You are on page 1of 2

Guintas National High School

Guintas, Hamtic , Antique


4th Departmental Exam
Filipino – Grade 8

I. PAGKILALA
PANUTO: Hanapin sa loob ng kahon ang mga tauhang tinutukoy ng sumusunod na pahayag.

a. Linceo f. Menandro k. Flerida


b. Briseo g. Ali Adab
c. Florante h. Laura
d. Aladin i. Floresca
e. Antenor j. Adolfo

1. Siya ang pangunahing tauhan sa akdang Florante at Laura.


2. Kaibigang matalik ni Florante at nagligtas sa kaniya sa panganib.
3. Prinsesa ng Albanya at nais pakasalan ni Adolfo.
4. Siya ang hari ng Albanya.
5. Ina ni Florante at prinsesa ng Krotona.
6. Isang duke at pribadong tanungan ng hari ng Albanya.
7. Mortal na kalaban ni Florante at umagaw sa kaharian ng Albanya.
8. Prinsipe ng Persia at nagligats kay Florante laban sa mga mababangis na hayop.
9. Sultan ng Persia at nais niyang pakasalan si Flerida.
10. Guro ni Florante nang siya ay nag-aaral sa Atenas.

II. TAMA O MALI


PANUTO: Isulat ang salitang Tama kung wasto ang mga pahayag at Mali naman kung hindi.

1. Ang awit ay isang anyo ng panitikan na labis na kinagigiliwan ng mga katutubo noong Panahon ng Kastila sa Pilipinas.
2. Ang paghihimagsik ni Balagtas ay natutuon sa isang intelektwal na pakikibaka.
3. Tinuligsa ni Balagtas ang mga taong naliligayahan sa panloloko sa kanilang kapwa sa tulong ng mga salawikain.
4. Gumamit si Balagtas ng mga mararahas na salita na siyang nagpaigting sa mga damdaming binubuo niya sa kaniyang akda.
5. Upang higit na maging mabisa ang dating sa mga mambabasa, sinundan ni Balagtas ang ginawa ng mga pangangaral.
6. Sa kaniyang pagsulat, gumamit si Balagtas ng mga salawikain, kasabihan, sawikain, at iba pa.
7. Sinasabing ang tunay na paghihimagsik ni Balagtas ay pag-ibig.
8. Durog na puso ang nagsilbing ningas upang maisiwalat ni Balagtas ang kaniyang nadarama.
9. Ang Florante at Laura ay tumatalakay sa pakikipagsapalaran, kabayanihan at kataksilan.
10. Inilalarawan sa Florante at Lauraang kasawiang natamo ni Balagtas sa pangingibig kay Maria Asuncion Rivera.

III. TALASALITAAN

PANUTO: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Piliin ang wastong sagot sa loob ng kahon. Isulat ang
titik lamang.

a. imahinasyon e. ginamit i. kinamuhian


b. natakot f. saya j. tinanggal
c. traydor g. pagsubok
d. daan h. napasigaw

1. Siya ay naduwag sa pag-amin ng kaniyang nararamdaman nang makaharap niya ang minamahal.
2. Inakala ni Florante na nagtaksil ang kaniyang minamahal na si Laura.
3. Kinasuklaman niya ang kaniyang kababayang si Konde Adolfo dahil sa ginawa nito.
4. Habang siya ay nakagapos, lumitaw sa kaniyang guni-guni ang kaaya-ayang mukha ni Laura.
5. Dahil sa landas na kaniyang tinahak, natagpuan ni Aladin ang nakagapos na si Florante.
6. Kinalag ni Aladin ang taling nakagapos kay Florante.
7. Si Florante ay napahiyaw sa hapdi ng kaniyang mga sugat.
8. Siya ay nagsisikap upang malampasan niya ang mga dagok na kaniyang kinakaharap.
9. Ginugol niya ang mga natitirang oras sa pagpapaalam sa kaniyang mga minamahal.
10. Hindi masukat ang galak na kaniyang naramdaman nang malaman niyang hindi nagtaksil ang kaniyang kasintahan.

IV. Pagkilala
Panuto: Ibigay ang hinihingi. Isulat ang wastong sagot sa inyong sagutang papel. Isulat ang sagot lamang.
1. Ano ang pangalan ng lugar na pinag-aralan ni Florante?
2. Ilang taong nag-aral si Florante sa kaniyang paaralan?
3. Anong uri ng dula ang itinanghal nina Florante sa kanilang paaralan?
4. Sinong tauhan ang ginampanan ni Florante sa dula-dulaan?
5. Sinong tauhan ang ginampanan ni Adolfo sa dula-dulaan?
6. Sinong tauhan ang ginampanan ni Menandro sa dula-dulaan?
7. Ano ang nilalaman ng unang sulat na natanggap ni Florante?
8 – 10. Sa ano-anong larangan naging dalubhasa si Florante habang siya ay nag-aaral?

V. Pagsulat
Panuto: Ibigay ang hinihingi. Isulat ang sagot lamang sa inyong sagutang papel.

1. Kung kayo ang magiging may-akda ng akdang Florante at Laura, ano ang magiging wakas ng kuwento?(Magsulat ng
sariling wakas ng kuwento) (5pts)
2. Sang-ayon ka ba sa naging desisyon ni Aladin na lisanin ang Persia dahil sa utos ng kanyang ama?Ipaliwanag ang
inyong sagot (5pts)

WAKAS
Good Luck!
Rizza Jane T. Abong

You might also like