You are on page 1of 3

DEPARTMENT OF EDUCATION

CARCAR CITY DIVISION


CARCAR CENTRAL NATIONAL HIGH SCHOOL
FILIPINO IX- IKATLONG MARKAHANG PASULIT
TAUNG-PANURUAN 2023-2024
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng angkop na sagot.
1. Isang uri ng tulang pasalaysay na naglalarawan ng kabayanihan at katapangan ng pangunahing tauhan.
Nagtataglay siya ng pambihirang lakas na hindi kapani-paniwala.
A.Elehiya B.Epiko C.Pabula D.Parabula
2. Isang akdang hinango sa Bibliya na kapupulutan ng aral na maaaring gabay sa marangal na pamumuhay ng
mga tao. Gumagamit ng matatalinghagang pahayag na lumilinang sa mabuting asal na dapat taglayin ng tao.
A.Parabula B.Pabula C.Elehiya D.Epiko
3. Tulang liriko na naglalarawan nga pagbubulay-bulay o guniguni na nagpapakita ng masidhing damdamin
patungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay na pumanaw.
A.Tula B.Elehiya C.Tanka D.Haiku
4. Mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata, maraming tauhan, tagpuan at tunggalian.
A.Sanaysay B.Maikling Kuwento C.Nobela D.Dula
5. Uri ng tula kung saan nabibilang ang elehiya.
A.Pasalaysay B.Pandamdamin C.Pantigan D.Naglalarawan
6. Ang mga sumusunod ay katangian ng elehiya maliban sa:
A.Pananangis B.Pag-alaala C.Pagpaparangal D.Pamamaalam
7. Isa sa mga bansa sa Timog Kanlurang Asya. Kahanga-hanga ang kanilang pilosopiya dahil kagandahan,
katotohanan at kabutihan ang kanilang pinahahalagahan.
A.India B.Bhutan C.Saudi Arabia D.Israel
8. Bansang malapit sa India at China, na tinaguriang “Thunderdragon Country”.
A.Israel B.Saudia Arabia C.Bhutan D.India
9. Pinakatanyag na pagbati ng mga Hindu. Isinasagawa kapag bumabati o namamaalam. Ang dalawang palad
ay pinagdaraop at nasa ibaba ng mukha.
A.Pagmamano B.Pagyakap D.Namaste o Namaskar D.Pakikipagkamay
10. Ang Saudi Arabia ay isa sa mga bansa ng Timog Kanlurang Asya. Nakabatay ang kanilang kultura sa
paniniwalang Muslim o Islam. Sila ay nananampalataya kay;
A.Allah B.Muhammad C.Mumtaz Mahal D.Taj Mahal
TALASALITAAN. Bigyang kahulugan ang mga salitang may salungguhit sa bawat pahayag.
11. Bihagin mo si Sita para maging asawa mo.
A.Ikulong B.Bitagin C.Akitin D.Hulihin
12. Ang masaklap na pangyayari ay nagwakas na.
A.hindi malilimutan B.masama C.hindi Maganda D.kawalan ng pag-asa
13. Ang paratang sa kanya ay isang kamalian.
A.bintang B.palagay C.maltrato D.akala
14. Nahagip ng kanyang espada ang tenga at ilong ng higante.
A.nasagasaan B.natamaan C.nadaplisan D.nasugatan
15. Ang ebidensyang inihain sa kanya ay walang bisa.
A.papeles B.patunay C.paratang D.paniniwala
16. Pare-parehong upa ang tinanggap nila sa kanilang pagtatrabaho.
A.pautang B.bayarin C.utang D.kaukulang bayad
17. Sanlibong punglo ang naubos sa kanyang pakikipagbakbakan.
A.pera B.itak C.baril D.bala
18. Nakumbinsi ni Maritsa si Ravana kaya nag-iisip sila ng ibang paraan.
A.napaniwala B.napasunod C.napasubaybay D.napapayag
19. Gumawa sila ng patibong para maagaw nila si Sita.
A.paraan B.bitag C.balak D.kasunduan
20. Ang kabayanihang ipinamalas ni Rama ay tunay na kapuri-puri.
A.kalayaang gumawa B.kaayusang kumilos C.katapangan D.kabaitan
PAGKIKLINO. Suriin ang mga salita sa ibaba ayon sa kasidhian ng damdamin (1-bilang masidhi, 2-mas masidhi
at 3-pinakamasidhi),piliin ang titik ng angkop na sagot.
21. daplis,hiwa,saksak
A. 123 B. 231 C. 312 D. 213
22. misteryo,kababalaghan,hiwaga
A. 123 B. 231 C. 312 D. 213
23. nandaya,nanloko,nanlinlang
A. 123 B. 231 C. 312 D. 213
24. panunuya,panghahamak,pang-aalipusta
A. 123 B. 231 C. 312 D. 213
25. nanalo, nagwagi,nagtagumpay
A. 123 B. 231 C. 312 D. 213
26. masagana, mariwasa, marangya
A. 123 B. 231 C. 312 D. 213
27. nangangatal, nanginginig, ninenerbiyos
A. 123 B. 231 C. 312 D. 213
28. nagugutom, hayok na hayok, kumakalam ang sikmura
A. 123 B. 231 C. 312 D. 213
29. crush kita, mahal kita, sinasamba kita
A. 123 B. 231 C. 312 D. 213
30. dalisay,tunay,wagas
A. 123 B. 231 C. 312 D. 213
PAG-ISIPAN. Pag-isipan ang inihahatid na mensahe ng mga kaisipang binibigyang diin.
31. “Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na
Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na
walang hanggan.” – Juan 3:16. Ano ang ibig sabihin ng matalinghagang pahayag na bugtong na anak?
A. maalalahanin B. mabuti C. mapagmahal D. nag-iisa
32. Sino ang nakaaalam kung anong oras tayo mawawala sa mundo? Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag?
A. kaguluhan B. kapighatian C. kasiyahan D. katapusan
33. “Maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang humanap ng manggagawa para sa
kaniyang ubasan.” Alin sa mga sumusunod ang magbibigay-patunay na ang pahayag na ito ay nangyayari sa
totoong buhay?
A. may mga taong naghahanap ng mauutusan
B. may mga taong nagbabahagi ng kanilang biyaya
C. may mga taong buong-pusong tumutulong sa kapwa
D. may mayayamang humahanap lamang ng trabahador upang pahirapan
34. Ito ang simbolikong kahulugan ng salitang ubasan.
A. kaginhawahan B. kaguluhan C. kalungkutan D. kasiyahan
35. Ito ang higit na dapat malinang sa isang tao sa pagbabasa ng parabula.
A. dignidad B. espirituwal C. kabutihan D. personalidad
36. Ang pahayag na “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli” ay nangangahulugang;
A.Kung sino ang unang dumating ay siya ring unang umalis”
B.Lahat ay may pantay-pantay na Karapatan ayon sa napag-usapan
C.Ang nahuhuli ay kadalasang unang umaalis
D.Mahalaga ang oras sa paggawa
37. “Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa”, ang tagubilin ng Inang Banga sa
kanyang anak, “Tandaan mo ito sa buong buhay mo”. Ito ay hinango sa parabulang;
A.Alibughang Anak C.Parabula ng Mabuting Samaritano
B.Parabula ng Banga D.Talinghaga sa May-ari ng Ubasan
38. Habang siya’y nabibitak at unti-unting lumulubog ay naalaala ng batang banga ang pangaral ng kanyang
ina. Anong aral ang nais ipahiwatig ng pahayag?
A.Walang mabuting naidudulot ang pagsuway sa magulang C.Umiwas sa kaway ng tukso sa paligid
B.Habang may buhay, ay magpakasaya D.Magpakasasa habang bata pa
39. Ano ang mangyayari kung palaging sumusunod sa payo ng mga magulang?
A.Magiging sikat sa pamayanan B.Bibigyan ng medalya ng pagkilala
C.Mapapabuti ang buhay at hindi masasangkot sa anumang kapahamakan D.Lahat ng nabanggit
40. “Huwag mong kalimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa”. Ano ang ipinahiwatig ng may-akda?
A.nagpapaalala B.nangungutya C.nagpapayo D.nagyayamot
41. Ano ang tema ng tulang, Elehiya sa Kamatayan ni Kuya na isinalin ni Pat V. Villafuerte?
A.Tungkol sa isang kapatid na nawalan ng pag-asang mabuhay
B.Tungkol sa pagkahimatay ng matandang kapatid na lalaki sa kanilang bahay
C.Tungkol sa pananangis at pagbibigay alaala sa kanyang kuya na maagang namatay
D.Tungkol sa dalawang magkaibigan na pawang mga kuya: isa sa kanila’y namatay
42. Ang mga sumusunod ay mga simbolo o sagisag na ginamit sa Elehiya sa Kamatayan ni Kuya maliban sa _.
A.Ang bukid ay nadaanan ng unos C.malungkot na lumisan ang tag-araw
B.Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga D.mga naiwang naikuwadrong larawang guhit,poster at
mga larawan
43. Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay. Ano ang ibig sabihin ng sinalungguhitang parirala?
A.nahimatay B.nahimasmasan C.naitago D.namatay
44. Ano ang naiwan! Mga naikuwadrong larawang guhit, poster at larawan. Aklat, talaarawan at iba pa.
A.nahimatay B.nahimasmasan C.naitago D.namatay
45. Anong kaisipan ang ipinahahatid sa tulang “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya”?
A.Pag-alaala sa namayapa B.Pagdamay sa namatayan C.Paglabas ng emosyon D.Pagdadalamhati
46. Ilan ang elemento ng elehiya?
A. 6 B. 8 C. 7 D. 9
47. Nagpapahayag ng damdamin o guni-guni tungkol sa kamatayan
A. Epiko B. Elehiya C. Sulat para saa patay D. Alamat
48. Alin sa sumusunod ang katangian ng elehiya?
A. tulang liriko B. parangal sa yumao C. tula ng pagkalungkot D. tula ng pananangis
49. Salitang istandard
A. pormal B. impormal C. di- pormal D. mala-pormal
50. Paggamit ng mga simbolo para magpahiwatig ng isang ideya.
A. damdamin B. simbolo C. tradisyon D. simbolismo

PATNUBAYAN NAWA TAYO NG POONG MAYKAPAL


ncml/cfpd/maa

You might also like