You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
Schools Division Office of Isabela
ANGADANAN EAST DISTRICT
STO. NIÑO INTEGRATED SCHOOL
Sto. Niño, Angadanan , Isabela

IKALAWANG MARKAHANG MAHABANG PAGSUSULIT sa FILIPINO-10

Pangalan: _____________________________ Petsa: ______________ Iskor: ___________

MARAMIHANG PAGPIPILI
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot
bago ang bilang.

_____ 1. Si Thor ang pinakatanyag na diyos ng mitolohiyang Norse. Ano ang tawag sa kaniyang sandatang
maso?
A. Excalibur C. Mjolnir
B. Frejlord D. Vili
_____ 2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng banghay ng isang mitolohiya?
A. Tumatalakay sa pagkalikha ng mundo.
B. Ipinakikita ang ugnayan ng mga tao at ng mga diyos at diyosa.
C. Salat sa aksyon at tunggalian dahil nakatuon lamang ito sa iisang tauhan.
D. Nakatuon sa mga suliranin at kung paano ito malulutas.
_____ 3. Ano ang tawag sa lugar kung saan nakatira ang mga diyos ng mitolohiyang Norse?
A. Asgard C. Ragnarok
B. Jotunheim D. Ygdrassil
_____ 4. Ano-ano ang mga naging paligsahan na pinaglabanan nina Thor sa kaharian ni Utgard-Loki?
A. Pabilisan sa pagkain, sa pagtakbo, paramihan ng maiinom na alak.
B. Pabilisan sa paglangoy, sa pagputol ng malaking puno, pagpapaamo sa mabangis na tigre.
C. Pagpapatulog sa alagang pusa, paggawa ng kastilyo, pagbuhat sa malaking bato.
D. Pagalingan sa pagkanta, patalasan ng isip, pagkumpuni sa nasirang damit ni Utgard-Loki.
_____ 5. Bakit hindi nagtagumpay sa mga pagsubok ni Utgard-Loki sina Thor?
A. Dahil lubhang napakahirap ang mga pagsubok na inihanda ni Utgard-Loki.
B. Dahil sa pagiging mainitin ng ulo ni Thor kaya siya nagkamali sa mga pagsubok.
C. Gumamit ng mahika si Utgard-Loki upang mandaya dahil batid niyang malakas na kalaban si Thor.
D. Pinagkaisahan si Thor at ang kaniyang mga kasamahan ng mga alagad ni Utgard-Loki upang di sila
manalo.
_____ 6. Siya ang orihinal na may akda ng Romeo at Juliet.
A. Francisco Balagtas C. Jose Corazon
B. Gregorio C. Borlaza D. William Shakespeare
_____ 7. Siya ang nakakita kay Romeo sa kasiyahan at isinumbong ito sa isang Capulet.
A. Juliet B. Nars C. Paris D.Tybalt
_____8. Paano nagpakamatay si Romeo?
A. Siya ay nagpasagasa
B. Sinaksak niya ang kaniyang sarili
C. Uminom siya ng lason
D. Nagbaril siya ng sarili
_____9. Sa kaniya dapat pakakasal si Juliet kung hindi siya umibig kay Romeo.
A. Capulet B. Paris C. Romeo D.Tybalt
____10. Saan unang nakita ni Romeo si Juliet?
A. sa gubat C. sa kanilang tahanan
B. sa hardin D. sa isang kasiyahan
11. Alin sa sumusunod ang katangiang HINDI taglay ng persona sa tula?
A. mapagtiis C. masayahin
B. mapagpakumbaba D. mapagmalasakit
12. Ipinahahayag ng persona sa tula ang kaniyang pagmamahal at pagsinta sa taong kaniyang iniibig sa pamamagitan ng
______________.
A. .pagpapahiwatig ng nararamdaman
B. pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig
C. paghahambing nito sa iba’t ibang bagay
D. paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila
13. Anong uri ng pag-ibig ang nais ipahiwatig ng tulang “Ang Aking Pag ibig?”
A. pag-ibig sa ama/ina C. pag-ibig sa kapatid
B. pag-ibig sa kaibigan D. pag-ibig sa kasintahan/asawa
14. Ang uri ng or tawag sa tulang nagmula sa Italy na may labing-apat na taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod.
A.haiku B. oda C. soneto D. tanaga
15. Sa pagsulat ng tula, alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang?
A. magmasid sa paligid
B. pagiging orihinal ng akdang isusulat
C. iwasan ang paggamit ng mga tayutay
D siksik at umaapaw sa mensahe ang tula

16. Ano ang persona ng nagsasalita sa tula?


A. isang babaeng mangingibig C. isang gansang naligaw
B. isang gansang nabihag D. isang lalaking mangingibig
17. .“Ang / Ti/nig / ng / Li/gaw / na / gan/sa” Anong elemento ang nangibabaw sa taludtod na ito?
A. imahen C. persona
B.musikalidad D. wika
“Nahuli sa pain, umiyak
Ako’y hawak ng iyong pag-ibig,
Hindi ako makaalpas.”
18. Anong elemento ang kapansin-pansin sa bahaging ito ng tula?
A. imahen C. persona
B.musikalidad D. wika
19. Anong kaisipan o damdamin ang ipinahihiwatig ng tula?
A. pag-ibig C. panghihinayang
B. pagdurusa D. pag-asa
20. Batay sa mga pahiwatig, anong uri ito ng tula?
A.dalit B. elehiya C. pastorsal D. soneto
21. Ano ang suliranin ni Della sa kuwentong Aginaldo ng mga Mago?
A. Ang handa nila sa pasko.
B. Ibibigay na regalo sa asawa niyang si Jim.
C. Bibilhin na palamuti sa kanilang bahay sa pasko.
D. Ang kanilang ibibigay na regalo sa kanilang anak.
22. Bakit nabigla si Jim nang makita niya ang buhok ni Della?
A. Dahil ayaw niyang magpagupit si Della.
B. Binilhan niya ng suklay si Della bilang regalo.
C. Hindi akma kay Della ang kanyang bagong gupit.
D. Dahil gusto niya si Della kung mahaba ang kanyang buhok.
23. Ano ang damdamin ang nakapaloob sa diyalogo na ito, “Huwag mo sana akong masdan nang ganyan, ipinaputol ko ang
aking buhok at ipinagbili sapagkat hindi na ako makatatagal pa hanggang sa isang pasko kung hindi kita mabibigyan ng
aginaldo”.
A. Pag-aalala B. Pagtataka C. Pagkainis D. Pagtatampo
24. Kanino inihalintulad ang mag-asawang Jim at Della?
A. Tatlong Hari B. Santa Claus C. Hesus D. mga bata
25. Sino ang ama ng maikling kuwento sa buong daigdig?
A. Edgar Allan Poe B. Deogracias Rosario
C. Severino Reyes D. Aesop
26. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga panuntunan sa pagbuo ng mabuting karakter?
A. Umpisahan sa pagbuo ng isang payak na profayl.
B. Ilagay ang karakter sa isang banghay.
C. Gumamit ng mga tayutay sa paglalarawan.
D. Gumawa ng isang mas maunlad na personalidad.
27. Isang proseso ng pagpapahiwatig o pagpapahayag batay sa sariling kaalaman.
A. Pagpapaliwanag B. Paghihinuha
C. Pagtatanong D. Pagsasalaysay
28. Batay sa mga nabasang akda ano ang mensaheng naipabatid sa iyo?
A. Ang pasko ay tungkol sa regalo
B. Dapat magbigay ng aginaldo tuwing pasko
C. Hindi lang sa mga bata ang pagdiriwang ng pasko
D. Hindi mahalaga ang material na bagay mapasaya mo lang ang taong
mahalaga at nagmamahal sa iyo.
29. Bakit ibinenta ni Della ang kanyang buhok?
A. Para makabili ng aginaldo para kay Jim
B. Ibibili ng handa para sa pasko
C. Mamasyal sila ng kanyang asawa
D. Bibili ng mga gamit sa kanilang bahay
30. Anong mahalagang yaman ang naipagbili ni Jim para makabili ng aginaldo para kay Della?
A. Mamahalin suklay B. Relos
C. Buhok D. Kadena para sa relos
31. “Huwag kang mag-isip, Tanda”, malakas niyang sabi. Magpatuloy ka sa paglalayag at harapin ang anomang
dumating”. Ang pahayag ay nagpapakita ng anong uri ng tunggalian?
A. tao sa tao B. tao sa sarili
C. tao sa lipunan D. tao sa kalikasan
32. Ito’y isang akdang pampanitikang nagtataglay ng kawili-wiling pangyayari at sumasalamin sa kultura ng isang lugar.
Binubuo ito ng iba’t ibang mga kabanata.
A. Dula B. Nobela
C. Maikling Kuwento D. Parabula
33. Anong katangian ang nangibabaw sa pangunahing tauhan habang hinihila niya ang isda?
A. mabait B. matatag
C. mabuti D. mapagpahalaga
34. Sa teoryang ito ipinakikita o mas lumulutang na ang naganap sa buhay ng tauhan at mga pangyayari ay bunga ng kaniyang
sariling pagpili o pagpapasya.
A. Eksistensiyalismo B. Feminismo
C. Realismo D. Markismo
35. “Pero hindi nilikha ang tao para magapi,”sabi niya. “Maaaring wasakin ang isang tao pero hindi siya magagapi”. Ang
pahayag ay nangangahulugang:
A. May pagsubok mang dumating, lilipas din
B. Hindi dapat magpatalo sa hamon ng buhay
C. Kung may dilim, may liwanag ding masisilayan
D. Nilikha tayo para lumaban at hindi para masaktan lamang.
36. Alin sa sumusunod na katangian ang HINDI ipinakita ni Santiago?
A. Hindi siya sumusuko sa buhay.
B. Sinukuan niya ang paghuli sa pating.
C. Matapang niyang hinarap ang hamon ng buhay.
D. Hindi siya naghihinakit sa mga taong nanghuhusga sa kaniya.
37. Alin sa sumusunod na kalupitan ang naranasan ni Santiago?
A. Ang diskriminasyon sa kanilang lipunan.
B. Ang kawalang hustisya sa mga nagkasala
C. Ang panggigipit ng mga otoridad sa mga biktima
D. Ang pagmamalupit ng mga makapangyarihan sa mahihirap
38. Lumitaw sa nobelang “Ang Matanda at ang Dagat” ang teoryang ito sapagkat sinasalamin nito ang realidad sa
lipunan. Nakatuon ito sa nilalaman ng teksto at ang matapat nitong paggagad sa lipunan.
A. Eksistensiyalismo B. Feminismo
C. Realismo D. Markismo
39. Ito ay pag-alam sa nilalaman, kahalagahan, at ang istilo ng awtor o may-akda.
A. Panonood B. Pakikinig
B. Pagbasa D. Pagsusuri
40. Alin sa sumusunod na elemento ang makikita sa nobela na wala sa maikling kuwento.
A. Tauhan B. May Kabanata
C. Tagpuan D. Tunggalian
B. Panuto: Isulat ang (A) sa sagutang papel kung ang ipinahahayag tungkol sa tula ay Tama at (B) naman kung ito’y Mali.
_____ 41. salamin ng buhay
_____42. maaaring may sukat at tugma
_____ 43. nahahati sa iba’t ibang kabanata
_____ 44. binubuo ng mga taludtod at talata
_____ 45. piling-pili ang mga salitang ginagamit
_____ 46. naglalaman ng masisidhing damdamin
_____ 47. maikli lamang at nababasa ng isang upuan
_____ 48. karaniwang nagsasalaysay ng mga pangyayari
_____ 49. nagpapahayag ng katotohanan lamang
_____ 50. ginagamitan ng tayutay at matatalinghagang pahayag

You might also like