You are on page 1of 7

Pangalan ng Mag-aaral: Baitang/Pangkat:

Guro: Petsa ng Pagpasa:

 Pandiwa – bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.

 Aspekto ng Pandiwa – katangian ng pandiwa na nagsasaad kung naganap

na o hindi pa nagaganap ang kilos,at kung nasimulan na at kung natapos
nang ganapin o ipinagpapatuloy pa ang pagganap.

o Pangnagdaan
-ito ay aspekto ng pandiwa na naganap na.
- Kilos na tapos ng mangyari.
- Halimbawa: 1. Si Mar at Ben ay naglaba kahapon.
2. Ang pamilya ni Erna ay naligo sa dagat nung
nakaraang linggo.

o Pangkasalukuyan
- aspekto ng pandiwa na nagaganap.
- Kilos na ginagawa pa.
- Halimbawa: 1. Si Mar at Ben ay naglalaba sa labas ng bahay.
2. Ang pamilya ni Erna ay naliligo sa dagat.

o Panghinaharap
- aspekto ng pandiwa na gaganapin.
- Kilos na hindi pa nangyari o gagawin pa.
- Halimbawa: 1. Si Mar at si Ben ay maglalaba bukas ng umaga.
2. Ang pamilya ni Erna ay maliligo sa dagat sa
susunod na buwan.

SDO-Cam Sur_Filipino_Grade 4_K2_LP 6.1

1
Sa gawaing pagkatutong ito, inaasahan na:

1. Magagamit ang aspekto (panahunan) ng pandiwa sa pagsasalaysay ng

nasaksihang pangyayari.(F4WG-IId-g-5)

Gawain 1

Panuto: Suriin ang mga pandiwa ayon sa panahunan o aspekto ng mga ito.
Isulat ang bawat pandiwa sa tamang hanay. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.
sumasayaw umupo susunod sinasabi
matutulog iinom tumatawid ginupit
hinahanap naglalaro tatakbo maghihintay
nasira tumulong nagsuklay humiga
kumain magwawalis
Aspektong Aspektong Aspektong
Pangnagdaan Pangkasalukuyan Panghinaharap

SDO-Cam Sur_Filipino_Grade 4_K2_LP 6.1

2
Gawain 2

Panuto: Isulat sa patlang ang pandiwa na bubuo sa pangungusap. Pumili

mula sa mga pandiwa na nasa talahanayan na ikinumpleto mo sa Gawain
1. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. ____________ muna ako ng tubig dahil nauuhaw ako.

2. Si Jayson ay ____________ ng pansit canton.
3. Nagbihis at ____________ ng buhok si Emily.
4. Si Michael ay ____________ sa silya.
5. Nawawala ang aking I.D. Kanina ko pa ito
_____________.
6. Nakikinig ka ba sa ____________ ng guro mo?
7. _____________ako sa harap ng bahay mo bukas.
8. Ako ay ___________ sa paglinis ng bahay kahapon.
9. ______________ ang mga tao sa tamang tawiran.
10. Nakita kong ___________ sa kama si Maricel.

Gawain 3

Panuto: Sumulat ng talata tungkol sa iyong karanasan patungkol sa

COVID-19 pandemic.Gamitin sa iyong salaysay ang tatlong aspekto ng
pandiwa. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

SDO-Cam Sur_Filipino_Grade 4_K2_LP 6.1

3
____________________________________________________________________________________

5 4 3 2 1

1. Anyo
-Pagsunod sa uri ng anyong hinihingi o
ipinasusulat.
2. Balirala
-Wastong gamit ng wika/salita, baybay,
bantas, estruktura ng mga
pangungusap.
3. Hikayat
-Paraan ng pagtalakay sa paksa
-Lohikal na pagkakaayos/daloy ng mga
ideya
-Pagkakaugnay ng mga ideya
4. Nilalaman
-Lawak at lalim ng paglakbay sa paksa

SDO-Cam Sur_Filipino_Grade 4_K2_LP 6.1

4
5-Pinakamahusay
4-Mahusay
3-Katanggap-tanggap
2-Mapaghuhusay
1-Nangangailangan pa ng mga pantulong na pansanay

Ang tatlong aspekto (panahunan) ng pandiwa ay

_____________________, _______________________, at
_____________________.

Mahalagang mabatid natin ang aspekto(panahunan) ng

pandiwa sapagkat _______________________________________
__________________________________________________________.

SDO-Cam Sur_Filipino_Grade 4_K2_LP 6.1

5
Gawain 1:

Aspektong Aspektong Aspektong

Pangnagdaan Pangkasalukuyan Panghinaharap
Nasira sumasayaw matutulog
kumain hinahanap iinom
umupo naglalaro susunod
tumulong tumatawid tatakbo
nagsuklay sinasabi maghihintay
ginupit
humiga

Gawain 2:
`

1. iinom 6. sinasabi
2. kumain 7. maghihintay
3. nagsuklay 8. tumulong
4. umupo 9. tumatawid
5. hinahanap 10. humiga

Gawain 3:
Maaaring magkaiba-iba ng sagot.

SDO-Cam Sur_Filipino_Grade 4_K2_LP 6.1

6
https://www.slideshare.net/cherryjoybasug/pandiwa
https://www.slideshare.net/marylynbatiancila/pandiwa-tatlong-
kapanahunan-ng-pandiwa
https://samutsamot.files.wordpress.com/2013/08/aspekto-ng-
pandiwa_6.pdf
MELC-department of Education-Commons,
https://commons.deped.gov.ph/K-to-12-MELCS-with-CG-Codes.pdf ,
Filipino 4, Ikalawang Kwarter p. 157
DLP FILIPINO 4, Kwarter-2

Inihanda ni:
Karen T. Murillo
Cagmanaba Elementary School
Division of Camarines Sur

Tiniyak ang kalidad ni:

Lea A. Baldonasa
Master Teacher I
Tambang Central School
Division of Camarines Sur

SDO-Cam Sur_Filipino_Grade 4_K2_LP 6.1

7

You might also like