You are on page 1of 3

Division of Antipolo City

District II-B
DALIG ELEMENTARY SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6

July 18, 2019 Miyerkules


8:20-9:20 AM

I. Layunin
2. Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pakikipag-usap sa iba’t ibang
sitwasyon.( F6WG-Ia-d-2)

II. Paksang Aralin


Paksang Aralin : Paggamit ng Anyo ng Pangngalan
Sanggunian : Landas sa Wika, pp. 59,56
Kagamitan : Power Point Presentation, Tsart, Flashcard, Larawan
Pagpapahalaga : Kooperasyon

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
- Piliin ang wastong pangalan ng mga larawan. (flashcards)
- Larawan ng simbahan
- Larawan ng paaralan
- Larawan ng palengke
- Larawan ng ospital
- Larawan ng bahay

B. Balik-aral:
Tingnan ang mga larawan, magbigay ng pangngalang pambalana at pantangi

Iba’t ibang larawan


-

C. Panlinang na Gawain:

-1. Pagganyak:
Kayo ba’y nakatikim nan g tahong? Ano ang naidudulot nito sa ating katawan?

2. PAglalahad:
-Babasahin natin ngayon ang isang patalastas o anunsyo.
Mag-ingat sa pagkain ng tahong. May babala na naman tungkol sa red tide
na ipinatutupad sa mga baybayin ng Manila Bay, Cavite, at Bataan. Lahat ng
mga mamamayan ay binabawalang bumili at kumain ng tahong, talaba, at iba
pang lamang-dagat na hinuhuli sa mga baybaying ito.

3. Pagtalakay:-
A. Pagsagot sa mga tanong
-1. Ano ang paksa sa patalastas?
2. Sino ang binigyan ng babala na mag-ingat sa pagkain ng tahong?
3. Saang lugar may red tide?

B. Paglinang sa Kasanayan
Mayroon akong mga salitang hango o kinuha ko sa patalastas.

C.
Hanay A Hanay B Hanay C Hanay D
tahong baybayin Lamang-dagat Bali-balita
talaba hinuhuli Uga-ugali
-

Ano ang napansin ninyo sa pagkakabuo ng mga pangngalan? Ano ang anyo ng mga
pangngalan na nasa Hanay A? Hanay B? Hanay C. at Hanay D?

Ang anyo ng pangngalan sa unang hanay ay payak. Tanging salitang-ugat lamang,


walang katambal na salita, at walang bahaging inuulit o kasamang panlapi. Ang
anyo ng pangngalan sa ikalawang hanay ay maylapi. Ito ay binubuo ng
salitangugat at panlapi. Ang panlapi ay maaaring nasa unahan ( unlapi ), loob
(gitlapi), hulihan ( hulapi) ng salita. Maaari ring may nasa unahan at hulihan ng
salita (kabilaan). Ang anyo ng pangngalan sa ikatlong hanay ay tambalan. Ito ay
binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinagtambal. Ang anyo ng pangngalan
sa ikaapat na hanay ay inuulit. Ang buong salita o dalawa o higit pang pantig nito
ay inuulit.-

D. Pagpapayaman ng Gawain
-Paglalahat:
Ano ano ang mga anyo ng pangngalan?
Paano nabubuo ang bawat isa?
Ang mga anyo ng pangngalan ay Payak, Maylapi, Tambalan at Inuulit.
Nabubuo ito sa pagdaragdag ng panlapi, maaaring sa unahan, gitna,
hulhan o kabilaan.

1. Finger Talk: Itaas ang 1 daliri kung ang pangkat ng -pangngalan na


mababasa ay payak, 2 daliri kung maylapi, 3 daliri kung tambalan at 4 na
daliri kung inuulit.
1. punungbayan kapitbahay Yamang-gubat
2. tagahatid kalaro Mag-ina
3. haluhalo Barung-barong Sapin-sapin
4. watawat sarhento alkalde
5. panlaba tagabukid himpilan

2. Pangkatang Gawain

Hahatiin ko kayo sa apat na pangkat


Bawat isang grupo ay may kani kaniyang Gawain.
Pumalakpak ng 3 kung tapos na kayo.

Panuto: Bumuo ng tatlo pang pangalang inuulit, maylapi, at tambalan buhat sa


pangngalang payak sa bawat bilang.

Salitang Ugat Maylapi Tambalan Inuulit


1. bayan
2. halo
3. ugali
4. araw
5. balita

Paglalapat:
-Panuto: Buuin ang talata. Punan ang patlang ng angkop sa salitang inuulit. Ibayat
ang bubuuing pangngalan sa salitang ugat na nasa loob ng panaklong,

Ang Barangay Hulo

Namasyal kami kahapon sa mga (1) ____(bahay) sa Barangay Hulo.


Kayganda pala ng lugar na iyon! May (2) ____(lawa) sa timog na bahagi ng
barangay. Presko ang kapaligirang natataniman ng (3)______(ipil). May hatid na
bango ang simoy ng (4)_____(ilang). Sa isang tahanan ay dinaluhan kami ng
masasarap na kakanin tulad ng bibingka at (5)____(sapin). May pampalamig ding
(6)____(halo).

iv. Pagtataya:

Panuto: Gamitin ang payak na salita sa ibaba upang makabuo sa iba’t ibang anyo
nito.

Payak Maylapi Tambalan Inuulit


1. Araw
2. Dagat
3. .huli
4. linis
5.tanggap

V. Takdang –Aralin

Sumulat ng tig 3 pangngalan sa bawat anyo ng pangngalan. Gamitin


ito sa pangungusap.

Inihanda ni:

MARIBETH P. STA. MARIA


Guro
-Inaprobahan ni:

GAYLE J. MALIBIRAN
Punong Guro

You might also like