You are on page 1of 3

Mataas na Paaralang Nasyunal ng Sagana

Sagana, Lungsod ng Santiago

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino ( Baitang 7)

Pangalan: ________________________________________________ Iskor: _________________


Seksyon: ___________________________________ Petsa: ________________

Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Itiman ang letra ng tamang sagot.
A B C D
O O O O 1. Ito ay nagsimula bilang mga tulangmay sukat at tugma subalit kalauna’y nilapatan ng himig upang maipahayag
nang pakanta. A. Awiting Bayan B. Epiko C. Kwentong Bayan D. Pabula
O O O O 2. Ito ay akdang pampanitikan na nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan o pakikipagsapalaran ng mga taong
may mahiwagang kapangyarihan.
A. Alamat B. Epiko C. Kwentong Bayan D. Pabula
O O O O 3. Isang anyo ng panitikan na nagsasalayasay sa madali, maikli at masining na paraan.
A. Alamat B. Maikling Kwento C. Kwentong Bayan D. Pabula
O O O O 4. Ito ay kwentong nagmula sa bawat pook na naglalahad ng katangi-tanging salaysay ng kanilang lugar.
A. Alamat B. Maikling Kwento C. Kwentong Bayan D. Pabula
O O O O 5. Ginagamit ito ng marami nating kababayan sa pagpapasintabi kapag napaparaan sa tapat ng isang nuno sa
punso, sa kagubatan, sa tabing ilog at iba pang lugar na pinaniniwalaang tirahan ng mga engkanto, lamang-
lupa o maligno. A. Awit B. bugtong C. Bulong D. Tugmang de gulong
O O O O 6. Awit na panrelihiyon o himno ng pagdakila sa Maykapal.
A. Diyona B. Kundiman C. Balitaw D. Talindaw
O O O O 7. Awiting panghele o pmpatulog ng bata, tinatawag na lullaby sa Ingles
A. Oyayi B. Diyona C. Kundiman D. Kumintang
O O O O 8. Awit ng pakikidigma o pakikipaglaban.
A. Oyayi B. Diyona C. Kundiman D. Kumintang
O O O O 9. Ito ang btawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa mga kalye kaya’t madalas na tinatawag ding salitang
kanto. A. Kolokyal B. Balbal C. Lalawiganin D. Pormal
O O O O 10. Isa pang uri ng mga salitang di pormal na ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap.
A. Kolokyal B. Balbal C. Lalawiganin D. Pormal
O O O O 11. Ito ay mga salitang particular na sa isang pook, may taglay na kakaibang tono o bigkas na maaaring magbigay
ng ibang kahulugan A. Kolokyal B. Balbal C. Lalawiganin D. Pormal
O O O O 12. Ang mga sumusunod na salita ay salitang kalye, maliban sa isa.
A. Bagets B. Datung C. Erpat D. Ambot
O O O O 13. Ito ay sangay ng panitikan na nagsaaad kung paano nagsimula ang mga bagay-bagay.
A. Sanaysay B. Kwento C. Epiko D. Alamat
O O O O 14. Ito ay anyo ng pang-uri na naglalarawan lamang ng iisang panggalan o panghalip.
A. Lantay B. Pasukdol C. Patulad D. Tayutay
O O O O 15. Anyo ng pang-uri na naglalarawan o nagsasaad ng nakahihigit o nakalalamang na katangian ng isa sa
dalawang panggalan o panghalip na pinag-hahambing.
A. Lantay B. Pasukdol C. Patulad D. Pasahol
O O O O 16. Ito ay paghahambing na nagsasaad ng magkatulad o magkapantay na katangian ng dalawang panggalan o
panghalip na pinaghahambing.
A. Lantay B. Pasukdol C. Patulad D. Pasahol
O O O O 17. Ito ay bahagi ng pahayagang nagsasaad ng mapanuring pananaw o kuro-kuo ng pahayagan tungkol sa isyu.
A. Showbiz B. Entertainment C. Pangulong Tudling D. Palakasan/ Sports
O O O O 18. Ang Epiko na Hinilawod ay nagmula sa…
A. Kapatagan ng Halawod C. Ilog ng Halawod
B. Kagubatan ng Halawod D. Karagatan ng Halawod
O O O O 19. Pinili ng diwatang Alunsina na mapangasawa si Datu Paubari na isang…
A. Diyos B. Mortal C. Siyokoy D. Engkanto
O O O O 20. Uri ng Maikling Kwento na nasa kapana-panabik na pakikipagsapalaran at nakasasabik na mga pangyayari
ang binibigyang – diin at wala sa tauhan ang kawilihan o interes sa kwentong ito.
A. Kwento ng Tauhan C. Kwento ng Kababalaghan
B. Kwento ng Pakikipagsapalaran D. Kwento ng Pag-ibig

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na mga pangungusap.


( Para sa 21-25) Pahayag ng Panghihikayat
A. Totoo/Tama B. Talaga(ng) C. Naniniwala akong D. Kaya natin ito… E. Tunay
A B C D E
O O O O O 21. Dapat lang __________ tutukan ng pamahalaan ang pagkakaroon ng edukasyon maging ng mga katutubo.
O O O O O 22._______ iyan, Agnes. Ang edukasyon kasi ay makatutulong para malaman nila ang kanilang karapatan.
O O O O O 23. _______ nga! Kapag nakapag-aral at natututo ay magagamit nila ang natutuhan para makamtan ang
kanilang mga karapatan ayon sa itinatadhana ng batas 8371.
O O O O O 24.________________ may magagawa ang bawat isa sa ating upang matulungan ang mga kapatid nating
katutubo.
O O O O O 25. ____________ basta tayo’y sama-sama.

(Para sa bilang 26-30) A. Lantay B. Palamang/Pasahol C. Patulad D. Pasukdol


O O
O O 26. Malaki ang responsibilidad ng magulang sa pagpapalaki ng mga anak.
O O
O O 27. Mas mabuti pa rin ang pagbabasa ng aklat kaysa pagbbabad sa harap ng internet.
O O
O O 28. Ang telebisyon at internet ay parehong masama kapag nasobrahan.
O O
O O 29. Ang pinakamalaking hamon para sa lahat ng magulang ay kung paano mapapalaki nang mabuti at may
magandang asal ang mga anak sa panahong nagkalat ang masasamang impluwensya sa lipunan.
O O O O 30. Pinakamahirap iwasan sa lahat ng makabagong gamit telebisyon dahil lagi itong nakikita at sa isang pindot
lang sa remote ay bubukas na ito.

( Para sa bilang na 31-34) A. Pagtutulad B. Pagsasatao C. Pagmamalabis D. Pagwawangis


O O O O 31. Lumuha ng dugo ang anak subalit hindi na niya maibabalik ang nawalang buhay ng kaniyang ama.
O O O O 32. Lumuluha pati ang langit sa kaniyang naging kasawian.
O O O O 33. Ang kanyang puso ay bakal na pinatigas ng mga pagsubok ng panahon.
O O O O 34. Ang pag-ibig ay tulad ng isang ibong kailangang pakawalan upang pag nagbalik, itoy sadyang sa iyo nakalaan.
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa Pabulang “ Si Ipot-ipot at Si Amomongo”
A-1 B-2 C-3 D-4 E-5 F- 6 G-7 H-8
A BC DE F GH
O O O O O O O O 35. At sa huli, bumagsak sa lupa ang lahat ng gorilya. Sa kanilang pagkatalo ay natutuhan nilang ang
pagwawagi ay hindi pala nadadaan sa laki kaya’t natuto silang magpakumbaba
O O O O O O O O 36. Dumapo ang alitaptap sa ilong ng gorilya at ito nama’y pinalo ng iba pang gorilya subalit lagi-lagi’y
nakalilipad ang maliit at mabilis na aliptaptap
O O O O O O O O 37. Isang gabi’y isang alitapap na nagngangalang Ipot-ipot ang tahimik na lumipad-lipad upang dumalaw
sa isang kaibigang may sakit
O O O O O O O O 38. Nalaman ng alitaptap ang maling balitang ipinagkakalat ng gorilya na duwag siya kaya’t pinuntahan
niya ito at hinamon ng isang labanan upang patunayang hindi siya duwag.
O O O O O O O O 39. Nagyari sa plasa ang labanan ng nag-iisang alitaptap at isang pulutong ng mga gorilya.
O O O O O O O O 40. Sinabi ni Amomongo na duwag at takot sa lamok ang alitaptap at ito’y kanya pang ipinagkalat sa
ibang gorilya.
O O O O O O O O 41. Sinabi ng alitaptap na dala-dala niya ang kaniyang ilawan upang makita ang kaniyang daraanan at
upang makita at maiwasan na rin niya ang mga lamok.
O O O O O O O O 42. Nasalubong niya ang isang buskador na gorilyang nagngangalang Amomongo na pumuna at nagtawa
sa dala-dala niyang ilawan.

Panuto: Piliin sa Hanay B elemento ng maikling kwento na inilalarawan sa Hanay A.


A B C D E F HANAY A HANAY B
O O O O O O 43. Ang kinahinatnan ng kwento na maaring Masaya o malungkot A. Tagpuan
O O O O O O 44. Ito ang pinakakapana-panabik na bahagi ng kwento B. Tunggalian
O O O O O O 45. Ito ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa C. Kasukdulan
kwento D. Wakas
O O O O O O 46. Tumutukoy sa panahon at lugar kung saan naganap ang maikling E. Banghay
kwento F. Suliranin
O O O O O O 47. Dito makikita ang pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa
suliraning kanyang kahaharapin

Panuto: Piliin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salitang may diin sa Hanay A
A BC DE HANAY A HANAY B
O O O O O 48. Ang hirap ng intidihin ang mga bagets sa mga panahong ito. A. Hindi
O O O O O 49. Kaya ng ako dehins na akong sumasama sa mga barkada ko. B. Kotse/ Sasakyan
O O O O O 50. Lagi na kasi akong pinapagalitan ni ermat pagdating ko sa bahay. C. Pulis
O O O O O 51. Lalo na nang sumakay ako sa tsekot ni Rico. D. Kabataan
O O O O O 52. Nahuli kasi tayo ng mga lespu at nalamang wala akong lisensya para E. Nanay/Ina
magmaneho.

Panuto: Ilahad ang tamang pagkakasunod-sunod ng paghahanda at pagluluto ng lumpiang gulay.


A – Una B – Pangalawa C – Pangatlo D – Pang-Apat E - Huli
A BC DE
O O O O O 53. Hayaan ito ng ilang minuto at gumamit ng naaayon na lalagyan sa paghahanda para kainin.
O O O O O 54. Pakuluan ang mantika, saka maglagay ng binalot na gulay ayon sa kaya ng palayok. Huwag hayaang masunog
ang balot ng gulay. Hanguin ito at hayaang tumulo ang sobrang mantika.
O O O O O 55. Gumamit ng kutsara para sa katamtamang dami ng paglagay ng gulay para balutin.
O O O O O 56. Igisa ang mga gulay sa bawang at sibuyas lagyan din ito ng paminta. Haluin at timplahan ayon sa gustong
timpla at saka palamigin ng ilang minuto.
O O O O O 57. Hugasan ang mga gulay na kinakailangan at hiwain ito ayon sa kinakailangan hiwa.

Panuto: Basahin ng tahimik ang mga sumusunod na teksto at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Itiman ang
bilog ng tamang sagot.

Sa isang lupain na sariwa, maraming gulay na may kanya-kanyang kagandahang taglay ang nakatira doon. Subalit
may isang gulay na may maputlang kulay at ang kaniyang lasang taglay ay di maipaliwanag.
Isang araw, may nabuo siyang maitim na balak. Nang sumapit ang gabi, kinuha ni ampalaya ang lahat ng mga
magagandang katngian ng mga gulay. Nang mapansin ng gulay ang mga sarili nila at si Ampalaya, nagalit ang mga ito.
Sinumbong nila ang pagnanakaw ni ampalaya. Dahil ditto, ibinalik ni ampalaya ang lahat ng maggandang katngian ng
mga gulay. Subalit makalipas ang ilang sandal ay nagbago ang anyo ni ampalaya. Ang balat niya ay kumulubot at ang
lasa niya ay pumait dahil sa ginawa niya.

O O O O 58. Ang sanhi ng pagiging kulubot ng balat at ang pagpait ng lasa ng ampalaya ay…
A. Pagsusumbong ng mga gulay sa ginawa ni ampalaya sa kanila
B. Pagnanakaw niya ng magagandang katangian ng mga gulay
C. Pagbabalik niya ng magagandang katangian ng mga gulay
D. Pagbabalak niya ng masama sa mga gulay
O O O O 59. Ano ang mensaheng nais iparating ng akda?
A. Matutong makuntento kung anong meron ka. C. Hindi masama na ikaw ay gumanda.
B. Huwag kang magbalak ng masama sa kapwa D. Masama ang kumuha ng hindi sa iyo.
O O O O 60. Anong mabuting aral ang nakapaloob sa teksto?
A. Huwag maging sakim C. Maging palabigay
B. Maging palakaibigan D. Maging maganda sa lahat ng oras

“ Upang mapagtibay ang relasyon sa kapwa,


Maging magalang, matapat, at mabuti ka.”

Inihanda ni:

APRIL ROSE L. CATAINA


Guro sa Filipino

You might also like