You are on page 1of 7

Grade

School: Level: V
Learnin
GRADE 5 Teacher: g Area: FILIPINO

DAILY LESSON
LOG

Teaching QUARTER 2
Time:

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pakikipagtalastasan,
mapanuring pag-iisip at, pagpapahalaga sa panitikan at kultura sa
B. Pamantayan sa Pagganap
pamamagitan ng iba’t ibang teksto/ babasahing lokal at pambansa.
C. Mga Kasanayan sa Pagkakatuto Naibibigay nang wasto ang mga impormasyon na kailangan sa mga
Isulat ang code ng bawat pormularyo.
kasanayan F5PU-Ii-16
Pagbibigay ng Datos na Hinihingi ng Isang Form
Integrasyon: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO, MATEMATIKA
ARTS, MUSIKA,
II. NILALAMAN VALUING - CURRENT EVENTS/PANDEMYA

Pagpapahalaga: PAGKAKAISA AT KOOPERASYON

Mga Istratehiya: DISCOVERY LEARNING, GAME-BASED


LEARNING, EXPLICIT TEACHING
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Most Essential Learning Competencies (MELCs) p.

2. Mga Pahina sa Kagamitang


Pang-Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk pp.

4. Karagdagang Kagamitan mula


sa portal ng Learning
Resource
B. Iba Pang Kagamitang Panturo

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin Paggamit ng Laro “Pagtambalin Mo!”
at/o pagsisimula ng bagong Panuto: Ibigay ang kahulugan ng bawat salita sa Hanay A. Piliin ang
aralin sagot mula sa Hanay B.

HANAY A HANAY B
1. lambat a. pagiging marumi ng
kapaligiran
2. magsarili b. nahaharap sa pinsala o
kapahamaka
3. baybayin c. sukat ng haba ng katumbas ng
12 pulgada
4. nanganganib d. kasangkapan mula sa nilalang
sinulid o lubid na ginagamit sa
pangingisda
5. solusyon e. magawa ang mga bagay nang
walang tulong mula sa iba
6. talampakan f. anomang damo o halamang
tumutubo sa dagat o sa mga
batong nararating ng tubig-dagat
7. damong-dagat g. lupa sa gilid ng dagat

Picture Presentation

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

- Naranasan mo na bang magpunta sa isang silid-aklatan?


- Naranasan mo na bang humiram ng aklat?
- Ano ang nasa larawan?
- Ano ang library card?

Paggamit ng Laro “Tanong Ko, Sagot Mo!”


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Anong mahahalagang impormasyon ang makikita sa library card?
2. Ano ang dapat tandaan sa pagsagot nito?
C. Pag-uugnay ng mga
3. Mahalaga ba sa silid-aklatan ang paggamit ng library card? Para
halimbawa sa bagong aralin
saan ito ginagamit?
4. Paano makakatulong sa iyo bilang isang mag-aaral ang mga
impormasyong nasa library card?
5. Sa iyong palagay, ang library card ay halimbawa ng isang?

D. Pagtalakay ng bagong Numeracy/Discovery Learning


konsepto at paglalahad ng Paggamit ng laro “Ano ang Nasa Larawan?”
bagong kasanayan #1 Malayang Talakayan

PAGSULAT NG MGA IMPORMASYONG HINIHINGI SA ISANG


FORM

Maaaring hindi mo napapansin, subalit alam mo ba na bahagi na


ng ating pang-araw-araw na buhay ang pagsagot sa mga form o
pormularyo, gaya ng enrolment form, registration form, maging mga
online form, library card, withdrawal/deposit slip, bio-data, at marami
pang iba.

Isang mahalagang kasanayan ang pagsulat nang wastong


impormasyon na kailangan sa mga pormularyo. Kailangang matutuhan
ang pagbibigay ng datos na hinihingi sa mga form upang maisakatuparan
ang layunin na panggagamitan nito.

Ano ba ang form o pormularyo? Ito ay isang dokumentong


nangangailangang punan ng kinakailangang impormasyon o datos para
sa tiyak na layunin. Ito ay upang maging madali ang pagkuha ng mga
personal na impormasyon o datos para sa mga aplikasyon at iba pang
transaksiyon. Ibig sabihin ng personal na datos ay mga impormasyon
tungkol sa iyong sarili.

Tandaan na kinakailangang makatotohanan ang lahat ng mga


impormasyon o datos na ilalagay sa mga pormularyong iyong pupunan.
Tandaan mo rin na dapat maayos ang pagkasulat na may wastong baybay
ang bawat salitang isusulat upang ito ay mabasa nang maayos at
maunawaan ng nagbabasa.

Mga halimbawa ng mga pormularyo:

1. Community Tax Certificate o Sedula

2. Library Card

3. Deposit slip
4. Withdrawal slip

E. Pagtalakay ng bagong Paggamit ng Laro “Punan Mo!”


konsepto at paglalahad ng Panuto: Punan ng personal na datos ang sumusunod na pormularyo.
bagong kasanayan #2

Paggamit ng Laro “Ayusin Mo!”


Panuto: Tukuyin ang mga halimbawa ng pormularyo. Ayusin ang mga
nakagulong letra.
1. INOLEN FROM – ONLINE FORM
2. ABDTAOI – BIODATA
3. RLAIRYB RCDA – LIBRARY CARD
4. ESDLAU – SEDULA
5. IHADRAWTWL PLIS – WITHDRAWAL SLIP
6. IDPTOES PLIS – DEPOSIT SLIP
Paglalapat ng Differentiated Instruction/Activities
Pangkatang Gawain

Pangkat 1 ARTS
Panuto: Gumuhit ng isang poster na naglalaman ng kahalagahan ng
pormularyo sa pang-araw-araw na pamumuhay. Lagyan ng maikling
mensahe ang iyong iginuhit.

PANGKAT 2 MUSIC
Panuto: Lumikha ng isang awitin na maaaring ilapat sa napapanahong
mga awitin na naglalaman ng kahalagahan ng pormularyo sa pang-araw-
araw na pamumuhay.

PANGKAT 3 DRAMA
Panuto: Gumawa ng isang dula na naglalaman ng mga sitwasyon tungkol
sa kahalagahan ng pormularyo sa pang-araw-araw na pamumuhay.
F. Paglinang sa kabihasnan
(Tungo sa Formative
Paglalapat ng Higher Order Thinking Skills
Assessment)
Integrasyon sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Pagpapahalaga:
Itanong:
-Nagustuhan ninyo ba ang inyong ginawa?
-Madali ba ang inyong ginawa?
-Bakit kaya ito naging madali? *HOTS
Dahil sa pagkaka-isa at pagtutulungan

*Integrasyon sa Matematika
- Ilang halimbawa ng pormularyo ang tinalakay ngayong araw?

Pagtalakay sa napapanahong issue/Current Events


Valuing
Katanungan:
- Ano ang kahalagahan ng pagbibigay ng kongkretong mga
impormasyon sa pagkilala sa mga taong nagkasakit dulot ng
pandemya?
G. Pag-uugnay sa pang araw- Paggamit ng Laro “TUMPAK” o “LIGWAK”
araw na buhay Panuto: Sabihin ang TUMPAK kung ang pangungusap at nagsasaad ng
tamang impormasyon at LIGWAK naman kung mali.
1. Ang community tax certificate ay kilala rin sa tawag na sedula.
TUMPAK
2. Bahagi na ng buhay ng isang tao ang pagsasagot ng form o
pormularyo. TUMPAK
3. Ang pormularyo ay isang dokumentong nangangailangang punan ng
kinakailangang impormasyon o datos para sa di-tiyak na layunin.
LIGWAK
4. Tandaan na kinakailangang makatotohanan ang lahat ng mga
impormasyon o datos na ilalagay sa mga pormularyong iyong pupunan.
TUMPAK
5. Ang diyaryo ay halimbawa ng pormularyo. LIGWAK
Paggamit ng Laro “Punan Mo!”
Panuto: Punan ang pormularyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
datos na hinihingi. Isulat sa kuwaderno ang bawat impormasyon sa
malalaking titik.
H. Paglalahat ng Aralin Ano ang iyong natutuhan ngayong araw?
Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ito ay isang dokumentong nangangailangang punan ng kinakailangang
impormasyon o datos para sa tiyak na layunin.
a. pormularyo
b. papeles
c. datos

2. Ito ay isang uri ng dokumento ng identipikasyon o pagkakakilanlan, o


pambuwis.
a. community tax certificate
b. library card
c. bank deposit slip

3. Ito ay isang maliit na papel na ginagamit ng isang taong nagpupunta


I. Pagtataya ng Aralin sa banko sa tuwing siya ay magdedeposito o magpapasok ng kaniyang
pera.
a. library card
b. bank deposit slip
c. bank withdrawal slip

4. Ito ay ginagamit sa tuwing ang isang mag-aaral ay hihiram ng aklat o


libro mula sa silid-aklatan.
a. community tax certificate
b. bank withdrawal slip
c. library card

5. Ito ay isang maliit na papel na ginagamit ng isang taong nagpupunta sa


banko sa tuwing siya ay maglalabas ng kaniyang pera.
a. community tax certificate
b. bank deposit slip
c. bank withdrawal slip
J. Karagdagang gawain para sa Panuto: Bilang isang mag-aaral, kailangang magbigay ka ng
takdang aralin at remediation impormasyon tungkol s aiyo para sa iyong I.D. sa paaralan. Ibigay ang
mga hinihinging impormasyon para sa I.D. Isulat ang iyong sagot sa
iyong kwaderno.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng Mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng Mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mga mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
nararanasan na nasulusyunan
sa tulong ng punong guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa kapwa ko
guro?

You might also like