You are on page 1of 4

ZARRAGA NATIONAL HIGH SCHOOL

Jalaud Norte, Zarraga, Iloilo

Senior High School Department
SY 2022 – 2023
Classroom Activities Kwarter 2
FILIPINO SA PILING LARANG (Akademik-Posisyong Papel)

NAME: _______________________________ STRAND & SECTION: ______________

DATE: ________________________________ SCORE: _________________________

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay nagpapakita ng katotohanan at isulat naman
ang MALI kung ito ay nagpapahayag ng kabalintunaan. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot
____1. Hindi gumagamit ng personal na atake upang siraan ang kabilang panig ang isang posisyong
papel.
____2. Nakabatay sa fact o katotohanan ang isang posisyong papel na nagbibigay ng matibay na
pundasyon sa mga inilatag na argumento.
____3. Isa sa mga katangian nito ay gumagamit ng mga akademikong lenguwahe.
____4. Ang posisyong papel ay maaaring nasa komplikadong anyo ng liham sa editor o kaya naman
ay sanaysay.
____5. Sa pagsulat ng posisyong papel, kailangang pag-aralang mabuti ang pagbuo ng mga
argumento at ang organisasyon ng papel.
____6. Kailangan munang tukuyin ang isyu o paksang magiging tuon bago magsusulat ng posisyong
papel.
____7. Ito ay nakabatay sa kuro-kuro o opinion ng isang manunulat.
____8. Ang isang sanggunian ay hindi na kailangan pa sa pagsulat ng posisyong papel.
____9. Sa bahaging kongklusyon ng nasabing sulating papel, muling ilahad ang mga pangunahing
argumento at patatagin ang introduksyon at katawan ng papel.
____10. Sa bahaging wakas ng isang posisyong papel, nararapat na talakayin ang kahalagahan at
kaligiran ng paksa at ilahad ang iyong posisyon o ang tesis na sanaysay

Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang bawat katanungan. Piliin lamang ang
tamang titik ng sagot.
11.Ito ay isang paraan upang ipahayag ang paninidigan.
A. Photo Essay C. Posisyong papel
B. Lakbay-Sanaysay D. Repleksibong Sanaysay
12.Sanaysay na naglalahad ng mga opinyon tungkol sa particular na paksa o usapin.
A. Photo Essay C. Posisyong papel
B. Lakbay-Sanaysay D. Repleksibong Sanaysay
13. Ito ang kailangan munang tukuyin bago sumulat ng posisyong papel.
A. isyu C. tagapakinig
B. katawan D. manunulat
14. Dito tatalakayin ang kaligiran at kahalagahan ng paksa.
A. pamagat C. kongklusyon
B. katawan D. introduksyon
15.Sa bahaging ito ay muling ilahad ang mga pangunahing argumento at patatagin ang introduksyon
at katawan ng papel.
A. pamagat B. kongklusyon C. katawan D. introduksyon
ZARRAGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Jalaud Norte, Zarraga, Iloilo
Senior High School Department
SY 2022 – 2023
Classroom Activities Kwarter 2
FILIPINO SA PILING LARANG (Akademik-Lakbay Sanaysay)

NAME: _______________________________ STRAND & SECTION: ______________

DATE: ________________________________ SCORE: _________________________

Gawain 1
Panuto: Mag-isip ng isang lugar (maaaring sa loob o sa labas ng Pilipinas) na iyong napuntahan.
Ilarawan ang mga katangian nito sa pamamagitan ng pagguhit. Gawin ito sa loob ng kahon.
Pagkatapos, sagutin ang mga tanong na makikita sa ibaba ng kahon.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ito sa iyong kuwarderno.
1. Ano ang nasa iyong isipan habang ginuguhit mo ang larawan?
2. Paano mo ihahambing ang lugar na ito sa lugar kung saan ka nakatira?
3. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili batay sa iyong paglakbay?
ZARRAGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Jalaud Norte, Zarraga, Iloilo
Senior High School Department
SY 2022 – 2023
Classroom Activities Kwarter 2
FILIPINO SA PILING LARANG (Akademik-Lakbay Sanaysay)

NAME: _______________________________ STRAND & SECTION: ______________

DATE: ________________________________ SCORE: _________________________

Panuto: Basahin ang lakbay-sanaysay na may pamagat na “Baguio Trip”. Pagkatapos, suriin ang
nasabing sulatin gamit ang pormat na makikita sa ibaba. Ilagay at isulat ang iyong sagot sa isang
papel.

“Baguio Trip”
Bilang isang kabataan, nais kong pumunta sa iba’t ibang lugar na may iba’t ibang tanawin.
Lalong lalo na ang mga lugar na talaga namang tinatangkilik ng mga turista, mapadayuhan man na
galing ibang bansa o yung mga taong doon na mismo sa lugar na yon lumaki at nagkaisip. Hindi ko
ginagawa ito upang magbakasyon lamang at magmuni – muni kundi para malaman ko kung saan at
paano nga ba ganoon ang tawag sa lugar na iyon.
At bakit nga ba ito tinatangkilik at dinadayo ng mga turista. Masayang gawin ito kapag kasama mo
ang mga mahal mo sa buhay lalong lalo na ang pamilya. Dahil ang pamilya ay isangpinakamahalaga
at magandang regalo sa atin ng Panginoong Hesukristo, ang pamilya ang siyang masasandalan mo sa
oras na ikaw ay may problema.
Isa sa napuntahan ko kasama ang aking pamilya ay ang lugar na Baguio. Ang Baguio ay isa sa mga
sikat na lugar dito sa Pilipinas lalong lalo na sa North Luzon, kilala ito bilang Summer Capital of the
Philippines hindi dahil mainit dito ngunit dahil napakalamig dito lalong lalo na kapag bumagsak ang
temperatura dito kapag sumasapit na ang kapaskuhan. Talaga namang dinadayo ito ng maramimg
tao dahil para sa kanila dito masarap ipagdiwang ang kapaskuhan kasama ang iyong mga mahal sa
buhay.
Ngunit hindi namin ito pinuntahan noong panahon ng kapaskuhan bagkus noong
unang araw ng Enero taong 2015. Dahil pagkatapos naming ipagdiwang ang bagong
taon ay nagsimula na kaming gumayak mula Pampanga hanggang sa makarating
kami sa Baguio. Pumunta kami doon dahil doon nais ng aking pinsan na ipagdiwang
ang kanyang ikapitong kaarawan. At dahil first time naming magpipinsan na pumunta
doon kung kaya’t mas lalo kaming naexcite na makarating na doon.
Isa sa mga pinuntahan namin sa Baguio ay ang Burnham Park na kung saan dito
kami gumala ng ilang oras, dito sa lugar na ito ay matatagpuan ang isang Dancing
Fountain at isang parang ilog na kung saan pwede kang mamangka at maglibot –
libot. Isa rin sa mga napuntahan namin ay ang Botanical Garden, dito sa lugar na ito
ay may mga matatandang Igorot na kung saan pwede ka sa kanilang magpakuha ng
litrato na kasama sila. Dito mo makikita na hindi nila kinakahiya kung saan sila
nagmula kahit na ganoon ang kanilang pananamit. At nagpunta rin kami sa Mines
View, ngunit kahit malayo at maraming tao doon at worth it naman dahil maganda at
talaga naming nakakarelax at mapapahanga ka sa ganda ng view na iyong nakikita.
At ang huli naming pinuntahan sa Baguio, at ang huling araw na rin namin doon ay
ang Strawberry Farm. Dito mo matitikman ang masasarap na strawberry na tinatawag
dinna Preyas. Sa loob ng tatlong araw namin sa Baguio ay marami akong nalaman sa
lugar na iyon at dito ko rin nalaman kung bakit nga ito tinatangkilik ng mga turista.

Realisasyon:
Ang naging realisasyon ko sa aking paglalakbay na ito ay huwag mong kakalimutan
ang mga lugar na talaga namang dapat mong ipagmalaki na sa inyo lang
matatagpuan. Dahil ang mga lugar na ito ang nagpapatunay na masagana ang bansa
niyo sa likas na yaman. At huwag na huwag mong kakalimutan ang iyong pamilya
dahil sila ang magiging kasangga mo sa lahat ng problemang iyong kahaharapin na
kahit na magkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan at magkasakitan man kayo ng
damdamin ay hinding hindi ka pa rin nila pababayaan at kakalimutan bagkus ay
mamahalin ka pa nila ng lubusan. At higit sa lahat ay magpasalamat tayo sa
Panginoon sa mga biyayang ating natanggap galing sa kanya.

Panuto: Para sa iyo, paano mo maipapakita ang iyong sariling pagpapahalaga sa

iba’t ibang katangian ng lakbay-sanaysay na nabasa? Pangatwiranan ang iyong
sagot.
____________________________________________________________________

______________________________________________________________.

You might also like