You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Lipa City
Lipa City West District

TAMBO ELEMENTARY SCHOOL

Banghay Aralin sa Filipino 2

Content Standard: Demonstrates understanding and knowledge of language grammar


and usage when speaking and / or writing.

Performance Standard: Speaks and writes correctly and effectively for different
purposes using the basic grammar of the language.

I. Layunin:
1. Nakikilala ang kaantasan ng pang-uri sa pangungusap gamit ang lokal na wika.
2. Nagagamit ang kaantasan ng pang-uri sa pangungusap gamit ang lokal na wika.
3. FIL2GA-IVd-e-1.6.1

II. Paksa at mga Kagamitan


Paksang Aralin: Kaantasan ng Pang-uri
Sanggunian:
K to 12 Filipino Curriculum Guide May 2016 Page 125 of 155
FIlipino (Teacher’s Guide pahina 146-149)
FIlipino (Learner’s Material) 117-120
Mga Kagamitan: Mga tunay na bagay, Kuwento
mga larawan, tsart, powerpoint

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Pagpapakita ng mga tunay na bagay sa mga bata:

Isa- isang ipakita at itanong sa mga bata: Ano ang masasabi ninyo sa mansanas? Sa
saging? Sa bato? Sa sabon? Sa damit?
2. Pagganyak: (Ipakita ang larawan ng Barangay Tambo)
Itanong:
1. Mga bata nakapamasyal na ba kayo sa ating komunidad?
2. Ano- ano ang mga lugar na inyong napuntahan dito?
3. Ano ang masasabi niyo sa lugar na ito?
4. Ano-ano naman ang nakita niyo sa mga lugar na ito?
5. Ano ang masasabi niyo sa mga bagay na nakita niyo dito?

B. Pagmomodelo / Paglalahat

1. Paglalahad:
Ngayon mga bata, may inihanda akong mga larawan ditto, ang mga larawang ito
ay may kinalaman sa aking kuwento na pinamagatang “Magandang Kapaligiran”.

Magandang Kapaligiran

Habang ako ay namamasyal sa Barangay Tambo, aking nakita ay magandang


kapaligiran na nagtatago mula rito. Mga prutas aking natagpuan sa loobang tahimik at
maaliwalas.

“ Masarap ang bayabas; aking nasambit. “ Mas masarap ang saging kaysa
bayabas sa aking pangalawang pagtikim”. Ngunit aking napagtanto,”pinakamasarap
ang lansones sa mga prutas na aking natikman”.

Pagkatapos kung kumain ng mga prutas, ako’y tumungo sa kalsadang mga tao’y
dumaraan. Aking nakitang, “maganda ang pwesto ng Jollibee”, ngunit, “mas maganda
ang pwesto ng Mcdonalds kaysa sa Jollibee, at aking narinig mula sa aking katabi na,
“pinakamaganda ang pwesto ng BeeHive sa lahat ng mga fast food sa ating
komunidad”.

Habang patuloy akong nagmamasid sa ating komunidad nakakita ako ng iba’t


ibang mga puno.
“Ang santol ay mataas”, sabi ko. Pero “mas mataas ang puno ng Mangga kaysa
sa santol”.Ngunit aking napansin na “pinakamataas ang puno ng niyog sa lahat ng
punong aking nakita”.

Nang dahil sa aking pamamasyal aking nalamang ang ating komunidad ay may
magagandang kapaligiran na dapat na ipagmalaki.

Itanong: 1. Ano ang pamagat ng kuwento?


2. Saang komunidad ako namasyal?

2. Pagtalakay:
1. Anong uri ng prutas ang unang inilarawan?
Ano ang pang-uring ginamit para sa bayabas?
Ano ang ikalawang uri ng prutas ang inilarawan?
Ano ang pang-uring ginamit sa paghambing ng bayabas at saging?
Ilang prutas na ang ating inilarawan?
Ano ang ikatlong prutas ang inilarawan?
Ano ang pang-uring ginamit nila sa paghambing ng lansones sa bayabas at
saging?
Ilang prutas na ang ating inilarawan at pinaghambing?

2. Anong uri ng lugar ang unang inilarawan?


Ano ang pang-uring ginamit para sa Jollibee?
Ano ang ikalawang uri ng lugar ang inilarawan?
Ano ang pang-uring ginamit sa paghambing ng Jollibee at Mcdonalds?
Ilang lugar na ang ating inilarawan?
Ano ang ikatlong lugar ang inilarawan?
Ano ang pang-uring ginamit nila sa paghambing ng BeeHive sa Jollibee at
Mcdonalds?
Ilang lugar na ang ating inilarawan at pinaghambing?

3. Anong uri ng puno ang unang inilarawan?


Ano ang pang-uring ginamit para sa puno ng santol?
Ano ang ikalawang uri ng puno ang inilarawan?
Ano ang pang-uring ginamit nila sa paghambing ng puno ng mangga at puno ng
santol?
Ilang puno na ang ating inilarawan?
Ano ang ikatlong puno ang inilarawan?
Ano ang pang-uring ginamit nila sa paghambing ng puno ng niyog sa puno ng
mangga at puno ng santol?
Ilang puno na ang ating inilarawan at pinaghambing?
4. Tingnan ang unang hanay ng mga larawan.
May iba pa bang pinaghahambingan ang sinturis, Jollibee at puno ng santol?
Ano ang ginamit na pang-uri sa paghahambing ng sinturis, Jollibee at puno ng
santol?
Sabihin: Ang tawag sa pang-uri o salitang naglalarawan ng isang pangngalan o
panghalip na walang pinaghahambingan ay lantay.
Itanong: Ano ang lantay? Ilan ang inilalarawan nito?

5. Tingnan ang ikalawang hanay ng mga larawan.


Ilang prutas / lugar/ puno ang ating pinaghambing?
Ano- ano ang mga pang-uri ang ating ginamit?
Ano ang napapansin ninyo sa mga salita?
Sabihin: Pahambing naman ang tawag natin kapag naghahambing sa
dalawang pangngalan o panghalip. Ginagamit ang mas o kaysa bilang pananda.
Itanong: Ano ang pahambing? Ilan ang inilalarawan nito?

6. Tingnan ang ikatlong hanay ng mga larawan.


Ilang prutas / lugar/ puno ang ating pinaghambing?
Ano- ano ang mga pang-uri ang ating ginamit?
Ano ang napapansin ninyo sa mga salita?
Sabihin: Pasukdol naman ang tawag natin sa katangiang namumukod o
nangingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan. Ginagamit ang pinaka bilang
pananda.
Itanong: Ano ang pasukdol? Ilan ang inilalarawan nito?

3. Paglalahat:
Ano-ano ang kaantasan ng pang-uri?
May kaantasan ang pang-uri.
1. Lantay – naglalarawan ng isang pangngalan o panghalip na walang
pinaghahambingan.
2. Pahambing – naghahambing sa dalawang pangngalan o panghalip.
Ginagamit ang mas at kaysa bilang pananda.
3. Pasukdol – katangiang namumukod o nangingibabaw sa lahat ng
pinaghahambingan. Ginagamit ang pinaka bilang pananda.

C. Ginabayang Pagsasanay

1. Laro “Ipasa Mo Ako at Ilarawan”


Ang mekaniks ng laro ay:
Habang tumutunog ang tugtog ay ipapasa ang bola hanggang sa ang tugtog ay
tumigil. Ang sinumang may hawak ng bola sa pagtigil ng tugtog ay siya ang
maglalarawan ng mga larawan.

Panuto: Paghambingin ang mga sumusunod na larawan gamit ang pang-uring nasa
bilog.
1. matamis

Keyk pastilyas tsokolate

2. malaki

Aso baboy kabayo

D. Pangkatang Pagsasanay
1. Pangkatang Gawain (Ipapangkat ng guro ang mga bata sa tatlo.)

Pangkat I: Pang-uri Ko, Tukuyin Mo!


Panuto: Isulat ang 1 kung lantay, 2 kung pahambing at 3 kkung pasukdol ang
kaantasan ng pang-uring may salungguhit.
_________ 1. Maganda ang suot mong damit.
_________ 2. Pinakamasarap ang adobo sa lahat ng pang-ulam na niluto ni Nanay.
_________ 3. Ang saranggola ni Ryan ay mas matayog lumipad kaysa sa aking
saranggola.
_________ 4. Pula ang aking bola.
_________ 5. Si tatay ay mas masipag kaysa sa kuya ko.

Pangkat II: Larawan Ko, Ilarawan Mo!


Panuto: Tingnan ang mga larawan. Sumulat ng pangungusap gamit ang wasto at
angkop na kaantasan ng pang-uri sa tsart.

1. (Makapal) Libro

2. (Masarap) Suman Kalamay


3. (Malakas) Kalabaw Kambing

4. (Mabango) Sampagita Rosas Gumamela

Pangkat III: Halina at Tayo ay Bumuo!


Panuto: Sumulat ng pangungusap gamit ang mga kaantasan ng pang-uri. Gamitin ang
pang-uring nasa kahon.

Malawak

Kantina ng Paaralan Bagong Lipunan Building VSR Building

Lantay __________________________________________________________
Pahambing __________________________________________________________
Pasukdol ___________________________________________________________

Itanong: Paano ninyo natapos ang inyong gawain?

IV. Malayang Pagsasanay:

1. Basic: Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Guhitan ang salitang
dapat gamitin sa paghahambing sa loob ng panaklong.
1. Ang ulan kahapon ay (malakas, mas malakas, pinakamalakas) kaysa sa ngayon.
2. Ang Katedral ng Lipa ay ang (matanda, mas matanda, pinakmatanda) na simbahan
sa lahat.
3. (Mabango, Mas mabango, Pinakamabango) ang rosas na hawak ni Nanay.
4. (Masipag, mas masipag, pinakamasipag) sa lahat si ate.
5. Ang lomi ay (masarap, mas masarap, pinakamasarap) kaysa sa guisado.
2. Average: Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang angkop
na salitang dapat gamitin sa paghahambing gamit ang payak na pang-uri o salitang
ugat na nasa loob ng panaklong.
1. Ang ulan kahapon ay (lakas) _____________ kaysa sa ngayon.
2. Ang Katedral ng Lipa ay ang (tanda) _____________ na simbahan sa lahat.
3. (Bango) _____________ ang rosas na hawak ni Nanay.
4. (Sipag) _____________ sa lahat si ate.
5. Ang lomi ay (sarap) _____________ kaysa sa guisado.

3. Fast: Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa patlang ang
angkop na salitang dapat gamitin sa paghahambing
1. Ang ulan kahapon ay _____________ kaysa sa ngayon.
2. Ang Katedral ng Lipa ay ang _____________ na simbahan sa lahat.
3. _____________ ang rosas na hawak ni Nanay.
4. _____________ sa lahat si ate.
5. Ang lomi ay _____________ kaysa sa guisado.

V. Takdang Aralin:
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pang-uri.
1. malinis
2. mas maputi
3. pinakamabilis
4. pinakamalinaw
5. mas maganda

Inihanda ni :

CHERILEEN L. RESABA
Guro sa Baitang 2

Pinagtibay ni:

RENATO C. CARAIG
Principal I

You might also like