You are on page 1of 7

Sample KPUP Items for Filipino HS (Grade 7)

Content Standard
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa pabula at iba’t
ibang uri ng teksto gamit ang angkop na gramatika/ retorika.

Performance Standard:
Ang mga mag-aaral ay nakasusulat ng sariling pabulang naglalarawan ng
kultura ng sariling lugar/ rehiyon gamit ang sariling wika sa rehiyon o Filipino
nang may angkop na gramatika/retorika.

Competency
Nakapagbibigay-kahulugan sa kilos at gawi ng mga tauhan sa binasa

Knowledge
Bigyang kahulugan ang kilos o gawi ng mga tauhan. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Walang reklamo ang kalabaw sa pag-aararo gayundin sa pagbubuhat


ng mabibigat na bagay. Ang kalabaw ay
a. masipag. c. masasaktin.
b. malikhain. d. masayahin.

2. Laging may nakahandang sariwang damo at malinis na tubig para sa


kalabaw si Mang Donato. Binibigyan din niya ito ng pagkakataong
maglublob sa putikan lalo na kapag kainitan ng araw upang ito’y
maginhawahan. Si Mang Donato ay
a. maramdamin. c. mahiyain.
b. maalaga. d. maparaan.
3. Hindi nagugustuhan ng kalabaw na nasa bahay lang ang aso at hindi
nahihirapan sa bukid na tulad niya subalit tila mas mahal pa ito ni
Mang Donato. Ang kalabaw ay
a. maramdamin. c. mapaghiganti.
b. mahusay. d. mainggitin.

Competency
nakapagbabago ng mga pangyayari ng napiling alamat upang maging
maganda ang kahihinatnan ng pangunahing tauhan.

Process
Kung mabibigyan ka ng pagkakataong mabago ang ilang pangyayari sa
alamat upang mailayo ang kaawa-awang dalaga sa sakit na idinulot ng
kabiguan, alin-alin sa mga pangyayari sa akda ang babaguhin mo?Paano
kaya mababago ng mga ito ang kapalaran ng dalaga? Ilahad sa mga
patlang sa ibaba.
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
_________________________________________________________
Content Standard
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa pabula at iba’t
ibang uri ng teksto gamit ang angkop na gramatika/ retorika.

Understanding
Batay sa tatlong akdang kalakip ng pagtatayang na ito, kilalanin kung
alin ang pabula. Basahing mabuti at ipaliwanag kung ang mga ito ba ay
pabula o hindi.

Performance Standard:
Ang mga mag-aaral ay nakasusulat ng sariling pabulang naglalarawan ng
kultura ng sariling lugar/ rehiyon gamit ang sariling wika sa rehiyon o Filipino
nang may angkop na gramatika/retorika
Product/Performance
Ang inyong pahayagang pampaaralan ay maglalabas ng espesyal na edisyong
magbibigay pugay sa ika-isandaang taong pagkakatatag ng inyong bayan. Isa
kang bagong manunulat na inatasan ng inyong editor-in-chief na sumulat ng
pabulang maglalarawan sa makulay na kultura ng inyong lugar gamit ang
sarili ninyong wika o diyalekto o kaya’y ng wikang Filipino. Ang iyong
susulating pabula ay hindi lang papasa sa panlasa ng inyong editor-in-chief
kundi kalulugdan din ng mga mambabasa.
Sample KPUP Items for Filipino GS (Grade 1)

Competency:
Alam ang mga bahagi ng aklat at kung paano ito binabasa.

Knowledge
Anong bahagi ng aklat ang tinutukoy sa sumusunod na sitwasyon.
Basahin mula sa kahon ang tamang sagot at saka isulat sa patlang.

pabalat paunang salita katawan ng aklat

Paunang salita pahina ng pamagat

___________________ 1. Ito ang unang nakita at nagustuhan ni Dolly


sa kanyang aklat. Pagkatapos bilhin ng nanay
niya ang aklat ay agad nilang binalot ng
malinaw na plastik ang bahaging it para
maprotektahan ang aklat. Anong bahagi ito?

___________________ 2. Gustong malaman ni Dolly kung ano-anong


paksa ang laman ng aklat niya at kung saan-
saang pahina matatagpuan ang mga ito.
Anong bahagi ang pupuntahan niya?
Competency
Alam ang mga bahagi ng aklat at kung paano ito binabasa.

Process

Tingnan ang bahagi ng aklat na nakaturo. Sabihin ang tawag sa


bahaging ito at ipaliwanag kung bakit ito mahalaga.

Ang tawag sa bahaging ito ay (KTS)_______________


Mahalaga ito dahil (P&S) _______________________
____________________________________________

Ang bahaging ito ay tinatawag na (KTS)


______________
Mahalaga ito dahil
(P&S)__________________________
 Nauunawaan ang ugnayan ng teksto at mga larawan

Understanding

Pagmasdang mabuti ang mga larawan. Alin kaya sa mga ito ang
babagay o kaugnay ng tekstong nasa ibaba? Lagyan ng tsek () ang
iyong sagot at pagkatapos ay ipaliwanag mo kung bakit ito ang iyong
napili.
A B C

Masayang-masaya sina Jennie at Rica sa Paskong ito. Kumpleto


kasi ang kanilang pamilya. Dumating ang daddy nila mula sa matagal na
pagtatrabaho sa Amerika. Nagluto ang mommy nila ng masarap na
noche buena. Pagkatapos magsimba ay sama-samang kumain at
nagbatian ng “Maligayang Pasko” ang pamilya. Ibinigay din sa mga bata
ang regalong matagal na nilang pinapangarap. Napakasaya talaga ng
Paskong ito para sa mag-anak.

Pinili ko ang larawan ____ kasi ________________________________


__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
 Nauunawaan ang gawain ng mga awtor at ilustrador

Product /Performance

Ang inyong paaralan ay naghahanap ng mga batang awtor at ilustrador


na bubuo ng mga mumunting aklat pambata para sa pagdiriwang ng
book month. Ikaw ay napiling awtor at ilustrador. Ang mga aklat na ito
ay ipamimigay sa mga bata sa lugar lung saan nagsasagawa ng outreach
program ang inyong paaralan. Gumamit ka ng dalawang papel na
itinupi sa gitna at mga gamit pangguhit para sa iyong inilarawang aklat.
Ang ginawa ng isang bata ay may pamagat na “Ang Pusa ni Ana”. Mag-
isip ka ng sarili mong pamagat para sa bubuuin mong aklat. Ang iyong
gagawin ay dapat maging makulay at ang kuwento ay maganda upang
maakit ang mga bata sa baranggay na magbasa.

You might also like