Professional Documents
Culture Documents
Ayon kina Carpio et. al, ang ating bansa ay binubuo ng mahigit pitong libong pulo na
siyang dahilan kung bakit tayo ay itinuturing na multilingual na bansa o maraming wikang
umiiral. Dahilan ito upang maging mahirap ang pakikipag-ugnayan natin sa isa’t isa at makabuo
ng iisang bansa o nasyon. Sa layuning maging isa at magbuklod, sinikap ng ating mga ninuno na
magkaroon ng isang wikang gagamitin natin tungo sa pambansang kaisahan.
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
Ayon kina Carpio et. al, ang ating bansa ay binubuo ng mahigit pitong libong pulo na
siyang dahilan kung bakit tayo ay itinuturing na multilingual na bansa o maraming wikang
umiiral. Dahilan ito upang maging mahirap ang pakikipag-ugnayan natin sa isa’t isa at makabuo
ng iisang bansa o nasyon. Sa layuning maging isa at magbuklod, sinikap ng ating mga ninuno na
magkaroon ng isang wikang gagamitin natin tungo sa pambansang kaisahan.
Ayon kina Bernales et. al, Tagalog ang naging saligan ng Wikang Pambansa
sa dahilang ito’y nahahawig sa maraming wikain sa bansa. Sa madaling salita ay
hindi magiging mahirap ang Tagalog sa mga di-Tagalog dahil kahawig ito ng lahat
ng wika ng Pilipino sa ganitong ayos:
59.6% sa Kapampangan,
48.2% sa Cebuano,
46.6% sa Hiligaynon,
39.5% sa Bikol,
31.3% sa Ilokano at iba pa.
Memorandum Sirkular Blg. 172 (Marso 27, 1968) – pinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap
Rafael Salas at ipinag-utos na ang mga letter heads ng mga tanggapan ng pamahalaan ay
isulat sa Pilipino, kalakip ang kanilang teksto sa Ingles. Ipinag-utos din na ang pormularyo
sa panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay sa Pilipino
gawin
Kautusang Pangministri Blg. 22 (Hulyo 21, 1978) – isinasaad na kailangang ituro ang 6 na
yunit ng Pilipino sa lahat ng kurso sa antas ng tersyarya maliban sa kurikulum ng
edukasyon na ang 12 yunit ng Pilipino ay pananatilihin.
Sa lubusang ikauunawa kung paano naging wikang pambansa ang Filipino at ano ang
pagkakaiba nito sa wikang Tagalog at Pilipino. Basahin natin ang isang artikulo ni Dr. Pamela C.
Constantino.
Wikang Pilipino
Samantala, ang Wikang Pilipino ay ang Filipino
National Language (noong 1943) na batay sa Tagalog mula noong 1959, nang ipasa ang
Department Order No. 7 ng noo’y Sec. Jose Romero, ng Department of Education.
Magkaiba ang Filipino kahit parehong naging Wikang Pambansa ang mga
ito dahil magkaibang konsepto ang mga ito – ang isa’y batay sa iisang wika at
ang isa’y sa maraming wika sa Pilipinas, kasama na ang Ingles at Kastila.
Mahirap na ring gamiting argumento ang sabihing meron naman tayo, bakit
manghihiram pa? kailangang tiyakin kung sino ang tayo roon, ang mga Tagalog
lang ba o ang karamihan ng mga Pilipino?
Dahil nga lingua franca at pangalawang wika, nabubuo ang mga barayti nito
dahil sa interference o paghalo ng mga unang wika ng mga tagapagsalita. Kaya
kung gagamitin ang Filipino ng isang Cebuano, hindi maiiwasan ang ganito:
Nagbasa ako ng libro. (Bumasa ako ng libro). Bago ang 1973, mali ang nabanggit
na pangungusap dahil batayan nga ang Tagalog. Pero ngayon itinuturing ito na
barayting Cebuano ng Filipino.