You are on page 1of 54

PAG KAKAIBA NG

TAGALOG, PILIPINO AT
FILIPINO
ULAT NINA
GINOONG:
ERWIN JOSEPH ARCEOKENNETH JULIO
JOHN CARLO RAPSINGHARRY OGAYON
EBOLUSYON Disyembre 30,
- iprinoklama ang wikang
1937
NG WIKANG Tagalog ang magiging batayan
ng Wikang Pambansa.
PAMBANSA Magkakabisa ang
proklamasyong ito dalawang
taon matapos itong
mapagtibay.
194
-ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang

0
Pambansa sa ikaapat na taon sa lahat ng
pampubliko at pribadong paaralan at sa mga
pribadong institusyong pasanayang pangguro
sa buong bansa.
Hunyo 4,
- nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na
1946
pinagtibay ng Pambansang Asambleya noong
Hunyo 7, 1940 na nagproklama na ang Wikang
Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang
Pilipino ay isa nang wikang opisyal
195
- ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng

9
Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay
tatawaging Pilipino upang mailagan na ang
mahabang katawagang "Wikang Pambansang
Pilipino" o "Wikang Pambansa Batay sa Tagalog".
198
- Filipino na ang ngalan ng wikang pambansa,

7
alinsunod sa Konstitusyon na nagtatadhanang "ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino." Ito ay
hindi pinaghalo-halong sangkap mula sa iba't
ibang katutubong wika; bagkus, ito'y may nucleus,
ang Pilipino o Tagalog.
EBOLUSYON NG
ALPABETONG PILIPINO
Nang dumating ang mga Kastila, may sarili nang
palatitikan ang ating mga ninuno, ang Alibata o
Baybayin, na binubuo ng 14 katinig at 3 patinig.
Pinalitan ito ng mga Kastila ng alpabetong Romano.
1940
-binuo ni Lope K. Santos ang Abakada, na may 20 titik: a, b,
k, d, e, g, h, i, l m, n, ng, o, p, r, s, t, u, w, y.

Oktubre
- pinagtibay ng Sanggunian ng SWP ang pinayamang
4,1971
alpabeto, na binubuo ng 31 letra: a, b, c, ch, d, e, f, g, h, i, j, k,
l, ll, m, n, n, ng, o, p, q, r, rr, s, t, u V, W, x, y, z
Matapos ang Repormang Ortograpiko, nabuo ang sumusunod na
Alpabetong Filipino, na may 28 letra: a, b, c, d, e, f, g, h, i, j, k, l,
m, n, ñ, ng, o, p, q, r, s, t, u, v, w,x y, z.

2001
- muling nagkaroon ng rebisyon sa alpabetong Filipino.
Itinaguyod nito ang leksikal na pagpapayaman ng Filipino sa
pamamagitan ng pagluluwag sa panghihiram ng salita at
pagsasalin, karamihan mula sa Ingles at Kastila, gamit ang walong
karagdagang letra ng alpabeto, ang mga letrang c, f, j, ň, q, vx, z.
Oktubre 9, 2006
sa kahilingan ng KWF, ang DepEd ay nagpalabas ng
isang memorandum na pansamantalang nagpapatigil sa
implementasyon ng "2001 Revisyon ng Alfabeto at
Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino".
Agosto
2007
-inilabas ng KWF ang borador ng Ortograpiya ng
Wikang Pambansa.

Mayo 20, 2008


- inilabas ng KWF ang Gabay sa Ortograpiya ng
Wikang Pambansa.
ANG ABAKADANG
Bago dumating ang mga Español, ang karamihan ng mga
TAGALOG
wika ng Pilipinas ay sinusulat na gamit ang talapantigan ng
Baybayin. Ang mga Español ay ipinakilala ang Latin na
Panitik sa Pilipinas. Noong unang kalahating bahagi ng ika-
20 na siglo, ang mga Pilipinong wika ay sinusulat na gamit
ang Palabaybayang Kastila (Ortograpiyang Español). Si Dr.
Jose Rizal ang unang nagmungkahi sa pag-indihenisado ng
pagsulat sa Pilipinas.
Noong ipinakilala ang Wikang Pambansa
Batay sa Tagalog, ang mambabalarilang si
Lope K. Santos ay gumawa ng bagong
alpabeto na binubuo ng 20 na titik.
Kabilang ang limang patinig at labing-
limang katinig.
Lope K.
Hindi isinama sa dalawampung letra ang
labing-isang banyagang letra na
kinabibilangan ng C, CH, F, J, LL, N, Q,
RR, V, X., Z Sapagkat ang mga ito ay
ginagamit lamang sa pangngalang
pantangi. Sa halip ay tinumbasan ng mga
letra ng ABAKADA
Halimbawa:
(C) K-calesa kalesa
C-cocinera-kusinera
(CH) Ts-cheque-tseke S-chinelas tsinelas
(F) P-fiesta piyesta H-jota hota
(LL) Ly-billar-bilyar Y- caballo-kabayo Ny-paño-paño
(Q) K-queso-keso
(RR) R-barricada-barikada
(V) B-ventana-bintana
(X)KS-experimento-eksperimento
KS-experimento-eksperimento S-texto teksto H-raxa-raha
(Z) S-zapatos-sapatos
Dumating ang ikalawang yugto ng repormang pangwika
noong panahon ng Amerikano. Ngunit inumpisahan ito
ni Rizal habang nagsasalin mulang Aleman tungong
Tagalog at lalo na sa kaniyang Estudios Sobre de Lengua
Tagala. Si Rizal halimbawa ang nagpanukala sa paggamit
ng letrang K para sa tunog /k/ at ng letrang W para sa
tunog na /w/ bilang pagkinis sa pagbaybay na
pinalaganap ng mga misyonero. Sinundan nina Bonifacio
at Jacinto ang panukala ni Rizal.
Sa panahon ng Amerikano, ang nabanggit na mungkahi ni Rizal ay
naging hudyat tungo sa simplipikasyon ng pagbaybay katulad ng
pinalaganap na abakada sa Balarila (1940) ni Lope K. Santos.
Tinanggap ng abakada ang limang patinig, gaya ng panukala ni Rizal,
at ang 15 katinig sang-ayon sa mga tunog sa wikang Tagalog. Sa
paglilinis ng N baybay, naalis ang letrang C, Q na ginagamit na noon
kahit sa pagbaybay ng mga salitang katutubo (cauit, quinita, cañao).
Natupad ang panukala ni Rizal na ipasok ang K at W. Kinilala naman
ang identidad ng NG, na isinulat bilang G na may kilay sa mga
dokumento noong panahon ng Español, isang gawaing hindi
pinakialamang baguhin ni Rizal.
Sa panahong ito tahasang itinadhana ng batas ang
paggamit ng isang wikang pambansa. Sang-ayon sa
Artikulo IV, seksiyon 3 ng Konstitusyon 1935, alinsunod
sa kompromisong panukala ni Delgado Wenceslao
Vinzons na:
"Congress shall take steps toward the development and
adoption of a common national language based on one of
the existing native languages. Until otherwise provided by
law, English and Spanish shall continue as official
languages."
Alinsunod sa mga hakbang na ito ang paglikha ng
balarila at ng Tagalog-English Vocabulary bilang mga
opisyal na lathala ng Surian. Unti-unting ipinaturo ang
Wikang Pambansa, una bilang kurso sa kolehiyo at
pagkaraa'y bilang mga sabjek sa mababa at mataas na
paaralan, habang nililinang ang gamit sa iba't ibang
larangan.
Pinagtibay ng National Assembly noong Nobyembre
1936 ang Commonwelt Act No. 184 na lumilikha sa
National Language Institute (na naging Institute of
National Language o Surian ng Wikang Pambansa ang
pangalan noong 1938) at makalipas ang isang taong
pagsasaliksik at pag-aaral ay inirekomenda ng Surian
ang Tagalog upang maging batayan ng wikang
pambansa.
Ang wikang Tagalog ay ang wikang sinasalita sa rehiyong
Tagalog kasama ang Bulacan, Bataan, Batangas, Cavite, Rizal,
Laguna, Quezon, Mindoro, Marinduque, ilang parte ng Puerto
Princesa, Nueva Ecija, at sa National Capital region o Metro
Manila (Constantino, 2006). Opisyal na kinilala ni dating
Pangulong Manuel L. Quezon ang Tagalog bilang batayan ng
Wikang Pambansa noong 30 Disyembre 1937 sa bisa ng
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 at sinimulan itong ituro
sa lahat ng paaralan sa buong kapuluan simula noong 1940.
PAGKAKAIBA NG
TAGALOG SA
"Sinimulang tawaging Pilipino ang Tagalog noong 13
PILIPINO
Agosto 1959, sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
na nilagdaan ni Jose Romero na dating Kalihim ng
Kagawaran ng Edukasyon. Ayon kay Panganiban (1970),
ang pagpapalit-tawag sa Tagalog tungong Pilipino noong
1959 ay:
(1) upang mapawi ang pag-isip rehiyonalista

(2) ang bansa nati'y Pilipinas kaya normal lamang na


tawaging Pilipino ang wikang Pambansa tulad ng mga
pangunahing wika sa daigdig na kung ano ang bansa
ay siya ring pangalan ng wika, at

(3) walang ibang katawagang maaaring ilapat sa


wikang Pambansang Pilipino na batay sa Tagalog.
Tulad ng alinmang buhay na wika, ang Pilipino ay patuloy
sa pagbabago lalo na ang bokabularyo nito dahil sa
impluwensiya ng Kastila at Ingles at ng iba pang mga wika
sa Pilipinas. Ang mga pagbabagong ito ang lumilikha ng
mga pagkakaiba ng Pilipino at Tagalog at ng mga
pagkakatulad ng Pilipino at ng mga wikang di-Tagalog
Kaya habang patuloy na lumaganap ang Pilipino, patuloy
itong nanghiram ng mga salita sa mga wikang di - Tagalog
at ito ang naging sanhi ng pagkakaiba ng Tagalog sa
Pilipino.
Ang tagumpay ng Pilipino bilang opisyal na wikang
pambansa ng Pilipinas ay nakasalalay sa dalawang
mahalagang bagay, ang una ay may kinalaman sa
pagtanggap ng mamamayan sa Pilipino bilang wikang
pambansa nila; ang ibig sabihin nito ay ang pag-alis sa
paniniwalang ito ay nananatili pang isang wika ng rehiyon
o ito ang wikang Tagalog Sinaklaw naman ng ikalawa ang
pagpapatatag ng wikang Pilipino sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng estandardisasyon.
Ang tagumpay ng Wikang Pilipino bilang wikang Pambansa
ay dahil sa sumusunod na mungkahing isinagawa ng Surian:

1. Lahat ng pasiya o rekomendasyon tungkol sa gamit at anyo


ng wikang Pilipino ay ibinatay sa isang masusing pagsisiyasat
kung paano talagang sinasalita ang Pilipino ng mga
katutubong nagsasalita nito.
2. Naihanda sa lalong madaling panahon ang isang
siyentipiko at makabagong balarila at diksyonaryo ng
Pilipino na batay sa gamit ng wikang ito sa iba't ibang pook
ang wikang nangibabaw.

3. Isinagawa agad ang isang palatuntunan sa pagpaplano at


estandardisasyon ng wika na gagamitin ng pinakabagong
siyentipikong kaalaman, paraan, at pamamaraan.
4. Ang surian ng wikang pambansa ay nagsagawa
ng mga pananaliksik, naghanda at naglathala ng
mga siyentipikong pag-aaral tungkol sa
pinagmulan, pagkaunlad, pagkakaugnay at
kayarian ng Pilipino at ng iba pang mga wika sa
Pilipinas. Isinagawa rin ang (a) paghanda ng isang
balarila at isang diksyonaryo ng Pilipinas at (b)
pagbalangkas ng isang palatuntunan sa pagpaplano
at estandardisasyon ng wika.
5. Ang teksto ng alinmang kasulatan ng
pamahalaan ay naging batayan, lalo na ang
bagong Saligang-batas, ay naisulat sa Pilipino.

6. Tanging Pilipino lamang ang ginawang


wikang opisyal ng Pilipinas.
PILIPINO BILANG WIKANG
"Isinagawa ang unang pormal na pagtuturo sa Pilipino sa
PANTURO
Unibersidad ng Pilipinasnoong 1968-1969 nang sinimulang
gamitin ito bilang wikang panturo ng ilang propesor sa
Kolehiyo ng Sining at Agham ng unibersidad. Ang interes na
nilikha at pagtangkilik na tinanggap ng eksperimentong ito sa
mga propesor at mag-aaral ay nagbunga ng pagpapatibay
noong 1969 sa patakaran na lantarang nagpahintulot na gamitin
ang Pilipino bilang wikang panturo sa Unibersidad ng
Pilipinas.
Ginamit ang Pilipino bilang wikang panturo sa lahat ng mga
departamento ng Kolehiyo ng Sining at agham ng Unibersidad ng
Pilipinas at gayundin sa ibang sangay na akademiko ng
unibersidad. Ginanyak ang lahat ng mga mag-aaral na gamitin
ang Pilipino sa komunikasyon sa loob ng klase, pagsagot sa
pagsusulit, at sa sulating pananaliksik. Naging pinakalayunin ng
unibersidad ang pagbuo, paglinang, at pagpapaunlad sa mga mag-
aaral ng kakayahan sa pagsulat, pagsasalita, at pag-iisip sa
Pilipino nang mabisa.
Naging batayan nang madalian at walang
atubiling pagpapatibay ng isang bagong
pambansa o kontitusyonal na patakaran sa
edukasyon na may mga probisyong nakasaad
ang malawakang paggamit ng UP sa Pilipino
bilang wikang panturo sa halos lahat ng mga
kolehiyo at departamento nito. Ang mga
probisyong ito ay:
1. Ang Pilipino ay ginawang pangunahing
wikang panturo sa anumang kurso o
asignatura sa lahat ng paaralan sa Pilipinas
pati na ang mga kolehiyo at unibersidad.
2. Ang pangunahing layunin ng pangkalahatang
edukasyon sa Pilipinas ay ang pagbubuo,
paglilinang at pagpapaunlad sa mga mag-aaral
ng kakayahan sa pagsulat, pagsasalita, at pag-
iisip sa Pilipino na magpapaunlad at
magpapayaman sa kanilang kakayahan at
kaalaman sa wikang Pilipino.
3. Lahat ng mga paaralan sa Pilipinas
ay nagpakuha sa lahat ng mga mag-
aaral ng mga kurso sa Pilipino na
nagpaunlad at nagpayaman sa kanilang
kakayahan at kaalaman sa wikang ito.
Saligang Batas ng Biak na Bato,
ang wikang opisyal ng katipunan ay
Tagalog na naging midyum sa mga
"paghatid-sulat" at dokumento ng
kilusan.
Saligang Batas ng 1935, Artikulo XIII, Seksiyon
3 ang "Pambansang Asemblea" ay dapat
gumawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang komong
wika na batay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika. Hanggat hindi ipinag-utos ng
batas, mananatili ang Ingles at Kastila bilang
mga opisyal na wika.
Unang nasaksihan sa Saligang Batas blg.
1973 ang konsepto ng isang wikang
WIKANG panlahat na Filipino gaya ng nasasaad sa
Artikulo XV, Seksiyon 3, talata 2 ng
FILIPINO nabanggit na Saligang Batas. "Ang
Pambansang Asamblea ay y dapat gumawa
ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pormal na adapsiyon ng panlahat na
wikang pambansang tatawaging Filipino."
Isang Wikang multi-based na maituturing na
panlahat na wikang pambansa na nakabatay sa
maraming wika ang kailangan sa isang
multilingguwal na bansang katulad ng Pilipinas
at ito mismo ang siyang binibigyang-
dingSaligang Batas ng 19 partikular na sa
Artikulo XIV, seksiyon 6 at 9 na sumusunod
"SEK.
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang ito
6 Anpungin af pagyamanin pa salig sa umiiral na mga
ay dapat
wika ng Pilipinas sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga
tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat ne maaaring ipasya
ng kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahala
upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino
bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng
pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon nalilinang.
"SEK.
7 mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga
Ukol sa
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang
ibang itinatadhana ang batas Ingles. Ang mga wikang
panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon
at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat
itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.
"SEK.
Ang 8
Konstitusyorig ito ay dapat ipahayag sa
Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang "panrehiyon", Arabic, at
Kastila.
"SEK.
Dapat 9magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng
wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't
ibang mga "rehiyon" at mga disiplina na magsasagawa,
mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa
Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili."
Itinuturing ang wika na isang mabisang bigkis sa pagkakaisa at
pagkakaunawaan. Ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa
sa gayon ay nagmimithing mabilis magkaunawaan at sibulan ng
damdamin ng pagkakaisa ang mga mamamayan na may iba-
ibang wikang katutubo. Katulong ito ng pambansang watawat,
pambansang awit, at iba pang pambansang sagisag sa pagtatag
ng isang pambansang pamahalaan ayon kay Almario (2014). Ito
ang dakilang lunggati ng kapasiyahan Blg 13-39 ng kapulungan
ng Komisyon sa Wikang Filipino nang bigyan nito ng
sumusunod na depinisyon ng Filipino.
Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong
Pilipinas bilang wika ng komunikasyonsa pagbigkas at sa pasulat na
paraan ng mga pangkating katutubo sa buong kapuluan. Sapagkat
isang wika buhay, mabilis itong pinauunlad ng araw-araw at iba't
ibang uri ng paggamit sa iba't ibang pook at sitwasyon at nililinang
sa iba't ibang antas ng saliksik at talakayang akademiko ngunit sa
paraang maugnayin at mapagtampok sa mga lahok na nagtataglay ng
mga malikhaing katangian at kailangang karunungan mula sa mga
katutubong wika ng bansa.
Maliwanag na dalawa ang opisyal na wika dito sa Pilipinas,
Ingles at Filipino.

Ang Pilipinas ay mayroong 175 na iba't ibang diyalekto. Ang


Tagalog ang unang lengguwahe ng isang katlo ng mga
mamayang Pilipino, humigit kumulang ay 30 milyon. Ang
Tagalog ay siyang pangalawang lengguwahe naman ng halos
kalahati ng popula 45 milyon.
Ang Filipino ay isang pamantayang bersiyon ng Tagalog. Ito ay
pinayabong pa at pinagyaman pa ng ibang mga diyalekto, na
hindi sumusunod sa mga katangiang gramatikal ng Tagalog.

Si dating Pangulong Manuel L. Quezon ang nagdeklara, noong


1937, na magkaroon ng pambansang wika at ito ay ang
Tagalog. Ang pambansang wika ay tinaguriang Pilipino noong
1959 upang maihiwalay ito sa mga Tagalog. Dumating ang
panahon na nagkaroon ng pormal na pagbagay na lengguwahe -
Filipino sa halip na Pilipino.
Si Quezon ay ipinanganak noong Agosto 19,
1878. Simula pa noong 1955 ay ipinagdiriwang
natin ang Linggo ng Wika tuwing Agosto 13-19,
upang parangalan din si Quezon bilang "Ama ng
Wikang Filipino." Subalit ito ay naging Buwan ng
Wika nang iproklama ito ni dating Pangulong
Fidel Ramos noong 1997.
Bakit tinawag na wikang Filipino ang wikang Pilipino?
Malalim ang naging batik ng akusasyong purismo noong dekada 60 laban
sa Wikang Pambansa na tinawag na Pilipino. Ang pangalan mismo ay
patunay na Tagalog pa rin ito. Bakit? Dahil ang Pilipino ay nakabatay sa
naging bigkas at baybay sa Pilipinas alinsunod sa abakadang Tagalog na
may 20 titik. Walang titik F ang abakada dahil walang tunog na F sa
Tagalog. Kaya ang lahat ng salitang hiniram na Espanyol na may tunog na
F ay tinapatan ng tunog at titik P. Ang forma ay naging "porma," ang fino
ay naging "pino," ang farol ay "parol." At kaya ang orihinal na pangalan ng
ating bansa na Pilipinas ay naging "Pilipinas." At kaya ang Pilipino ay
maituturing na anak ng naganap na transpormasyong "Pilipinas" sa
Tagalog.
Ang pagtawag na "Filipino" sa Wikang Pambansa
ng 1987 Konstitusyon ay may mahihiwatigang
bagong mithiin. Una, nais nitong ihiwalay ang
Wikang Pambansa sa batik na Tagalog ng
"Pilipino." Ikalawa, nais nitong ipanukala ang
saloobin na totoong payamanin at linangin ang
Filipino bilang isang Wikang Pambansa sa
pamamagitan ng mga katutubong wika ng bansa.
Ang saloobing ito ay nakapahiwatig na sa 1935
Konstitusyon ngunit hindi dibdibang tinupad ng SWP sa
pagbuo ng wikang Pilipino. Kaya kapag pinag- aralan
kahit ang bokubularyo ng wikang Pilipino batay sa
diksiyonaryong Pilipino noong 1972 ni J.V. Panganiban,
higit lamang umunlad ang Wikang Pambansa sa
pamamagitan ng patuloy na paghiram sa Español at
paghiram sa Ingles. Mabibilang sa daliri ang mga salita
mula sa ibang katutubong wika.
Noong Agosto 5, 2013, sa pamamagitan ng
Kapasiyahan Blg. 13-39 ay nagkasundo ang
Kapulungan ng KWF sa sumusunod na
depinisyon ng Filipino:
Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong
Pilipinas bilang wika ng komunikasyon, sa pagbigkas at sa
pasulat na paraan, ng mga pangkating katutubo sa buong
kapuluan. Sapagkat isang wikang buhay, mabilis itong
pinauunlad ng araw-araw at iba't ibang uri ng paggamit sa
iba't ibang pook at sitwasyon at nililinang sa iba't ibang antas
ng saliksik at talakayang akademiko ngunit sa paraang
maugnayin at mapagtampok sa mga lahok na nagtataglay ng
mga malikhaing katangian at kailangang karunungan mula sa
mga katutubong wika ng bansa.

You might also like