You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
ST. ANTHONY HEIGHTS ELEMENTARY SCHOOL
Name of Teacher JEEHANE D. MANLAPAZ Section MAHUSAY
Leaning Area FILIPINO Time
Grade Level TWO Date

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
B. Pamanatayan sa Pagganap
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto A. Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.
B. Natutukoy kung ang isang pangyayari ay sanhi o bunga.
F2PB-Ih-6
F2PB-IIIg-6
F2PB-IVd-6
II. NILALAMAN Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga.
III. .MGA KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
2. .Mga Pahina sa Kagamitang Pang- DLP pahina 71-75
Magaaral MELC pahina 125
SLM Modyul 3(Quarter 3)
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. .Karagdagang Kagamitan Mula sa LR Powerpoint Presentation, video, Spin The Wheel App
Portal
B. Iba Pang Kagamitang Panturo
IV. PAMAMARAAN Gawain ng Guro Kagamitan
A. .Balik-aral sa nakaraang aralin at/ o Ating balikan ang ating nakaraang aralin.
pagsisimula ng bagong aralin -Ano ang tawag natin sa panghalip na humahalili
sa ngalan ng tao?
-Magbigay ng halimbawa nito.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Pakinggan ang tula. Pagkatapos tumawag ng bata
na bibigkas ng tula.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa


bagong aralin Iwasan ang Kalaban
(Sinulat ni Gng. Irish B. Zonio)
Ngayon sa komunidad ay may pandemya Power Point
Na dulot ng virus na nakakahawa, Presentatiom
Kaya tayo ay nasa bahay tuwina
Upang sakit na ito ay ‘di makuha.
Virus na kalaban ating iiwasan
‘Di nakikita pero nararamdaman,
Kaya naman para hindi na mahawa
Face mask at alcohol laging dala-dala.

Sagutin ang mga tanong.


❖ Ano ang dahilan ng pandemya sa komunidad?
❖ Ano naman ang naging epekto ng pandemyang
ito?
❖ Ano ang dapat gawin para hindi tayo mahawa
ng virus?

Integration: Edukasyong Pangkalusugan(Health)


During the Lesson Basahin ang kuwentong “Si Juan na Laging
D. .Pagtatalakay ng bagong konsepto at Palaaway”
paglalahad ng bagong kasanayan #1

Si Juan na Laging Palaaway


Si Juan ay nasa Ikalawang Baitang. Siya ay
pasaway at palaaway na bata. Mahilig siyang
magpaiyak sa mga
kaklase niyang babae. Lagi rin siyang nakikipag-
away. Siya ay kinatatakutan ng kaniyang mga Power Point
kapwa kamag-aaral. Sa Presentation
tuwing recess ay siya lamang mag-isa sa mesa at
walang may nais na tumabi sa kaniya. Isang araw,
napadaan si Juan sa
isang lumang bahay na katabi lamang ng kanilang
paaralan. Agad na lamang sinunggaban si Juan ng
asong gala. Walang
ano-ano siya ay kumaripas ng takbo. Ngunit tila
hindi napagod ang aso at ito ay nakasunod pa rin
sa kaniya. Pagod na
pagod na si Juan. Nang bigla may narinig siyang
tumawag sa kaniyang pangalan. “Juan dito ka
magtago sa loob ng aming
bahay”. Nakita niya si Pedro, ang kaniyang
kamag-aral na lagi niyang inaaway. Dali-daling
pumasok si Juan sa bahay nila
Pedro at nagtago. Laking gulat niya na binigyan
siya ng tubig ni Pedro. Nagtataka siya kung bakit
hindi nagtanim ng galit
si Pedro sa kaniya sa kabila ng lagi niyang
ginagawa. Tumingin si Juan sa may bintana at
nakita niyang wala na ang mga
aso. Nagpasalamat siya kay Pedro at umalis na ito
sa kanilang bahay. Napagtanto ni Juan na mas
magandang maging
mabuting bata at magkaroon ng maraming
kaibigan. Simula noon nagbago na si Juan. Siya ay
naging palakaibigan at
hindi na siya nakikipag-away. Nagkaroon na rin
siya ng maraming kaibigan na kasama niya sa
tuwing sila ay uuwi galing
sa paaralan.

Itanong:
1. Ano ano ang dahilan ng pagiging mag-isa sa
mesa ni Juan tuwing recess?
2. Nagbago ba si Juan?
3. Ano ang dahilan ng pagbabago ni Juan?
4. Ano naman ang naging resulta o epekto ng
pagbabagong ito ni Juan?
5. Sino ang laging inaaway ni Juan ngunit
tinulungan siya para matakasan ang aso?
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Sa tulang “Iwasan ang Kalaban”, napag-usapan
paglalahad ng bagong kasanayan #2 natin ang dahilan at resulta o epekto ng pandemya,
Sa kuwento namang “Si Juan na Laging
Palaaway” nalaman natin ang dahilan at epekto o
resulta ng pagbabago ni Juan.

Alam nyo ba mga bata kung ano ang tawag sa


dahilan at resulta o epekto ng isang pangyayari?

Magpakita ng jumbled letters, at ipahula sa mga


bata kung ano ang tamang mga salita.
Power Point
nashi ta nguba (Sanhi at Bunga) Presentation

Talakayin ang kahulugan ng Sanhi at Bunga.


Sanhi – ito ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan
ng isang kilos, kalagayan o pangyayari.

Bunga – ito ay tumutukoy sa resulta o epekto ng


kilos, gawain o pangyayari.

Mula sa kwentong “Si Juan na Laging Palaaway”,


pagbigayin ang mga bata ng mga pangyayari sa
kwento/teksto na may sanhi at bunga.
F. Paglinang sa Kabihasaan Tukuyin kung ang may salungguhit ay Sanhi o
Bunga. Ipakita ang “finger heart” kung sanhi at
“peace sign” kung bunga ang inyong sagot.
1. Nagtatakbo ako kaya hinabol ako ng aso.
2. Lumangoy si Larry sa malalim na dagat kaya
siya nalunod.
3. Nag-aral nang mabuti si Nico kaya nakapasa
siya sa kaniyang mga pagsusulit.
4. Naiwan nilang bukas ang pinto kaya nakapasok
ang magnanakaw.
5. Kaya laging masakit ang ngipin ni Joy dahil
mahilig siyang bumili ng cotton candy.
G. .Paglalapat ng aralin sa pang-araw- Magpapakita ang guro ng mga larawan. Bubuo
araw na buhay ang mga bata ng mga pangungusap tungkol sa
larawan na
may sanhi at bunga. Tatawag ang guro ng
magsasabi ng kaniyang sagot. Gumamit ng Spin The Spin the wheel
The Wheel sa pagpili ng bata. App

PANGKATANG GAWAIN

Ipabasa ang mga pamantayan sa pangkatang


Gawain.
Tarpapel

After the Lesson Ano ang tawag sa dahilan ng pangyayari? Sa


H. Paglalahat ng Aralin resulta o epekto ng kalagayan o pangyayari?
Buuhin ang talata:

Nabatid ko na kapag ang salita ay tumutukoy sa


pinagmulan o dahilan ng isang kilos,
kalagayan o pangyayari, ito ay tinatawag na
_______________. Ang ______________ naman
ay ang epekto o
resulta ng Gawain o pangyayari.
I. Pagtataya ng Aralin

J. Takdang-aralin/ Karagdagang Gawain Sumulat ng limang pangyayari na iyong naranasan


na may sanhi at bunga.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakuha ng


80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain para
sa remediation

C .Nakatulong ba ang remedial? Bilang


ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin

D. Bilang ng mga magaaral na


magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan
na solusyunan sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Prepared by:

JEEHANE D. MANLAPAZ
Teacher I
Noted:

RAFAEL B. RICARTE JR.


School Head

You might also like