You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
TULIAO NATIONAL HIGH SCHOOL
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10
____________________________________________________________________________________

Pangalan: _________________________________ Petsa: ______________________


Baitang/Seksyon: _________________________ Iskor: _______________________

PANUTO: BASAHIN ang mga sumusunod na tanong at BILUGAN ANG TITIK ng iyong sagot.

1. Ito ay elemento ng mitolohiya na tumatalakay tungkol sa paniniwalang panrelihiyon.


A. banghay B. tagpuan C. tauhan D. tema
2. Alin sa sumusunod ang hindi elemento ng mitolohiya?
A. kapani-paniwala ang wakas C. may salamangka at mahika
B. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya D. tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan
3. Nilinlang ni Utgaro-Loki si Thor upang hindi ___________.
A. manaig ang kapangyarihan nito C. na makabalik sa pinagmulan
B. mapaglaruan ng taglay nitong lakas D. sila masakop at magapi
4. Si Thor ang pinakatanyag na diyos ng mitolohiyang Norse. Ano ang tawag sa kaniyang sandatang maso?
A. Excalibur B. Mjolnir C. Frejlord D. Vili
5. Ang kahulugan ng talinghagang “balat-sibuyas” ay______.
A. mabango B. maramdamin C.pagkain D. rekado sa ulam
6. Ang “basag-ulo” ay nangangahulugang ______.
A. away o gulo B.nababasag C. nabasag ang ulo D.pagtatalo
7. Ito ay dalawang pinagsamang salita na ang kahulugan ay kasalan.
A. bahay-bahayan B. mahabang dulang C. pag-iibigan D.tagu-taguan
8. Ang mga sumusunod ay mga kulturang makikita sa Sintahang Romeo at Juliet maliban sa isa.
A. Paniniwala sa wagas na pag-ibig.
B. Pagdiriwang ng Pasko kasama ang Pamilya.
C. Alitan sa Pagitan ng mga mahaharlikang angkan.
D. Paggamit ng kapangyarihan ng magulang sa mga anak.
.9. Sa anong bahagi o elemento ng dula matutukoy ang uri ng dulang Sintahang Romeo at Juliet.
A. Panimula B. Kasukdulan C. Kakalasan D. Wakas
10. Kung hindi umibig si Juliet kay Romeo, kay ______ sana siya pakakasal.
A. Capulet B. Paris C. Romeo D.Tybalt
11. Siya ang orihinal na may akda ng Romeo at Juliet.
A. Francisco Balagtas C. Jose Corazon
B. Gregorio C. Borlaza D. William Shakespeare
12. Ang salitang kompyuter ay nagmula sa salitang Ingles na computer. Ano ang uri ng pinagmulan ng salita?
A. Hiram na salita C. Onomatopea
B. Morpolohikal na pinagmulan D. Pagsasama-sama ng mga salita
13. Sa pangungusap na “Maglilinis ng bahay sa Sabado si Karen”, ang pokus ng pandiwa ay_______?
A. Tagaganap B.Tagatanggap C. Kaganapan D. Pokus sa Gamit
14. Gumugol siya ng panahon sa paggawa ng kabutihan. Ang tuwirang layon sa pangungusap ay?
A. Gumugol B. Ng kabutihan C. Ng panahon D. Sa paggawa
15. Ito ay ang tula ng damdaming nagpapakita ng matinding emosyon ng tao o puno ng masisidhing damdamin tulad ng pag-
ibig,kalungkutan, kaligayahan, tagumpayan at iba pa.
A. Tulang pasalaysay C. Tulang liriko
B. Tulang patnigan D. Tulang padula
16. Isa itong uri ng tula na nagmula sa Italy na may labing-apat na taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod.
A. alegorya B. haiku C. soneto D. tanaga
17. Sa tulang “Ang Aking Pag-ibig”, ang nais ipahiwatig ng taludtod na “Malibing ma’y lalong iibigin kita” ay _____.
A. Tunay na pag-ibig C. Wagas na pag-ibig
B. Pag-ibig na walang kapantay D. Kadakilaan ng pag-ibig
18. Ang sumusunod ay ang pagpapakahulugan ng tula liban sa____
A. Ang tula ay isang panitikan na may matatalinghagang
pagpapahayag ng isipan at damdamin.
B. Ang tula ay nasa anyong tuluyan
C.Ito ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika
sa iba't ibang anyo at estilo.
D. Maitutulad sa awit ang isang tula.

Iniibig kita nang buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay
Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan. –
Ang Aking Pag-ibig

19. Alin sa sumusunod ang katangiang hindi taglay ng persona ng tula?


A. mapagtiis B. mapagkumbaba
C. masayahin D. mapagmalasakit
20. Ipinahahayag ng persona sa tula ang kanyang pagmamahal at pagsinta sa taong kanyang iniibig
sa pamamagitan ng ___________.
A. pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig
B. paghahambing nito sa iba’t ibang bagay
C. paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila
D. pagpapahiwatig ng nararamdaman
21. Kumukulo ang dugo ng mag-anak sa mga taong nagmaliit sa kanila. Ano ang ibig ipakahulugan ng may salungguhit?
A. Masayahin C. Galit na galit
B. Matampuhin D. Bugnutin
22. Maraming pasa ang bata sa kaniyang katawan dahil ang kaniyang ama ay mabigat ang kamay.Ano ang ibig ipakahulugan ng may
salungguhit?
A. Mapanakit B. Mabait C. Basagulero D. Malalahanin
23. Anong tayutay ang gumagamit ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, anaki’y, animo, at iba pa?
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis D. Pagtatao
24. Ang kalangitan ay nagdadalamhati sa kanyang pagpanaw. Anong uri ng tayutay ang ginamit sa pangungusap?
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis D. Pagtatao
25. Isang akdang pampanitikan na naglalaman ng isang kuwentong may mahalagang pangyayari at may iisang kakintalan lamang.
A. Alamat B. tula C. Maikling Kuwento D. Dula
26. Sila ang mga pangunahing tauhan sa kwentong “Aginaldo ng mga Mago”.
A. Bob Ong B. Rufino Alejandro C. O. Henry D. Vergilio Almario
27. Bakit itinuturing ng marurunong na mago ang mag-asawang Jim at Della Young?
A. Isinakripisyo nila ang pinakamahalagang ari-ariang pinakaiingatan
B. Hindi nila ipinakita ang pagdaramdam sa isa’t isa sa kabila ng kanilang pagkakamali.
C. Pinatunayan nila na pag-ibig ang pinakamagandang aginaldo sa Pasko
D. Binigyan nila ng aginaldong pamasko ang bawat isa sa kabila ng kanilangkahirapan
28. “Hindi ba maganda, Jim? Hinalughog ko ang buong bayan para lamang makita ko iyan. Pihong
matitingnan mo na ngayon ang oras kahit makasandaang beses maghapon. Akina ang relos mo.
Tingnan ko lamang kung gaano kaganda kung maikabit na ang kadena.” Sa linyang ito ni Della
anong emosyon ang nagingibabaw?
A. Pagkagalit B. Pagkasabik C. Pagkalungkot D. Wala sa nabanggit
29. Sa palagay ko, kailangan nating magtulungan upang labanan ang sakit ng lipunan. Anong parirala ang nagsasaad ng paghihinuha
sa pangungusap.
A. Sa palagay ko B. Magtulungan C. labanan D. sakit sa lipunan
30. Ito’y isang akdang pampanitikang nagtataglay ng nakawiwiling pangyayari at sumasalamin sa kultura ng isang lugar. Binubuo ito ng
iba’t ibang mga kabanata.
A. Dula B. Nobela C. Maikling Kuwento D. Parabula
31. “Siya ay maglalayag sa malayong bahagi ng dagat, hilaga ng Cuba sa kipot ng Florida para mangisda.” Anong elemento ng nobela
ang naipakita sa bahaging ito?
A. Tema B. Banghay C. Tauhan D. Tagpuan
32. “Pero hindi nilikha ang tao para magapi,’’ sabi niya. Maaaring wasakin ang isang tao pero hindi siya magagapi.” Ang naturang
pahayag ay nagpapahiwatig na _____________.
A. May pagsubok mang dumating, lilipas din
B. Hindi dapat magpatalo sa hamon ng buhay
C. Kung may dilim may liwanag ding masisilayan.
D. Nilikha tayo para lumaban at hindi para masaktan lamang.
33. Lumitaw sa nobelang “Ang Matanda at ang Dagat” ang teoryang ito sapagkat sinasalamin nito ang realidad sa lipunan. Nakatuon
ito sa nilalaman ng teksto at ang matapat nitong paggagad sa lipunan.
A. Naturalismo B. Eksistensiyalismo C. Realismo D. Humanismo
34. Ang nobelang “Ang Matanda at ang Dagat”, ay isinulat ni ____________ sa Cuba noong 1951
at inilabas noong taong 1952.
A. Vrginia Hamilton B. Rogelio Sicat C. Luwalhati Bautista D. Ernest Hemingway
35. Totoo naman na kakaunti ang kaniyang eksena ngunit nagpakita pa rin siya ng kahusayan sa pagganap. Ano ang ipinahihiwatig
ng nasalungguhitang salita?
A. Paghamak B. Paghanga C. Pagsang–ayon D. Pagtanggi
36. Hindi maganda ang visual effects na ginamit sa pelikula, masyado itong madilim. Ano ang isinasaad ng nasalungguhitang salita?
A. Paghamak B. Pagkainis C. Pagsang–ayon D. Pagtanggi
37. Alin ang hindi kabilang sa layunin ng talumpati?
A. bumatikos B. magturo C. magyabang D. manghikayat
38. Ano ang tawag sa Ingles ng biglaang pagtatalumpati?
A. impromptu B. exclamation C. spontaneous D. Declamation
39. Kanino nakasalalay ang ikatatagumpay ng isang talumpati?
A.layunin at mananalumpati C. paksa at mananalumpati
B. mananalumpati at tagapakinig D. paksa at tagapakinig
40. Ingklitik tawag sa mga katagang paningit na laging sumusunod sa unang pangngalan, panghalip,
pandiwa, pang-uri o pang-abay.Kilalanin ingklitik ang ginamit bilang 40-41
Si Dilma Rousseff pala ang kauna- unahang babaeng pangulo ng Brazil.
A. pala B. ang C.babaeng D. ng
41. Marami rin ang nasa Luneta upang makinig ng talumpati
A. ang B.rin C. upang D. ng
42. Ginagawa ang plaza ng Bayan ng Sta. Ana. Ang salitang may salungguhit ay_____.
A. ingklitik C. pariralang panlunan
B. modipikasyon D. pariralang nagpapahayag ng pangyayari
43. Ito ay isang napakaikling kuwento na nakapokus sa isang karanasan o pangyayari sa buhay ng isang tauhan. Gahol ito sa
banghay at walang aksiyong umuunlad.
A. tula B. talumpati C. dula D. dagli
44. Ang dagling “Ako Po’y Pitong Taong Gulang” ay mula sa _________
A. Amerika B. Isla ng Carribean C.Brazil D. France
45. Ito ay microblogging na serbisyo na nagbibigay kakayahan sa gumagamit nito na magpadala at
basahin ang mga mensahe na kilala bilang tweets.
A. blog B. facebook C. twitter D. youtube
46. Sa pamamagitan ng multimedia sharing na ito, maaari mong ibahagi ang mga video at nagbibigay-daan para sa mga gagamit
(user) nito na mag-upload, makita at ibahagi ang mga
video clips.
A. blog B. facebook C. twitter D. youtube
47. Nakatuon ito sa pagtulong sa mga tao na makakilala ng mga bagong kaibigan, makibalita sa mga lumang kaibigan at magbahagi
ng mga nilalamang midya sa web.
A. blog B. facebook C. twitter D. Youtube
48. Ang puso ay parang paminta. Buo talaga, pilit lang dinudurog ng iba.” Ang pahayag ay tumutukoy sa anong anyo ng panitiokan sa
social media?
A. Hugot Lines B. Pick Up Lines C. Vlog D. Spoken Poetry
49. Ang taas ng nakuha kong iskor sa aking modyu. I-flex ko nga ito sa aking mga kaibigan. Ano ang ibig sabihin ng salitang may
salungguhit?
A. Biro lang B. Hanggang kaibigan lang C. Idolo o taong hinahangaan D. Ipagyabang
50. Ang salitang buti kapag nilagyan ng panlapi na ma- at inulit ay magiging mabuti-buti na ang ibig sabihin ay ___
A. magaling B. magaling-galing C. maayos D. katamtamang ayos

Inihanda ni: Pinagtibay ni:

MA.THERESA C. MARTINEZ DOMINADOR V. NABOR JR.J.D


Guro sa Filipino Punongguro I

You might also like