You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
NCR
Division of Quezon, District 2
PAYATAS B ANNEX ELEMENTARY SCHOOL

I. Layunin
Pagkatapos ng ating pag-aaral, ikaw ay inaasahang:
 nakapagbibigay ng maaaring solusyon sa isang naobserbahang suliranin
 nakagagawa ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong
napakinggan o nabasa

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Solusyon sa Naobserbahang Suliranin at Paggawa ng Dayagram ng ugnayang Sanhi
at Bunga
B. Sanggunian: Filipino 5_Q4_Mod1
C. Kagamitan: Powerpoint Presentation
D. Pagpapahalaga: Pagtugon sa suliranin

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagtala ng liban
B. Balik-Aral
Magbigay ng Sitwasyon
Itanong: Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito? Isulat sa loob ng tatsulok ang
iyong sagot.
 Nadapang bata
 Mababang iskor sa pagsusulit
 Sugat sa kamay
 Nabasag na baso
IV. Paglalahad

A. Pagganyak
 Magpakita ng mga larawan. Itanong kung ano ang nakikita sa larawan, ano ang
maaaring sanhi o bunga ng pangyayari.

B. Pagtalakay
 Basahin ang mga sumusunod na kwento sa modyul sa pahina 6 at sagutin ang mga
tanong sa gabay ng guro.
 Itanong:
1. Paano nagbago ang ugali ni Evan?
2. Ano ang katangian ni Evan noong hindi pa siya nalulong sa laro sa computer?
3. Bakit nasira ang mata ni Evan?
4. Bakit siya pinagbawalan sa paggamit ng anumang gadget?
5. Ano ang naramdaman niya nang ipagbawal sa kanya ang paggamit ng
computer?
 Talakayin kung paano nasolusyunan ang mga suliranin sa kwento at iugnay sa
totoong buhay.
 Hayaang magbigay ng sitwasyon ang mga mag-aaral ng kanilang mga suliranin
 Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang maaaring solusyon sa mga suliraning ito.

C. Pagpapayaman
 Gawain 1:
Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang tamang solusyon sa
bawat sitwasyon
 Gawain 2:
Gumawa ka ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga mula sa sumusunod na
tekstong iyong papakinggan o babasahin.
D. Pagpapahalaga
 Ang pagbibigay solusyon ang pinakamainam na aksiyon na dapat gawin sa mga
panahong may kinakaharap tayong mga suliranin.

E. Paglalapat
 Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon sa ibaba. Pagkatapos, piliin ang
mainam na solusyon sa sumusunod na suliranin.
F. Takdang Aralin
 Basahin ang tekstong nasa pahina 13 at gumawa ng dalawang dayagram ng
ugnayang sanhi at bunga mula rito.

Inihanda ni :

Liezl Ann Rivera


Teacher I

You might also like