You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
TAMBO ELEMENTARY SCHOOL
Learning Area FILIPINO
Learning Delivery Modality Modular Distance Modality (Learners-Led Modality)

Paaralan TAMBO ELEMENTARY SCHOOL Baitang 2


LESSON Guro Asignatura
CHERILEEN L. RESABA FILIPINO
EXEMPLAR Petsa
MARSO 2, 2022 Markahan IKATLO
Oras 9:30-11:30 Bilang ng Araw

I. LAYUNIN A. Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.


B. Natutukoy kung ang isang pangyayari ay sanhi o bunga.
C. Nakapagbibigay ng pangungusap na may sanhi at bunga.
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
B. Pamantayan sa Pagganap Nasasabi ng mga mag-aaral ang pangunahing diwa ng tekstong
binasa o napakinggan, nagagamit ang mga kaalaman sa wika,
nakababasa nang may wastong paglilipon ng mga salita at maayos na
nakasusulat upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya,
damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon
sa kanilang antas o nibel at kaugnay ng kanilang kultura. F2WG-
IIIa-g-1
C. Pinakamahalagang
Kasanayan sa Pagkatuto
(MELC) (Kung MELC NO. 20
mayroon,isulat ang Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa binasang
pinakamahalagang talata at teksto
kasanayan sa pagkatuto o
MELC
D. Pagpapaganang Kasanayan
Nakikilala ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao (ako, ikaw,
(Kung mayroon,isulat ang
siya)
pagpapaganang kasanayan.)
II. NILALAMAN Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga
III. KAGAMITAN PANTURO

A. Mga Sanggunian MELC FILIPINO G2 PiVOT BOW R4QUBE CG pahina 43

a. Mga Pahina sa Gabay ng


Guro
b. Mga Pahina sa Kagamitang PIVOT 4A FILIPINO Kagamitang Pangmag-aaral pp. 16-19
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk

d. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Mga larawan, video ng tula, video, activity sheet, likhang kuwento
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
TAMBO ELEMENTARY SCHOOL
Panturo para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN

A. Panimula Nakarinig na ba kayo ng isang tula? Anong tula ang inyong


natatandaang napakinig ninyo?

Bago tayo magsimula ng ating aralin tayo muna ay may


papakinggang tula na pinamagatang Iwasan ang Kalaban na isinulat
ni Gng. Irish B. Zonio.

Iwasan ang Kalaban


(Sinulat ni Gng. Irish B. Zonio)

Ngayon sa komunidad ay may pandemya


Na dulot ng virus na nakakahawa,
Kaya tayo ay nasa bahay tuwina
Upang sakit na ito ay ‘di makuha.

Virus na kalaban ating iiwasan


‘Di nakikita pero nararamdaman,
Kaya naman para hindi na mahawa
Face mask at alcohol laging dala-dala.
(Health)
Sagutin ang mga tanong.
 Ano ang dahilan ng pandemya sa komunidad?
 Ano naman ang naging epekto ng pandemyang ito?
 Ano ang dapat gawin para hindi tayo mahawa ng virus?

Tungkol saan ang tula? Anong kalaban ang tinutukoy dito? (Health)

Ngayon naman ay may inihanda akong isang kuwento para sa inyo.

B. Pagpapaunlad  Pagbibigay ng pamantayan sa pagkikinig ng kuwento.


 Pagbasa ng kwento sa tulong ng powerpoint.

Si Juan na Laging Palaaway


Si Juan ay nasa Ikalawang Baitang. Siya ay pasaway at
palaaway na bata. Mahilig siyang magpaiyak sa mga kaklase niyang
babae. Lagi rin siyang nakikipag-away. Siya ay kinatatakutan ng
kaniyang mga kapwa kamag-aaral. Sa tuwing recess ay siya lamang
mag-isa sa mesa at walang may nais na tumabi sa kaniya. Isang
araw, napadaan si Juan sa isang lumang bahay na katabi lamang ng
kanilang paaralan. Agad na lamang sinunggaban si Juan ng asong
gala. Walang ano-ano siya ay kumaripas ng takbo. Ngunit tila hindi
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
TAMBO ELEMENTARY SCHOOL
napagod ang aso at ito ay nakasunod pa rin sa kaniya. Pagod na
pagod na si Juan. Nang bigla may narinig siyang tumawag sa
kaniyang pangalan. “Juan dito ka magtago sa loob ng aming bahay”.
Nakita niya si Pedro, ang kaniyang kamag-aral na lagi niyang
inaaway. Dali-daling pumasok si Juan sa bahay nila Pedro at
nagtago. Laking gulat niya na binigyan siya ng tubig ni Pedro.
Nagtataka siya kung bakit hindi nagtanim ng galit si Pedro sa kaniya
sa kabila ng lagi niyang ginagawa. Tumingin si Juan sa may bintana
at nakita niyang wala na ang mga aso. Nagpasalamat siya kay Pedro
at umalis na ito sa kanilang bahay. Napagtanto ni Juan na mas
magandang maging mabuting bata at magkaroon ng maraming
kaibigan. Simula noon nagbago na si Juan. Siya ay naging
palakaibigan at hindi na siya nakikipag-away. Nagkaroon na rin siya
ng maraming kaibigan na kasama niya sa tuwing sila ay uuwi galing
sa paaralan. (Edukasyon sa Pagpapakatao)

Itanong:
1. Ano-ano ang dahilan ng pagiging mag-isa sa mesa ni Juan
tuwing recess?
2. Nagbago ba si Juan?
3. Ano ang dahilan ng pagbabago ni Juan?
4. Ano naman ang naging resulta o epekto ng pagbabagong ito
ni Juan?
5. Sino ang laging inaaway ni Juan ngunit tinulungan siya para
matakasan ang aso?

Sa tulang “Iwasan ang Kalaban”, napag-usapan natin ang dahilan


C. Pakikipagpalihan at resulta o epekto ng pandemya. Sa kuwento namang “Si Juan na
Laging Palaaway” nalaman natin ang dahilan at epekto o resulta ng
pagbabago ni Juan.

Alam nyo ba mga bata kung ano ang tawag sa dahilan at resulta o
epekto ng isang pangyayari?

Magpakita ng jumbled letters, at ipahula sa mga bata kung ano ang


tamang mga salita.

nashi ta nguba (Sanhi at Bunga)

Talakayin ang kahulugan ng Sanhi at Bunga.

Sanhi – ito ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang kilos,


kalagayan o pangyayari.

Bunga – ito ay tumutukoy sa resulta o epekto ng kilos, gawain o


pangyayari.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
TAMBO ELEMENTARY SCHOOL

Mula sa kwentong “Si Juan na Laging Palaaway”, pagbigayin ang


mga bata ng mga pangyayari sa kwento/teksto na may sanhi at
bunga.

Pangkatang Gawain:
Gawain 1 (Artista Ako!)
Panuto: Gamit ang mga iba’t ibang larawan ng Sanhi, iakto
ang maaaring maging Bunga nito. (Sining)

Gawain 2: ( Pagtambalin mo Ako!)


Panuto: Iugnay ang mga larawan sa Hanay A at Hanay B
upang malaman ang Sanhi at Bunga ng mga nangyayari sa
ating kapaligiran. (Araling Panlipunan)

HANAY A HANAY B
Sanhi Bunga
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
TAMBO ELEMENTARY SCHOOL

Gawain 3: (Buuin mo Ako!)


Panuto: Buuin ang mga larawan upang matukoy ang mga
Sanhi at Bunga kapag pinabayaan natin ang ating kalusugan.
(Edukasyon sa Pagpapakatao / Health)
Sanhi Bunga

Gawain 4: (Isulat mo Ako!)


Panuto: Isulat ang Bunga ng mga sumusunod na Sanhi.

1. Sanhi: Nakalimot ng wallet si Erica na may lamang pera na


nagkakahalaga ng P1000 buo at P250 na barya.
Bunga:______________________________________________
(Matematika)

2. Sanhi: Nag-ensayo si Paola para sa sasalihan niyang contest sa


pag-awit dahil ito ay kanyang hilig.
Bunga: _____________________________________________
(Musika)

Ano ang tawag sa dahilan ng pangyayari? Sa resulta o epekto ng


D. Paglalapat kalagayan o pangyayari?

Buuhin ang talata: Nabatid ko na kapag ang salita ay tumutukoy


sa pinagmulan o dahilan ng isang kilos, kalagayan o pangyayari, ito
ay tinatawag na _______________. Ang ______________ naman ay
ang epekto o resulta ng gawain o pangyayari.

Gawain 5
Panuto: Tukuyin kung ang may salungguhit ay Sanhi o Bunga.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
TAMBO ELEMENTARY SCHOOL
Ipakita ang “finger heart” kung sanhi at “peace sign” kung bunga
ang inyong sagot.

1. Nagtatakbo ako kaya hinabol ako ng aso.


2. Lumangoy si Larry sa malalim na dagat kaya siya nalunod.
3. Nag-aral nang mabuti si Nico kaya nakapasa siya sa kaniyang mga
pagsusulit.
4. Naiwan nilang bukas ang pinto kaya nakapasok ang magnanakaw.
5. Kaya laging masakit ang ngipin ni Joy dahil mahilig siyang bumili
ng cotton candy.

Gawain 6
Panuto: Magpapakita ang guro ng mga larawan. Bubuo ang mga
bata ng mga pangungusap tungkol sa larawan na may sanhi at bunga.
Tatawag ang guro ng magsasabi ng kaniyang sagot.

Gawain 7
Panuto: Pag-ugnayin ang pangungusap sa Hanay A at Hanay B
upang maipakita ang sanhi at bunga ng pangyayari o sitwasyon.
Isulat ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B

1. Mahilig akong kumain ng gulay. a.

2. Nanonood ako ng telebisyon kahit b.


gabing-gabi na.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
TAMBO ELEMENTARY SCHOOL
3. Kumain ako ng maraming kendi. c.

4. Niligpit ko ang aking pinaghigaan. d.

5. Nag-aral ako ng mga aralin. e.

Takdang Aralin
V. PAGNINILAY
Panuto: Sa iyong journal sa Filipino, kumpletuhin ang mga
pangungusap.
a. Sa araling ito, natutunan ko ang___________________.
b. Ako ay nahirapan sa bahagi ng aralin na____________.
c. Pinakagusto ko sa araling ito ay___________________.
Inihanda ni:

CHERILEEN L. RESABA
Guro

Binigyang pansin ni:

LORIA R. CARANDANG
Punungguro

You might also like