You are on page 1of 4

INSTITUTE OF INNOVATIVE EDUCATION

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA II PANITIKAN NG


PILIPINAS
AY 2020-2021 2ND SEMESTER

Name: Geneses T. Gayagaya Date: May-05-2021


Year: 3rd Year – BEEd Professor: Jenielyn Garalda

Masusing Banghay Aralin ng Pagtuturo sa Filipino

Guro: Lucel Palaca


Petsa at Oras: Mayo 04, 2021

I. LAYUNIN
Sa katapusan ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang mga uri at bahagi ng sanaysay
b. naipapamalas ang paglalahad ng sariling opinyon
c. nakasusulat ng sariling sanaysay batay sa paksang ibibigay.

II.PAKSANG ARALIN

A.Paksa: “SANAYSAY”
B.Sanggunian: Photocopies, Notes at aklat
C.Kagamitan: Kagamitang biswal
D.Halagang pangkatauhan: Napahahalagahan ang paksang tinalakay sa pamamagitan ng paglalahad ng sariling
opinyon at pananaw sa loob ng klase.
E. Kasanayan: Nahahasa ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsusulat ng sariling sanaysay ayon sa paksang
ibibigay.

III. ESTRATEHIYA
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A.PAGHAHANDA/PAGGANYAK

“Magsitayo ang lahat para sa panalangin.Pangunahan (Sabay-sabay na tumayo at nanalangin.)


mo ang panalangin, Karen.

“Magandang umaga sa inyong lahat.”


“Magandang umaga rin Ginoong. Gagayaga.”
“Bago umupo ay pulutin muna ang mga kalat sa
sahig at pagkatapos ay ihanay ito ng maayos.” (Pinulot nila ang mga kalat at isinaayos ang mga upuan)

“Kamusta ang araw n’yo?”


“Okay lang po.”
“Mabuti naman kung ganoon, nangangahulugan
lamang na kayo’y handa na sa ating klase. Sa araw na
ito ay may bago tayong paksa ngunit bago magsimula
ay magkakaroon muna tayo ng isang pampagising
katawang lupa. May mga papel akong inihanda na
may nakasulat na mga numero na may katumbas sa
alpabetong Filipino na kung saan ang A ay 1
hanggang Z na ito ay 26. Nakuha ba?

19,1, 14, 1, 25, 19, 1, 25


“Opo Sir”
16, 15, 18, 13, 1, 12
SANAYSAY
19, 9, 13, 21, 13, 1
PORMAL
11, 1, 20, 1, 23, 1, 14
23, 1, 11, 1, 19 SIMULA

“Magaling! Palakpakan ninyo ang inyong mga KATAWAN


sarili”. WAKAS

B. PAGLALAHAD
“Ang magiging paksa natin ngayon ay tungkol sa
“Batay sa ginawa natin kanina, ano ang iyong “Sanaysay”
mahihinuha na magiging paksa natin ngayon?”

“Magaling! Ngunit bago ang lahat ay ilalahad ko (Binasa ng mga mag-aaral ang mga layunin ng sabay-
muna ang mga layunin ngayon. sabay).
Basahin ng sabay-sabay.”

C.PAGTATALAKAY
“Ang sanaysay ay pagbibigay ng opinyon sa isang
“Ano nga ba ang ibig sabihin ng sanaysay, Jem?” napapanahong isyu.”

“ Magaling ito ay paglalahad ng sariling opinyon o


kuru-kuro ng mga manunulat/sumusulat tungkol sa
isang bagay o paksa. Ito ay hango sa salitang Pranses “Ang ibig sabihin po ay sumubok o tanggkain.”
na essayer. Ano nga ba ang kahulugan ng salitang
essayer?”

“Tama. At si Michael Montaigne ang ama ng


sanaysay.”
“Ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos
“Ang sanaysay ay may dalawang uri. Una ay pormal. at mariin at bunga ng isang maingat na pagtitimbang-
Maaari mo bang ipaliwang Ina kung ano ang pormal timbang ng mga pangyayari at mga kaisipan.”
na sanaysay?”
“Tama at ang impormal naman ay may himig na
parang nakikipag-usap o nais magpakilala ng isang
panuntunan sa buhay.”

“Ang sanaysay ay may tatlong bahagi. Ito ay simula,


katawan at wakas. Ang simula ay ang nakakatawag
pansin o nakapupukaw sa damdamin ng mga
mambabasa. Ang pangawang bahagi ay ang katawan, “Ang katawan ay ang pinakalalaman ng akda na
maaari mo bang ipaliwanag Inah?” kinakailangang maging mayaman sa kaisipan, nagtataglay
ng kaisahan ang mga detalye nito.

“Magaling Inah, sa katawan makikita ang


pagtatalakayan sa paksa. Ang wakas naman ay dito
natin karaniwang nababasa ang pangkahalatang
impresyon ng may-akda. Dito maaaring ilahad ang
buod o konklusyon ng sumusulat.

“Naintindihan n’yo na ba ang ating paksa ngayon?


Kung wla ng mga katanungan ay ako ang “Ang sanaysay ay mahalagang pag-aralan at malaman
magtatanong.” sapagkat ito ay isang uri ng komposisyon na
pinakagamitin. Bilang isang estudyante at mamamayan
D. PAGPAPAHALAGA dapat nating isipin ang lahat na ating sasabihin at isusulat
kung ito ba ay makakasakit sa ating kapwa. Dapat tayo ay
“Bilang isang estudyante, bakit mahalagang pag- maging responsable lalong lalo na sa ating ibinibigay na
aralan at malaman ang tungkol sa sanaysay, Karen?” opinyon sa isang isyu.

(Isinagawa ang tatlong palakpak.)

“Magaling! Tatlong palakpak nga para kay Karen!.”

IV. EBALWASYON

Sa isang buong papel, sumulat ng isang sanaysay


ayon sa paksang:
Mag-aaral 1: Pag-ibig
Mag-aaral 2: Korupsyon
Mag-aaral 3: Edukasyon
Mag-aaral 4: Nasyonalismo
Mag-aaral 5: Aborsyon
Mag-aaral 6: Droga

V. TAKDANG-ARALIN

Hanapin at isulat sa isang buong papel ang


klasipikasyon o natatanging uri ng sanaysay.

You might also like