You are on page 1of 3

MANUEL B. GUIÑEZ SR.

NATIONAL HIGH SCHOOL


Banaybanay, Davao Oriental
FILIPINO 7
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
Pangalan: ________________________________________ Petsa: _______________________ Iskor: 40
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Ano ang kahulugan ng dugong-bughaw?
A. mayaman C. may kaya sa buhay
B. nakaririwasa D. maharlika
2. “Sa unang putok pa lang ay tumimbuwang na ang kaniyang ina”. Ano ang kahulugan ng salitang tumimbuwang?
A. tinamaan at namatay C. bumaligtad at lumagapak
B. nabuwal dahil sa putok D. natumbang patihaya
3. Naniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang kasalanan kaya di kailangang binyagan
upang ito ay maalis. Ganoon pa man, mayroon silang ilang seremonya na kahalintulad ng binyag na tinatawag na
Pagislam. Ano ang ibig sabihin ng PagIslam?
A. pagbibinyag ng Muslim C. ritwal na ginagawa sa bagong kasal
B. relihiyong itinaguyod ni Mohammed D. paghingi ng patnubay bago makidigma
4. Anong kulturang Muslim ang makikita sa PagIslam?
A. pag-uugali C. paniniwala
B. tradisyon D. pananampalataya
5. Alin sa sumusunod ang kasingkahulugan ng salitang matanda kapag dinagdagan ng panlaping - in (matanda+in)
A. matalas ang memorya C. ulyanin
B. madaling makalimot D. mahirap makaalala
6. Mahigpit na ipinatupad ng reyna ang mga batas at ang sinumang lumabag dito ay pinarurusahan. Ano ang
ipinahihiwatig ng salitang sinalungguhitan?
A. mabagsik C. mapusok
B. malupit D. masungit
7. Namangha ang magulang ng dalaga kaya’t itinakda nila ang kasal ng dalawa. Masaya ang naging buhay ng mag-
asawa. Ano ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan?
A. nagulat C. nabighani
B. namatanda D. nabigla
8. Anong uri ng pangungusap ang, “Aray!”
A. walang paksa C. tambalan
B. payak D. paturol
9. “Sa totoo lang, kaming mga laruan ay ginawa upang paligayahin kayo subalit natatakot din kaming baka isang
araw ay hindi n’yo na kami pansinin.” Anong pang-ugnay na nagpapatotoo ang ginamit sa pangungusap?
A. Sa totoo lang C. upang
B. Baka D. subalit
10. “Mag-imbak tayo ng pagkain, Tipaklong, maaaring umulan nang matagal”, hikayat ni Langgam. Alin sa mga
salitang nakatala ang nagpapahayag ng posibilidad?
A. araw C. mahaba
B. maaari D. tayo
11. “Baka umulan nang malakas mamayang gabi.” Ano ang ipinahahayag ng pangungusap?
A. pag-aalinlangan C. posibilidad
B. panghuhula D. pag-aalala
12. “Binata na ang iyong anak, lubos ka nang nasisiyahan ngunit ika’y nangangamba sa panahong nagbabadya,
panganib ay huwag dumalo sana.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
A. malayo sana sa panganib ang binata C. nagdadalawang-isip ang kausap
B. may panganib sa binata D. nagbababalang panganib sa nagsasaya
Para sa tanong bilang 13
1) Marahil ay 3) marami nang napatay”
2) mabagsik ang matandang asong iyon at 4) bulong niya sa sarili.
13. Alin sa mga salitang may salungguhit sa loob ng kahon ang nagpapahayag ng posibilidad?
A. bilang 1 C. bilang 4
Page 1 of 3
B. bilang 3 D. bilang 2
14. Aling pangungusap ang tama ang pagpapakahulugan sa nilalaman batay sa ginamit na salitang may salungguhit?
A. Malalaki ang punong nakapaligid sa gusali. C. Matatayog ang punong nakapaligid sa gusali.
B. Matataas ang punong nakapaligid sa gusali. D. Matatangkad ang punong nakapaligid sa gusali.
15. Alin sa sumusunod ang katangian ng isang pinuno?
A. magandang kumilos C. mahusay mamuno at magdesisyon
B. may matipunong pangangatawan D. mapagkawanggawa
16. Ano ang tawag ngayon sa Kutang-Bato na nasa Mindanao?
A. Cotabato C. Catanduanes
B. Catanauan D. Corregidor
17. Ano ang akdang pampanitikang may supernatural na katangian ang mga tauhan?
A. sanaysay C. anekdota
B. epiko D. pabula
18. “Harinawa’y magtagumpay ka sa iyong mithiin.” Anong damdamin ang isinasaad ng salitang may salungguhit?
A. takot C. pag-asa
B. saya D. galit
19. Lahat ay katangian ng pabula, maliban sa isa, alin ito?
A. kapupulutan ng aral C. mga pangyayaring di makatotohanan
B. ang tauhan ay mga hayop D. tungkol sa pinagmulan ng mga bagay
20. Ano ang karaniwang wakas ng pabula?
A. nagbibigay-aral C. iniiwan sa mambabasa ang pagwawakas
B. nagtatanong D. nangangaral
21. “Bigyan mo pa ako ng kaunting panahon, babayaran kita.” Anong damdamin ang ipinahihiwatig ng tauhan sa
pahayag?
A. panghahamon C. pagmamakaawa
B. panghihikayat D. pag-aalala
Para sa tanong bilang 22-23

May sultan sa isang pulo na kilala hindi lamang sa pagiging dugong bughaw niya, kundi dahil din sa kaniyang mga
katangian. Siya si Sultan Gutang na mayaman, matapang, magandang lalaki, at may matipunong pangangatawan.

22. Mula sa binasa, ano ang maaaring maging bunga o epekto sa tao ng mga katangiang taglay ng sultan?
A. paggalang C. pagkatuwa
B. paghanga D. pagmamalaki
23. Alin sa sumusunod na akda ang hindi maituturing na kuwentong-bayan?
A. Si Juan Tamad at ang mga Palayok C. Indarapatra at Sulayman
B. Si Pilandok at ang Batingaw D. Kuwento ng Ulan at Araw
24. Nakuha ni Lam-ang ang loob ng ama ni Ines ____________. Ano ang angkop na karugtong ng pangungusap na
nagpapahayag ng bunga?
A. kaya naging malapit sila sa isa’t isa. C. dahil dito magpapakasal na sila ni Ines.
B. kasi lagi na silang namamasyal ni Ines. D. sapagkat lagi niyang pinatutuloy sa kanilang tahanan.
25. ________, ikaw ang naging kabuuan ng aking pagkabata. Ano ang maaaring ipuno sa patlang upang ito ay
mapatotohanan?
A. Talagang C. Sa totoo lang
B. Tunay na D. Sa tingin ko
26. Anong akdang pampanitikan na ang karaniwang tauhan ay mga hayop na nagsisikilos at nagsasalitang parang
mga tao?
A. parabula C. dagli
B. pabula D. maikling kuwento
27. Sino ang tinaguriang Ama ng Pabula?
A. Herodotus C. Aesop
B. Socrates D. Aristotle
28. Ano ang nangingibabaw na katangian ng pangunahing tauhan sa epiko?
A. matapang C. bantog
B. nakahihigit ang lakas sa karaniwang tao D. may mabuting kalooban
Page 2 of 3
29. “Walang nawawalang bagay sa mga pumupunta sa Kutang-Bato.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
A. matapat ang mga nasasakupan sa kanilang reyna C. may takot ang lahat sa utos ng reyna
B. mababait ang dumarayong mangangalakal D. malinis ang pamumuhay ng mga taga-Kutang-Bato
Para sa tanong bilang 30-32
Ang Panliligaw at Pagpapakasal ni Lam-ang Nakita ng binatang si Lam-ang ang kagandahan ni Ines Kanoyan kaya
napagpasiyahan niyang umakyat ng ligaw. Bagamat maraming nanliligaw sa dalaga, nakaisip siya ng paraan para
makuha ang pansin ni Ines. Humanga si Ines sa ginawa ni Lam-ang. Tinanggap ng dalaga ang pag-ibig nito sa
kondisyong kailangang mahigitan niya o dili’y mapantayan man lamang ang kayamanan nina Ines. Nang magbalik si
Lam-ang sa bayan nina Ines, lulan siya ng kaskong puno ng gintong lampas sa kayamanan ng dalaga. Namangha ang
magulang ng dalaga kaya’t itinakda nila ang kasal ng dalawa. Masaya ang naging buhay ng mag-asawa.

30. Anong paniniwala at tradisyon ang isinaalang-alang ni Ines upang pagpasiyahan ang damdamin para kay Lam-
ang?
A. pagiging maparaan ng binatang manliligaw
B. pagdadala ng manok at aso sa panliligaw
C. pagkakaroon ng masayang buhay pagkatapos ng kasal
D. pagdadala ng kayamanang hihigit sa kayamanan ng pamilya ng babae
31. Anong katangian ni Ines ang kaagad na nakabihag sa puso ni Lam-ang?
A. mayaman C. maganda
B. matalino D. masipag
32. “Bagamat maraming nanliligaw kay Ines, nakaisip pa rin ng paraan si Lam-ang upang manguna siya sa puso ng
dalaga.” Anong katangian ni Lam-ang ang ibig tukuyin sa pahayag?
A. tapat sa sinasabi C. maalalahanin
B. may determinasyon D. matapang
33. Isang araw, nakiusap ang Inang Pusa sa Inang Daga para bantayan ang anak niyang kuting dahil ito ay may sakit.
Ano ang tawag sa salitang may salungguhit?
A. ekspresiyon ng posibilidad C. retorikal na pang-ugnay
B. pang-ugnay sa pagbibigay ng bunga D. pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi
34. Sakaling hindi ako makadalo sa pagpupulong, maaari bang iulat mo sa akin ang mga kaganapan doon? Ang
salitang sinalungguhitan ay retorikal na pangungusap. Ano ang ipinahahayag nito?
A. walang katiyakan C. tiyak na kondisyon
B. pag-aalinlangan D. di-tiyak na kondisyon
35. Pinatunayan ng binata ang kaniyang pag-ibig sa dalaga ________ nakuha niya ang matamis na oo ng dalagang
sinisinta. Anong pang-ugnay ang angkop na ginamit sa pangungusap?
A. sapagkat C. upang
B. kaya D. dahil
36. Lahat ay dapat sumunod sa utos ng reyna __________ hindi ay maparurusahan sila. Anong retorikal na pang-
ugnay ang angkop na gamitin sa pangungusap?
A. baka C. kung
B. kapag D. sana
37. “Isabuhay natin ang mahahalagang kaisipan mula sa mga panitikan upang maipakita ang pagpapahalaga sa
kulturang Pilipino.” Anong pang-ugnay mula sa pangungusap ang nagpapakita ng bunga?
A. mula C. upang
B. sa D. sa mga
38. Anong pang-ugnay na ginagamit sa pagtukoy sa sanhi ang dapat idugtong sa pangungusap na: Napahanga ni Lam-
ang ang ama ni Ines sa kaniyang panliligaw______________sa ipinakita niyang katapangan.
A. sapagkat C. ngunit
B. dahil D. kung
39. Ang sumusunod ay halimbawa ng pangungusap na walang paksa maliban sa isa. Alin ito?
A. Maginaw ngayon! C. Lumilindol!
B. Alas dose na. D. Maliligo sila bukas.
40. Alin sa sumusunod ang salitang hindi hiram?
A. Rajah C. Datu
B. Assalamu Allaikum D. Pinuno
Page 3 of 3

You might also like