You are on page 1of 3

HOLY NAME UNIVERSITY

BASIC EDUCATION DEPARTMENT


Junior High School
2022-2023
FILIPINO 9
Nakalaang
Gabay sa Pagtuturo at Pagkatuto Puna
Tagpo
l. Layunin:
Linggo 26 Nakikilala at nailalarawan ang ating pambansang bayani

Pebrero ll. Paksa:


20-24 Mga Tala sa Buhay ni Jose Rizal

Tagpo lll. Kagamitang Panturo:


3 telebisyon
laptop
aklat (Pinagyamang Pluma 9 Aklat 2)

lV. Pagganyak:
 Ang guro ay may inihandang gawain na tinatawag na
“Tanong mo, Mukha mo!”.
 Ipapakita ng guro sa mga mag-aaral ang larawan ni
Dr. Jose Rizal.
 Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng tanong sa
mukha ng larawang nakikita nila sa screen.
Gabay na Tanong:
1. Kung may isang tanong ka na nais mong itanong kay
Dr. Jose Rizal, ano ito at bakit?
 Pagkatapos makapagbibigay ng opinyon ang mga
mag-aaral, ibibigay rin ng guro ang kanyang opinyon
bilang panapos sa gawaing pangganyak.

V. Pagtalakay:
A. Pag-alis ng Sagabal:
 Sa tagpo nating ito, ay ipababasa ko sa inyo ang
naging buhay ni Dr. Jose Rizal ngunit bago muna natin
ito basahin ay alamin muna natin ang kahulugan ng
mga mahihirap na salitang iyong makikita sa akdang
tatalakayin.
 Tatawag ang guro ng ilang mag-aaral para magbigay
ng kasingkahulugan sa bawat salita.
 Magbibigay rin ang guro ng isang halimbawang
pangungusap sa bawat salita para matukoy nila ang
kahulugan nito.
Mga Salita:
 dalubwika
 piniit
 mithiin
 matayog

B. Pagbasa sa Talambuhay ni Jose Rizal:


 Ngayon alam kong handa na kayo sa ating gawain.
 Sabihin ng guro babasahin natin ngayon ang “Mga
Tala Ukol sa Buhay ni Rizal”.
 Bago natin basahin ay may nasaliksik akong bidyu
nito.
 Makikinig lamang ang mga mag-aaral sa audio ng
bidyu habang nakayuko at nagbabasa sa aklat.
https://youtu.be/yrKYj60QDfE

 Pagkatapos mabasa ang mga tala ukol sa buhay ni


Rizal, isusunod ng guro ang pagtatanong.

C. Pagtatanong:
1. Ano ang buong pangalan ng ating pambansang
bayani?
2. Saan at kailan ipinanganak si Dr. Jose Rizal?
3. Sino ang ina at ama ni Dr. Jose Rizal?
4. Bakit mahalagang maunawaan mo ang
mahahalagang tala ukol sa buhay ni Rizal?

VI. Panapos na Pahayag/Paglalagom:


 Magbigay ng tatlong bagay o kaganapan sa
buhay ni Rizal na maituturing natin na siya ang
pinakadakilang bayani.

Vl. Pagtataya:
 Hahatiin ang klase sa limang pangkat.
 Ang bawat pangkat ay bubuo ng graphic organizer.
(Ipapakita ng guro ang graphic organizer sa harap ng
klase.)
 Magbibigay lamang ng 5 minuto ang guro para
matapos ang gawain.

Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang mga bagay o


impormasyon na natutunan ninyo tungkol sa buhay ni Rizal
sa ating talakayan.

 Pagkatapos ay iuulat ito sa harap ng klase.

Krayterya Puntos
1. Nakapagbibigay ng mga bagay o 10
impormasyon na may kaugnayan
sa buhay ni Rizal.
2. Kaayusan at kahusayan sa 5
pagbuo ng graphic organizer
3. Katatagan ng loob habang 5
ipinapaliwanag ang ulat.
Kabuuang Puntos: 20
Vlll. Integrasyon ng Pagpapahalaga:

Bilang isang Holynamian, paano mo


mapahahalagahan ang kabayanihan at mga nagawa ni Dr.
Jose Rizal para sa ating bansa?

Institutional Core Values – Social Responsibility

Mapapahalagahan ang mga ito sa pagpapatuloy at


pagiging kaisa sa mga adhikain ni Dr. Jose Rizal para sa
ikakaunlad ng ating bayan.

Inihanda ni:
ERIKA JANE N. CARTECIANO
Practice Teacher

Iniwasto ni:
GNG. EMELINDA LLIDO
Cooperating Teacher

You might also like