You are on page 1of 7

Pangalan ng Mag-aaral: _____________________ Baitang/Pangkat:_____________________

[[

Guro: _______________________________________ Petsa ng Pagpasa:____________________

Susing Konsepto:

PANG-URI ay salitang naglalarawan sa pangngalan


at panghalip.

KAYARIAN NG PANG-URI
1. PAYAK – salitang-ugat na walang lapi.
Halimbawa: ganda, bilis, akyat

2. MAYLAPI - binubuo ng dalawang magkaibang


pinagsamang salita na may iisang kahulugan.
Halimbawa: balat-sibuyas

3. INUULIT- binubuo ng salitang ugat na maylapi.


Maaaring sa unahan, gitna o hulihan.
Halimbawa: maganda, sakitin

4. TAMBALAN- kung ang salitang ugat ay inuulit.


Halimbawa: tamang-tama masayang –masaya

Regional Contextualize Daily


Lesson Plans in Grade 6 pp. 55-58
(F6OL-lle-4) Landas sa Wika, pp. 151-153

KAILANAN NG PANG-URI

1. ISAHAN - ang ginagamit kung isa lamang ang inilalarawan.


Halimbawa: Maputi ang kulay ng balat ni Monica.
2. DALAWAHAN- kung dalawa ang ang inilalarawan
Halimbawa: Parehong maputi ang mga kulay ng
balat ni Monica at Lorna.

3. MARAMIHAN – kung higit sa dalawa ang inilalarawan


Halimbawa: Mapuputi ang kulay ng balat ng pamilya
ni Monica.

Regional Contextualize Daily Lesson Plans


in Grade 6 pp. 71-74 (F6OL-lla-e-4)

1
RO_Filipino_Grade 6_Q2_LP 3
Kasanayang Pampagkatuto:

Sa gawing pagkatutong ito, inaasahan na nagagamit mo


nang wasto ang kayarian at kailanan ng pang-uri sa
paglalarawan sa iba’t ibang sitwasyon.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin at unawain mo ang sumusunod na talata/sitwasyon. Sagutin ang mga


tanong sa loob ng kahon sa ibaba.

Ang Huwarang Mag-aaral

Ang mag-aaral ay isang mahalagang sandigan upang magkaroon


ng isang mabuti at matatag na paaralan. Nagtataglay siya ng maraming
kasiya-siyang katangian. Una sa lahat, matapat siyang sumusunod sa mga
alituntunin at patakaran ng paaralan. Taos-puso siyang gumagalang sa lahat
ng mga guro. Masipag siyang gumagawa ng mga gawaing pantahanan,
pampaaralan at pampamayanan. May kusang-loob siya. Hindi na siya
kailangang utusan pa. Matulungin siya hindi lamang sa mga guro kundi sa
kapwa mag-aaral man. Tunay na maaasahan siya. Ganyan ka ba? Kapurihan
ka ba ng iyong tahanan, ng paaralan at ng bayan?

Nakpil, Lolita R. et al. Gintong Pamana. Wika at Panitikan.

2
RO_Filipino_Grade 6_Q2_LP 3
Ano anong mga kasiya-siyang katangian ang taglay ng
isang mag-aaral na katulad mo?

Ano ang tawag sa mga salitang iyong


nabanggit? Ibigay ang kayarian ng bawat isa.

Sa iyong palagay, ikaw ba ay maituturing na isang


huwarang mag- aaral? Bakit?

Kaya mo bang tukuyin ang mga pang-uri sa binasa?


Ibigay ang kayarian at kailanan ng mga pang-uri
binaggit.

PAGSASANAY I
Panuto: Punan ang patlang ng angkop na pang-uri ayon sa wastong kayarian upang
mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang letra iyong sagot.
1. Ang Paguriran Beach Resort ay isa sa ___________tanawin at pasyalan sa
Sawanga, Bacon Dist. Sorsogon City.
a. magagandang b. mainit c. pinakamagandang d. masagana
2. Ang Mt. Pulog ay dinarayo ng mga turista dahil sa taglay nitong _____.
a. sariwang hangin b. kagandahan c. mga plantasyon d. mga malalaking
kahoy
3. __________ ang tubig na dumadaloy sa Balanac Dam sa Magdalena.
a. Malakas b. Malinaw c. Maalat d. Maitim
4. Kulay _______ ang langit kung pagmamasdan mo ito mula sa tuktok ng Bundok ng
Makiling.
a. pula b. bughaw c. itim d. berde
5. Dinarayo ang lalawigan ng Laguna sa taglay nitong ___________.
a. malamig na panahon c. magagandang talon
b. mahahabang tulay d. maraming isda

3
RO_Filipino_Grade 6_Q2_LP 3
Pagsasanay 2
Panuto: Gamitin mo nang wasto ang kayarian at kailanan ng mga pang-uri sa
sumusunod na paglalarawan sa sariling bayan. Piliin mo sa loob ng panaklong ang angkop na
sagot sa bawat patlang at isulat ito sa iyong sagutang papel.
Maganda pa rin ang Bayan ko!

Maliit pa ako ay naririnig ko na ang mga kuwento tungkol sa bayang iyon sa kanluran,
sa bayan ng mga puti. Napakayaman daw ng bansang iyon. 1.________ (Bago, Makabago),
napakalinis,2. __________(magaganda, maganda) at 3. __________(mabait, mababait) ang mga
tao. (Nakakaakit, Kaakit-akit) 4.___________ pa ang mga tanawin, nagtatayugan ang mga gusali,
mura ang mga bilihin lalo na ang mga pagkain. Sa tahanan naman, naglalakihan ang mga ito, tigiisa
ng kotse ang bawat miyembro ng pamilya. Madalas tuloy sa aking pag-iisa ay maraming
katanungan ang pumapasok sa aking isipan. Higit kayang 5.__________(maganda-ganda,
maganda) iyon kaysa bayan ko? Mas mabait ba ang mga tao roon kaysa mga kababayan ko?
Kasingganda kaya ng mga tanawin dito ang mga tanawin doon? Sinsarap kaya ng adobo, sinigang
at kare-kare ang mga pagkain doon?

Kezzy Gilo. “Maganda pa rin ang Bayan Ko.”

Pagsasanay 3

Panuto: Gamitin mo nang wasto ang kayarian at kailanang hinihingi ng pang-uri na nasa
loob ng panaklong batay sa sitwasyong ipinapakita ng larawan.

Pickpik.com. “four children sitting on green grass and three children jumping taken under white clouds during daytime.” https://www.pickpik.
com/ children-schildren-asian-man-children-playing-boy-53336
4
RO_Filipino_Grade 6_Q2_LP 3
(Masaya-inuulit) 1. __________ang magkakaibigan sa kanilang
paglalaro. (Tangkad- maylapi) 2. __________ ang isang batang lalaki.
(lungkot-maylapi) 3. Parang __________ ang isang nakaupong batang
babae. (Makulay- maramihan) 4. __________ ang damit ng mga bata.
(magkalahi-maramihan)5. __________ silang lahat.

Bilib ako sa iyo! Nagawa mo ang lahat ng gawain,


kaya Smile naman diyan , ayan bilang pangwakas
punan mo ang patlang sa ibaba upang mabuo ang
kaisipan ng natutuhan mo sa ngayon 

Sa pakikipag-usap at sa paglalarawan sa iba’t


ibang sitwasyon higit tayong mauunawaan ng ating
kausap kung nagagamit natin nang maayos at wasto
ang mga salitang tumutukoy sa ____________ at
___________ ng pang-uri.
Mahalaga ring matutuhan ko ang wastong gamit
nito sapagkat__________. ______________________.

5
RO_Filipino_Grade 6_Q2_LP 3
Susi sa Pagwawasto

Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
1. a 1. makabago
2. a 2. magaganda
3. b 3. mababait
4. b 4. Kaakit-akit
5. b 5. maganda
Pagsasanay 3
1. Masayang masaya
2. Matangkad
3. malungkot
4. Makukulay
5. magkakalahi

6
RO_Filipino_Grade 6_Q2_LP 3
Sanggunian
> Filipino 6 Kwarter 2, Modyul 3
> Regional Contextualize Daily
Lesson Plans in Grade 6 pp. 55-58
(F6OL-lle-4) Landas sa Wika, pp. 151-153

 Regional Contextualize Daily Lesson Plans


in Grade 6 pp. 71-74 (F6OL-lla-e-4)

 Nakpil, Lolita R. et al. Gintong Pamana.Wika at Panitikan. SD


Publications Incorporated. G. Araneta corner Ma. Clara St., Quezon
City. 2000.

 Pickpik.com. “four children sitting on green grass and three children


jumping taken under white clouds during daytime.”
https://www.pickpik.com/children-s-children-asian-man-
childrenplaying-boy-53336

 Kezzy Gilo. “Maganda pa rin ang Bayan Ko.” Slideshare.net.


Hunyo 21, 2016. https://www.slideshare.net/kezzygilo/
pang-uripowerpointpresentation.

Inihanda ni: Perla R. Deramas


MT-2, Bogna IS

7
RO_Filipino_Grade 6_Q2_LP 3

You might also like