You are on page 1of 3

(1)

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Ngunit bago iyon, ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay dumaan sa iba't ibang pagbabago. Sa loob ng sampung taon (1940-1950), ang
wikang pambansa ay Tagalog. Nang sumapit ang taong 1951, naging Pilipino ito hanggang sa
taong 1986. Sa bandang huli, mula taong 1987 hanggang sa kasalukuyan, ang wikang pambansa
ay tuluyan nang napalitan ng Filipino. Ano nga ba ang pinagkakaiba ng tatlong wikang
nabanggit?

Ang Tagalog ay wikang sinasalita sa rehiyong Tagalog kasama ang Bulacan, Bataan, Batangas,
Cavite, Rizal, Laguna, Quezon, Mindoro, Marinduque, ilang parte ng Puerto Princesa, Nueva
Ecija, at sa National Capital Region o Metro Manila. Sinimulang tawaging Pilipino ang Tagalog
upang: (1) mapawi ang isip-rehiyonalista, (2) ang bansa nati’y Pilipinas kaya normal lamang na
tawaging Pilipino ang wikang pambansa tulad ng mga pangunahing wika sa daigdig na kung ano
ang bansa ay siya ring pangalan ng wika, at (3) walang ibang katawagang maaaring ilapat sa
wikang Pambansang Pilipinong batay sa Tagalog. Ayon naman sa Kalupunan ng KWF, ang
depinisyon ng Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Filipinas bilang wika ng
komunikasyon, sa pagbigkas at sa pasulat na paraan, ng mga pangkating katutubo sa buong
kapuluan.

Sapagkat isang wikang buhay, mabilis itong pinauunlad ng araw-araw at iba’t ibang uri ng
paggamit sa iba’t ibang pook at sitwasyon at nililinang sa iba’t ibang antas ng saliksik at
talakayang akademiko ngunit sa paraang maugnayin at mapagtampok sa mga lahok na
nagtataglay ng mga malikhaing katangian at kailangang karunungan mula sa mga katutubong
wika ng bansa.
(2)

Bokabularyo Balarila Debelopment Payak Adapsyon Pagkakaisa

Nagbibigay bokabularyo, balirala, debelopment, payak na wika, adapsyon


sa ngayon na panahon, at pagkakaisa ng mga mamamayan ng Pilipinas.

(3)

Thought Paper sa Ebolusyon ng Alpabetong Filipino at sa Pagkakaroon ng Pambansang

Wika ang Piliipnas

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Bagama’t maraming wika Pilipinas, walang
kinikilalang isang pambansang wika noon. Nang sinakop ng mga Espanyol at Amerikano ang
bansa, naging banyaga rin ang umiiral na opisyal na wika rito. Lumaganap noon ang mga wikang
Spanish at English. Paano nga ba nagkaroon ng wikang pambansa ang Pilipinas? Ilang taon ang
lumipas para pinal na “Filipino” ang pambansang wika? Meron bang pagbabago sa alpabeto?
Ano ang orihinal na alpabeto na binabatay ng Wikang Pambansa noon na Tagalog? Anong klase
ng ebolusyon ang nangyari sa alpabetong Filipino?
Sa aking paghahanap ng mga sagot ng mga tanong, nalaman kong: sa panahon ni dating
Pangulong Manuel L. Quezon, kilala rin bilang “Ama ng Wikang Pambansa,” na marapat
magkroon ng isang pambansang wika ang Pilipinas at dapat na ito ay mauunawaan ng lahat.
Kaugnay rito, naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) noong 1937. Ang SWP ay
inatasang pag-aralan ang mga katutubong wika sa bansa sa layuning makalikha ng isang
pambansang wika. Matapos ang mga pagsusuri, napili ang “Tagalog” dahil ito ang wikang
ginagamit ng napakaraming bilang ng mga mamamayan. Tinawag munang “Pilipino” ang
pambansang wika bago ito ganap na maging “Filipino” sa bisa ng Saligang Batas ng 1986.
Nalikha rin ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) na pumalit sa SWP. Agad ding
napalitan ang LWP nang pagtibayin ang Saligang Batas ng 1987 n nag-aatas na magtatag ng
isang komisyon ng wikang pambansa. Dahil dito, naitatag noong 14 Agosto 1991 ng Komisyon
sa Wikang Filipino (KWF). Nalaman ko ring maraming pagbabago ang ginawa sa alpabeto. Ang
Lumang Alpabeto: ABAKADA Ang Abakada ay naglalaman ng 20 titik. Ito ay ang isinakatutubong
Alpabetong Latino ng mga wika ng Pilipinas. Ito rin ang orihinal na alpabeto ng Wikang
Pambansa Batay sa Tagalog o Wikang Pambansa. Ang karamihan ng mga wika ng Pilipinas ay
sinusulat na gamit ang talapantigan ng Baybayin bago pa man dumating ang mga Espanyol. Ang
mga Espanyol ay ipinakilala ang Latin na Panitik sa Pilipinas. Noong 1914, sa kanyang Balarila ng
Wlkang Pumbansa, binuo ni Lope K. Santos ang Abakada na may 20 titik (a b k d e g h i l m n ng
o p r s t u w y). Noong Oktubre 4, 1971 ay pinagtibay ng Sanggunian ng SWP ang pinayamang
alpabeto na binubuo ng 31 letra (a b c ch d e f g h i j k l ll m n ñ ng o p q r rr s t u v w x y z).
Kaugnay ng pagbago ng Konstitusyon, muling nireporma ng SWP ang alpabetong Filipino at
mgatuntunin ng palabaybayang Filipino. Ito ay bilang pagtugon sa mabilis na pagbabago, pag-
unlad at paglaganap ng wikang pambansa. Matapos ang seryeng mga simposyum
at sangguniang pulong na dinaluhan ng mga linggwista, edukador, guro, manunulat at iskolar ng
wika, nabuo ang sumusunod na Alpabetong Filipino na may 28 letra (a b c d e f g h i j k l m n ñ
ng o p q r s t u v w x y z).

Mahabang taon ng pananaliksik para magkaroon ng pinal na Alpabetong Flipino, at


Wikang Pambansa. Ngunit sulit ito kung iisipin dahil nagdulot ito ng debelopment at adapsyon
sa kasalukuyan na panahon. Ito rin ay nakatulong upang magkaroon ng payak na bokabularyo at
balarila ang ating wika na magiging tulay sa pagkakaisa ng bawat mamamayang Pilipino gamit
ang sariling wika.

You might also like