You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII -CENTRAL VISAYAS
Schools Division of CEBU PROVINCE
CANTUMOG NATIONAL HIGH SCHOOL

Second Quarter Exam in Filipino 9


Name: ________________________Section:____________Date:_________ Score:______
Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot batay sa
hinihingi nito. Isulat ang titik ng sagot sa papel.

1. Isang akdang hinango sa Bibliya na kapupulutan ng aral na maaaring magsisilbing gabay sa


marangal na pamumuhay ng mga tao;
A. Tula B. Parabula C.Maikling kwento D. Sanaysay
2. “Huwag mong kalimutang ikaw ay isang banga na gawa sa lupa.” Ito ay isang;
A. pangangatuwiran B. pagsasabi C.pangangaral D.pagdadahilan
3. “Isang oras lamang ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtatrabaho
at nagtiis sa nakapapasong init ng araw, bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa.”
Sa pahayag na ito ang nagsasasalita ay;
A. natutuwa B. natatakot C. nagagalit D. nagrereklamo
4. Sa iyong pagsusuri anong mabuting asal ang nawala sa mga grupo ng mga manggagawang
mula sa pahayag nila sa bilang 3?
A. pagkamagalang C. pagkamapagkumbaba
B. pagkamaunawain D. pagkamadasalin
5. Pare-pareho ang tinanggap nilang upa sa kanilang pagtatrabaho. Ang ibig sabihin ng upa ay;
A. utang B. bayad C.bayarin D. pautang
6. Ang pabula ay hango sa katangian/pag-uugali ng mga hayop samantalang ang parabula ay sa;
A. bibliya B. kasaysayan C. talambuhay D. anekdota
7. “Ang Nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli.” Anong parabola ito?
A. Ang Maghahasik C. Ang Taong Di Marunong Magpatawad
B. Ang Sampung Dalaga D. Ang Talinghaga ng May-ari ng Ubasan
8. Ang pagbibigay ng kahulugan sa salita bukod pa sa literal na kahulugan nito ay tinatawag na
pagpapakahulugang________________.
A. personipikasyon B. metaporikal C. simile D. pagmamalabis

Panuto: Kilalanin kung ang gamit ng salitang sinalungguhitan sa pangungusap ay Literal o


Metaporikal. Isulat ang titik sa patlang.
A. Literal B. metaporikal
____9. Hindi siya seryoso sa babae dahil panay bola lang ang kanyang ginagawa.
____10. Ang bata ay umiyak dahil nahulog sa ilog ang kanyang bola.
____11. Ang oras ng kanilang pagtatagpo ay sa alas dos ng hapon.
____12. Walang nakakaalam kung oras mo na pala para mawawala sa mundo.
____13. Mainit ang panahon, kaya may pawis ang kanyang damit.
____14. Maraming pawis ang aking naranasan bago ko nakamtan ang tagumpay.
____15. Hawak kamay nilang nilutas ang suliranin ng kanilang pamilya.
____16. Hawakan mo ang kanyang kamay kung tatawid kayo sa daan.

17. Ang parabula ay natatangi sa iba pang akdang pampanitikan dahil ang mga pangyayari ay:
A. makatotohanan C. makatarungan
B. makasaysayan D. masasaya
18. “Huwag mong kalimutang ikaw ay isang banga na gawa sa lupa.” Kanino itong pahayag?
A. inang banga C. bangang porselana
B. anak na banga D. amang banga
19. Ang Elehiya ay isang halimbawa ng tulang__________;
A. pasalaysay B. liriko C.pantigan D. padula
20. Ang tulang “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya” ay akdang mula sa _________;
A. Bhutan B. Israel C. Saudi Arabia D.Lebano
21. Sa tulang elehiya, sino ang inaalala o binibigyan ng parangal?
A. taong nagtagumpay C. mga bayani sa bansa
B. taong sumakabilang buhay D. mga bilanggong lumaya
22. Sino ang may salin sa tulang Elehiya sa Kamatayan ni Kuya?
A. Amado V. Hernandez C. Pat V. Villafuerte
B. Manny Ledesma D. Rene O. Villanueva
23. Elemento ng elehiya na naglalahad sa pangkabuoang kaisipan ng tula;
A. tono B. tema C. persona D. simbolismo
24. Tumutukoy sa taong kasangkot o nagsasalita sa tula;
A. tono B. tema C. persona D. simbolismo
25. Ito naman ay ang namamayaning damdamin sa loob ng tula;
A. tono B. tema C. persona D. simbolismo
26. Ang makabuluhang salita na nagpapasidhi sa guni-guni ng mga mambabasa;
A. tono B. tema C. persona D. simbolismo
Para sa bilang 27-30.
Walang katapusang pagdarasal
Kasama ng lungkot,luha at pighati
Bilang paggalang sa kanyang kinahinatnan.
Mula sa maraming taon ng paghihirap
Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral
Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala
O’ ano ang naganap
Ang buhay ay saglit na nawala.
27. Anong damdamin ang nais ipahiwatig ng mga simbolismong lungkot, luha at pighati;
A. pagdaramdam B. pagluluksa C. paghihinayang D.pagkapoot
28. Ibigay ang kahulugan sa pahayag na sinalungguhitan sa tula.
A. pinigilan ang pagluha C. nasira ang mata kaya hindi na makaiyak
B. naubusan na ng luha D. naging manhid na sa labis na kalungkutan
29. Sa taludtod na “Ang buhay ay saglit na nawala.” Ito’y nangangahulugan ng;
A. paglalakbay B. pagkamatay C.pagkasakit D. pagtatago
30. “Mula sa maraming taon ng paghihirap” Saan dito ang pang-uri?
A. mula B. marami C. tao D. paghihirap
31. Anong pangungusap ang nagpapakita ng sidhi ng damdamin?
A. Napakalungkot ng tula na aking napakinggan
B. Mahusay magbasa ng tula ang mga mag-aaral
C. Masaya akong nakipag-usap sa mga mag-aaral
D. Hindi mapigilan ang kanyang katuwaan sa pagkapanalo
32. Sakdal husay ang galing ng mga mag-aaral sa pagbigkas ng tula. Anong damdamin ang
nagingibabaw sa pangungusap?
A. pagmamahal B. pagkainis C.paghanga D.pagkadismaya
33.“Ubod ng lakas ang pagbagsak mo sa pintuan”. Anong salita ang nagpapasidhi sa
pangungusap?
A. ubod B. lakas C. pagbagsak D. pintuan
34. Sa pahayag na hindi napapanahon, ito’y nangangahulugang;
A. masama ang panahon C. wala sa tamang panahon
B. masungit ang panahon D. nagdamdam na panahon
35.“Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay” Ano ang ibig sabihin sa pahayag na ito?
A. Maagang pagpanaw C. di mapigilang pagpanaw
B. Nasa edad na para pumanaw D. walang paalam na pumanaw
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang pamagat sa mga sumusunod na talinghaga sa Hanay A.
Isulat ang titik ng iyong sagot.

HANAY A HANAY B

36. Huwag mong kalimutangikaw ay isang


bangang gawa sa lupa, at ikaw ay nararapat A. Ang Nawawalang
na makisalamuha lamang sa kauri nating Tupa
banga.
B. Ang Mabuting
37. Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna Samaritano
ay nahuhuli.
C. Ang Parabula
38.Sinuman sa inyo ang mawala, hahanapin Tungkol sa May-ari ng
ko din, kung papaano ko hinanap ang isang Ubasan
ito.
D. Ang Alibughang
39.Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag- Anak
ibig mo sa iyong sarili.
E. Parabula ng
40.Nararapat lang na tayo’y magsaya at Banga
magdiwang, sapagkat patay na ang kapatid
mo, ngunit nabuhay, nawala, ngunit muling
natagpuan
Answer key

No. No. No. No.


1 B 16 A 31 bu:NOT 46
2 D 17 B 32 BU:not 47
3 C 18 D 33 SA:ya 48
4 A 19 C 34 Sa:YA
5 C 20 A 35 Ta:LA
6 B 21 A 36 TA:la
7 B 22 C 37 PU:no
8 C 23 C 38 pu:NO
9 B 24 C 39 A:so
10 A 25 A 40 a:SO
11 C 26 D 41
12 C 27 B 42
13 B 28 D 43
14 A 29 C 44
15 B 30 A 45

You might also like