You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III Central Luzon
School Division of Bulacan

Bulacan State University Pulilan Extension


Bajet-castillo Compound,Paltao Pulilan Bulacan
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

MASUSING BANGHAY ARALIN SA PANITIKAN AT LIPUNAN


Pesta: Ika-12 ng Setyembre Oras: Ika- 4 ng hapon

I. LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Maunawaan ang kahalagahan ng Panitikan sa tulong ng ilang mga tao na nakilala
sa larangang ito at kanilang mga pananaw.
B. Matukoy ang iba’t-ibang mga akdang Pampanitikan gamit ang isang graphic
organizer.
C. Makabuo ng isang halimbawa ng akdang Pampanitikan na ibabahagi sa klase.
II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa
Kahalagahan ng Panitikan
pp. 4-6
Published 2018
Ni: Jasper Emmanuel Y. Arcalos
B. Kagamitan
Mga larawan, Tulong-biswal, Audio Visual, Marker
C. Sanggunian
UGNAYAN: PANITIKAN AT LIPUNAN

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. PANIMULANG GAWAIN
Panalangin
(Tatayo ang lahat para sa (Mananalangin ang mga bata)
panalangin. Magtatalaga ng
mangunguna para sa
panalangin.)

Pagbati
Magandang umaga.
Magandang Umaga rin po Bb. De Leon
(Aayusin ang mga mag-aaral ang upuan
Bago kayo magsiupo, at pupulutin ang mga kalat.)
pulutin muna ninyo ang mga
kalat at ayusin na rin ang
mga upuan. Kung maayos
na ang lahat ay puwede na
kayong umupo.

Pagtala ng liban sa klase (Tatayo ang kalihim ng klase)


Mayroon bang lumiban sa
klase ngayong araw?

B. PAGBABALIK-ARAL
Bago tayo tumungo sa ating Ang tinalakay po natin noong
bagong aralin, balikan muna nakaraang linggo ay Panitikan sa
natin ang tinalakay sa nakaraang Panahon ng Internet.
linggo. Ano nga ba ito?

Ito ang modernong paraan ng


Tama! Maaari ninyo bang pakikipagtalastasan o pagtatalo ng
sabihin kung ano ang panitikan dalawang panig o balagtasan gamit ang
sa panahon ng Internet? teknolohiya.

Tama! Magbigay nga kayo ng Ito po ay Fliptop Battle.


halimbawa ng Panitikan sa
panahon ng Internet?

Tama!
Ito po ay nakapaloob sa akdang
Ano nga ba ang Fliptop Battle? pampanitikan.
Maaari mo bang isalarawan ang
mga nagaganap sa Fliptop Ito po ay ang modernong paraan ng
Battle? pagtatalo sa dalawang panig na
tinatawag na Balagtasan.

Tama! Ano po ang halimbawa


ng Panitikan sa panahon ng
Internet?
Ito naman po ay tinatawag na Vlog!

Tama!Maari mo bang
ipaliwanag kung ano at paano
isinasagawa ang Vlog? Ito naman pagpapakita ng mukha sa
camera habang ikaw ay gumagawa ng
isang gawain kasabay ng pagpapahayag
ng iyong opinion o damdamin.

Mahusay! Tunay ngang


naunawaan ninyo ang ating
nakaraang aralin.
Mayroon pa ba kayong
katanungan?
Wala na po.
C. PAGGANYAK
Bago tayo tumungo sa ating
talakayan, mayroon ako muling
ipanunuod na video clip sa inyo.
Susuriin ninyong Mabuti kung
ano ang mapanunuod ninyo.

(Ipanunuod ng guro sa mga mag-aaral


ang video clip.)

Ano ang napanuod ninyo sa


video clip? Ito po ay ang pagpasa ng batas na
nagtatanggal sa Panitikang Filipino sa
mga Kolehiyo.

Tama ang iyong pagkakasuri!


Iba pa? Ang paglaban ng mga Guro hinggil sa
pagtuturo ng Panitikan.

Mayroon pa bang nais


magdagdag? Ito po ay pagpapakita ng
pagpapahalaga sa Panitikang Pilipino.

Tama ang inyong kasagutan.


Ang ipinanuod ko sa inyong
video clip ay mayroong
malaking kinalaman sa ating
talakayan.

Ngunit bago tayo dumako sa


ating talakayan, mayroong mga
salitang maaaring makasagabal
sa inyong pang-unawa.

D. PAGHAHAWAN NG
SAGABAL

Panuto: Hanapin ang katumbas na mga


salita sa Word Hunt at magbuo ng
pangungusap gamit ang salitang may
salungguhit.
1. Ang pag-ibig ng Diyos ang
gumahis sa kapangyarihan ng TUMALO O DUMAIG
masama.

Magbigay ka nga ng
pangungusap gamit ang salitang
pagpapahalaga. Si Andrei ang gumahis kay Balong sa
larangan ng palakasan.

Mahusay! Para sa pangalawang


bilang.

2. Ang iba’t-ibang sasal na dumaraan


sa atin ang nagpapatibay sa atin. PAGSUBOK/TINDI NG SAKÍT O NG
KALAMIDAD O NG DAMDAMIN

Magbigay ka nga ng
pangungusap gamit ang salitang Ang sasal na dulot mo sa akin ay hindi
paningin. ko malilimutan.

Mahusay!

3. Ang kanyang mga salita ay


yumapos sa aking puso na puno ng
pangamba. YUMAKAP

Magbigay ka nga ng
pangungusap gamit ang salitang
yumapos Kay init yumapos ng kanyang mga
kamay.

4. Pumukaw ng damdamin ang akda


ng manunulat. PAGGISING O PAG-ANTIG

Magbigay ka nga ng
pangungusap gamit ang salitang Si Maria ang pumukaw ng aking
pumukaw. damdamin.

5. Ang nagpupumiglas na aso ni Ana


ang dahilan kung bakit siya NAGWAWALA O
nasugatan. NAGHUHUMIYAW

Dinaan ni Maria ang nagpupumiglas


niyang damdamin sa pagsulat ng tula.

Mahusay! Nagamit ninyo ang


lahat ng salita ng tama at
maayos. Mayroon pa ba kayong
mga katanungan?
Wala na po.
E. PAGLALAHAD
Ang ating tatalakayin ngayon ay
ang malaking kinalaman ng
panitikan sa ating buhay noon at
magpasahanggang ngayon at
kung magpapatuloy ay sa mga
susunod na henerasyon.

Ano sa inyong palagay ang


ating pag-aaralan ngayon?
Sa aking palagay ang atin pong pag-
aaralan ngayon ay patungkol sa
Kahalagahan ng Panitikan.
Tama!

Sa inyong palagay, ano nga ba


halaga ng Panitikan? 1. Ang Panitikan ang
pinagmumulan ng maraming
kaalaman.
2. Ang Panitikan ang sumasalamin
sa lalim at yaman ng isang
kultura.
3. Mahalaga ito, sapagkat ang
Panitikan ang lakas na
nagpapakilos sa alinmang uri ng
Lipunan.
4. Mahalaga ang Panitikan,
sapagkat nalalaman natin kung
anong klaseng akda ang ating
mga binabasa.
5. Mahalaga ito upang malaman at
makilala ang iba’t-ibang tao na
naging tanyag sa larangang ito.

Mahusay!

Ngayon, may alam ba kayo na


nakilala sa larangan ng
Panitikan? 1. Francisco Baltazar – Florante at
Laura, Ibong Adarna
2. Graciano Lopez Jaena –
nagtatag ng pahayagang La
Solidaridad, at kanyang akda na
Fray Botod
3. Marcelo H. Del Pilar – kilala sa
tawag na Plaridel at nagtatag ng
Diaryong Tatagalog at siya ang
pumalit kay Jaena Lopez bilang
patnugot ng La Solidaridad.
4. Jose Palma – Siya ang sumulat
ng tula Filipinas na siyang titik
ng Pambansang Awit ng
Pilipinas na nilapatan naman ng
Mahusay! Ilan lamang sila sa himno ni Julian Felipe.
mga tanyag na manunulat ng
ating Panitikan.
At ngayon, mayroon akong
isang malaking puno dito. Ano
kaya ang kaugnayan nito sa
Panitikan?

At mayroon din akong mga


sumusunod na akdang
pampanitikan at ito ay tatawagin
nating “BIGKAS KO HULA
MO, DIKIT MO”.

1. Isang uri ng panitikan na


nagkukuwento tungkol sa mga
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
daigdig. Karaniwang nagsasalaysay
ang mga ito ng mga pangyayari
hinggil sa tunay na mga tao at pook,
at mayroong pinagbatayan sa
kasaysayan. Kaugnay ang mga mito
Alamat
at kuwentong-bayan.

Tama!

2. Kathambuhay – Mga halimbawa


nito ay ang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo; Ito ay? Nobela

3. Ang kwento nina Pagong at


Matsing Pabula

4. Ang mga Talinghaga sa Bibliya


Parabula

5. Kawikaan, Kasabihan,Wikain o
Sawikain. Ano ito? Salawikain

6. Dalawang batong itim, malayo ang


nararating. Isang tabo, laman ay Bugtong
pako.

7. Isang uri ng panitikan na


itinatanghal sa mga teatro. Nahahati
ito sa ilang yugto na maraming
tagpo. Pinakalayunin nitong Dula
itanghal ang mga tagpo sa isang
tanghalan o entablado.

8. Isang anyo ng panitikan na


nagsasaad ng kasaysayan ng buhay
ng isang tao hango sa mga tunay na Talambuhay
tala, pangyayari o impormasyon.

9. Sa Tabi Ng Dagat - Ildefonso


Santos, Sa Aking mga Kababata – Tula
Dr. José Rizal

10. At marami pang iba…

Sa inyong palagay ano ang kaugnayan


ng Punong ito sa Panitikan?

Sa inyong palagay bakit kaya puno na


puno ng iba’t-ibang bunga ang nabuo
mula sa graphic organizer na
sumisimbolo sa panitikan.
Maaaring ito po ay sumisimbolo sa
marami at iba’t-ibang akda o bunga ng
Panitikan.

Ito po ay Puno ng Karunungan at


Kaalaman. Katulad ng Punong iyan ito
ang nasisilbing Panitikan at ang mga
bunga ang iba’t ibang anyo ng
panitikan. Ang mga bungang ito
bagamat magkakaiba ay
pinagdudugtong at pinag-iisa ng nag-
iisang Panitikang Filipino at bagamat
ito ay iba-iba ang bawat isa naman na
ito ay naghahatid sa atin ng maraming
kaalaman at karunungan.

Mahusay! Naging makabuluhan


ang iyong kasagutan.
F. PAGLALAHAT
Ngayon papangkatin ko sa
tatlong grupo ang inyong klase.
Bumilang kayo ng isa hanggang
tatlo.

Narito ang pamantayan na ating


susundin sa pagbibigay ng
puntos sa bawat grupo.

15 PUNTOS
Pinakamahusay- Tama at
maayos ang ibinigay na gawain.
Kumpleto at walang kulang.

10 PUNTOS
Mahusay- Maayos ang ibinigay
na gawain ngunit may kaunting
kulang.

5 PUNTOS
Di gaanong mahusay-
Maraming impormasyon ang
kulang. Hindi gaanong
naunawaan.

Panuto: Sa isang ½ crosswise na


papel. Kailangang maisagawa
ang naiatas sa bawat pangkat na
gawain. Habang ang isang
miyembro ay nagpapahayag,
isa- isa namang i-aarte ng bawat
miyembro ang bawat salita. Ang
tawag natin sa larong ito ay
“ANG ARTE MO”

Bibigyan ko lamang kayo ng


limang minuto upang pag-
usapan ang inyong gagawin.

Unang Pangkat- Gumawa ng


isang maikling Kwentong
Alamat na may kinalaman sa
Kahalagahan ng Panitikan.

Pangalawang Pangkat- Gumawa


ng tatlong salawikain na
malayang nagpapahayag ng
pagpapahalaga sa Panitikan.

Pangatlong Pangkat-
Magsagawa ng isang Pabulang (Presentasyon ng mga bata)
pagkukwento na may kinalaman
sa Kahalagahan ng Panitikan.
Pagpapahalaga

Sa inyong palagay, ano ang nais


ipahiwatig ng may akda sa
kabuuang mensahe ng Nais ng may akda na magpatuloy at
“Kahalagahan ng Panitikan”? yumabong pa ang ating Panitikan at
bigyan nating halaga ang ating mga
sariling kakayanan at ang iba’t-ibang
kaanyuan ng mga akdang pampanitikan
maging ito may ay katotohanan o
kathang isip lamang.

Marahil nais ng may akda na


pahalagahan ang Panitikan hindi
lamang bilang mga mahahalagang
dokumento na dapat ingatan mula sa
nakalipas kundi ito ay pagyamanin sa
pamamagitan ng wastong paggamit ng
mga kakayahan sa larangan ng
Panitikan. Upang sa darating na mga
panahon mayroon din tayong
maipamamana na mayamang panitikan
katulad ng minana natin ngayon sa
ating mga ninuno.

Tama! Lagi nating tatandaan na


ang Panitikan ay umuunlad at
nagbabago at dapat na ito’y
pinagyayabong at hindi
kinalilimutan.

G. PAGLALAPAT

Kung ikaw ay bibigyan ng


pagkakataon anong paraan ang
maaari mong gawin upang
maipakita ang Kahalagahan ng
ating Panitikan?

IV. EBALWASYON

PANUTO: Sa isang ¼ na papel maliban sa bugtong at salawikain, pumili sa mga


bungang nakasabit at sumulat ng isang akdang pampanitikan na ibabahagi sa harap ng
klase.

V. TAKDANG ARALIN
1. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng Panitikan?
2. Basahin ang pp. 6-12 at sa inyong kwaderno sumulat ng ilang mga pangyayari sa
Panitikan mula Pre-Kolonyal hanggang Kasalukuyan.

You might also like