You are on page 1of 3

HOLY NAME UNIVERSITY

BASIC EDUCATION DEPARTMENT


Junior High School
2022-2023
FILIPINO 9
Nakalaang
Gabay sa Pagtuturo at Pagkatuto Puna
Tagpo

Linggo 26 l. Layunin:
Natutukoy at nabibigyang katangian ang isa sa mga
Pebrero itinuturing na bayani ng alinmang bansa sa Asya.
20-24
ll. Paksa:
Tagpo Buod ng Epikong Gilgamesh
2
lll. Kagamitang Panturo:
telebisyon
laptop
aklat
1/8 illustration board
chalk

lV. Pagganyak:
 May ipapakita ang guro na mga larawan.
 Tutukuyin ng mga mag-aaral ang iba’t ibang piksyonal
na karakter o superheroes na ipapakita ng guro.
 Ang mga larawang tutukuyin ay ang mga sumusunod:

 Isusunod ang pagtanong ng guro:


 Base sa mga ipinakitang mga larawan, ano ang
kaugnayan mga larawan sa bawat isa?
Pumapatungkol ito sa?
 Magbigay ng hinahangaang bayani o superhero at
bakit siya ang hinahangaan mo?
 Pagkatapos makapagbibigay ng opinion ang mga
mag-aaral, ibibigay rin ng guro ang kanyang opinion
bilang panapos sa gawaing pangganyak.
 Sabihin ng guro, ang lahat ng inyong mga binanggit na
superhero ay nagtataglay ng mahihiwaga at mga
kagila-gilalas o di kapani-paniwalang mga
kapangyarihan.
 Isusunod ang pagtanong ng guro:
 Sa inyong palagay, anong uring panitikan ang
tumatalakay sa kabayanihan?
 Hihintaying may sumasagot na Epiko.
V. Pagtalakay:
 Sabihin ng guro ang ating pagbigyang pansin ngayon
ay ang akdang epiko.
 Sa tagpo nating ito, may ipababasa akong isang
akdang epiko na nagmula sa bansang Mesopotamia
ngunit bago muna natin ito basahin ay alamin muna
natin ang mga kahulugan ng mga mahihirap na salita
na maaari niyong mabasa sa epikong ating
tatalakayin.
A. Pag-alis ng Sagabal:
 Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat at isaayos ang
mga upuan sa anyong pabilog.
 Sa pagbibigay ng mga kasingkahulugan ay
gagamitin ang ISTRATEHIYANG LARO at
PABILISAN:
 May mga ginugulong na mga salita ang guro at iaayos
nila ito sa tamang salita bilang kahulugan at
magbibigay ang guro ng isang 1/8 illustration board at
chalk sa bawat pangkat.
 Isusulat nila sa illustration board ang salita sa
pabilisang paraan.
 Dapat bibilang lamang ang guro ng 1-5 bawat salita
para sa pagsasaayos ng tamang kahulugan nito, kaya
dapat ang bawat miyembro ng pangkat ay
magtutulungan dahil ito ay pabilisan.
Mga Salita:
 O N G P A T I B - patibong
 L A N G P A S I N - paslangin
 N G I P A T A I N - pangitain
 G I N M A Y U – yumanig

B. Pagbasa ng Isang Epiko:


 Ngayon alam kong handa na kayo sa ating gawain.
 Sabihin ng guro may babasahin tayong akda na
pinamamagatan ng: “Buod ng Epikong Gilgamesh”.
 Bago natin basahin ay may nakalap akong bidyu nito.
 Makikinig lamang ang mga mag-aaral sa audio ng
bidyu habang nakayuko at nagbabasa sa aklat.

https://www.youtube.com/watch?v=jv7E7BkkV10

 Pagkatapos mabasa ang epiko, isusunod ng guro ang


pagtatanong.
Mga Tanong:
1. Sino si Gilgamesh?
2. Kanino humingi ng tulong ang mga nasasakupan
niya?
3. Ano ang naramdaman ni Gilgamesh nang magkatotoo
ang pangitain ni Enkidu?
4. Ano ang natutuhan ni Gilgamesh sa kanyang
paghahanap ng walang hanggang buhay?
5. Para sa iyo, ano-ano ang mga katangian ng isang
bayani na masasabi mong huwaran?

VI. Panapos na Pahayag/Paglalagom:


 Magbigay ng tatlong aral na mapupulot ninyo sa
epikong tinalakay.

VlI. Pagtataya:
 Sa ating pagtataya sa inyong mga kaalaman, heto ang
panuto.
 Mula sa epikong binasa ay mahihinuha natin na sa
tulong ni Enkidu ay may pagkakataong nagbago si
Gilgamesh bilang isang pinuno. Dito nakita ang mga
kahanga-hangang katangian ni Gilgamesh; ang
pagiging matapang, malakas at matapat na kasama,
mga katangiang sapat na upang ituring siyang isang
bayani.
 Buoin ang graphic organizer na matatagpuan sa aklat
at pumili ng isang bayaning itinuturing mong isang
huwaran at ilarawan ito.

Pangalan ng Bayani

Paglalarawan sa napiling bayani:


_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________

 Pagkatapos ay iuulat ito sa harap ng klase.

Krayterya Puntos
1. Nakapagbibigay ng mga 10
katangiang pambayani
2. Kaayusan at kahusayan sa 5
pagbuo ng graphic organizer
3. Katatagan ng loob habang 10
ipinapaliwanag ang ulat
Kabuuang Puntos: 25

Vlll. Integrasyon ng Pagpapahalaga:

Bakit mahalagang taglayin ang mga positibong


katangian ng isang pinuno?
Institutional Core Values – Servant Leadership
Ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga katangian ng
isang huwarang pinuno o lider ay magbibigay ng malaking
tulong sa kaunlaran ng ating sarili at bayan.

Inihanda ni:
ERIKA JANE N. CARTECIANO
Practice Teacher

Iniwasto ni:
GNG. EMELINDA LLIDO
Cooperating Teacher

You might also like