You are on page 1of 38

Panghalip na Panao

FILIPINO
1st QUARTER/Week 6
Mga LAYUNIN

● Kaalaman:Nagagamit sa
usapan ang mga salitang ● Kasanayan: Nauuri at
pamalit sa ngalan ng tao . nakasusulat ng mga
( ako, ikaw, siya, kami, tayo, pangungusap gamit ang
kayo, at sila ) F3WG-Ie-h- panghalip na panao
3/F3WGIIg-j-3
Balik- aral
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng sumusunod na salita. Isulat mo ito sa
iyong sagutang papel.

1. marikit __________________

2. mabilis __________________

3. masaya __________________

4. matalino __________________

5. matatag __________________
Pagganyak/ Paghahabi ng Layunin ng Aralin
Ano ang pamagat ng awiting ating kinanta ngayon?
Sinu- sino ang mga tauhan sa awitin?

Alam nyo bang may kaugnayan ang inawit natin sa ating


leksyon o aralin ngayon?

Sa inyong palagay, Ano kaya ang ating paksa para sa


araw na ito?
Ang Aming Pangarap
ni: Ruthel C. Albesa
Masayang nagkuwentuhan ang magkakaibigan
habang nasa labas sila ng bahay ni Mariz na
natutulog sa mga oras na iyon.

Melvin: Wow! Ang galing mo palang umawit.


Samakatuwid gusto mong maging singer. Ikaw Rico,
ano ang gusto mo paglaki?
Rico : Nais kong maging enhinyero. Gusto kong
gumawa ng kakaibang desinyo na mas maganda at
tipid sa budget tulad ng aking Tiyo Alfredo. Siya ang
naghikayat sa akin na maging enhinyero pagdating ng
panahon.

Marilou: Ako gusto ko maging dentista. Gusto kong


tumulong sa mga taong may sira ang ngipin at ayusin
ang kanilang ngipin.
Mga Tanong:

1. Sino ang tinutukoy ni Melvin nang sabihin


niyang ikaw?

2. Sino ang tinutukoy ni Rico nang sabihin


niyang siya?

3. Sino ang nagsabi ng ako?

3. Sino ang nagsabi ng ako?


PANGHALIP
Ano nga ba ang panghalip?

Ang panghalip ay isa sa bahagi ng pananalita na


inihalili o ipinapalit sa nagaln ng tao. Ito ay
maaring panghalip na isahan o panghalip na
maramihan.
May mga panghalip na inihalili sa ngalan ng
taong nagmamay-ari na iisa ang bilang.
May mga panghalip din na inihalili sa ngalan
na marami ang bilang.

Halimbawa:

kami at tayo – tumutukoy sa taong nagsasalita


at mga kasama
kayo – tumutukoy sa taong kausap at mga
kasama
sila – tumutukoy sa taong pinag-usapan at mga
kasama
Halimbawa na ginamit sa usapan ang ako, ikaw at siya
Halimbawa na ginamit sa usapan
ang ako, ikaw at siya
PANGKATANG GAWAIN
t - 1
k a
n g
Pa
Sa tulong ng larawan, piliin mo ang angkop na
pamalit sa ngalan ng tao sa bawat
pangungusap at bilugan ito.
t - 2
ng ka
Pa
Base sa larawan, buoin mo ang mga pangungusap
gamit ang panghalip panao na Ako, Ikaw at Siya
na may tamang gamit ng malalaking letra at
tamang bantas. Isulat ang iyong sagot sa patlang,
a t -3
gk
Pan
Tingnan mo ang larawan at buoin ang usapan
gamit ang panghalip na kami, kayo, tayo at sila.
Isulat sa walang lamang message balloon ang
nabuong pangungusap.
t - 3
gk a
n
Pa
Isulat ang tama kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng paggalang at mali kung hindi
pagkatapos ay salungguhitan ang mga panghalip
na nasa pangungusap.
__________ 1. Ako ay sumusunod sa utos ng
aking mga magulang.

__________ 2. Nagpapaalam sila ate at kuya


kapag umaalis ng bahay.

__________ 3. Ang tatay ko ay isang


magsasaka.Tuwing umaga, siya ay maagang
gumigising para pumunta sa bukid upang
alagaan ang aming mga tanim.
__________ 4. Kaming mga mag –anak ay
palaging nag-aawayaway sa mga gawaing
bahay

__________ 5. Ikaw ay palaging umaalis ng


bahay ng walang pakialam sa bawat miyembro
ng pamilya.
Presentasyon ng awtput…
PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG-
ARAW-ARAW NA BUHAY
Panuto: Isulat sa bawat patlang ang tamang panghalip.

1. Ang galing talaga ni nanay. ____________ ang naghanda ng


mga pagkain.

2. Si tatay, si nanay at ako ay magsisimba.Pagkatapos,


__________ ay kakain ng masarap na meryenda.
3. Si Mara, Maria at Marina ay magkakapatid.
_________________ ay mga mababait at magagalang.

4. Pedro ang pangalan ko. _____________ ay nakatira sa


Barangay Talipapa.

5. Ako, ikaw at si Lina ay mamimingwit sa tabi ng ilog.


Pagkatapos, _____________ ay maliligo.
PAGLALAHAT NG ARALIN
Ano ang panghalip?

Ang panghalip ay isa sa bahagi ng pananalita na


inihalili o ipinapalit sa nagaln ng tao. Ito ay maaring
panghalip na isahan o panghalip na maramihan.
Ano ang tawag sa panghalili sa ngalan
ng tao?

Ang ako, ikaw at siya ay mga panghalip panao.


Ginagamit ang panghalip panao bilang pamalit sa
ngalan ng tao upang maiwasan ang pag-uulit sa
ngalan nito.
PAGSUSULIT

Salungguhitan mo ang angkop na panghalip sa


pangungusap.
PAGSUSULIT

1. Si Nat at ako ay pupunta sa lola ko.


(Kami, Kayo, Tayo) ay kakain ng masarap doon.

2. Sina Julia at Julio ay matalino.


(Kami, Kayo, Sila) ay laging may matataas na mga
marka.
3. Ikaw at si Kuya Hector ang susundo sa akin.
(Kami, Kayo, Sila) ang magdadala ng gamit ko .

4. Si Kuya Ian at ang kanyang kapatid ay pupunta


sa Bohol.
(Kami, Kayo, Sila) ay sasakay ng barko papunta
roon.

5. Si ate, ikaw at ako ay uuwi bukas sa Tagum City.


(Kami, Kayo, Tayo) ay manonood ng Mutya ng
Tagum.
Punan ng tamang panghalip na kami, kayo, sila at tayo.
Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. Ako at si Kevin ay gigising nang maaga bukas.


Magbibisikleta __________ sa parke.

2. Narito na ang mga kaklase mo. Sasabay __________ sa iyo


papunta sa paaralan.
3. Mga bata nagbibihis pa si Andrey. Umupo muna
__________ sa sofa.

4. Bryan, Kent at Patrick sa Huwebes na ang paligsahan sa


sayaw. Handa na ba __________?

5. Ang mga pinsan mo ay nasa sala. Bigyan mo muna


__________ ng malamig na inumin.

You might also like