You are on page 1of 5

Subject Grade 1 | Module 1 (Self-Learning Module)

‫بسم اهلل الرمحن الرحيم‬


‫مدارس الحكمة اإلسالمية‬
Wisdom Islamic School, Davao City Inc.
Elementary Government Recognition (R-X1) No. 006 s. 2014 ; Secondary Government Recognition (R-X1) No. 014 s. 2015

SCHOOL YEAR 2021-22


GRADE 3
SUBJECT Filipino
QUARTER 4 Module 3 Week 20
Self-Learning Module

MODULE 3 : Aspekto ng Pandiwa

MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCY:


Matutukoy ang ibat-ibang aspekto ng pandiwa.

Ang modyul na ito ay pagmamay- ari ni : _________________________________

Pagkatapos maisagawa ang modyul na ito, inaasahang:


Page 1 of 5
Subject Grade 1 | Module 1 (Self-Learning Module)

 Matutukoy ang mga pandiwa sa kuwentong binasa.


 Makakabuo ng pangungusap o kuwento gamit ang pandiwa at ang mga aspekto nito.

Gearing Up

ACTIVITY 1
Directions / Panuto : Bilugan ang mga pandiwa sa mga sumusunod na mga salita.

sumulat maitim halimbawa tumalon sumigaw dahon


malalim kasama kumain buhok mesa nagluto

ACTIVITY 2
Directions / Panuto: Gawing nasa aspektong perpektibo ang mga salita.

1. Ligo-
2. Basa -
3. Tuwa-
4. Hatak -
5. Buhay-
6. Salita -
7. Hulog -
8. Ikot -
9. Tabig -
10. Tusok -

Lesson Lesson Proper (Aspekto ng Pandiwa


)
Page 2 of 5
Subject Grade 1 | Module 1 (Self-Learning Module)

1
Mga Aspekto ng Pandiwa

Perpektibo - ito ay aspekto ng pandiwa na naganap na .


Halimbawa:
Nahulog ang bata sa duyan.
Nagluto siya ng masarap na adobo.

Imperpektibo - ito ay aspekto ng pandiwa na kasalukuyang nagaganap pa lamang.


Halimbawa:
Kumakain na sila.
Nagtatampisaw sa ulan ang mga bata.

Kontemplatibo - ito ay aspekto ng pandiwa na nagaganap pa lamang.


Halimbawa :
Wawalisan ni Jannica ang bakuran.
Mapapalo ka ni nanay sa kakulitan mo.

Getting Better

Activity 1
Directions / Panuto : Bilugan ang mga pandiwa sa sumusunod na mga
pangungusap.

1. Magbibigay siya ng mga prutas at gulay.


2. Magagalit sa kanila ang kanilang mga magulang.
3. Mangunguha ng mga bungangkahoy ang mga tao.
Page 3 of 5
Subject Grade 1 | Module 1 (Self-Learning Module)

4. Magpapasan sila ng mga sakong may lamang buhangin.


5. Magtatampisaw sila sa ilog buong araw.

ACTIVITY 2
Directions / Panuto :Tukuyin kung aling Aspekto ng pandiwa ang mga sumusunod
na mga pangungusap.
_______________ 1. Magbabakasyon kami sa susunod na buwan sa Tagaytay.
________________2. Kumakain na ang mag -anak sa kusina.
________________3. Tumalon sa ilog si Arnel.
________________4. Susulat si Omerah sa kanyang kapatid.
________________5. Isisigaw ni Trina ang kanyang pangalan.
________________6. Tinawag ni Nanay ang bata kanina.
________________7. Nauutal ako habang nagkukuwento.
________________8. Nagdadasal sila ng taimtim.
________________9. Nagsalita na ang suspek sa mga pulis.
________________10. Sasakay sa dyip si Ador.

Gaining Mastery

Activity 1
Directions / Panuto : Punan ng aspektong imperpektibo ang patlang.

1. ____________ ( Huni ) ang mga ibon sa punongkahoy.


2. Ang mga babae ay ( tawa ) ________________.
3. ________________ ( Punas ) na siya ng mesa.
4. ________________ ( Sakay ) na kami ng traysikel.
5. Ang mga damit na nilabhan ay _______________ ( sampay ) na ng kanyang
kapatid.

ACTIVITY 2
Directions / Panuto: Punan ng aspektong perpektibo ang patlang.
Page 4 of 5
Subject Grade 1 | Module 1 (Self-Learning Module)

1. _________________ ( ligo ) sa ulan si Roy.


2. _________________ ( dilig ) niya ang halaman.
3. _________________ ( igib ) ka na ba ng tubig ?
4. __________________ ( himbing ) na natulog ang sanggol sa duyan.
5. __________________ ( kahol ) ang aso nila kanina.

Activity 3
Directions Panuto: Punan ng aspektong kontemplatibo ang patlang.

1. ______________ ( tawid ) si Carlita sa sapa.


2. Ang mga kawani ay ( lahok ) _________ sa pagpupulong.
3. Kami ay ( uwi ) _________ na malapit nang gumabi.
4. __________ ( sanay ) na ang mga kalahok sa kontest ng pagluluto.
5. Ang mga turista ay ( lakbay ) ____________ sa ating bansa.

References :
Sanghaya
Pluma
Diwang Kayumanggi

Page 5 of 5

You might also like