You are on page 1of 4

RO_MIMAROPA_WS_Filipino5_Q4

Filipino 5
Ikaapat na Markahan
Ikalawang Linggo

Aralin: Paggamit ng mga uri ng pangungusap sa pagsasalaysay ng narinig o nasaksihang pangyayari o balita
MELC: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsasalaysay ng napakinggang balita
(F5WG-IVa-13.1)

Susing Konsepto

Ang balita ay napapanahong isyu o ulat na makatotohanan tungkol sa mga pangyayari na naganap na,
nagaganap at magaganap pa. Ito ay maaaring isagawa sa pamamaraan na pasalita o kaya ay pasulat at
paningin.

Ang mga balitang napakinggan o napanood ay maaaring isalaysay o ikuwento sa ibang tao gamit ang
mga uri ng pangungusap sa paraang pasalaysay/ pasulat.
a. Ang pangungusap ay Paturol o Pasalaysay kung ang inilalahad nito ay isang katotohanan ng
bagay. Ito ay nagkukuwento o nagsasalaysay. Sa tuldok ito nagtatapos ( .).
b. Ang pangungusap ay Pautos kung ang ipinapahayag ay pag-uutos o pakiusap. Karaniwang
nagtatapos ito sa tuldok (.)
c. Ang pangungusap ay Patanong kung ang layunin nito ay magtatanong. Ito ay nagtatapos sa
tandang pananong ( ?)
d. Ang pangungusap ay padamdam kung ito ay nagsasaad ng matinding damdamin tulad ng tuwa,
lungkot, gulat, paghanga, panghihinayang at iba pa. Karaniwang may tandang padamdam sa
hulihan ng pangungusap na ito. (!)

Gawain 1
Basahin at unawain ang inilalahad sa balita.

Mga uuwing Pilipino sa bansa, kahit hindi OFW, papayagan na!

Pinapayagan na ng Inter Agency Task Force ( IATF) ang mga Pilipinong OFW gayundin ang
hindi OFW na makakabalik sa bansa. Sa Memorandum Circular na inilabas ng NATIONAL TASK
FORCE kontra COVID - 19. Sakop lang ng entry banned ang mga banyaga maliban na lang kung sila
ay diplomat, kasapi ng International Organizations sa pamamahagi ng medical depatriation.
Pinapayagan din ang kanilang mga dependents basta may 9(e) - visa o 47(a) - (2) visa. Exempted din
ang mga foreign sea fearers sa ilalim ng green lane program pati mga banyagang asawa at anak ng
mga Filipino citizens at mga emergency at humanitarian cases na aprobado ng NTF. Epektibo po mula
March 22 hanggang April 21, pero dapat pa ring masunod ang arrival quota na itinakda ng Department
of Transportation.

Panuto: Suriin ang uri ng pangungusap na isinasaad ng bawat bilang. Isulat kung ito ay pangungusap na
Paturol o Pasalaysay, Pautos, Patanong, o Padamdam
____________ 1. Pinapayagan na ang mga OFW na bumalik sa Pilipinas.
____________ 2. Pinapayagan bang bumalik kahit hindi OFW?
____________ 3. Naku! Hindi kasama ang mga banyaga na makabalik sa Pilipinas ayon sa memorandum
1
RO_MIMAROPA_WS_Filipino5_Q4
circular na inilabas ng NTF!
____________ 4. Ihanda ang 9e- visa o 47a – (2 ) visa ng mga dependents ng OFW na nagnanais umuwi
ng Pilipinas.
____________ 5. Sino pa ang mga kasama sa green lane programs ng NTF?

Gawain 2 – Basahin Mo!

U.N.: COVID - 19, Posibleng Maging ‘Seasonal’ na Sakit

Posibleng maging ‘seasonal’ na sakit ang COVID-19, ayon sa United Nations World
Meteorological Organization. Yan daw ang kadalasang kaso ng respiratory viral infections tulad ng
trangkaso na dumarami tuwing autumn at winter sa isang bansa.
Naobserbahan din na mas matagal na nabubuhay ang SARS cold flu virus na sanhi ng COVID -
19 sa lugar na tuyo, malamig at mababang ultra violet radiation. Pero tumataas din naman ang mga kaso
sa ilang mainit na lugar. Kaya hindi pa raw masasabi na konektado sa klima ang hawaan ng Covid 19.
Mas epektibo pa rin daw sa pagpigil ng transmission ang travel restriction at pagsusuot ng face mask.

Panuto: Gamitin ang mga uri ng pangungusap sa pagpapahayag ng iyong reaksiyon tungkol sa
binasang balita.

Paturol o pasalaysay _____________________________________________________________________


Patanong _______________________________________________________________________________
Pautos _________________________________________________________________________________
Padamdam _____________________________________________________________________________

Gawain 3:
Panuto: Gamitin ang mga uri ng pangungusap sa pagsulat ng balita o kaganapan sa inyong lugar kaugnay
ng Covid-19.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

2
RO_MIMAROPA_WS_Filipino5_Q4

Rubrik sa Pagmamarka ng pagsulat ng balita


Nilalaman 10
Kumpleto at wasto ang lahat ng detalyeng nakasaad sa balita 10
Wasto ang detalye na nakasaad sa balita 8
May ilang detalye na hindi nakasama sa balita 6
Maraming kakulangan sa nilalaman ng balita 4
Presentasyon 5
Organisado ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya at kaisipang inilahad 5
Maayos ang paglalahad ng detalye 4
Hindi gaanong maayos na nailahad ang balita at hindi gaanong maunawaan 3
Hindi gaanong maunawaan ang nilalaman 2
Paggamit ng Pangungusap 5
Nagamit nang wasto ang lahat ng uri ng pangungusap 5
3 uri lang ng pangungusap ang nagamit nang wasto 4
2 uri lang ng pangungusap ang nagamit nang wasto 3
1 uri lang pangungusap ang nagamit nang wasto 2
Kabuoan 20

3
RO_MIMAROPA_WS_Filipino5_Q4

Susi sa Pagwawasto:

Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3


1. Paturol o Pasalaysay Maaaring magkakaiba-iba Maaaring magkakaiba-iba
ang sagot ang sagot
2. Patanong
3. Padamdam
4. Pautos
5. Patanong

Sanggunian:

Alab Filipino 5 pahina 178


https://www.gmanetwork.com/news/video/unangbalita/556451/un-covid-19-posibleng-maging-seasonal-na-
sakit/video/
https://www.gmanetwork.com/news/video/unangbalita/556461/mga-uuwing-pilipino-sa-bansa-kahit-hindi-
ofw-papayagan-na/video/

Manunulat: Marjorie A. Tomulac

Tagasuri: Yolanda P. Karangalan


Fernando R. Silva Jr.
Nirebyu ni: Ma. Filipina O. Manoos
Tagalapat: Ellen B. Bacusa
Tagapamahala:
Roger F. Capa, CESO VI
Lynn G. Mendoza
Raquel P. Girao PhD
Elizabeth T. Delas Alas PhD
Eduardo D. Ellarma
Ma. Rubynita Del Rosario

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: lrmds.mimaroparegion@deped.gov.ph

You might also like