You are on page 1of 11

5

Learning Activity Sheet sa Filipino


Kuwarter 4 - MELC 11 & 12
Paggamit ng Iba’t Ibang Uri ng Pangungusap
sa Pagkilatis ng Isang Produkto

REHIYON VI - KANLURANG VISAYAS

Filipino 5
Learning Activty Sheet
Unang Edisyon, 2021
Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 6- Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Pambansa Bilang 8293, Seksiyon 176 na “Hindi


maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 5 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang


magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Eduklasyon, Rehiyon 6 -
Kanlurang Visayas.

Mga Bumuo ng Filipino 5 Learning Activity Sheet

Manunulat: Gerardine C. Buala


Editor: Jerelyn P. Placer
Tagasuri: Aldrin G. Vingno
Tagalapat: Enrique C. Sarraga Jr.

Division of Bacolod City Managemen Team:


Gladys Amylaine D. Sales
Peter J. Galimba
Janalyn D. Navarro
Ellen G. Dela Cruz
Aldrin G. Vingno

Regional Management Team:


Ramir B. Uytico
Pedro T. Escobarte
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV

MABUHAY!

Ang Filipino 5 Learning Activity Sheets na ito ay nabuo sa pamamagitan ng


sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Lungsod ng Bacolod at Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas at sa pakikipag-ugnayan ng

ii
Curriculum and Learning Management Division. Inihanda ito upang maging gabay
ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang
mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang mga mag-aaral na mapagtagumpayan


nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang
kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap
na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang
kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino 5 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang matugunan ang
pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang
kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang
bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 5 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang matulungan ka na


mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit wala ka ngayon sa iyong paaralan,
pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at
makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang
mga panuto nga bawat gawain.

iii
Kuwarter 4, Linggo 6

Learning Activity Sheet Blg. 12

Pangalan_____________________________ Grado at Seksiyon_________________


Petsa_______________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 5


Paggamit ng Iba’t Ibang Uri ng Pangungusap sa
Pagkilatis ng Isang Produkto
I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis ng
isang produkto F5WG-IV-d-13.3.

II. Panimula (Susing Konsepto)


Sa araling ito, matutuhan natin ang iba’t ibang uri ng
pangungusap. May iba’t ibang uri ng pangungusap na ginagamit
sa pagkilatis ng produkto.
Ginagamit ang pangungusap na paturol o pasalaysay kung
nagbibigay ng impormasyon o kaalaman tungkol sa isang
produkto.
Ginagamit ang pangungusap na patanong kung ito ay
naghahangad ng kasagutan o nagtatanong sa pagkilatis ng isang
produkto.
Ginagamit ang pangungusap padamdam kung nagsasaad ng
matinding damdamin sa pagkilatis ng isang produkto.
Ang pangungusap na pautos o pakiusap ay ginagamit naman
kung nag-uutos o nakikiusap.
May mga uri din ng pangungusap ayon sa Kayarian. Ito ang
Payak, Tambalan at Hugnayan.
Ginagamit ang Payak na pangungusap kung ito ay may isang
diwa lamang o kaisipan.
Ginagamit naman ang Tambalan na pangungusap kung may
dalawa o higit pang kaisipang magkatimbang na pinagsama at
pinag-uugnay ng pangatnig.
Ginagamit ang Hugnayan na pangungusap kung ito ay binubuo
ng isang sugnay na makapag-iisa at isang sugnay na di makapag-
iisa. Pinag-uugnay rin ito ng mga pangatnig

III. Mga Sanggunian


Most Essential Learning Competencies (Melcs) 2020

Agarrado, Patricio Jo C. et. Al. (2016) Alab ng Filipino Batayang


Aklat para sa Ikalimang Baitang. Vibal Group Inc.

1
IV. Mga Gawain
Gawain 1
Panuto: Basahin ang pangungusap at tukuyin kung anong uri ng
pangungusap ito. Isulat ang titik sa patlang bago ang bilang.

_____1. Ang bilao ay yari sa ratan o mas kilala sa tawag na yantok.


A. Pasalaysay B. Padamdam
C. Pautos D. Patanong

_____2. Woo! Ang ganda ng pagkagawa ng silya at mesa.


A. Pasalaysay B. Padamdam
C. Pautos D. Patanong

_____3. Pedro, kunin mo ang walis tingting sa kusina.


A. Pasalaysay B. Padamdam
C. Pautos D. Patanong

_____4. Bakit kailangan nating gumamit ng pamaypay?


A. Pasalaysay B. Padamdam
C. Pautos D. Patanong

_____5. Ang abaka ay isang uri ng halaman na nahahawig sa


puno ng saging.
A. Pasalaysay B. Padamdam
C. Pautos D. Patanong

2. Pagsasanay A
Panuto: Pumili ng isang produkto at idikit ang larawan nito sa
kahon sa ibaba. Sumulat ng isang talata tungkol sa produktong
ito. Maaaring gamitin ang payak, tambalan at hugnayan na
pangungusap.

2
Talata:
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Pagsasanay B
Panuto: Kilatisin nang mabuti ang mga larawang produkto. Isulat
sa pangungusap ang napansin mo gamit ang ibat’ ibang uri ng
pangungusap.

1.

__________________________________________________________________

2.

__________________________________________________________________

3.

__________________________________________________________________

3
4.

_________________________________________________________________

5.
_________________________________________________________________

3. Batayang tanong
Ano-ano ang uri ng pangungusap na ginagamit sa pagkilatis ng
mga produkto?

Tandaan:
Sa pagkilatis ng isang produkto maaaring gamitin ang iba’t
ibang uri ng pangungusap ayon sa gamit. Ito ang pangungusap na
paturol o pasalaysay, pangungusap na patanong, pangungusap na
padamdam at pangungusap na pautos. Ang payak, tambalan at
hugnayang pangungusap maaaring ding gamitin sa pagkilatis ng
isang produkto.

V. Repleksiyon
Ang pinakamahalagang aral na natutuhan ko sa araling ito ay
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________.
VI. Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 Pagsasanay A at B
1. a Ang tagapagdaloy ng araling ito (magulang o
2. b ibang kasamahan sa bahay) ang makapag-
3. c iistima kung naipakita ng bata ang kasanayan sa
4. d pagsulat ng wastong talata at pangungusap
5. a

4
Kuwarter 4, Linggo 6

Learning Activity Sheet Blg. 13

Pangalan_____________________________ Grado at Seksiyon_________________


Petsa_______________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 5


Paggamit ng mga Bagong Natutuhang Salita sa Paggawa
ng Sariling Komposisyon

V. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nagagamit ang mga bagong natutuhang salita sa paggawa ng
sariling komposisyon F5PT-Ivc-j-6.

VI. Panimula (Susing Konsepto)


Sa araling ito, matutunan natin kung paano ang paggamit ng
mga bagong natutuhang salita sa paggawa ng sariling
komposisyon.
Ang Komposisyon ay itinuturing na pinakapayak na paran ng
pagsulat.
Ang pagsulat ng mga natatanging karanasan, pagbibigay
interpretasyon sa mga pangyayari sa kapaligiran at puna sa mga
nabasang akda o napanood na pagtatanghal ay nagagawa sa
pamamagitan ng pagsulat ng komposisyon.

VII. Mga Sanggunian


Most Essential Learning Competencies (MELCs) 2020

Agarrado, Patricio Jo C. et. Al. (2016) Alab ng Filipino Batayang


Aklat para sa Ikalimang Baitang. Vibal Group Inc.

VIII. Mga Gawain


Gawain 1. Basahin ang parabula.

Ang Kabayanihan ni Enteng

Noong Hulyo 12, 2000 isang kagimbal-gimbal na trahedya ang


nangyari sa Payatas sa Lungsod Quezon. Umabot sa halos 12,000
naghihikahos na pamilya ang napinsala nang gumuho ang
dambuhalang bundok ng basura. Tinatayang umabot sa 217 tao
ang namatay sa pangyayari ito at maraming pamilya ang nawalan
ng bahay.
Ang pangyayaring ito sa Payatas ay nagpakilala sa kabayanihan
ng isang batang bayani na si Vicente “Enteng” Tagle.
Nang mangyari ang trahedya, si Enteng ay sampung taong
gulang pa lamang. Si Enteng at ang kaniyang pamilya ay nakatira

5
sa tambakan ng basura. Dahil sa kahirapan ng buhay, namulat
siya sa maagang pagtratrabaho. Ngunit kahit salat sa maraming
bagay ang bata, mulat si Enteng sa kahalagahan ng pagmamahal
at pagmamalasakit sa kaniyang pamilya at kapuwa. Panganay siya
sa anim na magkakapatid. Ang kaniyang mga magulang ay sina
Rosalinda na dating tumutulong sa isang Day Care Center at
Stimson na isang construction worker.
Nang mangyari ang pagguho ng bundok ng basura, agad na
inisip ni Enteng na kailangang maging ligtas ang kaniyang isang
taong gulang na kapatid. Kaya sa gitna pagkakagulo ng mga tao,
mabilis niyang pinuntahan sa kuwarto ang kapatid. Niyakap niya
nang mahigpit ang kapatid habang naririnig nila ang
nakabibinging pagguho ng bundok ng mga basura.
Pagkaahon nila ay tuluyan nang gumuho ang kanilang bahay.
Pagkatapos ay narinig naman ni Enteng ang pag-iyak ng isang
walong gulang na bata na si Kikay, ang kaniyang kalaro na
natabunan na ng mga guho.
Noong Setyembre 2002, isa si Enteng sa itinampok sa Reader’s
Digest Everyday Heroes bilang “The Little Rescuer.” Siya ang
kauna-unahang Pilipinong napabilang sa Everyday Heroes.
Kahanga-hanga isipin na ang isang batang tulad ni Enteng ay
nakapagligtas ng buhay ng mga kapuwa rin niya ang bata.

Panuto: Sumulat ng isang talata na gumagamit ng higit sa anim


na sumusunod na salita buhat sa binasang artikulo. Sumulat ng
talata na binubuo ng 10 hanggang 12 pangungusap.

1. kagimbal-gimbal - kasindak-sindak
- kakila-kilabot, nakapanlulumo
2. trahedya - kalunos-lunos o malungkot na pangyayari
3. naghihikahos - salat sa ikinabubuhay, maralit, naghihirap
4. napinsala - nasira
5. dambuhala - napakalaki
6. kalunos-lunos - kaawa-awa
- kahabag-habag
7. kabayanihan - katapangang may lakip na tibay ng loob
upang maisakatuparan ang marangal na
hangaring makapagsilbi sa kapuwa at sa
bayan
8. namulat - pagkakaroon ng kamalayan o kaalaman sa
isang bagay
9. salat - naghihirap sa kabuhayan, pagdaralita
10.humanga - damdamin ng kasiyahan at pagtataka sa
nakikitang kagandahan o anumang
katangian

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

6
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Rubrik sa Pagsulat ng Komposisyon

5 4 3 2 1
Nilalaman
 Pagsunod sa uri at anyong hinihingi
 Lawak at lalim ng pagtalakay
Balarila
 Wastong gamit ng wika at salita
 Baybay, bantas, estruktura ng mga
pangungusap
Organisasyon
 Lohikal na pagkakaayos/ daloy ng
mga ideya
 Pagkakaugnay ng mga ideya

5- pinakamahusay 3- katanggap-tanggap 1- nangangailangan


pa
4- mahusay 2- mapaghuhusay pa ng mga pantulong
Na pagsasanay

2. Pagsasanay A
Panuto: Sumulat ng komposisyon batay sa mga natutuhang salita
sa araling ito. Bilugan ang mga ginamit na natutuhang salita sa
paggawa ng nasabing komposisyon. Gawing gabay ang
pamantayan sa pagsulat ng komposisyon.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Rubrik sa Pagsulat ng Komposisyon

5 4 3 2 1
Nilalaman
 Pagsunod sa uri at anyong hinihingi
 Lawak at lalim ng pagtalakay
Balarila
 Wastong gamit ng wika at salita
 Baybay, bantas, estruktura ng mga
pangungusap
Organisasyon
 Lohikal na pagkakaayos/ daloy ng
mga idea
 Pagkakaugnay ng mga ideya

7
5- pinakamahusay 3- katanggap-tanggap 1- nangangailangan
pa
4- mahusay 2- mapaghuhusay pa ng mga pantulong
na pagsasanay
3. Batayang Tanong
Ano-ano ang dapat tandan sa pagsulat ng isang komposisyon?

Tandaan
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng komposisyon:
1. Gumamit ng mga serye ng mga tanong retorikal.
2. Gumamit ng isang pangungusap na sukat makatawag-pansin.
3. Gumamit ng pambungad na pagsasalaysay.
4. Gumamit ng salitaan.
5. Gumamit ng sipi.
6. Banggitin ang kasaysayan o mga pangyayaring nasa likuran ng
isang paksa.
7. Tahasang ipaliwanag ang suliraning ipapaliwanag.
8. Gumamit ng salawikain o kawikain.
9. Gumamit ng pansaklaw o panlahat na pahayag.
10. Magsimula sa pamamagitan ng buod.

V. Repleksiyon
Mahalaga ang araling ito sa pagkatuto ko tungkol sa pagsulat ng
komposisyon. Ang iba pang kasanayang gusto kong matutuhan kaugnay ng
araling ito ay _____________________________________________ upang
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

VI. Susi sa Pagwawasto

Ang tagapagdaloy ng araling ito (magulang o ibang kasamahan


sa bahay) ang makapag-iistima kung naipakita ng bata ang
kasanayan sa pagsulat ng simpleng patalastas at islogan ayon sa
rubriks.

You might also like