You are on page 1of 4

Masusing Banghay Aralin tungkol sa Sanaysay

Mary Joy B. Paldez BEED-2

I. LAYUNIN
Sa katapusan ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Naipaliliwanag nang maayos ang paksang tinalakay.
B. Napahahalagahan ang paksang tinalakay sa pamamagitan ng paglalahad ng
sarilingopinyon at pananaw sa loob ng klase.
C. Nakasusulat ng sariling sanaysay batay sa paksang ibibigay.

II.PAKSANG ARALIN

A.Paksa: “SANAYSAY”
B.Sanggunian: Photocopies, Notes at aklat
C.Kagamitan: Kagamitang biswal
D.Halagang pangkatauhan: Napahahalagahan ang paksang tinalakay sa pamamagitan
ng paglalahad ng sariling opinyon at pananaw sa loob ng klase.
E. Kasanayan: Nahahasa ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsusulat ng sariling
sanaysay ayon sa paksang ibibigay.

III. ESTRATEHIYA
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A.PAGHAHANDA/PAGGANYAK

“Magsitayo ang lahat para sa (Sabay-sabay na tumayo at nanalangin.)


panalangin.Pangunahan mo ang
panalangin, Justine”

“Magandang umaga sa inyong lahat.” “Magandang umaga rin Bb. Palaca.”

“Bago umupo ay pulutin muna ang mga (Pinulot nila ang mga kalat at isinaayos ang
kalat sa sahig at pagkatapos ay ihanay ito mga upuan)
ng maayos.”

“Kamusta ang araw n’yo?” “Okay lang po.”

“Mabuti naman kung ganoon,


nangangahulugan lamang na kayo’y handa
na sa ating klase. Sa araw na ito ay may
bago tayong paksa ngunit bago magsimula
ay magkakaroon muna tayo ng isang
pampagising katawang lupa. May mga
papel akong inihanda na may nakasulat na
mga numero na may katumbas sa
alpabetong Filipino na kung saan ang A ay
1 hanggang Z na ito ay 26. Nakuha ba? “Opo ma’am”

19,1, 14, 1, 25, 19, 1, 25 SANAYSAY

16, 15, 18, 13, 1, 12 PORMAL

19, 9, 13, 21, 13, 1 SIMULA

11, 1, 20, 1, 23, 1, 14 KATAWAN


23, 1, 11, 1, 19 WAKAS

“Magaling! Palakpakan ninyo ang inyong


mga sarili”.

B. PAGLALAHAD

“Batay sa ginawa natin kanina, ano ang


iyong mahihinuha na magiging paksa natin “Ang magiging paksa natin ngayon ay
ngayon?” tungkol sa “Sanaysay”

“Magaling! Ngunit bago ang lahat ay


ilalahad ko muna ang mga layunin ngayon. (Binasa ng mga mag-aaral ang mga layunin
Basahin ng sabay-sabay.” ng sabay-sabay).

C.PAGTATALAKAY

“Ano nga ba ang ibig sabihin ng sanaysay, “Ang sanaysay ay pagbibigay ng opinyon
jessa?” sa isang napapanahong isyu.”

“ Magaling ito ay paglalahad ng sariling


opinyon o kuru-kuro ng mga
manunulat/sumusulat tungkol sa isang
bagay o paksa. Ito ay hango sa salitang
Pranses na essayer. Ano nga ba ang
kahulugan ng salitang essayer?” “Ang ibig sabihin po ay sumubok o
tanggkain.”

“Tama. At si Michael Montaigne ang ama


ng sanaysay.”

“Ang sanaysay ay may dalawang uri. Una


ay pormal. Maaari mo bang ipaliwang Rey
kung ano ang pormal na sanaysay?” “Ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang
paraang maayos at mariin at bunga ng
isang maingat na pagtitimbang-timbang ng
mga pangyayari at mga kaisipan.”

“Tama at ang impormal naman ay may


himig na parang nakikipag-usap o nais
magpakilala ng isang panuntunan sa
buhay.”

“Ang sanaysay ay may tatlong bahagi. Ito


ay simula, katawan at wakas. Ang simula
ay ang nakakatawag pansin o
nakapupukaw sa damdamin ng mga
mambabasa. Ang pangawang bahagi ay
ang katawan, maaari mo bang ipaliwanag
Jane?” “Ang katawan ay ang pinakalalaman ng
akda na kinakailangang maging mayaman
sa kaisipan, nagtataglay ng kaisahan ang
mga detalye nito.
“Magaling Jane, sa katawan makikita ang
pagtatalakayan sa paksa. Ang wakas naman
ay dito natin karaniwang nababasa ang
pangkahalatang impresyon ng may-akda.
Dito maaaring ilahad ang buod o
konklusyon ng sumusulat.

“Naintindihan n’yo na ba ang ating paksa


ngayon? Kung wla ng mga katanungan ay
ako ang magtatanong.”

D. PAGPAPAHALAGA

“Bilang isang estudyante, bakit


mahalagang pag-aralan at malaman ang
tungkol sa sanaysay, Michella?” “Ang sanaysay ay mahalagang pag-aralan
at malaman sapagkat ito ay isang uri ng
komposisyon na pinakagamitin. Bilang
isang estudyante at mamamayan dapat
nating isipin ang lahat na ating sasabihin at
isusulat kung ito ba ay makakasakit sa
ating kapwa. Dapat tayo ay maging
responsable lalong lalo na sa ating
ibinibigay na opinyon sa isang isyu.
“Magaling! Isang bagsak nga para kay
Michella.”
(Isinagawa ang isang bagsak.)
IV. EBALWASYON

Sa isang buong papel, sumulat ng isang


sanaysay ayon sa paksang:
Mag-aaral 1: Pag-ibig
Mag-aaral 2: Korupsyon
Mag-aaral 3: Edukasyon
Mag-aaral 4: Nasyonalismo
Mag-aaral 5: Aborsyon
Mag-aaral 6: Droga

V. TAKDANG-ARALIN

Hanapin at isulat sa isang buong papel ang


klasipikasyon o natatanging uri ng
sanaysay.

You might also like