You are on page 1of 6

Ang makabagong alpabetong Filipino (o mas simpleng kilalá bílang alpabetong Filipino) ay

ang alpabeto ng wikang Filipino, ang pambansang wikà ng Pilipinas at isá sa mga opisyál na wikà ng bansâ kasáma
ang Inglés. Ang modernong alpabetong Filipino ay binubuó ng 28 títik kabílang ang 26 títik ng payák ng alpabetong
Latíno ng ISO, ang Ññ ng wikang Kastilà at ang NGng wikang Tagálog. Itó ay isang wikang Awstronesyo. Sa
ngayón, ang makabágong alpabetong Filipino ay maaaring gamítin bílang alpabeto ng mga katutúbong wikà sa
Pilipinas kasama na ang wikang Tsabakano, isang kreyol gáling sa wikang Kastilà.

Noóng taong 2014, ang Komisyon sa Wikang Filipino ay naglabás ng bágong patnubay para sa ortograpíya na
sasagot sa mga dáting suliranin ukol sa kung papaano ikakatawán ang mga tunóg sa mga pilíng wikà at dayalekto
sa Pilipinas.

Mga nilalaman
Pangunahing lathalain: Palabaybayan ng Filipino

Noong Agosto 2007, ang Komisyon sa Wikang Filipino ay nagpalabas ng dokumento tungkol sa palabaybayan ng
wikang Filipino, na maaring bigyan ng komento.[1] Ito ay hango sa paggamit ng mga titik ng alpabetong Filipino, at
ang mga radikal na rebisyon na isinagwa noong taong 2001.

Noong Mayo 2008, inilabas ang KWF ang pinal na burador ng Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino. Itinakwil
nito ang mga radikal na rebisyon ng 2001 at mas binigyang-halaga ang status quo, bagaman kinokodipika o
ginagawa nang opisyal ang ilang mga aspeto nito.

Ang mga títik ay kumakatawan sa isang tunóg na pasalità. Itó ay binubuo ng mga patínig o bokáblo at mga katínig o
konsonánte. Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 na títik na may katawagán sa túlad sa wikang Inglés,
maliban sa Ññ /enje/.

Katínig[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang ABAKADA o ang lumang alpabeto ng mga unang bahagi ng ika-20 siglo ay may mas kunting katínig. Sa
kalagitnaan ng siglo itó ay nadagdagan at kalayunang nabawasan. Sa paglabas ng Ortograpiyang Pambansa
noong 2014, ang dating 8 titik na hindi pa naidagdag ay sa ngayong pinangalanang opisyal. Ito ay ang mga C, F, J,
Ñ, Q, V, X, Z. Ito ay isang malaking hakbang na idagdag ang mga titik na ito upang gawing modernisado ang
sistemang panulat na ito at upang mapangalagaan ang mga katutubong wikà sa Pilipinas. Ang mga títik na F, J, V,
at Z ay napakaimportante dahil ang mga tunóg na ito ay matatagpuan sa mga wika tulad ng Ifugaw at Ivatan.

Ito ang mga halimbawa ng mga bagong titik:

Patínig[baguhin | baguhin ang batayan]


Bago ang panahon ng pananakop ng mga Kastilà sa Pilipinas, karamihan sa mga wika sa Pilipinas ay tatlong
patínig /a/ /i/, at /u/. Maraming naidagdag nga mga salita ang mga Kastilà at naidagdag ang /e/ at /o/ sa kalayunan.
Bagaman, kahit sa kasalukuyan ang /i/ at /e/ at ang /u/ at /o/ ay naiipagpalit-palit.

Tudlíng[baguhin | baguhin ang batayan]

Mula sa paggawa ng ABAKADA, ipinakilala na ni Lope K. Santos ang mga tudlíng. Ito ay ang mga Palihis (´), Paiwà
(`), at Pakupyâ (^) na nilalagay sa ibabaw ng mga patinig. Ang tuldik na pahilis (´) na sumisimbolo sa diin at/o habà,
ang tuldik na paiwa (`), ay sumisimbolo sa impit na tunog at ang tuldik na pakupya (^) na sumisimbolo sa impit na
tunog at diin.

Noong 2015 ang KWF ay nagpakila sa Patuldók na E, Ëë. Ito ay sumisimbolo sa tunog-schwa na matatagpuan sa
maraming katutubong wika sa Pilipinas. Ang isa sa mga ito ay ang Mëranaw, na dating binabaybay nang Maranao
at Meranao.

Wikang Filipino
Ang wikang Filipino[2] ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas—ang Ingles ang isa
pa—ayon sa Saligang Batas ng 1987. Isa itong wikang Awstronesyo at ang de facto ("sa katotohanan") na
pamantayang bersiyon ng wikang Tagalog, bagaman de jure ("sa prinsipyo") itong iba rito. Noong 2007, ang
wikang Filipino ay ang unang wika ng 28 milyon na tao[3], o mahigit kumulang isangkatlo ng populasyon ng
Pilipinas. 45 milyon naman ang nagsasabing ikalawang wika nila ang wikang Filipino[4]. Ang wikang Filipino ay
isa sa mga 185 na wika ng Pilipinas na nasa Ethnologue[5]. Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang wikang
Filipino ay "ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong
Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga
etnikong grupo."[6] Ang gustong makamit ng wikang Filipino ay ang pagiging pluricentric language, o ang wikang
may iba't ibang bersiyon depende sa lugar na kung saan ito'y ginagamit.[7] May mga "lumilitaw na ibang uri ng
Filipino na hindi sumusunod sa karaniwang balarila ng Tagalog" sa Davao[8] atCebu[9], na bumubuo sa tatlong
pinakamalaking metropolitanong lugar sa Pilipinas kasama ng Kalakhang Maynila.

Mga nilalaman
[itago]

Pagsilang at layunin[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang isang layunin ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa ang pagpapalaganap ng pagkakaisang
pambansa, ang pagkakaroon ng heograpiko at pampolitika na pagkakapatiran, at maging ang pagkakaroon ng
isang sumasagisag na pambansang wika ng isang bansa. Unang sumibol ang diwa ng pagkakaroon ng isang
wikang pambansa sa Pilipinas noong balik-tanawin ni Manuel Quezonnoong 1925 ang isang damdamin ng
pagkabigo ng pambansang bayaning si Jose Rizal, nang hindi nito magawa ng hulíng makipag-ugnayan sa
isang kababayang babae habang nasa isang barko patungong Europa.[2]

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]


Noong 13 Nobyembre 1936, inilikha ng unang Pambansang Asemblea ang Surian ng Wikang Pambansa, na
pinili ang Tagalog bilang batayan ng isang bagong pambansang wika. Naimpluwensiyahan ang pagpili sa
Tagalog ng mga sumusunod:[10]

1. Sinasalita ang Tagalog ng napakaraming tao at ito ang wikang pinakanauunawaan sa lahat ng mga
rehiyon ng Pilipinas. Papadaliin at pabubutihin nito ang komunikasyon sa mga taumbayan ng kapuluan.
2. Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya.
3. Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinakamayaman at ang pinakamaunlad at malawak (sinasalamin
ang dyalektong Toskano ng Italyano). Higit na mararaming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa iba
pang mga katutubong wikang Awstronesyo.
4. Ito ang wika ng Maynila, ang kabiserang pampolitika at pang-ekonomiya ng Pilipinas.
5. Ito ang wika ng Himagsikan at ng Katipunan—dalawang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng
Pilipinas.
Noong 1959, nakilala ang wikang ito bilang Pilipino upang mahiwalay ang kaugnayan nito sa mga Tagalog.
Nagtakda naman ang Saligang Batas ng 1973 ng panibagong pambansang wikang papalit sa Pilipino, isang
wikang itinawag nitong Filipino. Hindi binanggit sa artikulong tumutukoy, Artikulo XV, Seksiyon 3(2), na
Tagalog/Pilipino ang batayan ng Filipino; nanawagan ito sa halip sa Pambansang Asamblea na mag-“take steps
towards the development and formal adoption of a common national language to be known as Filipino.”
Gayundin, nilaktawan ng Artikulo XIV, Seksiyon 6, ng Saligang Batas ng 1987, na ipinagbisa matapos ng
pagpapatalsik kay Ferdinand Marcos, ang ano mang pagbabanggit ng Tagalog bilang batayan ng Filipino at
mismong ipinagpatuloy na “as [Filipino] evolves, it shall be further developed and enriched on the basis
of existing Philippine and other languages (pagbibigay-diin idinagdag).” Tiniyak pa ng isang resolusyon[11] ng
13 Mayo 1992, na ang Filipino “ang katutubong wika, pasalita at pasulat, saMetro Manila, ang Pambansang
Púnong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng
mga etnikong grupo (pagbibigay diin idinagdag).” Gayumpaman, tulad ng mga Saligang Batas ng 1973 at 1987,
hindi nito ginawang kilalanin ang wikang ito bilang Tagalog at, dahil doon, ang Filipino ay, sa teoriya, maaaring
maging anumang katutubong wikang Awstronesyo, kasama na ang Sugboanon ayon sa paggamit ng mga taga-
Kalakhang Cebu at Davao. Ididineklara ang buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wikang Pambansa
Mga naiibang pananaw at panukala[baguhin | baguhin ang batayan]
Bagaman naitakda na sa Saligang Batas at mga kaugnay na batas ang sariling katangian ng Filipino, may
nananatili pa ring mga alternatibong panukala sa kung ano dapat ang maaging katangian ng wikang Filipino.
Gayumpaman, nararapat itong maibukod sa mga nagdaraing lamang na, sa kasalukuyan, ang Filipino ay de
facto na iisa sa Tagalog at na ang pampublikong paggamit ng Filipino ay sa katotohanan ang paggamit ng
Tagalog. Ngunit may pinagkaiba pa din ang Filipino sa Tagalog. Filipino ang kabuuang tawag sa wika ng
Pilipinas.
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong daigdig. Maliban sa pambansang wika
na Filipino kasama nang mahigit sa isang-daang (100) katutubong wika, sinasalita rin sa bansang ito ang
mga wikang banyaga tulad ng Ingles, Mandarin, Fookien, Cantonese, Koreano, Kastila o Espanyol, at Arabe.

Ang mga katutubong wika sa Pilipinas ay napapaloob sa pamilya ng mga wika na kung tawagin ay mga wikang
Austronesyo (Austronesian Languages). Ang mga ito ay ang pangkat ng mga wika na ginagamit ng mga tao mula
sa Tangway ng Malayo (Malayan Peninsula) hanggang sa mga watak watak na pulo ng teritoryong Polynesia sa
karagatang pasipiko.

Tinatayang ito ang may pinakamalaking pamilya ng mga wika sa buong daigdig. Ngunit mas maraming wika ang
kasapi ng pamilyang ito, maliliit lamang ang bilang na pangkalahatan ng mga taong gumagamit nito.

Sa mga katutubong wika sa kapuluang Pilipinas, ang mga sumusunod ay tanyag at malimit gamitin sa bawat
rehiyon ng bansa;

 Filipino: Ang pangunahing wika sa bansa. Ito ay nakasalig sa pangunguna ng Tagalog kasunod ng iba pang
umiiral na mga pagbigkas sa Pilipinas.
 Tagalog: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Katimugang bahagi ng Luzon. Sinasalita ng 24% ng
kabuuang bilang ng mga Pilipino sa buong kapuluan. Taal na gamit sa mga lalawigan
ng Cavite, Laguna, Bataan, Batangas, Rizal, Quezon (kilala rin sa tawag na CALABARZON). Ginagamit rin ito
sa mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque,Romblon, at Palawan (kilala rin sa tawag na MIMAROPA). Ito rin
ang pangunahing wika ng Pambansang Punong Rehiyon na siyang kabisera ng bansa.
 Ilocano: Kilala rin sa tawag na Iloko. Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Hilagang Luzon. Gamit sa
Rehiyon 1 at 2.
 Panggasinan: Gamit sa lalawigan ng Pangasinan at ilang bahagi ng Hilagang Luzon at Gitnang Luzon.
 Kapampangan: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Gitnang Luzon.
 Bikolano: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Timog-Silangang Luzon.
 Sebwano: Tinatawag ding Bisaya. Pangunahing wika ng Lalawigan ng Cebu, Silangang Negros, Bohol at
malaking bahagi ng Mindanao. Tinatayang sinasalita ng 27% ng kabuuang populasyon ng bansa.
 Hiligaynon: Tinatawag ding Ilonggo. Gamit sa mga lalawigan sa pulo ng Panay at Kanlurang Negros.
 Waray-Waray: Gamit sa Silangang Visayas tulad ng mga lalawigan sa mga pulo ng Samar at Leyte.

Mga nilalaman
[itago]

Pambansang Wika ng Pilipinas[baguhin | baguhin ang batayan]


Ayon sa Konstitusyon ng Pilipinas:

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa
salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng
mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang medium ng
opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang
ibang itinatadhana ang batas, Ingles.

Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na
mga wikang panturo roon.

Dapat itaguyod ng kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.

Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles, at dapat isalin sa mga pangunahing wikang
panrehiyon, Arabic, at Kastila.
Dapat magtatag ng Kongreso ng isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang
mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, maguugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba
pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili.

Ang Panitikan ng Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at namamayaning uri at anyo ng
katutubong panitikan. Subalit nakakasama rin dito ang mga panitikang nilikha at ginawa ng mga Pilipinong nasa
labas ng sariling bansa, sapagkat inakdaan ang mga ito ng mga Pilipino, o ng may-lahing Pilipino sa malawak na
nasasakupan ng paksa. Dahil dito, tinatawag ding Panitikang Pilipino[1]ang Panitikan ng Pilipinas.[2] Sa
kasalukuyan, tinatawag din itong Panitikang Filipino[3], sapagkat kinabibilangan ng mga likhang pampanitikang
nagmula sa at kinabibilangan ng iba’t ibang wika sa Pilipinas.

Mayaman ang Pilipinas sa sari-saring anyo at hubog ng panitikan na naglalarawan sa kalinangan ng mga Pilipino.
Kabilang sa mga ito angkuwentong-bayan, maikling kuwento o maikling
katha, sanaysay, tula, dula, nobela, drama, balagtasan, parabula, bugtong, salawikain,kasabihan, pabula, alamat, ta
naga, bulong, awiting-bayan, epiko, pelikula, at mga iskrip na pangradyo, pantelebisyon at pampelikula[3][4][5]

Mga nilalaman

Kahulugan ng Panitikang Pilipino[baguhin | baguhin ang batayan]


Pangunahing lathalain: Panitikan

May iba’t ibang mga manunulat at mga dalubahasang Pilipino ang nagbigay ng kahulugan sa panitikan ayon sa
kanilang pananaw bilang mamamayan ng Pilipinas. Kabilang sa mga ito sina Joey Arrogante, Zeus Salazar, at
Patrocinio V. Villafuerte, bukod pa sa iba.[6]

Noong 1983, para kay Arrogante, isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng
mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan.
Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhain pamamaraan.[6]

Noong 1995, inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa
niyang isa itong kasangkapang makapangyarihan na maaaring magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas upang
makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang karanasang pantaong natatangi sa sangkatauhan.[6]

Mga katangian ng Panitikang Pilipino[baguhin | baguhin ang


batayan]
Isang paglalantad ang panitikan ng mga katotohanang panlipunan at ng mga kathang-isip na guni-guni. Hinahaplos
nito ang mga sensorya ng tao: ang pantanaw, pandinig, pang-amoy, panlasa, at pandama. Noong 2000, binigyang
katangian ito ni Villafuerte bilang isang buhay ngunit payak na salitang dumadaloy sa katawan ng tao. May buhay
ang panitikan sapagkat may sarili itong pintig at dugong mainit na dumadaloy sa mga arteryo at bena ng bawat
nilalang at ng isang buong lipunan. Sa kasong ito, sa mga Pilipino at sa kanilang lipunang ginagalawan.[6]

Kapag binasa ang panitikan, pinagmumulan ito ng madamdaming emosyon sa isang tao o pangkat ng mga tao,
sapagkat sinulat ang mga ito ng kapwa tao.[4]

Sa kasalukuyan, madali at magaang ang pamamaraan ng pagkalat at pagpapamudmod ng panitikan sa Pilipinas.


Dahil ito sa makabagong mga kaunlaran sa larangan ng teknolohiya. Bukod sa mga nasusulat na salita sa mga
aklat, radyo, at telebisyon, kumakalat din ang panitikan sa pamamagitan ng mga kagamitang elektronika, katulad ng
grabador ng tinig at tunog (tape recorder), diskong kompakto (compact disk), plaka, mga tape ng VHS, at
mga kompyuter.[3] Dahil sa internet, naging maginhawa at madali ang pagkuha ng impormasyong pampanitikan. Isa
nang instrumento ito para sa mga mambabasang Pilipinong may pagpapahalaga at pagmamalaki sa kanilang
pinagmulan, kasaysayan, at kalinangan o kultura.[4]
Kahalagahan ng Panitikang Pilipino[baguhin | baguhin ang batayan]
May kaakibat na kahalagan ang panitikan para sa mga Pilipino. Isa itong uri ng mahalagang panlunas na
tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng sari-sariling mga buhay, upang matugunan ang kanilang mga
suliranin, at upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng pagiging makatao. Maaaring mawala o maubos ang mga
kayamanan ng isang tao, at maging ang kanyang pagiging makabayan, subalit hindi ang panitikan. Isang
halimbawa nito ang pangdadayuhan ng ibang mga Pilipino. Bagaman nilisan nila ang kanilang bayang sinilangan,
ang panitikan ang kanilang tulay sa naiwan nilang bansa.[4]

Sa panlipunan, pambansa, at pandaigdigang kaukulan, isa ang panitikan sa pinagbabatayan ng pagkakaroon ng


tagumpay at kabiguan ng isang bansa at ng ugnayan ng mga bansa.[4]

Pag-aaral ng Panitikang Pilipino[baguhin | baguhin ang batayan]


Isang malaki at mahalagang bahagi ng edukasyon sa Pilipinas ang pag-aaral at pagkakaroon ng kurikulum na ukol
sa panitikang Pilipino.[4] Bilang isang kurso sa paaralan, dalubhasaan, o pamantasan, ginagamitan ang pag-aaral ng
Panitikan sa Pilipinas ng makasaysayang pananaw. Sinasaklawan nito ang kasaysayan ng Panitikang Pilipino sa
iba't ibang panahong pinagdaanan ng bansang Pilipinas. Sakop din nito ang mga mga uri at anyo ng Panitikang
Pilipino, paglinang nito, mga manunulat, mga bayani, at mga mithiin ng sangkabansaan.[1]

Pag-uuring pampanitikan[baguhin | baguhin ang batayan]


Mga paraan ng pag-uuri[baguhin | baguhin ang batayan]
May dalawang ng pag-uuri ng panitikan: ang ayon sa paghahalin at ang ayon sa kaanyuan o anyo.[3]

Ayon sa paghahalin[baguhin | baguhin ang batayan]

May tatlong kabahaging uri ang paraan ng pag-uuri ng panitikan ayon sa paghahalin. Ito
ang pasalindila, pasalinsulat, at ang pasalintroniko.[3]

Pasalindila[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pasalindila ay ang paraan ng paglilipat ng panitikan mula sa dila at bibig ng tao. Noong hindi pa marunong
magsulat ang mga ninuno ng mga makabagong Pilipino, binibigkas lamang nila ang mga tula, awit, nobela, epiko, at
iba pa. Kalimitang nagtitipun-tipon ang sinaunang mga Pilipino upang pakinggan ang mga salaysayin, paglalahad o
pamamayag na ito. Paulit-ulit nilang pinakikinggan ang mga ito upang matanim sa kanilang isipan. Sa ganitong
palagiang pakikinig at pagbigkas ng panitikan, nagawa nilang maisalin ang mga ito papunta sa susunod na salinlahi
o henerasyon ng mga Pilipino.[3]

Pasalinsulat[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pasalinsulat, isinatitik, isinulat, inukit, o iginuhit ng mga ninuno ng pangkasalukuyang panahong mga Pilipino
ang kanilang panitikan. Naganap ito noong matutunan nila ang sinaunang abakada o alpabeto, kabilang na ang
mas naunang baybayin at mga katulad nito.

Pasalintroniko[baguhin | baguhin ang batayan]

Isang bagong kaparaanan ng pag-uuri ang pansalintroniko, o pagsasalin ng panitikan sa pamamagitan ng mga
kagamitang elektroniko na dulot ng teknolohiyang elektronika. Ilan sa mga halimbawa nito ang paggamit ng mga
diskong kompakto, plaka, rekorder (tulad ng tape recorder at ng VHS), mga aklat na elektroniko (hindi na binubuklat
dahil hindi na yari sa papel, bagkus ay nasa mga elektronikong anyo na), at ang kompyuter.[3]

Ayon sa anyo[baguhin | baguhin ang batayan]

Ayon sa anyo, ang panitikan ay nahahati sa tatlong uri. Ito ang patula, patuluyan at patanghal.[3]

Patula[baguhin | baguhin ang batayan]

Nasa anyong patula ang panitikan kung saknungan ito at may taludturan. Katangian ng mga taludtod ng mga tula
ang pagkakaroon ng bilang at sukat ng mga pantig at ang pagkakatugma-tugma o pagkakasintunug-tunog ng mga
pantig. Subalit mayroon din namang mga panitikang patulang tinatawag na Malaya sapagkat walang bilang, sukat,
tugmaan, at pagkakasintunugan ng mga pantig ng taludtod. Mayroong apat na uri ang anyong patula: tulang
pasalaysay, tulang paawit o tulang liriko, tulang dula o tulang pantanghalan, at tulang patnigan. May mga uri rin ang
bawat isa sa mga ito:[3]

 Naglalarawan ang tulang pasalaysay ng mga tagpo at pangyayaring mahahalaga sa buhay ng tao.
Mayroon itong tatlong mga uri: ang epiko, ang awit at kurido, at angbalad.

 May anim na uri ang tulang paawit o tulang liriko: awiting-bayan, soneto, elehiya, dalit, pastoral, at oda.

 May limang uri naman ang tulang dula o tulang patanghal: ang komedya, trahedya, parsa, saynete,
at melodrama.

 May tatlong uri rin ang tulang patnigan: ang karagatan, duplo at balagtasan.[3]
Patuluyan[baguhin | baguhin ang batayan]

Tinatawag na patuluyan ang anyo ng panitikan kung kagaya lamang ng sa pang-araw-araw na


paglalahad ang takbo ng pananalitang ginamit ng may-akda. Nahahati sa mga talata o talataan ang
mga bungkos ng pangungusap at hindi pasaknong.[3]

Ilan sa mga uri ng anyong patuluyan ang maikling kuwento, sanaysay, nobela o kathangbuhay,
at kuwentong bayan. Kinabibilangan ang mga kuwentong bayan
ng alamat,mulamat o mito, pabula, kuwentong kababalaghan, kuwentong katatawanan,
at palaisipan.[3]

Patanghal[baguhin | baguhin ang batayan]

Tinataguriang patanghal ang anyo ng panitikan kung isinasadula ito sa mga entablado, mga bahay,
mga bakuran, mga daan, o sa mga naaangkop na mga pook. Mayroon itong mga sangkap na
diyalogong nasusulat na maaaring patula o kaya patuluyan ang anyo. Mayroon din itong mga yugto
na bumibilang mula sa isa magpahanggang tatlo. Binubuo ng tagpo ang bawat yugto. Sa moro-
moro, na isang halimbawa ng panitikang patanghal, tinatawag na kuwadro ang tagpo.
Kinakailangang ipalabas ito sa isang tanghalaan o dulaan upang matawag na patanghal.[3]

Sinaunang Panitikang Pilipino[baguhin | baguhin ang


batayan]
Pangunahing lathalain: Sinaunang Panitikan sa Pilipinas

Katulad ng maraming mga banyagang kabihasnan, mayroon nang panitikan sa Pilipinas noong
unang mga kapanahunan.[3][5] Nagbuhat ang panitikan ng Pilipinas mula sa sari-saring mga lipon at
pangkat ng mga taong dumating sa mga kapuluan nito. May pagkaka-agwat-agwat na dumating sa
sinaunang Pilipinas ang mga Negrito, mga Indones, at mga Malay. Ang baybayin, ang isa sa mga
pagpapatibay na mayroon nang sistema ng pagsulat at pasalita sa sinaunang Pilipinas bago pa
man dumating ang mga pangkat ng mga dayuhan nagmula sa Kanlurang bahagi ng mundo. Subalit
karamihan sa mga naisulat na panitikang katha ng sinaunang mga tao sa Pilipinas ang sinunog ng
mga Kastila. Nangabulok at natunaw naman ang ibang naisatitik sa ibabaw lamang ng mga balat
ng punong kahoy at mga dahon ng mga halaman.[5]

You might also like