You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF BACOLOD CITY
EDUCATION AND TRAINING CENTER SCHOOL – III
Rosario Street, Bacolod City

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 5
3rd Quarter

I. Layunin
Nasusuri kung ang isang pahayag ay opinyon o katotohanan F5PB-IIIf-h-19.
II. Paksang Aralin:
A. Paksa: Pagsusuri kung ang Pahayag ay Opinyon o Katotohanan
B. Mga Kagamitan: DESKTOP, powerpoint presentation
C. Sanggunian: Most Essential Learning Competencies (MELCs) 2020 Agarrado, Patricia Jo C., et al,
Alab Filipino 5 Batayang Aklat, Quezon City, Vibal Group, Inc., 2016.
D. Pagpapahalaga: pagiging masuri sa mga impormasyong binabahagi
III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain:
1. Pagsasanay Backyard Urban Gardening,Agrikultura, Ayon kay,
- Basahin ang mga grupo ng salita Ayon sa kanya, Batay sa, sang ayon kay,

2. Balik- Aral
-Ano ba ang pinagkaiba ng Pang-uri at -magbibigay ng sagot ang mga batay batay sa napag-
Pang-abay aralan.
3. Pagganyak

(susuriin ng mga bata ang larawan)


- Pagmasdan ang larawan, tungkol saan ba
ang pinag-usapan ng mag ina?
-Tungkol sa mga maling paniniwala tungkol sa
-Tama! pagbibinata at pagdadalaga

-Saang aralin nyo ba nalaman ang mga ito?


-Ano ba ang masasabi nyo tungkol sa -Sa aming MAPEH po
kanilang pinag-usapan?
-Ito ba ay may basehan o isang kuro-kuro -Iba-iba ang sagot na ibibigay ng mga bata.
lamang?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
-Sa umagang ito, pag-aralan natin ang
pagsuri ng mga pahayag kung ang mga
ito ay may basehan o isang kuro-kuro -
lamang.
-Basahin ang maikling dayalogo tungkol
sa “ May Pera sa Paghahalaman” at
pagkatapos ay susuriin natin ang mga
pahayag dito.

2. Pagtatalakay
Mga Tanong:
*Ano ang proyekto ni Danilyn sa
kaniyang asignaturang Agrikultura?
*Makabuluhan ba ang napiling proyekto BUG project
ni Danilyn? Bakit?
-Opo Ma’am. Dahil pwede ito mapagkakitaan upang
makatulong sa gastusin ng pamilya.
*Tama!Maliban dito ano pa?
-Mabuti din sa katawan ang paghahalaman dahil
makapag-ehersisyo sa pagdidilig at pagbubungkal ng
mga lupa sa taniman.
*Ano-ano ang mga salitang may
salungguhit sa dayalogo? - Ayon kay, ayon sa kanya, batay sa , sang ayon sa
nabasa kong
*Ano ang masasabi nyo sa mga salitang
ito? -May batayan,nagpapatotoo ng isang bagay

*Tama, dahil nagpapatotoo ito, ibig


sabihin ay may basehan o ebidensiya .

*KATOTOHANAN ang tawag sa mga


pahayag na gumagamit ng mga ganitong
salita.
(Gamit ang PowerPoint , ipabasa sa mga Katotohanan ang isang pahayag kapag ito ay
bata ang kahulugan ng Katotohanan at nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan na lalo
mga pananda na ginagamit sa na kung ito ay basehan o ebidensiya tulad ng
pagpapahayag ng katotohanan) sanggunian kung saan kinuha ang isang ideya.
-Ang sumusunod ay pananda na ginagamit sa
paghahayag ng katotohanan: batay sa resulta,
pinatutunayan ni, mula kay, sang- ayon sa, tinutukoy
ng, mababasa sa, atbp.
*Ano-ano ang mga salitang may diin sa
binasang dayalogo?
*Ano ang ipinapahayag ng mga salitang - Maaring, sa tingin ko, baka
ito?

*Tama! -Ang mga ito ay nagpapahayag ng isang opinyon o


*Upang madagdagan ang inyong Ideya.
kaalaman tungkol sa opinyon ,basahin
ang nasa PowerPoint
Maituturing na opinyon ang isang ideya o pahayag
kung ito ay ngsasaad ng pananaw ng isang tao o
pangkat na maaring totoo pero puwedeng pasubalian ng
iba. Ito rin ay isang impresyon, mas mahina sa
positibong kaalaman na batay sa obserbasyon at
eksperimento.

-May mga salita o pariralang ginagamit o ekspresyon sa


paghahayag ng opinyon. Ito ay ang sumusunod: sa
aking palagay, sa tingin ko, sa nakikita ko, sa pakiwari
ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, baka, maari,
atbp.

3. Pangkatang Gawain
-Hahatiin sa dalawang pangkat ang klase
at bawat pangkat ay may gagawin.
-Pagtatakda ng mga pamantayan sa
aktibidad.
*Ano ano ba ang dapat tandaan kapag
tayo ay nagsasagawa ng isang gawain?

-Makinig sa panuto ng guro


-Makilahok sa gawain
-Iwasang mag-ingay
-Tapusin sa takdang oras

PANGKAT 1 PANGKAT 2

Katotohanan Opinyon

1. 1.
Panuto:Basahin ang mga pahayag , suriin kung ito
ba ay Katotohanan o Opinyon.

1. Batay sa huling datos ng Department of


Health, patuloy na dumarami ang gumagaling 2. 2.
sa sakit na Covid-19.
2. Sa aking palagay dapat iwasan munang
lumabas ng bahay para makaiwas sa virus.
3. Ayon sa Inter-Agency Task Force 3.
3.
naaprubahan na ang hinihinging Temporary
Travel Suspension sa Western Visayas sa mga
Pasaherong nanggaling pa sa NCR Plus.
4. Mababasa sa nilathalang anunsiyo ng World
Health Organization, maiiwasan natin ang
pagkalat ng Covid-19 kung tayo ay
magsusuot ng face mask, mag obserba ng
social distancing at ugaliing mag hugas ng
kamay o gumamit ng Alcohol.
5. Sa tingin ko ang pag inom ng salabat ay
nakakatulong upang makaiwas tayo sa sakit.
6. Kung ako ang tatanungin, mas mabilis
mawawala ang covid-19 kung tayo ay
sumusunod sa batas at nag-iingat parati.

-Katotohanan ang tawag sa pahayag na nagsasaad ng


ideya o pangyayaring napatunayan na lalo na kung ito
ay basihan o ebidensiya tulad ng sanggunian kung saan
kinuha ang isang ideya.

-Opinyon ang tawag sa pahayag na kung saan ang


Pangkat 1- Suriin ang Pangkat 2- Suriin ang isang ideya ay nagsasaad ng pananaw ng isang tao o
mga pahayag sa bawat mga pahayag sa bawat
bilang at isulat sa inyong bilang at isulat sa inyong
pangkat na maaring totoo pero puwedeng pasubalian ng
kwaderno ang mga kwaderno ang mga iba.
pangungusap na pangungusap na
nagpapahayag ng nagpapahayag ng *Dapat natin surii muna ang isang pahayag o balita.
Katotohanan Opinyon

-Sa panahon ngayon na nagsusulputan ang mga fake


C. Pangwakas na Gawain
news, dapat nating suriin ng mabuti ang mga pahayag
1. Paglalahat
na narinig natin upang malaman natin kung alin ang
*Ano ang Katotohanan?
totoo at ang opinyon lamang.

Sagot
*Ano ang Opinyon?
1. K
2. K
3. O
4. O
5. K
*Paano ba natin malalaman na ang isang
pahayag ay katotohanan o isang
opinyon?

2. Balyu
*Ano ang kahalagahan ng pagsususri
kung ang isang pahayag ay opinyon o
katotohanan?

3. Paglalapat
Isulat ang K kung katotohanan at O naman
kung ang pahayag ay Opinyon. Isulat ito sa
sagutang papel.
1. Batay sa nabasa nating dayalogo,
gumagawa ng BUG project si Danilyn.
2. Ayon sa kanyang guro, diligan ng
dalawang beses ang mga halaman araw-
araw.
3. Maaring mamunga ng kaunti ang okra
ni Danilyn kung hindi ito inaalagaan nang
mabuti.
4. Sa tingin ko walang bibili sa okra nina
Danilyn at Adel.
5. Ayon sa ekperto nakasisira sa halaman
ang pagpapausok gamit ang plastik.
IV. Pagtataya:

Suriin kung ang pahayag ay Katotohanan o Opinyon. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Batay sa balita, nagpalabas na ang pamahalaan ng sertipikadong bakuna para sa COVID-19.
2. Sa tingin ko uulan, kasi dumidilim na ang kalangitan.
3. Nabasa ko sa diksyunaryo ang kahulugan ng salitang ito.
4. Sa tingin ko, mas maganda kung idadag mo ito sa iyong palamuti.
5. Batay sa resulta ng eksaminasyon, malala na ang sakit ng iyong lolo.
6. Sa palagay ko, matagal pa hintayin para mamunga ang inyong tanim.
7. Sa aking palagay, tataas na naman ang presyo ng gasolina sa susunod na linggo.
8. Ayon sa mga doktor, ang pagkain ng gulay at prutas at samahan pa ng tamang ehersisyo ay makakabuti
para lumusog ang ating katawan.
9. Batay sa paalala ng mga pulisya, iwasan ang makikipagusap sa internet lalong-lalo na sa taong hindi mo
kilala.
10. Tumaas na naman ang bilang ng biktima ng sakit na COVID-19 sa Pilipinas ayon sa datos ng DOH.

V. Takdang-Aralin:

Sumulat ng 5 pangungusap na nagsasaad ng opinyon at 5 pangungusap na nagsasaad ng katotohanan.

Inihanda ni:

Bb. Hannie S. Solongon

You might also like