You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – Western Visayas
DIVISION OF SAGAY CITY
District IX
HIMOGA-AN BAYBAY I.S.
2nd PERIODICAL TEST IN 8 FILIPINO
S.Y. 2018-2019
Panuto: Basahin at unawaing mabuti. Piliin ang tamang sagot.
1. Ito ay isang uri ng patulang pagtatalo tungkol sa isang paksa na karaniwang ginaganap sa isang
tanghalan.
a. Sarsuwela B. Dula C. Tula D. Balagtasan

2. Kailan at saan ginanap ang pinakaunang balagtasan?


A. Instituto de Mujeres noong Abril 6, 1924
B. Instituto de Mijeres noong Abril 4, 1946
C. Santo Tomas University noong Abril 6, 1924
D. Santo Tomas University noong Abril 4, 1946

3. Ano ang tawag sa taong namamagitan sa dalawang panig na nasa balagtasan?


A. Lakambini B. Lakandiwa C. Mambabalagtas D. Manonood

4. Siya ang kinikilalang “Ama ng Panulang Tagalog.”

A. Francisco Balagtas B.Aurelio Tolentimo C. Severino Reyes D. Juan Abad


5. Isa pang tawag sa mambabalagtas.

A. Makata B. Makita C. Manunula D. Marunong


6. Alin sa mga paksang nabanggit ang paksang may kinalaman sa politika?

A. “Sino ba ang Higit na Nakakatulong sa Pag-unlad ng Bansa Mamamayan o Pamahalaan?”


B. “Dapat Ba o Di Dapat Ipagmalaki ang mga Katangiang pilipino?”
C. “Dapat ba o di dapat manligaw ang mga babae?”
D. “Dapat bang malaman ng bawat pilipino ang wastong pagtatapon ng basura?”
7. Tawag sa panig na nagtatalo sa balagtasan kung saan ang isa ay sang-ayon at ang isa naman ay sa panig
ng di sang-ayon sa paksang pinagtatalunan.
A. Lakandiwa B. Mambabalagtas C. Manonood D. Tauhan

8-10. Piliin ang kahulugang ipinahihiwatig ng mga salitang nakasalungguhit.


8. Laylay ang balikat niya nang hindi matanggap sa trabaho.
A. Maramdamin B. Pagod na pagod C. Nabigo D Nasiyahan
9. Kailangan pa ng mga guro na habaan ang pisi nila para hindi makasakit ng mga estudyante.
A. Pasensya B. Lubid C. Kamay D. Ugali
10. Bato na ang kanyang puso sa lahat ng mga problemang naranasan niya sa buhay.
A. Uri ng matigas na mineral B. Sakit sa kidney C. Manhid na D. Wala sa nabanggit
11-15. Piliin ang katangian ng tauhan batay sa kanilang mga pahayag.

11. “Kinakantiyawan ako sa bukid, Tatay. Anak daw ako ng may-ari ng kaisa-isang estasyon ng gasolina sa
bayan. . . bakit daw kayliit ng saranggola ko.”
Ang anak ay:
A. Magagalitin B. Puno ng hinanakit C. mapanumbat D. Mapagmalaki

12. “Anak, dalawang sapatos lamang ang gagamiitin mo ngayong pasukan. Kung masira, saka ma papalitan.
Magtitipid ka rin sa damit at huwag kang gasta nang gasta. Hindi madaling kitain ang salapi.” Ang ama
ay maituturing na:
A. Palasumbat B. Mapagbintang C. Mapagtanim ng galit D. Mapagpaalala
13. “Pinahihirapan talaga ako ni Tatay. Kaisa-isa pa naman akong anak, ang turing niya sa akin ay parang
ampon.” Ang anak ay may damdaming:
1
A. Mapagmataas B. Mapagbintang C. Puno ng hinanakit D. Mapangarapin
14. “Ayoko nang mag-aral, Inay. Tipid, pagtitiis, kahihiyan lamang ang dinaranas ko rito. Bakit ako
ginaganoon ni Itay? Gusto niya ba akong pahirapan?” Ang anak ay:
A. Puno ng galit B. Mapagbintang C. Mapagmalaki D. Maunawain

15. “Magtiwala ka sa amin, anak. Wala kaming gagawin ng iyong ama kundi makabubuti sa iyong
hinaharap.” Ang ina ay:
A. Maawain B. Magagalitin C. Selosa D. Malupit
16-18. Piliin ang kahulugan ng mga simbolong nakasalungguhit.
16. Makabubuti ba sa akin ang magmukhang basahan at magdildil ng asin?
a. Maging marumi at mag-ulam ng asin.
b. Makaranas ng matinding hirap at kakulangan sa buhay.
c. Maghirap sa buhay at magtinda ng asin.
d. Lahat ng nabanggit.
17. Ngunit may lason na sa kanyang isip. Hindi na sya naniniwala sa sinasabi ng ina.
a. May nabuo nang maling kaisipan o paniniwala sa kanyang isipan.
b. May masamang plano nang nabuo sa kanyang isip.
c. Naging negatibo na ang kanyang mga pananaw sa maraming bagay.
d. May sakit na siya sa kanyang isipan.
18. Mabuti na iyong nakatindig ka sa sarili mong paa.
A. Matutong magsarili sa buhay C. Maging matatag sa buhay
B. Lumakad o magbyaheng mag-isa D. Wala sa nabanggit

19-20. Piliin ang uri ng paglalahad na ginamit


19. Ang taong makabayan ay may katangiang kagaya ng sumusunod:

 Tumatangkilik sa sariling produkto


 Nagmamalaki at gumagamit ng sariling wika
 Iniisip at gumagawa para sa bayan
A. Pag-iisa-isa C. Paghahambing
B. Pagsasalaungatan D. Pagbibigay ng halimbawa
20. Kung ang lahat ng Pilipino ay magiging makabayan, mabilis na uunlad ang ating bansa.
A. Sanhi at bunga C. paghahambing
B. pagsasalaungatan D. pagbibigay ng halimbawa
21-22. Piliin ang angkop na pandiwang gagamitin batay sa pangungusap at sa ibinigay na salita.

21. (lahok) _________________ kami sa Technolympics sa susunod na buwan.


a. Lahok b. Lumahok c. Lumalahok d. Lalahok
22. (sayaw) ________________ ngayon ang mga mag-aaral ng HBIS sa plaza para sa kanilang performance
sa PE
a. Sayaw b. Sumayaw c. Sumasayaw d. Sasayaw
23. (gising) Maaga akong _____________bukas dahil pupunta kami sa Bacolod.
a. Gising b. Gumising c. Gumigising d. Gigising
24. (laba) Ang mga nanay sa amin ay palaging _______________ tuwing hapon.
a. Laba b. Maglaba c. Naglalaba d. Maglalaba
25. (iyak) _____________ ang bata dahil nahiwalay siya sa kaniyang ina sa loob ng mall kanina.
a. Iyak b. Umiyak c. Umiiyak d. Umiiyak

26-30. Tukuyin kung anong aspekto ng pandiwa na nasa salungguhit.


a. Imperpektibo b. Perpektibo c. Kontemplatibo
26. Pupunta si Tenyong sa simbahan upang magpakasal ky Julia.
27. Ngayon ay ikinakasal na si Julia at Miguel.
28. Nag-usap si Juana at Tadeo tungkol sa kasal.
29. Bukas ay susulungin natin ang mga Espanyol
30. Magbabayad ang mga kura sa kanilang mga kasalanan.

31-40. Suriin ang pahayag ng bawat bilang. Lagyan ng mukhang nakangiti  kung ang pagpapahayag ng opinyon ay
pagsang-ayon at lagyan ng mukhang nakasimangot  kung ang pagpapahayag ng opinyon ay pagsalungat o pagtanggi.
2
31. Lubos akong nananalig sa sinabi mong maganda ang buhay dito sa mundo.
32. Ganoon din ang nais kong sabihin, na masama ang palaging nangongodigo sa klase.
33. Maling-mali talaga ang pagbabago at paggawa ng makabagong teknolohiya.
34. Hindi totoong gaganda ang buhay mo sa pandaraya.
35. Tunay na nahihirapan ang mga magulang sa pagpapaaral sa kanilang mga suwail na anak.

36-40. Isulat kung Tama o Mali ang mga pahayag mula sa ang kuwentong “Walang Sugat”
36. Ipinakasal si Tenyong at Julia dahil may kanser si Tenyong at mamamatay na rin.
37. Ang kuwentong “Walang Sugat” ay tungkol sa pag-iibigan nina Julia at Tenyong at ang pag-ibig
ng mga Pilipino sa bansang Pilipinas.
38. Si Miguel ay isang mayamang lalaking ipinagkasundo kay Julia.
39. Ang mga letrang nakaburda sa panyo ni Julia ay nangagahulugang “Amo Nating Frayle”
40. Ang kuwentong “Walang Sugat” ay nangyari sa panahon ng mga Hapones.

41-45. Suriin at tukuyin kung anong kaantasan ng pang-uri ang mga nakasalungguhit na salita.

__________41. Di-gaanong magulo ang aking isip tungkol sa mga bagay na nais kong mangyari sa aking
buhay.
__________42. Ang aking kaklase ay saksakan ng talino.
__________43. Ang maliit na tampuhan ay madaling nalulutas sa ngayon.
__________44. Ang aking ina ay masasabi kong ulirang ina.
__________45. Magsintangkad si Jovelyn at Angel.

46-50. Gumawa ng pangungusap na may pang-uri na lantay, pahambing, at pasukdol gamit ang pang-
uring:mapagmahal

46. Lantay (1 point)

47-48. Pahambing (2 point)

_________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________.
49-50. Pasukdol (2 point)
_________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

3
4

You might also like