You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
City of San Jose Del Monte, Bulacan
San Jose Del Monte Heights High School

Ikatlong Panahunang Pagsusulit sa Filipino 7

Pangalan: ________________________________________________________________ Iskor:__________/50


Baitang at Pangkat: _______________________________________________________ Petsa: ____________

I. Basahin at unawain ang teksto. Piliin ang titik ng tamang sagot.

Ngunit isang araw ay naubos na ang pasensiya ni Perla at nagalit kay Amparo na laging
nagrereklamo sa kanilang ulam. Galit din sumagot si Amparo, “Anong gusto mo, alilain ako at busabusin?
Ako ang masusunod dahil ako ang nakatatanda,” sabay nanaog at pumitas ng halaman sa hardin at
nagtuloy sa ilog upang pagmasdan ang bulaklak sa kanyang buhok. Pagdukwang niya ay tuloy-tuloy
siyang nahulog sa ilog. Sa pag-aalala sa kapatid ay sumunod si Perla at kitang-kita niya nang mahulog si
Amparo sa ilog. Sumigaw nang malakas si Perla “Paro! Paro!,” marami ang nakarinig at tinulungan siya
ngunit walang Amparo silang nakita.

Mula sa Alamat ng Paru-paro

1. Ayon sa Alamat ng Paru-paro, sino ang dalawang pangunahing tauhan sa kwento na


nagpapakita ng pagkaibang personalidad?
A. Mabuti at Fe B. Amparo at Perla C. Maria at Pagong D. Paro at Fe
2. “Pagdukwang niya ay tuloy-tuloy siyang nahulog sa ilog”. Ano ang ibig sabihin ng salitang
nakasalungguhit?
A. Nagsalita B. Tumakbo C. Nadulas D.Paghakbang
3. “Anong gusto mo, alilain ako at busabusin?”, Ano ang emosyong ipinapahiwatig ng pahayag?
A. Pagkatuwa B. Pagkainis C. Pagkabigla D. Pagkatakot
4. Bakit nagkaroon ng matinding pagtatalo ang magkapatid sa kwento?
A. Dahil nagrereklamo si Amparo sa inihandang ulam ni Perla.
B. Dahil nais niyang maging Malaya mula sa kanyang kapatid.
C. Dahil gusto ni Perla na tulungan siya ni Amparo sa pagtitinda ng bulaklak.
D. Dahil lubhang tamad si Amparo kaya’t nais ni Perla na itigil na ang pagtitinda ng bulaklak.
5. Paano napatunayan na si Amparo at ang munting insekto na mayroong makukulay na pakpak ay
iisa lamang?
A. Dahil nagmula ito sa ilog kung saan nahulog si Amparo.
B. Dahil parehas mahilig sa bulaklak ang paru-paro at si Amparo.
C. Dahil sa itsura ng dalawa na kapwa makulay.
D. Dahil lumabas ang insekto sa loob ng bulaklak.

II. Unawain at Ianalisa ang Venn Diagram. Piliin ang titik ng tamang sagot.

Alamat Epiko

1.Mayroong 1. Nagsasalaysay ng
1. Nagpapaliwanag ng tauhan , kabayanihan.
pinagmulan. banghay at
tagpuan. 2. Ang mga tauhan ay
2. Nagbibigay ng gintong aral nagtataglay ng
sa mambabasa. 2. Isang uri ng
panitikan kapangyarihan.

6. Ano ang dalawang ideyang pinaghahambing ng Venn Diagram?


A. Alamat at Maikling Kwento C. Aliguyon at Ang Baysay
B. Pagkakaiba at Pagkakapareho D. Alamat at Epiko
7. Ano ang ipinaliliwanag ng gitna o “intersekyon” ng dalawang bilog?
A. Pagkakaiba B. Pinagmulan C. Pagkakatulad D. Pananong
8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahiwatig TAMANG pahayag?
A. Ang epiko ay nagpapaliwanag ng pinagmulan.
B. Ang epiko ay nagsasalaysay ng kabayanihan.
C. Ang alamat ay walang mapupulot na gintong aral.
D. Ang alamat at epiko ay hindi gumagamit ng banghay at tunggalian.
9. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahiwatig MALING pahayag?
A. Ang alamat at epiko ay isang uri ng panitikan.
B. Ang alamat ay nagsasalaysay ng kabayanihan ng isang magiting na tauhan.
C. Ang epiko ay mayroong tauhan at tagpuan sa simula ng kwento.
D. Ang epiko ay mayroong di-kapanipaniwalang pangyayari.
10. Bakit mahalaga ang paggamit ng Venn Diagram?
A. Upang maipaliwanag ang pinagmulan ng isang pangyayari at ideya.
B. Upang maipaliwanag ang pagkakaiba at pagkakapareho ng dalawang ideya.
C. Upang magsalaysay ng mga likhang pampanitikan ng mga katutubo at Espanyol.
D. Upang magbigay ng impormasyon sa mga mambabasa.

III. Basahin at unawain ang bawat tanong at isulat gamit ang MALAKING titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.

11. Ano ang awitin na karaniwang pumapaksa sa pag-ibig, pamimighati, pangamba, kaligayahan,
pag-asa, at kalungkutan o maaaring ginawa upang maging panukso sa kapwa?
A. Awiting Bayan B. Awiting Panudyo C. Kundiman D. Oyayi o Hele
12. Ano ang uri ng awiting bayan na para sa mag-iisang dibdib o ikakasal?
A. Dalit B. Diona C. Dungaw D. Kumintang
13. Ano ang uri ng awiting bayan na tumatalakay sa pamamangka at gawi ng mga mangingisda?
A. Kundiman B.Talindaw C. Kumintang D. Suliranin
14. Ano ang uri ng awiting bayan na tungkol sa kabiguan, kalungkutan at kasiyahan ng pag-ibig?
A. Diona B. Suliranin C. Dalit D. Kundiman
15. Ano ang paraan ng pagbigkas na maaaring malambing, pagalit, marahan, o kaya’y waring
laging aburido kundi man nasasabik?
A. Diin B. Tono C. Antala D. Pahayag
16. Ano ang makabuluhang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng titik o letra sa
pagsulat?
A. Ponemang Suprasegmental C. Ponemang Pagbigkas
B. Iba’t ibang uri ng Pahayag D. Pagkakaiba ng mga tono
17. Ano ang bahagi ng banghay kung saan maaaring masaya, malungkot o nagbubukas ng bagong
ideya o tinatawag na open-ended at ito ang sinasabing katapusan ng kwento?
A. Simula B. Kakalasan C. Wakas D. Kasukdulan
18. Ano ang bahagi ng banghay kung saan dito masasabing pinaka-kapana-panabik o
pinakamataas ang pangyayari ng kwento?
A. Simula B. Kakalasan C. Wakas D. Kasukdulan
19. Ano ang nagging libangan ng mga Pilipino noong unang panahon tulad ng salawikain, sawikain,
bugtong, palaisipan, kasabihan, at mga kawikaan?
A. Awiting Bayan B. Pambansang Laro C. Karunungang Bayan D. Kwentong Bayan
20. Alin sa mga sumusunod ang hindi uri ng Panlapi?
A. Unlapi B. Gitlapi C. Dugtungan D. Hulapi
21. Alin sa mga sa mga sumusunod ang hindi totoong pahayag?
A. Ang bugtong ay mayroong pantig na maaaring apat hanggang labindalawa.
B. Ang bugtong ay binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli na may sukat at tugma.
C. Ang palaisipan ay mga tanong na kadalasang nakalilito sa mga tagapakinig.
D. Hindi naging libangan ng ating mga ninuno ang karunungang bayan.
22. “Ang magkakaibigan ay pumunta sa isang malaking parke sa bayan.” Anong uri ng panlapi ang
nakasalungguhit na salita?
A. Unlapi B. Gitlapi C. Hulapi D. Kabilaan
23. “Ibig kong _________ (takas) sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata kong isipan
ay ibinilang kong kahihiyan ay kababaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap, pagkikitang
magbabalik sa gunita ng hapong iyon.” Ano ang wastong salita na bubuo sa pahayag?
A. Tumakas B. Tatakas C. Tatakasan D. tumatakas
24. Ano ang isang maikling komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na opinyon ng may-
akda?
A. Sanaysay B. Maikling Kwento C. Tula D. Tayutay
25. “_______________(tawag) ni Maria Sinukuan si Lamok upang magkaroon ng paglilitis sa kanyang
hukuman.” Ano ang wastong salita na bubuo sa pahayag?
A. Tinawag B. Ipinatawag C. Tatawagin D. Tinatawag
26. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang MALI patungkol sa sanaysay?
A. May dalawang anyo ng sanaysay ang pormal at di pormal.
B. Ang sanaysay ay nagbibigay impormasyon pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang
karaniwan, pang-araw-araw, at personal.
C. Ang sanaysay ay nagpapaliwanag ng pinagmulan ng isang bagay,tao o lugar.
D. Ang sanaysay ay subhektibo sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda
ang pananaw.
27. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang TAMA patungkol sa mitolohiya?
A. Ang mitolohiya ang nagpapaliwanag ng pinagmulan ng isang bagay, tao o lugar.
B. Ang mitolohiya ay nagpapakita ng kabayanihan ng isang tauhan na nagtataglay ng lakas.
C. Ang mitolohiya ay walang maayos ng banghay at ang tauhan ay humaharap sa maraming
suliranin o kabiguan.
D. Ang mitolohiya ay isang kuwentong nagpasalin-salin na sa dila mula sa katutubo hanggang
sa kasalukuyan na maaring tungkol sa politika, ritwal o moralidad ayon sa mga dyos at dyosa.
28. Paano isinasagawa ang panghihinuha sa isang akda?
A. Ito ay gumagamit ng “compare at contrast” na pamamaraan upang maanalisa ang akda.
B. Ito ay nagbibigay ng karagdadang impormasyon at naghahanda ng masusing konklusyon.
C. Ito ay kadalasang ginagawa ng isang matalinong mambabasa upang mabatid ang
kahihinatnan ng mga sitwasyon sa isang akda.
D. Wala sa nabanggit.
29. Ano ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento?
A. Banghay B. Tagpuan C. Tauhan D. Diyalogo
30. Ayon sa kwentong Malakas at Maganda, bakit naisip ng Diyos na lumikha ng mundo?
A. Naging malungkutin ang Diyos sapagkat wala Siyang makita at walang marinig.
B. Nais Niyang magkaroon ng kasama at kausap sa Kanyang kaharian.
C. Upang matuto ang Kanyang mga nilikha na pahalagahan ang mundo.
D. Dahil nais ng Diyos na magkaroon ng iba’t ibang nilalang sa mundo.
31. Sino ang may-akda ng Maikling Kwento na “Si Mabuti”?
A. Genoveva Edroza Matute C. Severino Reyes
B. Pascual Poblete D. Amado V. Hernandez
32. Bakit tinawag na “mabuti” ng mga mag-aaral ang maestra sa kwento?
A. Dahil ito ay napakabuti sa bawat estudyante at kasamahang guro.
B. Dahil ito ang bukambibig ng kanilang guro at kapag nalilimutan niya ang kanyang sasabihin
ang salitang mabuti ang kanyang ipapalit.
C. Dahil ito ang kabaliktaran ng kanyang ugali at walang may nais syang makasama.
D. Dahil ito ang nais niyang itawag sa kaniya.
33. Paano naging mas malapit ang loob ni Fe sa kanyang guro na si Mabuti?
A. Sa pagbibigay ni Mabuti ng tulong sa kaniyang problema.
B. Sa pagtuturo ni Mabuti sa klase ng kagandahang asal.
C. Noong nalaman niya na si Mabuti ang kanyang tunay na ina.
D. Noong nagkita ni Mabuti si Fe sa silid-aralan at napag-usapan nila ang kanilang problema.
34. Sino ang naparusahan ni Maria Sinukuan dahil sa pag-aamok sa hukuman?
A. Alimango B. Lamok C. Kabayo D. Palaka
35. Ano ang inirereklamo ni Ibong Martines kay Mariang Sinukuan?
A. Natapakan ni Kabayo ang kanyang mga itlog C. Ang malakas na kokak ni palaka
B. Ang hawak na itak ni lamok D. Ang apoy ni alitaptap
36. Bakit mahalaga ang tamang panghuhusga at gumamit ng naaayon na paghuhukom?
A. Dahil hindi ito nakatutulong sa pagresolba ng isyu o problema.
B. Dahil ito ay pumapanig sa mga taong malalakas at mayayaman.
C. Dahil ito ay nagbibigay ng tamang proseso at pagkilatis sa tama.
D. Dahil ito ay pampaubos oras lamang sa isang isyu o problema.
37. Ano ang salitang na kinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita?
A. Morpema B. Panlapi C. Kahulugan D. Etimolohiya
38. Ano ang isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig?
A. Mitolohiya B. Kwentong Bayan C. Alamat D. Epiko
Wala rin problema sa pag-aaral sa mga banyagang wika. Kailangan lamang malinaw
ang dahilan ng pag-aaral ng wika. Ang mahalaga ay huwag talikuran ang wikang atin
kapalit ng wika ng iba.

Mula sa sanaysay na Bakit Ako Magsusulat sa Wikang Filipino? ni W. M. Reyes

39. Ano ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit sa sanaysay?


A. Mga wika sa Pilipinas C. Wikang nagmula sa ibang bansa
B. Wikang ating pinagkamulatan D. Wikang impormal
40. Ano ang nais ipabatid ng sanaysay?
A. Huwag natin pahalagahan ang ating wika. C. Mag-aral ng iba’t ibang wika
B. Huwag natin talikuran ang ating wika. D. Mahalin ang banyagang wika

IV. Tukuyin kung Anapora o Katapora ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang titik ng tamang
sagot.
41. Doon ay nakaranas ako ng kasiyahan. Sa probinsya ay marami kang maaaring pagkaabalahan.
A. Anapora B. Katapora
42. Si Maria Sinukuan ay ang diwata sa Bundok ng Arayat. Siya ay nagsisilbing tagapagtanggol ng
mga hayop at kalikasan.
A. Anapora B. Katapora
43. Si Amparo at Perla ay magkapatid. Sila ay nagtitinda ng makukulay na bulaklak.
A. Anapora B. Katapora
44. Ito ay isang dakilang lungsod. Ang Maynila ay may makulay na kasaysayan.
A. Anapora B. Katapora

V. Basahin ng mabuti ang palaisipan at piliin ang titik ng tamang sagot.

45. Ang magkakaibigang sina Lily, Billy at Dolly ay matataba. Iisa lamang ang payong. Paanong
walang nabasa sakanilang magkakaibigan?
A. Dahil mayroong nagparaya sa mga magkakaibigan. C. Dahil malaki ang payong.
B. Dahil hindi naman umuulan. D. A at C
46. Anong mayroon sa Aso na mayroon din sa pusa, na wala sa ibon, na mayroon sa manok at
dalawa sa buwaya?
A. Wala itong pakpak at paa, C. walang letrang ‘A’
B. Sa kanilang tinitirahan D. sa mga itsura nito

VI. Piliin sa loob ng kahon ang sagot sa mga bugtong. Isulat ang titik ng tamang sagot.

A. Kandila B. Mata C. Tainga D. Sinturon E. Palaka

47. Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo.


48. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
49. May ulo’y walang buhok, May tiyan, walang pusod
50. Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay, kailangang ako ay mamatay.
51. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.

“Tatag ng Wikang Filipino, lakas ng Pagka-Pilipino.”


Inihanda nina Bb. Charissa Alyanna C. Borromeo
Bb. Maria Anna Geronaga
Bb. Bianchie Villano

You might also like