You are on page 1of 5

I.

Layunin
a.Natutukoy ang gamit ng mga kasarian ng pangngalan sapamamagitan ng larawan at halimbawang
salita.
b. Naibibigay ang kasarian ng pangngaalan sa bawat halimbawang ibinigay.
c. Napapahalagahan ang kaalaman sa pagtukoy ng kasarian ng pangngalan ayon sa gamit nito.
II. Paksang Aralin
a. Paksa : Kasarian ng Pangngalan
b. Sanggunian: FILIPINO STRUCTURING COMPETENCIES IN A
DEFINITIVE BUDGET OF WORK p. 7 F1WG-II-i 2.2
c. Kagamitan: telebisyon, tarpapel,speaker, worksheet, larawan
d. Values Integration: Pakikipagkaisa, Pagtutulungan, Pagpapahalaga
e. Pinagsanib ng aralin sa Filipino at Mother Tongue
III. Pamamaraan
A. Panimula
1. Paunang Gawain
- Umawit at isakilos gamit ang tono ng Leron- Leron Sinta.
Tayo, Tayo Tayo
Lakad, Lakad, Lakad
Kendeng, kendeng, kendeng
Giling, giling, giling
Talon, talon, talon
Ikot, ikot, ikot
Upo, Upo, Upo
2. Balik-aral
- Tukuyin ang bawat pangngalan kung ito ay TAO, BAGAY, HAYOP o LUGAR. Isulat ang
T - tao, B - bagay , H - hayop, L- lugar sa patlang.
__________1. Allan
__________2. bentilador
__________3. bibe
__________4. plasa
__________5. simbahan

B. Pagmomodelo/Presentasyon
1. Pagganyak
Tingnan ang bawat hanay ng mga larawan. Ano ang mapapansin?
2. Paglalahad
- Isa-isahin ang mga larawan na nasa bawat hanay.
Ang nasa bawat hanay ay:
HANAY A - ay puro lalaki
HANAY B- ay puro babae
HANAY C- ay pwedeng babae o lalake
3. Pagtatalakay
 Bawat hanay ay tumutukoy sa KASARIAN NG PANGNGALAN,
HANAY A - ay tinatawag na PANLALAKI
HANAY B- PAMBABAE
HANAY C - DI- TIYAK

 Ang pangngalang Panlalaki - ay ginagamit lang para sa lalaki


 Ang pangalang Pambabae - ay ginagamit lang para sa mga babae
 Ang pangngalang Di- Tiyak - ay ginagamit kung ito ay hindi sigurado kung babae o lalaki

- Sa isang kahon, bumunot ng mga pangngalan at ihanay ito sa angkop na kasarian.


Panlalaki Pambabae Di- Tiyak

1. ate 6. Tito
2. bunso 7. bata
3. Kuya 8. lolo
4. Kaklase 9. guro
5. Lola 10. kaibigan
C. Ginabayang Pagsasanay
Pangkat 1: Ihanay ang mga pangngalan sa talaan.
Pangkat 2: I-kahon ang mga pangngalang panlalaki sa bawat hanay.
Pangkat 3: Bilugan ang mga pangngalang pambabae sa bawat hanay.
Pangkat 4: Ihanay ang mga pangalan ng bawat larawan.
Pangkat 5: Isulat kung PL - panlalaki, PB- pambabae, DT - DI Tiyak

D. Paglalahat
 Ano-ano ang mga KASARIAN NG PANGNGALAN?
 Ano ang gamit ng panlalaki? Pambabae? Di-Tiyak?
Tandaan: Ang mga Kasarian ng Pangngalan ay panlalaki, pambabae, Di-Tiyak.
E. Paglalapat
Hanapin sa pangungusap ang tinutukoy na Kasarian na Pangngalang hinihingi.
Pambabae 1. Si ate ay mahilig mag-aral.
Panlalaki 2. Mahilig maglaro ng basketbol si kuya.
Pambabae 3. Nagluto si Nanay ng Adobo.
Di- Tiyak 4. Ang mga bata ay naglalaro.
Pambabae 5. Si Lisa ay maganda.

IV. Pagtataya
Isulat ang PL - panlalaki, PB- pambabae , DT - Di - tiyak sa patlang.
__________1. lolo ________6. mama
__________2. nars _________7. ninang
__________3. doktor _________8. ninong
__________4. manong __________9. kalaro
__________5. ale _________10. tita

VI. Takdang Aralin


Sumulat ng pangungusap ayon sa hinihinging kasarian.
2 - panlalaki
2- Pambabae
1 - Di tiyak

Ipinasa ni:

Iwinasto nina:
ANALYN L. FERNANDEZ
HONEYLYN E. JOVEN
LORNA DE LEMOS Guro
Dalubguro II

Binigyang pansin ni:

DR. GERRY F. ISIP


Punongguro

You might also like