You are on page 1of 4

WIKANG PAMBANSA

 Ito ay tumutukoy sa wika na natatanging kumakatawan o nagsisilbing sagisag ng


pambansang pagkakakilanlan ng lahi at bansa.

Depinisyon ng Wikang Pambansa ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino ay maaaring


hatiin sa apat:

• Ang Filipino ay pambansang Linggwa ng Pilipinas

• Ang Filipino ay Wikang Pambansa ng Pilipinas

• Ang Filipino ay Opisyal na Wika sa Komunikasyon

• Ang Filipino ay Opisyal na Wikang Panturo at Pagkatao

Bakit May Wikang Pambansa?


 Kinakailangan na ang isang bansa ay magkaroon ng wikang pambansa, upang sa
ganoon ay mas lubos tayong magkaunawaan, sapagkat dahil sa wika ay
nagkakaintindihan tayong lahat.
 Naipapahayag natin kung ano ang ating mga saloobin at nais na iparating sa ibang
tao o sa ating kapwa.

Bakit mahalagang magkaroon tayo ng Wikang Pambansa?

Ayon kay Dr. Isidro Dyan,


- “Malaking kahihiyan para sa bansa kapag mayroong ginagamit na wikang dayuhan
subalit 'di nag-aangkin ng sariling wikang pambansa. Kailangang magkaroon ng wikang
pambansa upang malinang ang pambansang paggalang at pagkilala sa sarili.”

KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA

TAONG 1897
- gawing opisyal na wika ng rebolusyon ang Wikang Tagalog

TAONG 1931
- gamitin na ang mga bernakular na wika upang gawing midyum sa pagtuturo

TAONG 1937
- Tagalog ang gawing saligan ng Wikang Pambansa

MGA DAHILAN KUNG BAKIT GINAWANG SALIGAN NG WIKANG


PAMBANSA ANG TAGALOG

1. Tagalog ang naging saligan ng Wikang Pambansa sa dahilang ito’y nahahawig sa


maraming wikain sa bansa.

2. Ang mga pangunahing wika ay aabot ng siyam hanggang sampung libong salitang
magkakatulad at magkakahawig sa bigkas, baybay at kahulugan.

3. Ang Tagalog ay nagtataglay ng humigit kumulang 5,000 na salitang hiram sa Kastila,


1,500 sa Ingles, 1,500 sa mga Intsik at 3,000 sa mga Malay.

4. Mayaman ang Tagalog dahil sa paglalapi at pagtatambal ay dumarami ang mga salita.

5. Madaling pag-aralan ang Tagalog.

1937 (Nobyembre 9)
Bunga ng ginawang pag-aaral alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184, ang Surian ng
Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na ipinapahayag na ang Tagalog ay
siyang halos nakatugon sa mga hinihingi ng Batas ng KomonweltBlg. 184. Kaya’t
itinagubilin ng Pangulo na pagtibayin iyon bilang saligan ng Wikang Pambansa.

1937 (Disyembre 30)


Alinsunod sa Batas ng Komonwelt Blg. 184, sa pamamagitan ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 ay iprinoklamang/ipinahayag ng Pangulong Manuel Luiz
Quezon ang wikang Tagalog ang magiging batayan ng Wikang Pambansa.

1940 (Abril 1)
Sa bisa ng kautusang tagapagpaganap Blg 263, ipinahihintulot ng Pangulo ng Pilipinas
ang pagpapalimbag ng Tagalog Dictionary at Ang Balarila ng Wikang Pambansa.

1940 (Hunyo 7)
- nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na pinagtibay ng Pambansang Asambleya
noong Hunyo 7, 1940 na nagproklama na ang Wikang Pambansa na tatawaging Wikang
Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal.

1940 (Hunyo 19)


– ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa ikaapat na taon sa lahat ng
pampubliko at pribadong paaralan at sa mga pribadong institusyong pasanayang
pangguro sa buong bansa.

1954 (Marso26)
Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay angProklama Blg. 186 na nagsusog sa
Proklama Blg.12 serye ng 1954, na sa pamamagitan nito’y inililipat ang panahon ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taon-taon simula sa ika-13 hanggang ika-
19 ng Agosto. Nakapaloob din sa panahong saklaw ang Kaarawan ni Quezon (Agosto
19).

1959 (Agosto 13)


Pinalalabas ng Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7, na nagsasaad na kailanma’y tutukuyin ang Wikang Pambansa,
ang salitang PILIPINO ay siyang gagamitin upang mailagan na ang mahabang
katawagang “Wikang Pambansang Pilipino” o “Wikang Pambansa Batay sa Tagalog."

1967 (Oktubre 24)


Naglagda ang Pangulong Marcos ng isang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na
nagtatadhanang ang lahat ng gusali at tanggapan ng pamahalaan ay papangalanan na sa
Pilipino.
1968 (Marso27)
Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandom Sirkular Blg.
172 na nagbibigay diin sa pagpapairal ng Kautusang Tagapagpaganap ng Blg.96 , at
bilang karagdagan ay iniatas din na ang letterhead ng mga kagawaran, tanggapan at mga
sangay ng pamahalaan ay nararapat na nasusulat sa Pilipino, kalakip ang kaukulang
teksto ng Ingles. Iniatas din na ang pormularo ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno
at empleyado ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin.

1968 (Agosto 5)
Pinalabas ang Memorandom Sirkular Blg. 199 na nilagdaan ni Kalihim Tagapagpaganap
Rafael M. Salas na na nanawagan sa mga pinuno at empleyado ng pamahalaan na dumalo
sa mga seminar sa Pilipino na idinaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa lahat ng
purok pangwika.

1968 (Agosto 6)
Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 ay nilagdaan ng Pangulo na nag-aatas sa lahat
ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang
wikang Pilipino hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan nito sa
lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.

1986 (Agosto 12)


Nilagdan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Proklamasyon Blg. 19 na kumikilala sa
Wikang Pambansa na gumawa ng napakahalagang papel sa himagsikang pinagsiklab ng
Kapangyarihang Bayan na nagbunsod sa bagong pamahalaan.

1987 (Pebrero 2)
Pinagtibay ang bagong Konstistusyon ng Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Seksyon 6-9,
nagsasaadng sumusunod.

SEK. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay


dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba
pang mga wika.
1988 (Agosto 25)
Nilagdan ng Pangulong Corazon C. Aquino ang Kautusang Tagpagpaganap Blg. 335 na
nagtagubilin sa lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan, ahensya at kaparaanan ng
pamahalaan na gumawa ng mga kinakailangang hakbang para sa paggamit ng Wikang
Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at korespondensya.

1989 (Setyembre 9)
Pinalabas ng Kalihim Lourdes R. Qusumbing ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang
Kautusang Pangkagawaran Blg. 84 na nag-aatas sa lahat ng opisyal ng DECS na
isinakatuparan ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-uutos na gamitin ang
Filipino sa lahat ng komunikasyon at transaksyon sa pamahalaan.

1990 (Marso 19)


Pinalabas ng Kalihim Isidro Carino ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at
Palakasan ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 na nagtagubilin na gamitin ang
Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas at sa Bayan natin.

1996
Pinalabas ng Commission on Higher Education ang CHED Memorandum Blg. 59 na
nagtatadhana ng siyam (9) na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang
edukasyon at nagbago sa deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng
Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina) at Filipino
3 (Retorika).

1997 (Hulyo)
Nilagdan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklama Blg. 1041 na
nagtatakda na ang buwan ng Agosto taon-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at
nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay o tanggapan ng pamahlaan sa mga paaralan na
magsasagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.

2001
Tungo sa mabilis na instadardisasyon at intelektwalisasyon ng Wikang Filipino,
ipinalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino ang 2001 Revisyon ng Ortograpiyang
Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.

2006
Sa okasyon na pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Filipino, ipinagbigay alam ng
Komisyon sa Wikang Filipino ang pagsususpende sa 2001 Revisyon ng Ortograpiyang
Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino at samantalang nagsasagawa ng mga
pananaliksik, pag-aaral, konsultasyon at hangga't walang nababalangkas na mga bagong
tuntunin sa pagbaybay, magsisilbing tuntunin ang Patnubay sa Ispeling ng Wikang
Filipino ng taong 1987.

WIKANG OPISYAL

Ang opisyal na wika ay isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging


istatus sa saligang batas ng mga bansa, mga estado, at iba pang teritoryo. Ito ang wikang
kadalasang ginagamit sa lehislatibong mga sangay ng bansa, bagama't hinihiling din ng
batas sa maraming bansa na isalin din sa ibang wika ang mga dokumento ng gobyerno.
Ang mga kinikilalang wikang minoritaryo ng pamahalaan ay madalas din mapagkamalan
na wikang opisyal. Subalit, ang isang wikang opisyal na kinikilala ng isang bansa,
tinuturo sa mga paaralan, at ginagamit sa mga opisyal na komunikasyon.

Ayon naman kay Virgilio Almario (2014) ang wikang opisyal ay itinadhana ng
batas na wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan

Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Sekyon 7

WIKANG PANTURO

Ang wikang panturo ay wikang ginagamit ng guro at ng mga nasa akademiya


parasa kanilang pagtuturo sa loob ng silid-aralan at paaralan. Kasama rin rito ang wikang
ginagamit sa mga libro, gayundin ang wikang ginagamit sa mga pagsusulit, exams,
instructions para sa mga gawain at pananaliksik.
Ang wikang panturo ay ang mga wikang ginagamit ng mga paaralan bilang
midyum sa pagtuturo. Kadalasan, ito ay itinatalaga ng pamahalaan o nang mismong
paaralan. Sa Pilipinas, ang opisyal na wikang panturo ay Tagalog at Ingles.

You might also like