Filipino at iba
pang wika.”

Ano ang maaaring ipakahulugan nito? Na ang “Filipino” ay nangangailangan ng isang


ahensiyang pangwika na magtataguyod sa naturang simulain. Ang “Filipino” ay hindi na ang
“Pambansang Wika” na nakabatay lamang nang malaki sa Tagalog, bagkus idiniin ang
pangangailangang payabungin ito sa tulong ng mga panrehiyong wika sa Filipinas, bukod pa
ang tinatanggap na mga salita sa ibang internasyonal na wika. At upang “mapayabong” ang
pambansang wika ay kinakailangan ang isang institusyong pampananaliksik, na may
mandatong higit sa itinatakda ng “pagsusuri” ng mga wika.

KASAYSAYAN
Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) alinsunod sa Batas Komonwelt Blg.
184 na nilagdaan ng Pangulo ng Komonwelt, si Manuel L. Quezon noong Nobyembre 13,
1936. Ang pangunahing layunin ng Surian ay piliin ang katutubong wika na gagamiting
batayan ng pagpapalaganap at pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas.

Ang batas ay pag-alinsunod sa Konstitusyon ng 1935 na nagtatadhanang “ang


Kongreso ay gagawa ng hakbang upang linangin at palaganapin ang wikang pambansa sa
isang wikang katutubo.”

Noong Enero 13, 1937, hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng SWP. Si Jaime C.
de Veyra ang naging unang direktor. Ang naging unang tahanan ng Surian ay ang isang maliit
na silid sa Department of Public Information. Pagkaraan, nagpalipat-lipat ito: napatira sa Silid
Blg. 326 ng Kongreso, nagkaroon ng silid sa Malacañang, nalipat sa Philippine Columbian, at
noong 1940, napunta sa gusali ng UP Alumni sa Padre Faura. Noong 1942, napunta naman
ito sa Philippine Normal School (naging College at ngayo’y University) bago napalipat sa
“radio room” ng Mataas na Paaralang Mapa noong 1946. Nagbalik ito sa Malacañang noong
1947 bago napunta sa Philippine School at Arts and Trade. Nagkaroon din ito ng opisina sa
isang “Japanese Temple” sa kalye Lipa, Maynila.

Nang itadhana ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 94 at ang Batas ng Pagbabagong


Tatag ng 1947, inilipat ang pangangasiwa ng SWP sa Kagawaran ng Pagtuturo, at ito ay
nanahanan sa gusali ng Edukasyon sa Arroceros. Tumagal ito roon ng 34 na taon. Noong
1984, nang buwagin ang nasabing gusali at nalipat ang noo’y Ministri (ngayo’y Kagawaran)
ng Edukasyon, Kultura at Isports sa Palacio del Gobernador, lumipat ang SWP sa ikatlo at
ikaapat na palapag ng Gusaling LDCI sa kanto ng EDSA at East Avenue, Lungsod Quezon.

Noong Enero taong 1987, batay sa nilagdaang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117
ng Pangulong Corazon C. Aquino, ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika ng
Pilipinas na pagkaraan ay binuwag naman nang buuin ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas
noong 1987. Petsa Agosto 14, 1991 nang likhain sa bisa ng Batas Republika Blg. 7104 ang
Komisyon sa Wikang Filipino. May atas ang Komisyon na magsagawa, mag-ugnay at
magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng
Filipino at ng iba pang mga wika ng Pilipinas.

Ang pagpapabilis ng pagsasakatuparan ng atas ay isinagawa sa pamamagitan ng


pagbabalangkas ng mga patakaran, mga plano at mga programa ng iniuugnay sa iba’t ibang
tanggapang pampamahalaan at maging pribado man (RA 7104, Sek. 14-g).

EBOLUSYON NG WIKANG PAMBANSA


 Disyembre 30, 1937, iprinoklama ng Pangulong Quezon na ang wikang Tagalog ang
magiging batayan ng Wikang Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito
dalawang taon matapos itong mapagtibay.

 Noong 1940, ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang pambansa sa lahat ng pampubliko


at pribadong paaralan sa buong bansa.

 Simula Hunyo 4, 1946, nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagproklama na
ang Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang
wikang opisyal.

 Noong 1959 ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang


Pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawagin
nang Pilipino upnag mailagan na ang mahabang katawagang “Wikang pambansang
Pilipino” o “Wikang Pambansa Batay sa Tagalog”.

 Ngayon, Filipino na ang ngalan ng wikang pambansa, alinsunod sa Konstitusyon ng


1987 na nagtatadhanang "ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino." Ito ay hindi
pinaghalu-halong sangkap mula sa iba't ibang katutubong wika; bagkus, ito'y may
nukleyus, ang Pilipino o Tagalog.

EBOLUSYON NG ALPABETONG FILIPINO

Nang dumating ang mga Kastila noong Dantaon 16, may sarili nang palatitikan ang
ating mga ninuno, ang Alibata o Baybayin, na binubuo ng 14 katinig at 3 patinig.
Pinalitan ito ng mga Kastila ng alpabetong Romano.
Noong 1940, sa kanyang Balarila ng Wlkang Pumbansa, binuo ni Lope K. Santos ang
Abakada, na may 20 titik:

a b k d e g h i I m n ng o p r s t u w y

Noong Oktubre 4,1971, pinagtibay ng Sanggunian ng SWP ang pinayamang alpabeto, na


binubuo ng 31 letra:
a b c ch d e f g h i j k 1 11 m n ñ ng o p q r rr s t u v w x v z

Kaugnay ng pagbago ng Konstitusyon, muling nireporma ng SWP ang alpabetong


Filipino at mga tuntunin ng palabaybayang Filipino. Ito ay bilang pagtugon sa mabilis na
pagbabago, pag-unlad at paglaganap ng wikang pambansa. Matapos ang seryengmga
simposyum at sangguniang pulong na dinaluhan ng mga linggwista, edukador, guro,
manunulat at iskolar ng wika, nabuo ang sumusunodna Alpabetong Filipino, na may 28 letra:

a b c d e f g h i j k I m n ñ ng o p q r s t u v w x y z

Noong 2001, muling nagkaroon ng rebisyon sa alpabetong Filipino upang tugunan


ang patuloy na development at/o istandardisasyon ng sistema ng pagsulat sa
Filipino. Itinaguyod ng rebisyong ito ang leksikal na pagpapayaman ng Filipino sa
pamamagitan ng pagluluwag sa panghihiram ng salita at pagsasalin, karamihan mula sa
Ingles at Kastila, gamit ang walong karagdagang letra ng alpabeto, ang mga letrang c, f, j, ñ,
q, v, x, z. Sa rebisyong ito, sinasabi na pinaluwag ang paggamit ng walong dagdag na
letra. Ipinagagamit ang mga ito sa ispeling ng lahat ng hiram na salita anuman ang barayti
nito kasama ang hindi pormal at hindi teknikal na barayti, o iyong tinatawag na karaniwang
salita.
Gayunpaman, nagkaroon ng maraming negatibong reaksyon at feedback mula sa mga
guro, estudyante, magulang at iba pang tagagamit ng wika sa 2001 rebisyon sa
ispeling. Kaugnay nito, noong Oktubre 9, 2006 ang Kagawaran ng Edukasyon sa kahilingan
ng KWF ay nagpalabas ng isang memorandum na pansamantalang nagpapatigil sa
implementasyon ng “2001 Revisyon ng Alfabeto at patnubay sa Ispeling ng Wikang
Filipino”.
Noong Agosto, 2007, inilabas ng KWF ang borador ng Ortograpiya ng Wikang
Pambansa na binuo ng KWF sa pamamagitan ng serye ng mga konsultasyon sa mga guro,
dalubhasa sa wika, superbisor sa Filipino at sa mga larangang ito sa buong bansa noong 2007
hanggang 2007. ang pinal na bersyon ng patnubay ay ipalalabas ng KWF bago matapos ang
2007.

Narito naman ang layunin ng pagkakaroon ng wikang pambansa:


1. pagpapalaganap ng pagkakaisang pambansa
2. pagkakaroon ng heograpiko
3. pagkakaroon ng pampolitika na pagkakapatiran
4. pati ang pagkakaroon ng isang sumasagisag na pambansang wika ng isang bansa.
Sa katunayan, itinuturing na isa ang bansa nating Pilipinas sa mga bansang may
pinakamaraming wika sa buong mundo. Maliban sa pambansang wikang Filipino, kasama
nang mahigit sa isang daang katutubong wika. Ang mga banyagang wika gaya ngmga Ingles,
Mandarin, Fookien, Cantonese, Koreano, Kastila o Espanyol, at Arabe ay ginagamit din na
wika ng Filipino.
Sa mga katutubong wika sa kapuluang Pilipinas, ang mga sumusunod ay tanyag at malimit
gamitin sa bawat rehiyon ng bansa:
• Filipino (sama-samang umiiral na mga pagbigkas sa Pilipinas)
• Tagalog
• Ilocano
• Panggasinan
• Kapampangan
• Bikolano
• Cebuano
• Hiligaynon o Ilonggo
• Waray-Waray

REPERENSIYA

http://kwf.gov.ph/kasaysayan-at-mandato/

https://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Filipino

https://brainly.ph/question/372917

You might also like