You are on page 1of 75

MODYUL SA FILIPINO

Ang Makabagong Balarila


ALAMIN

Mahal naming mag-aaral,

Ginawa ang modyul na ito upang lubos ninyong maunawaan ang aralin
na nakapaloob sa Filipino: Paggamit ng mga Bahagi ng Pananalita sa
Makabagong Balarila. Sa pamamagitan ng modyul na ito, maaari mong
gamitin upang mahasa ang iyong kahusayan sa pagbibigay ng kahulugan ng
mga salita, pagbasa, pag-unawa at pagsulat ng buong husay.

Sana ay ingatan ang modyul na ito. Nawa’y makatulong ito na


makadagdag sa iyong kaalaman!

Ang mga may Akda


Talaan ng Nilalaman
Unang Yugto: Mga Salitang Pangnilalaman
Aralin 1: Mga Nominal
A. Pangngalan (Noun) --------------------------------------------
B. Panghalip (Pronoun) -------------------------------------------
Aralin 2: Pandiwa ----------------------------------------------------------
Aralin 3: Mga Panuring
A. Pang-uri --------------------------------------------------------
B. Pang-abay ------------------------------------------------------
MARKAHANG PAGSUSULIT ----------------------------------------------------
Pangalawang Yugto: Mga Salitang Pangkayarian
Aralin 4: Mga Pang-ugnay
A. Pangngatnig ---------------------------------------------------
B. Pang-ankop ----------------------------------------------------
C. Pang-ukol ------------------------------------------------------
Aralin 5: Mga Pananda
A. Pantukoy -------------------------------------------------------
B. Pangawing o Pangawil --------------------------------------
MARKAHANG PAGSUSULIT ----------------------------------------------------
SUSI SA PAGWAWASTO --------------------------------------------------------
TALASANGGUNIAN -------------------------------------------------------------
BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL -----------------------------------
ANG MAKABAGONG BALARILA

Ating alamin kung ano ang


Makabagong Balarila!

Ayon kay Lope K. Santos, ang Balarila ay tumutukoy sa pag-aaral ng


anyo, uri ng mga salita, tamang gamit ng mga salita at tamang
pagkakaugnayan ng mga salita sa isang pahayag upang makabuo ng malinaw
na kaisipan o diwa.

Ang balarila ay ang pag-aaral hinggil sa isang wika na kinabibilangan ng


mga sumusunod: ng morpolohiya o pagsusuri sa pakakabalangkas ng mga
salita (morpolohiya); ng sintaks (syntax) o pagsasaayos upang ang mga salita
ay maging makabuluhang mga pangungusap; ng ponolohiya o wastong
pagbigkas; ng semantika o kahulugan ng mga salita at parirala; at
ng etimolohiya o ugat o palaugatan ng mga salita.
Tumutukoy din ang balarila sa pagsulat o pananalitang inihahambing
sa wastong paggamit (ayon sa balarila). Ito rin ang kaalaman hinggil sa mga
salita, parirala, sugnay at mga pangungusap na nagtuturo ng wastong
kabalangkasan, palakahuluganan, palabigkasan, at palaugatan ng mga salita.
Kung minsan, tumukoy din ang salita sa mga aklat na pambalarila, na
nagiging batayang simulain, pamatagan o saligan ng mga kaalaman.
Tinatawag din itong gramatika o palatuntunan ng isang wika.
Narito ang mga katuturan ng balarila: mas magiging makabuluhan
ang iyong ideya kapag ito ay nagagamitan ng tamang balarila; makakapag-
iwan ng magandang impresyon sa mga nakikinig o nagbabasa;
makakapagtatag ng tiwala ang tagapakinig sa iyong kaalaman ng iyong
ipinapahayag; mas mauunawaan ng tagapakinig ang iyong pinapahayag;
makakadagdag ng iyong kredibilidad sa pagsulat pagbabasa; at magagamit
ang angkop na salita sa iyong pagsusulat o pagsasalita upang ito ay mas
maging malinaw at kainte-interesado.
Unang Yugto Mga Salitang Pangnilalaman

Aralin 1: Mga Nominal

Ang Pangngalan

Sa araling ito, mapag-aaralan ninyo ang tungkol sa pangngalan. Basahin at


unawaing mabuti ang mga naibigay na impormasyon at halimbawa upang masagot
lahat nang matagumpay ang mga naibigay na pagsasanay.

I Abot-Tanaw
Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang aralin, ang mga bata ay
inaasahang maisagawa ang sumusunod:

1. maibigay ang kahulugan ng pangngalan;


2. matukoy ang dalawang uri ng pangngalan; at
3. maisulat nang wasto ang mga pangngalan ayon sa uri nito.
II Paunang Pagsusulit
A. Panuto: Piliin ang tinutukoy ng bawat pangungusap. Isulat lamang ang titik
ng tamang sagot na nasa kahon.

A. Pangngalan B. Tahas O Kongkreto C. Pambalana


D. Lansakan E. Pantangi F. Basal O Di-Kongkreto

_____ 1. Ito ay tawag sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.


______2. Ito ay tumutukoy sa di-tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, at
pangyayari na nagsisimula sa maliit na titik.
______3. Ito ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, at
pangyayari na nagsisimula sa malaking titik.
______4. Ito ay ang pangngalan na nakikita o nahahawakan.
______5. Ito ay ang mga panngalan na di-nakikita ngunit naiisip o nadarama.

Alamin Natin!

Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan


ng tao, bagay, pook, hayop, at pangyayari. Maaaring mahimay ang pangngalan
nang ayon sa kaurian, katuturan at gamit nito.
Ang pangngalan ay may dalawang uri:
1. Pantangi - tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, pook,
pangyayari, at iba pa. Karaniwang nagsisimula sa malaking titik.
Halimbawa:
Pilipinas Tagpi Dr. Reyes Panagbenga
2. Pambalana - tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, pook, hayop
bagay, pangyayari, at iba pa. Karaniwang nagsisimula sa maliit na titik.
Halimbawa:
propesiyon bansa hayop pista
Ang mga pangngalan ay maaari ring pangkatin ayon sa katuturan nito:

 Kongkreto o Tahas – ito ay mga pangngalan na nahahawakan, nakikita,


nalalasahan at iba pang nagagamitan ng pandama.
Halimbawa:
gatas kapatid kotse bahay

 Di-konkreto o Basal – ito ay mga pangngalang tumutukoy sa kalagayan o


kondisyon. Tumutukoy din sa mga kaisipan o konsepto na hindi
nararanasan ng limang pandamdam at walang pisikal na katangian.
Halimbawa:
pagmamahal utom kapayapaan kahirapan

 Lansak (o lansakan) - pangngalang tumutukoy sa isang kalipunan o


karamihan. Maaaring maylapi ito o wala.
Halimbawa:
sangkatauhan kapuluan pamilya madla
III Pagtataya
Pagsasanay A
Panuto: Iugnay ang bawat pangngalang pambalana sa Hanay B ang pangngalang
pantangi nito sa Hanay A.

HANAY A HANAY B
1. Teacher Bumanglag a. bansa
2. Vice Ganda b. lapis
3. Canada c. guro
4. Mongol d. artista
5. Nike e. sapatos

Pagsasanay B.
Panuto: Isulat sa patlang ng bawat larawan kung ito ay Lansakan, Basal O Di-
Kongkreto, Tahas O Kongkreto.

1. 2. 3.
Lola Puring malambing sapatos
____________ _____________ ____________

4. 5. 5.
barkada galak
____________ ______________
IV Karagdagang Gawain
Panuto: Ibigay ang ngalang tangi o pambalana ang sususunod na pangngalan.
Pangngalan Pangtangi
1. paaralan
2. gadyet
3. pagkain
Pambalana
4. Robinson’s Place
5. Paruparung Bukid

Ang Panghalip
Ang panghalip ay ang salitang humahalili o pamalit sa pangngalan na
nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod ng pangungusap. Sa araling ito,
inyong malalaman ang mga uri at gamit nito sa pangungusap.

I Abot-Tanaw

Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang aralin, ang mga bata ay


inaasahang maisagawa ang sumusunod:
1. makikilala ang iba’t ibang uri ng panghalip;
2. nakakabuo ng sariling mga halimbawa sa bawat uri ng panghalip; at
3. napapahalagahan ang gamit ng panghalip sa bawat uri nito sa
pangungusap.
II PAUNANG PAGSUSULIT
Panuto: Piliin ang letra nang tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Ito ay Panghalip na ginagamit bilang pamalit sa ngalan ng dalawa o higit
pang tao na pinag uusapan.
a. Ako b. Tayo c. Sila d. Kami
2. Kay Monica ang kulay rosas na bag sa upuan. Sa _____ rin ang dilaw na
baunan sa tabi nito.
a. kanya b. Kanila

c. Akin d. Iyo

3. Kanino ipinapalit ang Panghalip na ikaw?


a. isang taong pinag-uusapan
b. isang taong kausap
c. taong nagsasalita at kanyang kasama
d. dalawa o higit pang tao na kausap
4. Piliin ang Panghalip na bubuo sa pangungusap. Ang kambal na sina Juno at
Jona ay masipag. ____ ay kinatutuwaan ng kanilang nanay at tatay.
a. Sila b. Kayo

c. Tayo d. Kami

5. Ito ay Panghalip Panao na ginagamit bilang pamalit sa taong pinag-uusapan.


a. ako b. Tayo

c. Siya d. Ikaw
Alamin Natin!

Ang panghalip ay may apat na uri. Ito ay ang mga sumusunod:


1. Panghalip Panao - ito ay panghalili sa ngalan ng tao. Halimbawa ng mga
panghalip na panao ay ang mga salitang ako, kami, kayo, siya at sila.
Halimbawa:
Si Pedro ay matalino. Siya ay matalino

2. Panghalip Pamatlig – ito ay pamalit sa pangngalan ng lugar o nagpapahayag ng


layo o distansya ng mga bagay sa nagsasalita o nakikinig.
Halimbawa:
Ito ang hinahanap niyang bag kanina. (malapit)
Iyan ang silid na sinasabi nilang may multo. (malapit sa kinkausap)
Iyon ang bahay nating nilipatan noon. (malayo sa kinakausap)

3. Panghalip Panaklaw - ito ay nasa anyong walang lapi katulad ng iba, kapwa,
isa, lahat, marami at kaunti. Kasama rito ang mga salitang may hunlaping man,
tulad ng saanman, sinunam, anuman, at alinman.
Halimbawa:
Kailanman di ako susuko.
Anuman ang mangyari huwag kang susuko.

4. Panghalip Pananong – ito ay ginagamit sa pagtatanong.


Halimbawa:
Sino ang kumuha ng pera ko?

Magkano ang baon mo?

Ilan ang nakuha mo sa ating pagsusulit?

Ano ang regalo na ibinigay saiyo?

II Pagtataya
Pagsasanay A
Panuto: Tukuyin kung ang panghalip na ginamit sa pangungusap ay panao,
pamatlig, pananong, o panaklaw.

_________1. Ano ang maitutulong mo sa kalikasan?


_________2. Tutulong ako sa pagpapanatili ng kalikasan sa aking kapaligiran.
_________3. Ang lahat ay may tungkuling dapat gampanan sa ating pamayanan.
_________4. Ang sinuman lumalabag sa batas ay pinaparusahan.
_________5. Iyon ang mga ibon nagliliparan pabalik sa kanilang pugad.
Pagsasanay B
Panuto: Punan ng wastong salita ang bawat pangungusap upang mabuo ang
diwang isinasaad nito. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

ito Iyan Iyon sila siya kayo

1. Ang panghalip pamatlig na __________ ay ginagamit kapag ang tinutukoy ay


malayo sa nagsasalita.
2. Ang panghalip pamatlig na ___________ ay ginagamit kapag ang tinutukoy ay
hawak o malapit sa nagsasalita.
3. Ang panghalip pamatlig na ___________ ay ginagamit kapag ang tinutukoy ay
malapit sa iyong kausap.
4. Si ate Jheny ang aking yaya. __________ ang sumusundo sa akin.
5. Dylan at Joshua ay magkaibigan. _________ ay parehong nag-aaral.

IV Karagdagang Gawain
Panuto: Salungguhitan ang panghalip sa bawat pangungusap.
1. Siya ay pupunta sa palengke.
2. Ito ang pus ani ate.
3. Ah, ikaw pala si Jhen.
4. Para sa atin ang mga pagkaing nasa kusina.
5. Magsisiba tayo sa simbahan.
Aralin 2: Pandiwa

Sa araling ito, mapag-aaralan ninyo ang tungkol sa pandiwa. Inyong


mababatid ang mga aspekto at mga gamit nito sa pangungusap. Basahin at
unawaing mabuti ang bawat nilalaman nito upang malaman ang katuturan ng
pandiwa sa wikang panglinguistika.

I Abot-Tanaw

Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang aralin, ang mga bata ay


inaasahang maisagawa ang sumusunod:
1. Maipapahayag ano ang kahulugan ng pandiwa;
2. Magagamit ang mga salitang kilos o pag talakay ng iba’t- ibang
gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan; at
3. Magiging masunorin na mamamayang pilipino.

II Paunang Pagsusulit
Panuto: Salungguhitan ang salitang kilos sa bawat pangungusap.
1. Ang sanggol ay natutulog.
2. Naliligo ang nga bata sa ilog.
3. Si James ay naluluto ng hapunan.
4. Ang dalawang bata ay naglalaro ng pako.
5. Si Maria ay nagtatago sa likod ng pintuan.
Alamin Natin

Ang Pandiwa ay bahagi ng pananalita o galaw ng isang tao, bagay, o hayop.


Ang mga salitang pandiwa ang siyang nagbibigay buhay sa loob ng isang
pangungusap.
Mga halimbawa:
Ang mga bata ay nagdilig ng mga halaman kahapon.
Si nanay ay magluluto ng masarap na pananghalian namin.
Nagwawalis sa kanilang bahay si ate Rona.

May tatlong aspekto ng pandiwa. Ito ay ang sumiusunod:


1. Perpekto o naganap - Ito ay nagsasabi ng kilos na natatapos na ang sinimulang
kilos. Tinatawag din itong panahunang pangnagdahan o aspektong naganap.
Ginagamitan ito ng mga panlaping na, nag, um, at in.
Halimbawa:
Inayos ko na ang mga damit na dadalhin ko.
Nagbenta ng sampaguita si Ryan kahapon .
2. Imperpektibo o nagaganap - Ito ay nagsasaad ng kilos na laging ginagawa o
kasalukuyang nangyayari. Tinatawag din itong panahunang pangkasalukuyan
o aspektong nagaganap. Ito rin ay ginagamitan ng mga panlaping na, mag,
um, at in.
Halimbawa:
Ang sanggol ay natutulog.
Hayan umuulan na naman.
3. Kontemplatibo o magaganap - Ito ay nagpapahayag na ang kilos ay hindi pa
nagagawa, nagaganap, o gagawin pa lamang. Ginagamitan ito ng mga
panlaping ma at mag.
Halimbawa:
Matutulog ako ng maaga mamayang gabi.
Maglalaba ako mamaya pagka-uwi ko.

III Pagtataya
Pagsasanay A
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang pandiwang
ginamit at salungguhitan ito.

1. Si Maria ay nagsisipilyo ng ngipin araw-araw .


2. Tumatawa ng mag-isa si James sa sulok.
3. Si Princess ay kumakain na pala
4. Ang mga bata ay naliligo sa dagat.
5. Nag-igib ng tubig si ate.

Pagsasanay B
Panuto: Tukuyin ang aspekto ng pandiwa na may salungguhit. Isulat sa patlang ang
titik P kung ito ay Perpektibo, I kung ito ay Imperpektibo at K kung ito ay
Kontemplatibo.
1. Ang mga magsasaka ay nagtatanim ng paly.
2. Yayakapin ko nang mahigpit si Mary pag-uwi ko.
3. Umiiyak ang bata dahil nadapa siya.
4. Tahamik na nag-babasa ang mga mag-aaral.
5. Si Princess ay maglalaba mamaya.
IV Karagdagang Gawain
Panuto: Gumupit ng limang larawan na nagpapakita ng kilos. Idikitdikit ito sa
putting papel at sumulat ng pangungusap ukol sa bawat larawan.

Aralin 3: Mga Panuring

Ang Pang-uri

Inyong malalaman sa araling ito ang kahulugan at gamit ng pang-uri.


Unawaing mabuti ang bawat paksa nito upang mas mapadali ang pagsagot sa mga
inihandang pagsasanay at pagsubok uko; sa paksang ito.

I. Abot-Tanaw

Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang aralin, ang mga bata ay inaasahang


maisagawa ang sumusunod:
` 1. matutukoy ang mga pagkakaiba ng antas ng pang-uri;
2. magagamit ang pang-uri sa isang pangungusap; at
3. makapagbibigay ng halimbawa ng pang-uri.
II Paunang Pagsusulit
Panuto: Pagtambalin ang mga pang-uri na nasa Hanay A sa tamang larawan na
nasa Hanay B, isulat ang titik ng tamang sagot. Ilagay sa malinis na papel.

HANAY A HANAY B

1. Mataba A.

2. Mataas B.

3. Mapait C.

4. Malakas D.

5. Malambot E.
Alamin Natin

Ang Pang-uri ay mga salitang naglalarawan sa mga pangngalan at


panghalip. Ito ay nagsasaad ng uri o katangian ng mga tao, bagay, hayop, pook at
pangyayari.

May tatlong uri ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Panlarawan - Ito ay nagsasaad ng laki, kulay, anyo, amoy, tunog, yari, lasa at

hugis ng mga pangngalan o panghalip.

Halimbawa:

munti biluhaba matamis malubha


2. Pantangi- Sinasabi nito ang tiyak na pangngalan. Ito ay binubuo ng isang
pangngalang pambalana at isang pangngalang pantangi. Ang pangngalang
pantangi (na nagsisimula sa malaking titik) ay naglalarawan o tumutukoy sa uri
ng pangngalang pambalana.

Halimbawa:

wikang Ingles kulturang Espanyol pagkaing Iloko

3. Pamilang- Ito ay nagsasabi ng bilang, dami, o posisyon sa pagkakasunodsunod

ng pangngalan o panghalip.

Halimbawa:
isa, apat, limang libo dalawahan, sampu-sampu, animan
kalahati, limang-kawalo, sangkapat ikatlo, una, pangalawa
May tatlong kaantasan ang pang-uri. Ang mga ito ay lantay, pahambing, at
pasukdol.

1. Lantay o Karaniwan- ito’y naglalarawan ng isang katangian ng tao, bagay, lugar


o pangyayari.
Halimabawa:
- Si Ana ay matangkad
- Hugis puso ang kaniyang pitaka
- Ang Baguio City ay magandang lugar.
2. Pahambing- ito’y pagtututlad o paghahambing sa dalawang tao, bagay, hayop,
lugar o pangyayari. Ginagamitang ito ng mga pananda gaya ng mas at higit.
Halimbawa:
- Mas matangkad sin Roy kaysa kay Rey.
- Higit na maingay ang anak ni Aling Marites kaysa kay anak ni Aling
Mariposa.
- Mas mahaba ang buhok ni Joy kaysa kay Rona.
3. Pasukdol- Ito ay ginagamit kung higit sa dalawang tao, bagay, hayop, lugar o
pangyayari ang pinaghahambing. Sa pasukdol gumagamit tayo ng pananda gaya
ng pinaka, napaka at higit.
Halimbawa:
- Pinakamaliit si Anna sa kanilang tatlo
- Pinakamalinis ang kapaligiran ng Brgy. Malinis.
- Ang pinakamatalino sa klase ay si Ben.
III Pagtataya
Pagsasanay A
Panuto: Salungguhitan ang pang-uri sa pangungusap.
1. Maganda ang asawa ni Mang Danny kahit may edad na ito.
2. Hugis bilog ang dala niyang tinapay para sa mga bata.
3. Malaki ang nabili na damit ni Theresa para sa kaarawan niya.
4. Berde ang kulay ng bagong gusali na ipinatayo sa kanto.
5. Limang bayabas ang nabili ko sa palenke.

Pagsasanay B
Panuto: Isulat ang L kung lantay, PH kung pahambing at PS kung pasukdol ang mga
salitang may salungguhit. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang bata ay mabait.
2. Pinakamaganda si Diyosa sa mga bata.
3. Mabango ang mga bulaklak sa aming hardin.
4. Si Jose ay mas mabilis kaysa kay Juan.
5. Higit na mas malakas si Maria kaysa kay Ana

IV Karagdagang Gawin
Panuto: Gumupit ng limang larawan, ididkit ito sa kwaderno at ilarawan ang mga
ito.
Ang Pang-abay

Ang pang-abay o ang adverb sa Ingles ay ang mga salitang nagbibigay turing
o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.
Sa araling ito ay inyong matatanto ang iba’t ibang uri ng pang-abay. Nawaý
inyong pag-aralan nang mabuti ang nilalaman ng bawat paksa nito upang
magkaroon ng kakayahang gamitin nang wasto sa pakikipagtalastasan sa anumang
pagkakataon.

 Pang-Abay na Pamitagan

I Abot-Tanaw
Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang aralin, ang mga bata ay
inaasahang maisagawa ang sumusunod:
a. natutukoy ang mga pang-abay na pamitagan;
b. nakabubuo ng pangungusap na may pang-abay na pamitagan; at
c. nakapagsasalaysay ng sariling karanasan gamit ang pang-abay na
pamitagan.

II Paunang Pagsusulit
Panuto: Salungguhitan ang pang-abay na pamitagan sa bawat pangungusap.

1. Opo sasama po ako?

2. Kelan po ang inyong kaarawan?


3. Salamat po sa ibinigay ninyo.

4. Ano po ang bibilhin nyo?


5. Naglalaro po kami ng Chess.

Alamin Natin

Ang isa sa mga uri ng pang-abay ay ang Pang-Abay na Pamitagan. Ito ay ang
mga salita o kataga na nagsasaad ng paggalang. Gumagamit ito ng mga
katagang po, ho, opo, oho, mawalang-galang at iba pa. Gamit ang mga katagang
ito ay ang pagpapahayag o pagpapabatid ng paggalang.
Mayroon din ibang mga kataga na nagsasaad ng paggalang bukod sa mga

nabanggit.
Mga halimbawa ng pang-abay na pamitagan na gamit sa pangungusap:
1. Maaari po bang magtanong tungkol sa iyong ina na namatay?
2. Opo, kaya ko pong gawin at gampanan ang iyong mga nais.
3. Mawalang-galang po sa iyo, maari ko bang malaman ang iyong pangalan?
4. Alang-alang po sa aking mahal na anak, babalik ako.
5. Saan po sila pupunta?

III Pagtataya
Pagsasanay A.
Panuto: Salungguhitan ang pang-abay na pamitagan na ginamit sa bawat
pangungusap.
1. Mawalang-galang po, pero may nakita po ba kayong libro dito?
2. Pasintabi ho sa mga bata, ang susunod na programa ay hindi angkop sa
kanilang edad.
3. Opo Mrs. Dela Cruz, nakikinig po ako sa lahat ng iyong sinasabi.
4. Sana po ay nakikinig kayo sa sinasabi ng inyong doktor.
5. Maaari ko po bang makita ang aking anak?

Pagsasanay B.
Panuto: Bumuo ng dayalogo na may pang-abay na pamitagan gamit ang komik
strips na nasa ibaba.

Iv Karagdagang Gawain
Magsalaysay ng sariling karanasan na kung saan iyong ginamit ang
pang-abay na pamitagan.

___________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
 Pang-Abay na Pandamdam

I Abot-Tanaw

Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang aralin, ang mga bata ay inaasahang


maisagawa ang sumusunod:
1. magagamit ang pang-abay na pandamdam upang makabuo ng
pangungusap; at
2. napapahalagahan ang paggamit ng mga pandamdam .

II Paunang Pagsusulit
Panuto: Kumpletuhin ang pangungusap gamit ang pang-abay na padamdam.

1. _____! Tinatapakan mo ang paa ko.


2. _____! May patay sa damuhan.
3. Napasabi ang mga manonood ng, “ ______ ! napakahusay niya.”
4. _______! Isang puntos nalang sana at pasado na ako sa pagsusulit.
5. Piliin ang isang hindi gumamit ng pang-abay na Pandamdam.
a. Yehey! Nandito ka na.
b. Grabe sya!
c. Bakit mo kasi hinawakan.
d. Naku po! May ahas.

Alamin Natin

Pang-abay na Pandamdam ay nagpapahayag ng damdamin sa halip na


kahulugan. Ang mga ito ay palaging nagtatapos ng tandang padamdam (!).
Mga halimbawa:
Wow! Naku! Aray! Sayang!
Grabe! Hay naku! Naku po! Yehey!
Mga maaari nitong pinapahayag na damdamin:

Wow!- namangha, nasorpresa

Naku!- nagulat, natakot

Aray! - nasaktan

Sayang!- naghinayang

Grabe!- namangha, nasorpresa

Hay naku!- nagalit


Naku po!- natakot

Yehey!- masaya
III Pagtataya
Pagsasanay A
Panuto: Piliin sa kahon ang tamang pang-abay na pandamdam ng bawat
pangungusap at isulat ang damdamin na ipinapahayag nito. Kopyahin at isulatang
sagot sa inyong isa’t kalahating papel.

Aray! Sayang! Wow!


Naku po! Yehey! Grabe!

1. _____ Natapakan mo ang paa ko.


2. _____ Ang tataas ng mga marka mo.
3. _____ Nakakatakot naman dito.
4. _____ Nanalo kami sa laro.
5. _____ Ang galing niyang kumanta.

Pagsasanay B.
Panuto: Sa inyong isang buong papel, gumawa ng limang pangungusap na
naglalaman ng kahit anong pang-abay na pandamdam at sabihin kung ano ang
ipinapahayag nitong damdamin.
III Karagdagang Gawain
Panuto: Piliin sa kahon ang damdaming ipinapahayag sa bawat pangungusap.
Isulat lamang ang sagot sa inyong isa’t kalahating papel.

a. Galit d. Nanghinayang

b. Namangha e. Natakot

c. Nagulat f. Masaya

1. Ang galing-galing mo talaga!


2. Inay ko po! Ang dilim dito.
3. Sayang! May mali akong isa.
4. Naku! Ikaw pala ang nandyan.
5. Yehey! Nandyan na si kuya Dennis.

 PANG-ABAY NA PANG-AGAM

I Abot-Tanaw

Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang aralin, ang mga bata ay inaasahang


maisagawa ang sumusunod:
1. magagamit sa pagbuo ng pangungusap; at

2. maisasaayos ang paggamit ng iba’t ibang parirala.

II Paunang Pagsusulit
Panuto: Tukuyin ang wastong sagot sa kahon at isulat ito sa bawat patlang ng
pangungusap.

Marahil Siguro Tila Baka Parang

1. Ang aming pintuan ay _____________ nasira.


2. ____________ bukas na ako papasok sa paaralan.
3. ____________ uulan mamaya.
4. ____________ nakikipagkwentuhan ang aking nanay sa aming kapitbahay.
5. Ang librong ito ay ____________ nakakalibang.

Alamin Natin

Ang Pang-Abay na Pang-Agam ay nagpapaliwanag ng di katiyakan o pag-


aalinlangan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Ginagamitan ang mga pariralang
marahil, siguro, tila, baka, parang, at wari.
Halimbawa ng pangungusap na gamit ang pang-abay na pang-agam
1. Marahil sa susunod na pasukan na mag-aaral si Shiena.
2. Tila uulan ngayong araw.

III Pagtataya
Pagsasanay A
Panuto: Salungguhitan ang mga salitang pang-abay na pang-agam sa bawat
pangungusap.
1. Ang batang nasa kalye ay parang wala ng pamilya.
2. Marahil ay hindi tayo pinagpala ng katalinuhan.
3. Tila napakabagal ang takbo ng aming sasakyan.
4. Siguro mahirap ang kursong nagugustuhan ko.
5. Baka sa susunod na taon nalang ako magbabakasyon.

Pagsasanay B
Panuto: Salungguhitan ang tamang pang-abay na pang-agam sa panaklong.
1. Marami na (marahil, wari) ang nakakaalam sa desisyon ng ating Pangulo para
sa bansa.
2. (Tila, Baka) hindi matuloy ang ating pupuntahan bukas.
3. Marami na (siguro, baka) ang pumunta sa peryahan.
4. (Wari, Parang) hindi Ganado ang mga manlalaro kahapon.
5. (Parang, Wari) koy isang pagkakamali lamang ito.

IV Karagdagang Gawain
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga salitang pang-abay na pang-agam.

1. Marahil ____________________________________________________
2. Tila _________________________________________________________

3. Baka ________________________________________________________

4. Parang ______________________________________________________

5. Siguro ______________________________________________________

 PANG-ABAY NA PAMANAHON

I Abot-Tanaw
Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang aralin, ang mga bata ay inaasahang
maisagawa ang sumusunod:
1. nabibigyang kahulugan ang pang-abay na pamanahon;

2. naiisa-isa ang mga halimbawa ng pang-abay na pamanahon;at


3. nagagamit sa pangungusap ang mga pang-abay na pamanahon.

II Paunang Pagsusulit
Panuto: Salungguhitan ang pang-abay na pamananahon sa pangungusap.
1. Binabasa ni Liza ang mga bagong aralin gabi-gabi.
2. Manonood kami ng sine sa darating na lingo.
3. Si Jose ay darating mula Cavite samakalawa.
4. Aalis mamaya ang bus papuntang Bikol.
5. Ipinalabas kagabi sa telebisyon ang pelikulang Spider-man.

Alamin Natin
Ang Pang-abay na Pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o
magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Ito ay sumasagot sa tanong na kailan.

Ang pang-abay na pamanahon ay may tatlong uri:


1. May pananda- nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,
hanggang.
Halimbawa: Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak.
2. Walang pananda- kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandal, atp.

Halimbawa: Pupunta kami bukas sa dalampasigan.


3. Nagsasaad ng dalas- araw-araw, tuwing umaga, taun-taon atp.

Halimbawa: Nag-eehersiyo siya tuwing umaga uoang mapanatili ang

kanyang kalusugan.

III Pagtataya
Pagsasanay A
Panuto: Piliin ang Pang-abay na Pamanahon na angkop sa pangungusap. Isulat sa
patlang ang titik ng tamang sagot.
1. Ginagawa ko ang aking mga takdang-aralin _____.
a. Tuwing madaling araw b. bukas c. kahapon d. Mamaya
2. Nagkaroon ng palatuntunan ang kanilang samahan _____.
a. sa Lunes b. sa susunod na buwan
c. sa darating na araw d. kahapon ng umaga
3. Dadalawin ko si Felina sa ospital _____.
a. kanina b. Samakalawa c. kahapon d. kagabi
4. Kami ay nagdarasal ng aming pamilya _____.
a. oras-oras b. uwan-buwan c. gabi-gabi d. maya’t maya
5. Uunlad din ang inyong pamayanan _____.
a. sa kasalukuyan b. noong isang linggo
c. sa darating na panahon d. kanininang madaling araw
Pagsasanay B
Panuto: Salungguhitan ang pang-abay na pamananahon na ginamit sa
pangungusap.
1. Nakikita ko paminsan-minsan ang mga dati kong kaklase.
2. Ang mga bumbero ay darating sa lugar ng sunog sa lalong madaling panahon.
3. Ang presyo ng langis ay tumataas linggu-linggo.
4. Madalas magsinungaling ang batang iyon.
5. Magtatrabaho ba si tatay sa opisina ngayon?

IV Karagdagang Gawain
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga salita na Pang-abay na Pamanahon.

1. Mamaya
____________________________________________________________
2. Noon
____________________________________________________________
3. Hanggang
____________________________________________________________
4. Taun-taon
____________________________________________________________
5. kahapon
____________________________________________________________

 Pang Abay na Pananggi

I Abot -Tanaw
Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang aralin, ang mga bata ay inaasahang
maisagawa ang sumusunod:
1. Matukoy kung ano ang pang abay na pananggi na sa bawat pangungusap na
nabangit;
2. Makabuo ng pangungusap gamit ang pang abay na pananggi; at
3. Maisaayus ang paggamit ng pang abay na pananggi.

II Paunang Pagsusulit
Panuto: Salungunguhitan ang mga pang abay na panangging nagamit sa mga
sumusunod na pangungusap.
1. Ako ay (hindi, huwag) nanIiniwala itinuran ni Ginang Mel.
2. Si Karlo ay (Di,wala )ng pag-asa kay Nena.
3. Tinukoy ni Kapitan Kardo na( huwag, ayaw) maniwala sa mga nanghihingi ng
donation na dikilala.
4. Si Dave ay(hindi , ayaw) magpaawat sa inuman.
5. (Huwag,Ayaw) mo akong itulad sa iyaong ama Nena.
Alamin Natin

Ang Pang abay Pananggi ay gumagamit ng mga kataga na nagsasaad ng


pagtanggi o hindi pagsang-ayon.
Ang pananggi ay nag ugat sa salitang tanggi o ang ibig sabihin ay hindi
pagsang ayon o hindi pagpayag. Nagsasaad ito ng pagtutol sa kilos (pandiwa)
salinang naglalarawan, o kapwa pang abay.
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga katagang ginagamit:ayaw; hindi
huwag; di; at wala .
Halimbawa:
1. KC, hindi ako papayag malamangan sa paligsahan.
2. Si Carlo ay huwag tularan sapagka’t siya ay palaging lumiliban klase

III Pagtataya
Pagsasanay A.
Panuto: Tukuyin ang wastong sagot sa kahon at isulat ito sa bawat patlang na may
salungguhit na pangungusap.

Wala Di Huwag
Ayaw Hindi

1. akong kasalanan kay Michael.


2. Si Marie ay naglilinis nang bahay.
3. Si Niko ay nababagay sa lugar ng maharlika.
4. Ang anak ni Aling Belen ay pinagkakalat na malandi si Klara at nating
itong tularan.
5. Ako’y ng pakialam sa kahihinatnan ni Berto.

Pagsasanay B.
Panuto: Salungguhitan ang mga nagamit na pang abay na pananggi sa bawat
pangungusap.

1. Marami ang may ayaw sa ating bagong Pangulong Bong Bong Marcos Jr.
2. Ayaw ni Michael na sumama sa ating paligsahan.
3. Berto hindi matutuloy ang lakad natin bukas.
4. Wala akong pakialam sayo Mengay.
5. Di ako susunod sa pinag-uutos ni tiya.

IV Karagdagang Gawain
Panuto: Bumuo ng pangungusap gamit ang mga pang-abay na pananggi na nasa
kahon.

Wala Hindi Huwag Aya Di

1. _____________________________________________________________
2. _____________________________________________________________
3. _____________________________________________________________
4. _____________________________________________________________
5. _____________________________________________________________

 Pang-Abay na Panang- Ayon

I Abot-Tanaw

Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang aralin, ang mga bata ay inaasahang


maisagawa ang sumusunod:
1. nakikilala o natutukoy ang mga salitang nagamit;
2. naipapahayag ang mga pang -abay na panang-ayon; at
3. nakapagbibigay ng halimbawa sa pang-abay na panang-ayon.

II Paunang Pagsusulit
Panuto: Piliin sa kahon at ang wastong sagot. Isulat ito sa bawat patlang ng
pangungusap.

Siguradong Tiyak Tunay Oo Talagang

1. ____________ galit na Naman SI Nanay.


2. Sa paghina Ng ekonomiya ay ____________ na maraming mawawalan ng
trabaho.
3. ____________ na mahusay umawit si Celia.
4. ___________ , magaling na Doktor ang kaibigan ko.
5. ____________ Talagang mapaparami ka Ng kain kapag sinigang Ang ulam.

Alamin Natin

Ang pang-abay na panang-ayon ay isang uri ng pang-abay na nagsasaad ng


pagsang-ayon sa salitang kilos (pandiwa),pang- uri ,o sa kapwa pang -abay sa
pangungusap.
Ito ay ginagamitan ng mga panandang oo, opo, tunay, sadya, talga,
syempre, sige, tiyak, walang , at sigurado.
Halimbawa:
1. Opo, sa susunod na pasukan na mag-aaral na si Kelly.
2. Tunay ,ngang ang ganda ang tanawin sa ibaba na bundok.
3. Sigi,uuwe po ako ng maaga.
4. Tyak, walang makakatalo sa akin sa final exam.
5. Oo,kukunin ko ang mga damit sa kabilang kwarto.

III Pagtataya
Pagsasanay A
Panuto: Salungguhitan ang mga salitang pang-abay na panang-ayon sa bawat
pangungusap.

1. Tiyak, na uulan mamaya.


2. Tunay, ngang maganda SI Ana.
3. Talagang ang bango ng mga rosas.
4. Ang batang makulit ay tiyak na mapapagalitan sa kanyang Nanay.
5. Ang kulit talaga ang anak n Inday.

Pagsasanay B
Panuto: Salungguhitan ang tamang pang-abay na panang-ayon sa bawat
pangungusap.
1. Sigi ,pupunta tayo ngayon sa Boracay.
2. Oo nga walang tao sa kabilang bahay.
3. Darating ang bagyo ngayon tiyak na maraming masisira na tanim.
4. Opo,susunod na ako sa hapagkainan.
5. Ang ganda si Ana walang duda na siya ay isasali sa model.

IV Karagdagang Gawain
Panuto: Sumulat ng pangungusap gamit ang mga sumusunod na salitang pang-
abay na panang-ayon.
1. Tiyak ________________________________________________________
2. Sadya ________________________________________________________
3. Tunay ________________________________________________________
4. Syempre ________________________________________________________
5. Opo/Oho _______________________________________________________
 Pang-Abay na Pananong

I Abot-tanaw
Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang aralin, ang mga bata ay inaasahang
maisagawa ang sumusunod:
1. Nabibigyang kahulugan ang Pang-abay na Pananong.
2. Natutukoy kung alin ang nagamit na Pang-Abay na Pananong sa mga
Pangungusap; at
3. Nalalamn kung kailan, saan at paano gagamit ang mga salitang Pang-Abay
na Pananong.
I Paunang Pagsusulit
Panuto. Piliin ang tamang sagot sa kahon. Isulat lamang ang sagot sa inyong buong
papel.

Ilan magkano paano


Saan kanino ano

1. ______ ka nakitulog kagabi Ana?


2. ______ kaya ang isa sa mga alahas na benta nila dito?
3. ______ ka nakarating sa skwelahan kahapon Ashley?
4. ______ kaya ang mansyon na ito?

5. ______ ba ang bilang ng studyante sa section A?

Alamin Natin
Pang-Abay na Pananong ay mga salitang ginagamit sa pagtatanong ukol sa
panahon, lunan, pook, bilang , o halaga.
Nagmula ito sa salitang “tanong” kayat may kahulugang pagtatanong.
Ang mga salitang halimbawa ng Pang- Abay na Pananong ay: Saan; Ganon; Paano;
Magkano; Kaila; Ilan; at Kanino.
Halimbawa.
Saan ka nakatira Lovely ? Sino ang kasamamo?
Kailan kayo uuwi? Ano ang inyong gagawin ngayon?

II Pagtataya
Pagsasanay A.
Panuto. Lagyan ng check (✓) ang mga pangungusap na ginamitan ng pang abay na
pananong.
1. saan ka nagpunta kagabi?
2. Fidel magkano ang bili m sa iyong bag?
3. Panno ko kaya gagawin ang aking takdang aralin?
4. Ilan ang dadalhin kong bayong ?
5. Magkano ang sapatos mo Miguel?

Pagsasanay B
Panuto. Bilugan ang mga Pang-Abay na pananong na nagamit .
1. Gaano karami ang kinain mong lechon abby?
2. Maria kailan ba uuwi ang iyong tatay?
3. Panno ba gumawa ng cake Aliyah?
4. Hanggang kailan ba ang bakasyon?
5. Gary magkano ang bili sa cellphone mo?

IV Karagdagang Gawain

Panuto. Ayusin ang mga Pang- abay na Pananong na salita at gawan ito ng
pangungusap.
1. ANOPA ________________________________________________
2. AGOA ________________________________________________
3. OGKMAA ________________________________________________
4. ASAN ________________________________________________
5. AILKAN ________________________________________________

 Pang- Abay na Panlunan

I Abot-Tanaw

Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang aralin, ang mga bata ay


inaasahang maisagawa ang sumusunod:

1. nabibigyang kahulugan ang pang abay na panlunan;

2. natutukoy ang mga pang-abay na panlunan sa pangungusap; at

3. nakasusulat ng mga pangungusap na may pang-abay na panlunan.

III Paunang Pagsusulit


Panuto: Salungguhitan ang ginamit na pang-abay na panlunan.
1. Dati ang mga mag aaral ay nagbabasa sa silid aklatan.

2. Dumaan sa Jollibee ang mag-anak para mananghalian.

3. Si Yvonne ay naghuhugas ng mga plato sa kusina.


4. Ang kaniyang pitaka ay nakita sa ilalim ng lamesa.

5. Maayos na naka tupi sa aparador ang mga damit.

Alamin Natin

Ang pang-abay na panlunan ay tumutukoy sa pook na pinangyarihan, o


pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Karaniwang ginagamit ang parariralang sa,
kay, kina. Ito ay sumasagot sa tanong Saan.
Narito ang gamit ng sa at kay o kina.

sa – ginagamit kapag ang kasunod ay panggalang pambalana o


panghalip.

kay/kina – ginagamit kapag ang kasunod ay panggalang


pantanging panggalan ng tao.

Halimbawa:
1. Maliligo kami sa dagat mamaya.

2. Naglilinis sa loob ng bahay si Nanay.

3. Tinago ni ate ang laruan sa kwarto.

4. Si Ana ay pumunta sa handaan kanina

III Pagtataya
Pagsasanay A
Panuto: Punan ng pang abay na panlunan na nababagay sa bawat pangungusap.

1. Dinala ang mag aaral na nahilo habang naglalaro.

2. Si Tata Dindo ay nag aararo tuwing umuulan.

3. Ipinatong niya ang aklat ng lamesa.

4. Nagluluto si Nanay kaya may naamoy akong masarap.

5. Masayang lumalangoy ang mga batang lalaki.


Pagsasanay B.

Panuto: Basahin ang kuwento at isulat sa isang buong papel ang mga nabanggit

na pang abay na panlunan.

Mag isang nakatira sa kubo ang aking Lolo. Madalas


dumadalaw siya sa bahay para magdala ng mga prutas.
Pagkatapos sasaglit siya sa sementeryo para dalawin ang
puntod ng aming namayapang Lola. Araw- araw din kaming

nag-eehersisyon sa parke. Gusto naming mapanatiling malusog

sya kahit matanda na.

IV Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng limang (5) pangungusap gamit ang mga pang-abay na


panlunan
sa iyong napag-aralan.

1. __________________________________________________________

2. __________________________________________________________

3. __________________________________________________________

4. ___________________________________________________________

5. ___________________________________________________________
 Pang-Abay na Pamaraan

I Abot-tanaw

Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang aralin, ang mga bata ay inaasahang


maisagawa ang sumusunod:

1. natutukoy ang pang-abay na pamaraan sa isang pangungusap;


2. nauuri ang pang-abay na pamaraan; at
3. nagagamit ang pang-abay na pamaraan upang makabuo ng pangungusap.

II Paunang Pagsusulit
Panuto: Piliin ang angkop na sagot sa kahon. Isulat lamang ang titik.

A. Barangay
B. Plasa
C. Lolo at Lola
D. Palengke
E. Bahay
F. Mall

1. Si ate ay pumunta sa ________________ para sa kanyang sedula.


2. Sina Nanay ay nag aeaerobic tuwing umaga sa _____________.
3. Pupunta kami kina _______________ sa darating na bakasyon.
4. Si ate Lorna ay mamimili ng ulam sa ________________.
5. Sa _____________ na lang kami gagawa ng proyekto pagkatapos ng
klase.
Alamin Natin

Ang Pang-abay na Pamaraan ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap


o magaganap ang kilos sa ipinapahayag na pandiwa.

Ito ay maaring gamitan ng mga panandang nang, na, o -ng.

Mga halimbawa ng Pang-abay na Pamaraan


1. Natulog siya nang nakabukas ang bibig.
2. Siya ay umalis na nakangiti.
3. Sinagot ni Luis ang kanyang nanay nang pagalit.

II Pagtataya
Pagsasanay A.
Panuto: Tukuyin Ang Pang-abay na pamaraan na naglalarawan ng kilos sa bawat
pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Masayang nagluluto sa kusina sina nanay at lola.
a. Masayang b. nagluluto c. Lola d. kusina
2. Maingat na inilabas ni ate ang kanyang bestida.

a. maingat b. inilabas c. bestida d. ate

3. Mabilis na tumakbo sa palaruan si Hannah.


a. tumakbo b. Hannah c. mabilis d. palaruan
4. Matiyagang pumila ang mga tao para makakuha ng pagkain.
a. pagkain b. pumila c. matiyaga d. tao
5. Mahinahong ipinaliwanag ng mga tanod ang mga patakaran.
a. ipinaliwanag b. mahinahon c. tanod d. patakaran

Pagsasanay B
Panuto: Ikahon ang Pang-abay na pamaraan sa bawat pangungusap.
1. Masayang hinaplos ng ate ang ulo ng kaniyang kapatid.
2. Maayos na ipinaliwanag ng guro ang gagawin ng mga mag-aaral.
3. Siya ay magaling magpayo sa mga kaibigan.
4. Ngumiti ng matamis ang bata.
5. Dahan-dahan binuksan ni Rico ang pinto.

IV Karagdagang Gawain

Panuto: Salungguhitan ang Pang-abay na pamaraan sa mga pangungusap.


1. Ang tagahatid-sulat ay mabilis maglakad.
2. Sumagot nang Pasigaw ang tsuper ng dyip.
3. Dali-dali niyang kinain ang kanyang baon na meryenda.
4. Ang mga damit ay itiniklop ni Weng ng maayos.
5. Masipag na mag-aaral ang aking mga kapatid.

 PANG-ABAY NA PANULAD

Abot-tanaw

Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang aralin, ang mga bata ay inaasahang


maisagawa ang sumusunod:
1. natutukoy ang mga pang-abay na panulad sa pangungusap;
2. naihahambing ang iba’t ibang katangian ng dalawang bagay o tao;
3. maisasaayos ang paggamit ng iba’t ibang pangungusap.
PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Tukuyin ang wastong sagot sa kahon at isulat ito sa bawat patlang ng
pangungusap.

Kaysa Labis Di-hamak Di-gaano

1. Mahusay sumayaw si Sanny __________ kay Manny.


2. Mas gugustohin ko pang magbasa __________ maglaro ng online games sa
computer.
3. ___________ na mas maganda ako sa kanya.
4. ___________ paghihinagpis ng aking ina ng mawala ang bunso namin.
5. ___________ katalino ang anak ni Marites.

Alamin Natin

Ang kahulugan ng pang-abay na Panulad at kung paano ito gamitin sa pangungusap.


Ginagamit din ito para maihambing ang iba’t ibang katangian ng dalawang bagay o
tao. Ang katagang ginagamit ay kaysa, higit, di-hamak, di-gaya, labis, di-gaano, at
lalong-lalo
Halimbawa:
Di-hamak na mas masakit ang nangyari bilang rason ng una naming paghihiwalay.

Pagtataya
Pagsasanay A
Panuto: Salungguhitan ang mga katagang ginamit sa pangungusap.
1. Mahusay umawit si Jen kaysa kay Kate
2. Mas gusto ko magbasa kaysa maglaro.
3. Ang gusto ko ay kumain kaysa matulog
4. Di-hamak na mas maganda ako sa kanya.
5. Ito rin ay kombeyente lalong lalo na sa mga maliliit na mga keyboard sa mga
teleponong selular.

Pagsasanay B
Panuto: Basahing mabuti ang kwento . Isulat sa isang papael ang mga pangungusap
na ginamitan ng mga pang-abay na panulad.

May mag-asawang labis na nagpapasalamat sa kabutihan ng


kanilang anak. Ang mabait, masipag, maaalahanin, at mapagmahal
na bata. Tumutulong sa kanyang mga magulang kahit di-gaanong
inuutusan ng kanyang mga magulang. Araw-araw niyang ginagawa
ang mga bagay na makakatulong sa mga magulang at pati narin sa
mga kapatid. Kapag titignan mo ang kasipagan ni Rose sa ibang
bata ay di-hamak na doble ang kasipagan niya.

IV Karagdagang Gawain
Panuto: Sumulat ng pangungusap gamit ang mga naibigay na pang-abay na panulad.
1. Kaysa ___________________________________________________
2. Higit ___________________________________________________
3. Di-hamak ________________________________________________
4. Di-gaano _________________________________________________
5. Labis _____________________________________________________

 Pang-Abay na Pangawil

I Abot-tanaw
Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang aralin, ang mga bata ay inaasahang
maisagawa ang sumusunod:
1. nalalaman nila ang kahulugan ng pangawil;
2. natutukoy nila ang paggamit ng pangawil;at
3. nagagamit ang pangawil sa isang pangungusap.

II Paunang Pagsusulit
Panuto: Salungguhitan ang pangawil na nagamit sa pangungusap. Isulat ang sagot sa
inyong isa’t kalahating papel.
1. Ang babae ay umiiyak
2. Siya ay matalino
3. Ako ay nagsimba kagabi
4. Sila ay namasyal sa Baguio
5. Si Roy at Rona ay magkapatid

Alamin Natin

Ang Pang-abay na Pangawil ay isang bahagi ng pananalita na nagpapakilala ng


ayos ng mga bahagi ng pangungusap. Ito din ang nagkakawing sa paksa o simuno at
panaguri.
Halimbawa: Ako ay naglinis ng bahay kanina
Sila ay naligo sa ilog kahapon

III Pagtataya
Pagsasanay A
Panuto: Tukuyin kung ang pangungusap ay Simuno o Panaguri. Isulat ang sagot sa
isang
buong papel.
1. Si Ginoong Malvar ang nahalal bilang pangulo ng samahan.
2. Masayang nakilahok sa paligsahan sina Gloria at Erna.
3. Iligpit natin ang mga nakakalat na laruan sa sahig ng sala.
4. Tumayo tayo nang tuwid habang inaawit ang Lupang inirang.
5. Napansin ng guro ang mabubuting asal na ipinamalas ng mga mag-aaral.

Pagsasanay B
Panuto: Lagyan ng kahon ang nagamit na panaguri sa bawat pangungusap. Basahin ng
mabuti at ilagay ang sagot sa inyong isa’t kalahating papel.
1. Si Ate at Kuya ay naglilinis sa loob ng bahay
2. Si Mang Pepe ay nagpatawag ng pagpupulong
3. Ang mga tao ay nagtatakbuhan
4. Si Anne at Ali ay naglinis sa paligid
5. Ang mga bata ay nagbabasa ng aklat

IV Karagdagang Gawain
Panuto: Magbigay ng limang pangungusap na ginagamitan ng Pang-abay na pangawil
at salungguhitan ito. Isulat lamang ang inyong sagot sa isa’t kalahating papel.
MARKAHANG PAGSUSULIT

Panuto: Sabihin kung anong uri ng pangngalan ang mga salitang may salungguhit sa
bawat pangungusap. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon at isulat
ito sa sagutang papel.

A. Lansakan B. Basal O Di-Kongkreto


C. Tahas O Kongkreto D. Pantangi

________1. Ang pagmamahal ng ina ay walang katumbas.


________2. Lagyan ng takip ang mga naibigay na aklat.
________3. Maraming bituin tuwing tag-init.
________4. Ang pamilya namin ay masaya.
________5. Ang edukasyon ay importante sa aitng buhay.

Panuto: Piliin lamang ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa
sagutang papel.
a. panao b. pamatlig c. pananong d. panaklaw
_______6. Bakit ka umiyak kanina?
_______7. Ako daw ang sasali sa paligsahan.
_______8. Iyan ang bago kong damit.
_______9. Lahat tayo ay may pangarap sa buhay.
_______10. Paano ka makakarating sa iyong patutunguhan?

Panuto: Piliin ang tamang pang-uri sa bawat pangungusap. Isulat lamang ang titik.
11. Kinausap niya ng mahinahon ang makulit na bata.
a. mahinahon b. makulit c. inausap d. bata
12. Ang munting prinsesa ay may laruan.
a. munting b. prinsesa c. may d. laruan
13. Gumagalaw nang pataas ang maluwang na elebeytor.
a. gumalaw b. pataas c. maluwang d. elebeytor
14. Ang hangin ay umihip nang malakas sa karagatan.
a. hangin b. umihip c. malakas d. karagatan
15. Unti-unting humina ang liwanag ng araw.
a. unti-unting b. humina c. liwanag d. araw

Panuto: Piliin ang tamang pang-abay sa bawat pangungusap. Isulat lamang ang titik.
16. Padabog siyang umalis ng bahay.
a. padabog b. siyang c. umalis d. bahay
17. Mahimbing ang tulog ni Lenlen kahapon.
a. tulog b. Lenlen c. mahimbing d. kahapon
18. Matapang nyang sinagot ang mga katanungan sa kanya.
a. katanungan b. sinagot c. kanya d. matapang
19. Dahan-dahan nyang binuksan ang pinto.
a. pinto b. dahan-dahan c. binuksan d. niyang
20. Si Maria ay mahusay gumuhit
a. unti-unting b. humina c. liwanag d. araw
Pangalawang Mga Salitang
Yugto
Pangkayarian

Aralin 4: Mga Pang-ugnay

Ang pang-ugnay ay isang bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng mga salita,


sugnay, o pangungusap. May tatlo itong uri: ang pangatnig; pang-angkop; at pang-
ukol. Pinagdudugtong nito ang mga salita na may kaugnayan.
Sa araling ito matatalakay ang pawat uri ng pangatnig. Basahin at unawaing
mabuti upang mahasa ang kakayahan sa pakikipag-ugnayan.

Ang Pangatnig

I Abot-tanaw

Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang aralin, ang mga bata ay inaasahang


maisagawa ang sumusunod:
a. naintindihan ang kahulugan ng pangatnig;
b. naipapaliwanag ng malinaw ang mga uri ng pangatnig; at
c. nakakagawa ng pangungusap gamit ang mga salitang pangatnig.
II Paunang Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap. Piliin ang angkop na sagot sa kahon.

at kaya kapag upang sapagkat

ka ngunit palibhasa kahit kung

1. Mataas sana ang mga marka ni Alyssa _____________ nag-aral lang ng mabuti.
2. Mabilis uminit ng ulo mo ____________ iniiwasan ka nila.
3. Sina Jaydon ___________ Marky ay matalik na magkaibigan.
4. Kailangan natin ang isang magaling na lider ____________ maisaayos ang ating
bansa.
5. Maaari siyang mapahamak ____________ hindi siya sumunod sa kanyang mga
magulang.

Alamin Natin

Ang Pangatnig ay bahagi ng pananalita na nag uugnay ng mga salita, sugnay, o


pangungusap upang makabuo ng malinaw na diwa. Sa wikang ingles ito ay ang
conjunction.
May mga uri ng pangatnig. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Pamukod – ginagamit upang itangi ang isa sa ibang bagay o kaisipan. Maaari itong
gamitan ang mga salitang ni, kaya, man, o, maging.

Halimbawa:
Ikaw o siya ang dadalo sa binyagan.
2. Paninsay – ginagamit sa mga tambalang pangungusap kung ang unang parte ay
salungat sa ikalawa. Maaari itong gamitan ang mga salitang datapwat, kahit,
gayon man, bago, bagaman, habang, bagkus, subalit, samantala.

Halimbawa:
Maganda si Ana ngunit masama ang ugali.
3. Panubali – ginagamit sa kaisipang nagsasaad ng pasubali o pasakali. Maaari itong
gamitan ang mga salitang kung, kapag, sakali, sana, pag.

Halimbawa:
Maliligo kami sa dagat sa lingo kung hindi uulan.
4. Pananhi – tumutugon sa tanong na bakit, nagsasaad ng kadahilanan. Maaari itong
gamitan ang mga salitang dahil, sapagkat, gawa ng, kasi.

Halimbawa:
Umiiyak si Marvin dahil nawala ang bago niyang cellphone.
5. Panlinaw – ginagamit upang linawin ang nasabi. Maaari itong gamitan ng mga
salitang anupa’t, kaya, kung baga, samakatuwid.

Halimbawa:
Sinabihan siyang may ipis ang dala niyang basket kaya binitawan niya ito.
6. Panulad - tumutulad ng mga pangyayari o gawa. Maaari itong gamitan ang mga
salitang kung ano, siya rin

Kung gaano gayon din

Kung alin iyon rin


Halimbawa:
Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
7. Panapos – ginagamit sa pagsasaad ng wakas ng pagsasalita, ginagamitan ito ng
mga salitang at sa wakas, sa bagay na ito, upang, sa lahat ng ito, sa di-kawasa.

Halimbawa:
At sa wakas lumigaya rin ang magkapatid matapos ang mga pagsubok sa
buhay.
8. Pamanggit – nagsasabi o gumagaya lamang sa pananaw ng iba. Maaari itong
gamitan ng mga salitang daw, raw, sa ganoong o di umano.

Halimbawa:
Sumama kana raw sabi ni ma’am Perez.
9. Pantulong – nag-uugnay ito ng pangyayari kilos o gawa. Maaari itong gamitan ng
mga salitang kung, kapag, upang, para, nang, sapagkat o dahil sa.

Halimbawa:
Nag-aaral siya ng mabuti upang matuwa ang kanyang magulang.
10. Panimbang – ginagamit sa pagpapahayag ng karagdagang impormasyon at
kaisipan. Maaari itong gamitan ng mga salitang at, saka, pati, kaya, anupa’t.

Halimbawa:
Sina Jose at Pedro ay nagtungo sa bukid.

III Pagtataya
Pagsasanay A.
Panuto: Piliin ang tamang pangatnig sa loob ng panaklong, salungguhitan ito.
1. Magsipilyo nang tatlong beses sa isang araw (ngunit, upang) maiwasan masira ang
ngipin.
2. (Dahil, Kaya) hindi ka kumain ng almusal, wala kang enerhiya ngayong umaga.
3. Tatawag muli si ate (kasi, para) makausap ka tungkol sa proyekto ninyo.
4. Mahusay gumuhit (at, ngunit) magpinta si Tom.
5. Maliligo ka na ba (o, upang) magsipilyo ka muna.
Pagsasanay B
Panuto: Tukuyin ang tamang pangatnig upang mabuo ang diwa ng pahayag o
pangungusap. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.
1. Kung _________ ang makakasama ko ay lubos kong ikatutuwa.
a. siya rin b. maging c. ngunit d. at
2. Ang Inter-Action Task Force _____ IATF ang namamahala ngayong pandemya.
a. at b. o c. sana d. kung
3. Ang isang bansa ay magiging matatag ______ may pagkakaisa tayo ng lahat.
a. kung b. palibhasa c. dahil d. para
4. _______ nagkalayo ng matagal na panahon, muling nakita ng ina ang kanyang
nawawalang anak.
a. subalit b. Habang c. Bagama’t d. kung
5. Ayon sa kasabihan “ ___________ may itatanim, may aanihin.”
a. Sana b. Kapag c. Sakali d. Para

IV Karagdagang Gawain
Panuto: Gamitin sa panfgungusap ang mga sumusunod na pangatnig.

1. Dahil ____________________________________________

2. Kahit ____________________________________________

3. At ____________________________________________

4. Kaya ____________________________________________

5. Pero _____________________________________________
Ang Pang-angkop

Sa araling ito inyong mapag-aaralan ang kahalagahan ng pang-angkop sa


pakikipagtalastasan. Inyong mababatid ang mga gamit nito at katuturan sa wikang
Filipino.
Basahin nang mabuti upang lubos na maunawaan ang mga nilalaman ng bawat
paksa nito.

I Abot-tanaw

Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang aralin, ang mga bata ay inaasahang


maisagawa ang sumusunod:
1. nabibigyang kahulugan ang pang-angkop;
2. natutukoy kailan ginagamit ang mga pang-angkop; at
3. nagagamit sa pangungusap ang mga pang-angkop –na-ng-at-g.

II Paunang Pagsusulit
Panuto: tukuyin kong ano ang mga letrang ilalagay na kailangan ng bawat pares ng
salita.
Alamin Natin

Ang pang-angkop ay nag-uugnay sa mga salitang naglalarawan at sa


inilalarawan nito.
Halimbawa: Matuli ng sasakyan

Naglalarawan Inilalarawan

Pang-angkop
Ginagamit ang mga pang-angkop upang maging madulas ang pagbigkas ng mga
salita. Ang mga sumusunod ay ang mga pang-angkop na ginagamit:
 na- Ang pang-angkop na “na”ay ginagamit kung ang salita ay nagtatapos
sa katinig maliban sa G.
Halimbawa: Malakas na bagyo.
 ng- ang pang-angkop na “ng”ay ginagamit kung ang salitang sinusundan
ay nag tatapos sa patinig. (a,e,i,o,u)
Halimbawa: Bagyong malakas
 g- Ang pang-angkop na “g”ay ginagamit o idurugtong sa mga salitang
nagtatapos sa letrang N.
Halimbawa: Mamayang nabulabog.
III Pagtataya
Pagsasanay A
Panuto: Ilagay ang pang-angkop (na, ng, g) na kailangan ng bawat pares ng salita,
sagutin sa isang buong papel.
1. Guro ___ masipag
2. Balon ____ malalim
3. Maasim ___ sampalok
4. Inahin ____ mataba
5. Maganda ____dalaga
Pagsasanay B.
Panuto: Tukuyin kung ano ang tinatanong ng bawat pangungusap. Hanapin ang
tamang sagot sa kahon. Isulat lamang ang titik.

A. g B. ng C. na D. pang-angkop E. pang-ugnay

1. Ito ay isang bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng mga salita, sugnay, o


pangungusap.
2. Ito ay ginagamit kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n.
3. Ito ay ginagamit kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa patinig.
4. Ito ay ginagamit o idurugtong sa mga salitang nagtatapos sa letrang n.
5. Ito ay nag-uugnay sa mga salitang naglalarawan at sa inilalarawan

III Karagdagang Gawain


Panuto: Sipiin ang dalawang salitang pinag- ugnay ng pang-angkop, salungguhitan
ang pang-angkop na ginamit. Gawin ito sa inyong kwaderno.
1. Lalaking masipag ang gusto ng mga babae.
2. Si Nardo ay matapat na mag-aaral.
3. Matalinong bata si Rose.
4-5. Maraming nalalaglag na dahong tuyo araw-araw sa aming malawak na bakuran.
Ang Pang-Ukol

I. Abot-tanaw

Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang aralin, ang mga bata ay inaasahang


maisagawa ang sumusunod:
1. nabibigyang kahulugan ang pang-ukol;
2. nailalahad kung kailan ginagamit ang pang-ukol: at
3. makapag bigay ng halimbawa gamit ang mga karaniwang ginagamit na pang-
ukol.

II Paunang Pagsusulit

Panuto: Basahin ang maikling pag-uusap ng magkapatid na sina Meryl at Albert.


Bigyang pansin ang mga pariralang naka-salungguhit.

Ang Sabi ng PAGASA

Sina Meryl at Albert ay nakadungaw sa kanilang bintana habang


nakikinig sa balita sa radio.

Meryl: Ano raw ang sabi ng tagapagbalita?


Albert: Ayon daw sa PAGASA, Signal Number 2 na ang bagyo dito sa
Metro Manila. Wala tayong pasok.
Meryl: Pero ayon kay Nanay, meron daw tayong pasok. Inihahanda na
nga niya ang baon para sa atin.
Albert: Baka hindi niya narinig ang balita sa radyo.
Meryl: Halika, sabihin natin kay Nanay kung ano ang narinig natin sa
balita.
Alamin Natin

Ang mga pariralang nakasalungguhit ay mga pang-ukol. Itoy ay mga pang-


ugnay na nagpapakita ng kaugnayan ng pangngalan o panghalip, sa pangungusap o sa
pinag-uukulan ng isang gawain.
Narito ang mga halimbawa ng mga pang-ukol na karaniwan nating ginagamit:

Tungkol sa/kay/kina hinggil sa/kay/kina


Ukol sa/kay/kina laban sa/kay/kina
Para sa/kay/kina alinsunod sa/kay/kina
Ayon sa/kay/kina dahil sa/kay/kina
Sang-ayon sa/kay/kina batay sa/kay/kina

ng — nagbigay ng ugnayan sa pagitan ng isang bahagi at ng isang kabuuan.


Halimbawa: anak ng bayan
sa — inuukol ang isang bagay ay nakakabit at nakasuporta sa isa pang bagay.
Halimbawa: kamay sa balikat
ni/nina — nagmamarka ng pagmamay-ari o nagmamarka ng sariling pangalan.
Halimbawa: isang pelikulang pinagbibidahan nina Alden at Nadine;
bahay ni Jose
ayon sa — ginagamit upang iukol ang mga pananalitang tinryeudggran ng isang
may kapangyarihan o isang sanggunian.
Halimbawa: Ayon sa mga
hurado, ako ang nanalo.
para sa — ginagamit upang ipahiwatig ang gamit ng isang bagay.
Halimbawa: libreng gamot para sa masa
II Pagtataya

Pagsasanay A
Panuto: Bilugan ang wastong pang-ukol sa loob ng panaklong.
1. Huwag na tayong lumabas ng bahay ( hinggil sa / para sa ) ating kaligtasan.
2. ( Ayon sa / Dahil sa ) balita, malakas ang paparating na bagyo.
3. Ang binili kong radyo ay ( batay kay / para kay ) Nanay.
4. Nagtanong ang mga bata ( hinggil sa / laban sa ) balitang narinig nila sa radyo.
5. Ang balita ay ( para sa / tungkol sa ) malakas na bagyo.

Pagsasanay B
A. Panuto: Isulat sa patlang ang T kung wasto/tama ang gamit ng pang-ukol sa
pangungusap. M naman ang isulat kung ito ay mali.
_____ 1. Alinsunod sa utos ni Mayer Sanchez, ang lahat ng nakatira sa tabing-ilog ay
kailangang lumikas.
_____ 2. Ayon kay aklat, mayroong limang kategorya ang bagyo.
_____ 3. Ang mga tao ay nakalikas bago pa dumating ang bagyo laban sa utos ng
mayor.
_____ 4. Maraming puno ang nabuwal dahil sa lakas ng hangin.
_____ 5. Naghanda ang lokal na pamahalaan ng tubig at pagkain tungkol sa mga
biktimang lumikas.

IV Karagdagang Gawain

Bumuo ng pangungusap gamit ang mga sumusunod na pang-ukol:


1. Tungkol sa ___________________________________________________
2. Para sa ___________________________________________________
3. Alingsunod sa ___________________________________________________
4. Ayon kay ___________________________________________________
5. Para kay ___________________________________________________
Aralin 4: Mga Pananda

Sa araling ito inyong mapag-aaralan ang kahalagahan ng mga pananda sa


pagsusulat at pakikipagtalastasan. Inyong mababatid ang mga gamit nito at
katuturan sa wikang Filipino.
Basahin nang mabuti upang lubos na maunawaan ang mga nilalaman ng bawat
paksa nito.

Ang Pantukoy

I Abot-Tanaw

Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang aralin, ang mga bata ay inaasahang


maisagawa ang sumusunod:
1. natutukoy ang mga pantukoy na pantangi at pambalana sa bawat
pangungusap;
2. nakakasulat ng mga pangungusap at maikling sanaysay gamit ang mga uri
ng pantukoy; at
3. nakikilahok sa talakayan sa klase at pagsagawa ng pangkatang gawain sa
klase nang may buong kahusayan
II Paunang Pagsusulit
Panuto: Punan ng tamang pantukoy upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Piliin
ang sagot sa loob ng kahon.

si sina ni nina kay kina ang ang mga

1. Umiyak kanina _______ Luis


2. Itong bulaklak ay para_______ Rochelle
3. Nakadalaw ka na ba ________ Tita Julia?
4. Bumili ka nang gamot para ________ Ate Mina
5._______ Mang Bert ang bahay sa dulo ng kalsada

Alamin Natin

Ang pantukoy ay ang katagang ginamit sa pagpapakilala ng pangalan, may


dalawang uri ang pantukoy at ito ay ang pambalana at pantangi.
Ang Pantukoy na Pambalana ay tumutukoy sa pangalang pambalana tulad ng
“ang” at “ang mga.”
Halimbawa:
Ang mga prutas ay matatamis
Ang Pantukoy na Pantangi ay tumutukoy sa pangalang pantangi o tiyak na
ngalan. Ito ay ang “sa”, “ni”, “nina”, “kay” at “kina”
Halimbawa:
Si Joel ay nagtanim ng halaman magaling!
III Pagtataya
Pagsasanay A
Panuto: Salungguhitan ang mga salitang pantukoy at isulat kung anong uri ng
pantukoy ang mga nasalungguhitan na salita
___________1. Ang mga bata ay naglalaro sa labas
___________2. Si Bella ay nagluluto
___________3. Ang pusa ay kumakain
___________4. Humingi ako ng pera kay tatay
___________5. Ang asong ito ay kay Jen

Pagsasanay B
Panuto: Punan ng tamang pantukoy upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Piliin
ang sagot sa loob ng kahon.

Si Sina ni nina Kay Kina ang ang mga

1. _______bituin ay nagkalat sa langit


2. Dala______ lolo at lola ang regalo para kay inday
3. Sasakay_______ Allen at Jose sa kotse
4._______ bola ay nahulog sa kanal
5._______ Nikki ang bag na iyan.

IV Karagdagang Gawain
Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Ano ang Pantukoy?
_____________________________________________________________
2. Ano ang dalawang uri nito?
______________________________________________________________
Ang Pangkaukulan

I Abot-tanaw

Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang aralin, ang mga bata ay inaasahang


maisagawa ang sumusunod:

1. makakagawa ang mga bata ng pangungusap gamit ang panandang


pangkaukulan;
2. maisasapuso nila ang kahalagahan ng pangkaukulan; at
3. malilinang nila ang pinag uukulan ng Isang bagay o pangyayari.

II Paunang Pagsusulit

Panuto: Kumpletuhin ang pangngusap sa pamamagitan ng paggamit ng mga


sumusunod na panadang pangkaukulan.

tungkol hingil ukol

1. Ang kwento ay _______ sa buhay ni Ana.


2. ____ saan ang inyong binasa?
3. ______ saan ang pagpupulong?
4. Ang leksiyon ay _______ sa pang abay.
5. ______ saan ang aralin?
Alamin Natin

Ang pangkaukulan ay mga salitang may pinagkakaukulan sa isang bagay o


pangyayari.
Ginagamitan ito ng mga salitang tungkol, hingil o ukol na siyang parang pare
pareho lamang ang kahulugan.

III Pagtataya
Pagsasanay A
Panuto: Kumpletuhin ang pangngusap sa pamamagitan ng paggamit ng mga
sumusunod na panadang pangkaukulan na iyong napag-aralan.

1. Ang larawan _______ sa kuwento ay maganda.


2. ____ saan ang inyong tinatakahay?
3. Ang aralin natin ngayon ay ______?
4. _______ sa mga bantas ang pag-uusapan natin ngayon.
5. _______ sap era ang kanilang pinag-awayan?

Pagsasanay B.
Panuto: Gumawa ng limang pangungusap gamit ang mga panandang
pangkaukulan - tungkol, hingil o ukol.
1. ____________________________________________________________
2. ____________________________________________________________
3. ____________________________________________________________

IV Karagdagang Gawain
Panuto: Ibigay ang mga hinihinging sagot
1. Ano ang pangkaukulan?
2. Ano - ano ang mga salitang ginagamit sa pangkaukulan?
3. Sa iyong palagay, importante ba ang pangkaukulan? Bakit?

MARKAHANG PAGSUSULIT
Panuto: Piliin ang angkop na sagot. Isulat lamang ang titik.
1. Magkakaroon tayo ng programa (a. Kaya b. kasi) ang lahat ay inaasahang tutulong.
2. Ang binili mong bag ay maganda (a. Subalit b. sapagkat) madaling masira.
3. (a. Kung b. Kapag) isasali kita sa grupo, maipapangako mob a ang iyong katapatan?
4. Ano ba ang gusto mo sa inumin, malamig (a. at b. o) mainit?
5. Nang (a. sapagkat b. dahil) sa bagyo kaya nasuspinde ang klase.
6. Sina Joy at Alvin ay nanonood ____________ kumakain ng popcorn.
a. habang b. kung c. at d. kaya
7. Sila Juan, Ana at Cris ay araw-araw na nagbabasa ____________ matataas ang mga
iskor nila.
a. kung b. kaya c. habang d. para
8. Si tatay ay nagbabasa ng diyaryo ____________ siya ay umiinom ng kape.
a. upang b.. habang c. o d. kung
9. Sabi ni nanay bibigyan niya ako ng premyo ____________ makakakuha ako ng
mataas na iskor sa pagsusulit.
a. para b. kaya c. kung d. Habang
10. Si Eva ay nag-iisip kung matutulog na siya _____________ manonood ng pelikula
sa telebisyon.
a. kaya b. at c. o d. para

Panuto: Piliin ang tamang sagot.


11. Aling parirala ang gumagamit ng wastong pang-angkop na NG?
a. Batang masinop
b. Matapang na sundalo
c. Ngiping buo
12. Aling parirala ang gumagamit ng wastong pang-angkop na NA?
a. Upuan na bato
b. Kapiraso na tela
c. Makapal na kahoy.
13. Sapatos ________ itim
a. g b. na c. ng
14. kabataan _______ masipag
a. g b. na c. ng
15. linya _____ mahaba
a. g b. na c. ng

Panuto: Punan ng tamang pantukoy upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Piliin
ang sagot sa loob ng kahon.
16. _______bituin ay nagkalat sa langit.
a. Ang b. Ang mga c. Si d. Sina
17. Dala______ lolo at lola ang regalo para kay inday
a. si b. sina c. ni d. nina
18. Sasakay_______ Allen at Jose sa kotse.
a. si b. sina c. ni d. nina
19. _______ bola ay nahulog sa kanal.
a. Ang b. Ang mga c. Si d. Sina
20. _______ Nikki ang bag na iyan.
a. Ang b. Ang mga c. Si d. Sina
SUSI SA PAGWAWASTO

Araling 3 Mga Panuring


A. Pang-uri
Paunang Pagsubok Unang Yugto
1. B 2. E 3. D 4. C 5. A Aralin 1 a. Pangngalan
Pagtataya o Pagtatapos Paunang Pagsusulit
Pagsasanay A A. 1. Pangngalan
1. Maganda ang asawa ni Mang Danny kahit may 2. Pambalana
edad na ito. 3. Pantangi
2. Hugis bilog ang dala niyang tinapay para sa mga 4. Tahas O Kongkreto
bata. 5. Basal O Di-Kongkreto
3. Malaki ang nabili na damit ni Theresa para sa B. 1. B 2. C 3. C 4. A 5. B
kaarawan niya. Pagtataya o Pagtatasa
4. Berde ang kulay ng bagong gusali na ipinatayo sa Pagsasanay A
kanto. 1. c. 2. d 3. a 4. b 5. e
5. Limang bayabas ang nabili ko sa palenke. Pagsasanay B
Pagsasanay B 1. Tahas O Kongkreto.
1. L 2. PS 3. L 4. PH 5. PH 2. Basal O Di-Kongkreto
Karagdagang Gawain 3. Tahas O Kongkreto
Maaring Iba-Iba Ang Sagot 4. Lansakan.
5. Basal O Di-Kongkreto
Karagdagang Gawain
Araling 2 Pandiwa Maaaring aiba-iba ang sagot
Paunang Pagsusulit
1. Ang sanggol ay natutulog. Aralin 1 b. Panghalip
2. Naliligo ang nga bata sa ilog. Paunang Pagsusulit
3. Si James ay nagluluto ng hapunan. 1. c. 2. a 3. b 4. a 5. b
4. Ang dalawang bata ay naglalaro ng Pagtataya o Pagtatasa
pako. Pagsasanay A
5. Si Maria ay nagtatago sa likod ng 1. pananong
pintuan. 2. Panao
Pagtataya 3. Panaklaw
Pagsasanay A 4. Panaklaw
1. Si Maria ay nagsisipilyo ng ngipin 5. Pamatlig
araw-araw . Pagsasanay B
2. Tumatawa ng mag-isa si James sa 1. iyon 2.ito 3. Iyan 4. Siya 5. Sila
sulok. Karagdagang Gawain
3. Si Princess ay kumakain na pala 1. Siya ay pupunta sa palengke.
4. Ang mga bata ay naliligo sa dagat. 2. Ito ang pus ani ate.
5. Nag-igib ng tubig si ate. 3. Ah, ikaw pala si Jhen.
Pagsasanay B 4. Para sa atin ang mga pagkaing nasa
1. IM 2. K 3. P 4. IM 5. K kusina.
Karagdagang Gawain 5. Magsisiba tayo sa simbahan.
Maaring Iba-Iba Ang Sagot

You might also like