You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino 2

Nagagamit ang mga Salitang Pamalit sa ngalan ng tao (ako, ikaw, siya, tayo, kayo, sila)

I. Layunin
a. natutukoy ang panghalip na panao sa isang pangungusap
b. naipakikita ang kahalagahan ng mga panghalip na panao ayon sa gamit
c. nakabubuo ng pangungusap gamit ang mga panghalip na panao

II. Paksang Aralin


a. Paksa - Nagagamit ang mga Salitang Pamalit sa ngalan ng tao (ako, ikaw, siya,
tayo, kayo, sila) f2wg-lg-3, f2wg-li-3
b. Sanggunian – SLM Modyul 21, Week 1
c. Kagamitan – power point presentation, kahoot

III. Pamamaraan
a. Paunang Gawain
b. Pagsasanay
Piliin ang angkop na salita na naa-ayon sa larawan upang mabuo ang pangungusap.

Ako Tayo
Ikaw

1. ________ ay mabait na bata.

2. _________ ay mga Pilipino.

3. _________ ay aking kaibigan.


c. Paglalahad

Ang mga salitang ako, ikaw, siya, tayo, kayo at sila ay ginagamit upang ipamalit sa mga
ngalan ng tao. Kung ang ngalan ng isang tao ay paulit-ulit na gagamitin ay magmumukhang
nakakasawa ito lalo na sa isang kwento.

Magagamit natin ang mga salitang nabanggit upang magkaroon ng mas makulay na
pagkukwento o maging sa ating pakikipag-usap sa ibang tao.

Ang mga pamalit sa ngalan ng tao ay maaaring isahan o maramihan. Isahan kung isang
tao lamang ang tinutukoy. Maramihan naman kung dalawa o higit pa ang pinapalitan sa ngalan
ng tao.

A. Isahan

Ako

Ang salitang ‘ako’ ay ginagamit sa pangungusap bilang pamalit sa ngalan ng tao na


nagsasalita. Kapag ang nagsasalita o nagsusulat ay nais tukuyin ang sarili, gagamitin niya ang
salitang ‘ako’.

Ikaw

Ang salitang ‘ikaw’ ay ginagamit bilang panghalili sa ngalan ng taong kausap ng


nagsasalita. Kung ang pangalan mo ay Juan at kakausapin ka ng nagsasalita maaari niyang
gamitin ang ‘ikaw’ para tukuyin ka.

Siya

Ang ‘siya’ ay ginagamit bilang pamalit sa ngalan ng tao na pinag-uusapan.

B. Maramihan

Tayo

Ginagamit ang pamalit sa ngalan ng tao na ‘tayo’ kung tinutukoy ng nagsasalita ang sarili
at kausap o mga kausap niya.

Kayo

Ang ‘kayo’ ay pamalit sa ngalan ng tao na tumutukoy sa mga kausap ng taong


nagsasalita. Maaaring kasama o hindi ng taong kausap ang iba pang tao na tinutukoy ng
nagsasalita kapag ginamit niya ang ‘kayo’.

Sila

Ang salitang ‘sila’ ay ginagamit ng taong nagsasalita kung tinutukoy niya ang mga taong pinag-
uusapan.
d. Paglalapat

Panuto: Piliin ang akmang sagot mula sa pagpipilian.

1. Si Jake ay dumating. _______ ang hinihintay ng grupo. (Siya, Sila)

2. Dadaan _______ sa matinding pagsubok kaya ikaw at ako ay dapat handa. (tayo, kayo)

3. _______ ay aking iniimbitahan sa kaarawan ko. Maaari kang magsama ng ilan mong kaibigan.
(Ako, Ikaw)

4. Kasama _______ sa napili. Sabi ng guro na malaki ang tyansa naming manalo. (ako, ikaw)

5. Marami _______ sa grupo kaya nagpasya sa Bb. Reyes na isama ang ilan sa atin. (siya, sila)

e. Paglalahat

Ang mga salitang ako, ikaw, siya, tayo, kayo at sila ay ginagamit upang ipamalit sa mga
ngalan ng tao. Kung ang ngalan ng isang tao ay paulit-ulit na gagamitin ay magmumukhang
nakakasawa ito lalo na sa isang kwento. Ang mga pamalit sa ngalan ng tao ay maaaring isahan o
maramihan. Isahan kung isang tao lamang ang tinutukoy, ikaw, ako, siya. Maramihan naman
kung dalawa o higit pa ang pinapalitan sa ngalan ng tao, tayo, sila, kayo.

IV. Pagtataya

Panuto: Isaayos ang mga titik upang mabuo ang mga salitang pampalit sa ngalan ng tao gamit ng
mga gabay na parirala.

1. para sa taong kausap WIKA = ____________


2. gamit ng taong nagsasalita OAK = __________
3. mga taong pinag-uusapan ALIS = __________
4. taong pinag-uusapan ASYI = ___________
5. nagsasalita at kausap TOYA = __________
6. mga taong kausap OKAY = __________

V. Takdang Aralin

Basahin, unawain, at sagutin ang mga Gawain sa modyul. Isulat ang mga sagot sa
sagutang papel.

Inihanda ni:

MARY ANNE C. CARLOS

You might also like