You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Pasig City
Eusebio High School

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

Petsa: Ika-13 ng Marso, 2023 (Lunes)


I. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO:
A. Nakasusulat ng isang sanaysay patungkol sa kanilang paboritong guro.
B. Nakakikitaan ng katapatan sa pagsulat ng kwento patungkol sa gurong napili.
C. Naibabahagi sa harap ng klase ang awtput ng paboritong guro.

II. PAKSANG ARALIN


 Pagsulat ng isang akda o sanaysay tungkol sa paboritong guro.

III. PANIMULANG GAWAIN


1. Panalangin
2. Pagbati sa klase
3. Pagpapalinis sa silid aralan
4. Pagtala ng liban sa klase
IV. PROSESO NG PAGKATUTO
A. Mga Gawain Bago Magsimula ang Pagbuo ng Awtput
1. Pagbabalik-tanaw sa binasang sanaysay (Ang Tatlong Liham Mula kay Teddy)
2. Pagbibigay ng panuto sa isasagawang awtput.

B. Mga Gawain Matapos ang Pagbuo ng Awtput


1. Pagpili sa ilang mag-aaral ng magbabahagi ng isinulat na sanaysay sa harap ng
klase.
2. Pagkolekta ng mga ginawang awtput.

V. TAKDANG ARALIN
Magbasa at magsaliksik tungkol sa Paghihinuha o Inferencing.

Petsa: Ika-14 ng Marso, 2023 (Martes)

Pagkatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang:


A. Nauunawaan ang kahulugan ng Paghihinuha o Interferencing
B. Nagagamit ang mga pangunahing pantulong sa pagbuo ng sariling paghihinuha
C. Natutukoy ang mga pangunahing pantulong na ginamit sa paghihinuha.
II. PAKSANG ARALIN:
 Paghihinuha o Inferencing

III. PANIMULANG GAWAIN


1. Panalangin
2. Pagbati sa mga mag-aaral
3. Pagtala ng liban sa klase
IV. PROSESO NG PAGKATUTO
A. Balik-aral
PICK A NUMBER!
Panuto: Bawat mag-aaral ay may layang pumili ng numero, at ang bawat numero ay may
karampatang katanungan na dapat nilang sagutin.
MGA KATANUNGAN
1. Ilarawan kung anong klaseng guro si Bb. Reyes.
2. Anong katangian ni Teddy ang nais niyong tularawan? Ipaliwanag ang sagot.
3. Kung ikaw si Teddy anong mararamdaman mo, kung malaman mo na ayaw s aiyo ng iyong
guro?
4. Matapos mong mabasa ang sanaysay na may titulong ‘Tatlong liham mula kay Teddy”, ano
ang iyong naramdaman?
5. Anong tagpo sa binasang sanaysay ang iyong pinakanagustuhan? At bakit?

B. Pagganyak

ANONG SAY MO?

Panuto: Batay sa mga larawan sa ibaba , ibigay ang sariling paghihinuha gamit ang mga
panandang ( Sa palagay ko, tila, siguro, maaari, hindi malayo, marahil, at iba pa) kung
ang nagaganap sa bawat larawan.

D. Pagtalakay sa Aralin

Ang PAGHIHINUHA o PAGPAPALAGAY na tinatawag na inferencing sa ingles ay


ang tawag sa pahayag ng mga inaakalang mangyayari batay sa sitwasyon o kondisyon.

Ito ay pag-intindi ng mga bagay mula sa pahiwatig o mga ebidensya / clue nito.
Halimbawa sa isang kwento o napanood, aalamin mo ang wakas ayon sa mga pangyayari. Sa
tulong din ng pag-unawa sa pamagat ng kwento o napanood magkakaroon ng hinuha batay sa
iyong sariling karanasan, sa mga nangyayari sa paligid at sa mga ebidensya na nakalap.
Maaari rin makatulong sa paghihinuha ang dating kaalaman, katangian o anyo ng
materyal at iba pang elemento.
Sa pagbuo ng paghihinuha maaaring gamitin ang mga pantulong na gawain sa
paghihinuha tulad ng mga sumusunod:

 Paghihinuha sa pansuportang detalye


 Paghihinuha sa pangunahing ideya
 Paghihinuha sa pagkakasunod-sunod
 Paghihinuha sa paghahambing
 Paghihinuha sa sanhi at bunga
 Paghihinuha sa katangian ng tauhan
 Paghihinuha sa kalalabasan

Mga halimbawa ng salita o pahayag sa paghihinuha

 Baka
 Tila
 Wari
 Marahil
 Siguro
 Yata
 Sa / ang tingin ko ay
 Hindi malayo
 Sa palagay ko
 Sa aking sapantaha
 Maaari

Mga Halimbawang Pangungusap:

 Napakasipag mag-aral ni Jennie, hindi malayong makamit niya lahat ng pangarap niya
sa buhay.
 Siguro kung lahat tayo ay magkakaisa muling babalik sa dating tahimik ang ating
lipunan.
 Subukan mong magpasa pa ng iyong ginawang proyekto, baka may pag-asa ka pang
pumasa.
 Sa wari ko’y isang malaking tinik sa bansa ang pagkalat ng Covid 19.
 Pagkatapos ng mga nagawa ko sa kanya, wala na yatang pag-asa na bumalik pa ang dati
naming samahan.

E. Pagsasanay
Panuto: Salungguhitan ang mga salita o pahayag sa paghihinuha sa bawat pangungusap.

1. May sama ng loob siguro sa akin si Tatay, dahil hindi niya ako pinapansin.
2. Nagbabadya ang kalangitan tila nak’y uulan.
3. Si Mila ay matamlay, baka siya ay may nararamdaman.
4. Sa palagay ko, Bukas ay dadating ang aking ama.
5. Hindi raw makakarating si Lisa, Marahil siya ay may importanteng pupuntahan.

E. Paglalapat
Dugtungan tayo! Matapos ang talakayan, nalaman ko na ______________.
Petsa: Ika-15 ng Marso, 2023 (Miyerkules)
I. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO:
Pagkatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang:
A. Nakabubuo ng sariling hinuha o Interpretasyon gamit ang mga pangunahing pantulong
batay sa binasang akda.
B. Nakakapagpamalas ng angkin galing at taelnto sa pag-arte.
C. Nakapagsasagawa ng isang Role Play batay sa nabuong hinuha tungkol sa binasang akda.
II. PAKSANG ARALIN:
 Pangkatang Gawain: Role Play

III. PANIMULANG GAWAIN


1. Panalangin
2. Pagbati sa Klase
3. Pagpalinis sa silid-aralan
4. Pagtala ng liban sa klase

IV. PROSESO NG PAGKATUTO


A. Balik-Aral

Panuto: Tukuyin ang mga ginamit na halimbawang salita o pahayag sa paghihinuha sa mga
pangungusap sa ibaba.

1. Siguro kung tataas ang sahod ng mga mangagawa dito sa Pilipinas ay wala ng
pupunta sa ibang bansa para magtrabaho bilang OFW.
2. Kung magpapatuloy ang jeepney strike, hindi malayong maraming commuters ang
mahihirapan.
3. Hindi na yata, bababa ang presyo ng mga bilihan ngayon sa ating bansa.
4. Sa palagay ko, kailangan nating magtulungan upang labanan ang sakit ng ating
lipunan.
5. Marahil totoo nga ang kanyang mga sinabi.

B. Paglalatag ng Pangkatang Gawain

Panuto: Ang klase ay mahahati sa limang (5) pangkat, ang bawat pangkat ay binubuo ng walo
hanggang siyam (8-9) na mag-aaral . Ang bawat pangkat ay pipili at bubunot ng mga eksena na
nais nilang gayahin sa isasagawang role play.

a. Panghuhusga ni Bb. Reyes kay Teddy


b. Pagdiriwang ng Pasko
c. Tagpo pagkatapos ng Pasko
d. Pagtatapos ni Teddy sa Unibersidad ng Pilipinas
e. Kasal ni Teddy

Narito ang pamantayan sa pagmamarka:

PAMANTAYAN PUNTOS
Maayos at malinaw na naisasagawa ang 10 puntos
role playing
Nagpapamalas ng buong husay sa pagsulat 10 puntos
ng script para sa role play
May pagkakaisa at partipasyon ang bawat
miyembro. Lahat ng kasapi ng pangkat ay 10 puntos
kasama
Kabuuan 30 puntos

V. Takdang Aralin

Pag-usapan at paghandaan ng bawat pangkat ang presentasyon ng kanilang pangkatang


gawain para sa susunod na klase.

Petsa: Ika-16 ng Marso, 2023 (Huwebes)


I. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO:
Pagkatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang:
A. Nagagamit ang mga pananda sa paghihinuha sa script na isinulat
B. Naisasapuso ang bawat linya na binibitawan sa pag-arte o role playing
C. Nakakapagpamalas ng angking talento sap ag-arte
II. PAKSANG ARALIN:
 Prensentasyon ng Pangkatang Gawain

III. PANIMULANG GAWAIN


1. Panalangin
2. Pagbati sa klase
3. Pagpapalinis ng silid aralan
4. Pagtala ng liban sa klase

IV. PROSESO NG PAGKATUTO


A. Pagbibigay ng Pamantayan sa Pagmamarka

PAMANTAYAN PUNTOS
Maayos at malinaw na naisasagawa ang 10 puntos
role playing
Nagpapamalas ng buong husay sa pagsulat 10 puntos
ng script para sa role play
May pagkakaisa at partipasyon ang bawat
miyembro. Lahat ng kasapi ng pangkat ay 10 puntos
kasama
Kabuuan 30 puntos

B. Presentasyon ng Pangkatan

C. Pagbibigay ng iskor o grado at komento sa isinagawang pangkatang gawain


Petsa: Ika-17 ng Marso, 2023 (Biyernes)

I. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO:


A. Nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga impormasyon sa Film Showing
B. Nabibigyan ng ideya ang mga mag-aaral para sa Sulkas.
C. Nasasagutan nang tama ang pagsusulit na ibinigay ng guro.
II. PAKSANG ARALIN:
 Pagsusulit (Paghahambing)
 Pagpapaliwanag ng guro ng SULKAS
 Teatro (Film Showing)

III. PANIMULANG GAWAIN


A. Pang-araw-araw na gawin
1. Panalangin
2. Pagbati sa klase
3. Pagpapalinis sa silid aralan
4. Pagtala ng liban sa klase

B. Bibigyan ng guro ng pagsusulit ang mag-aaral na kasama sa recovery plan.


C. Pagpapaliwanag ng guro sa SULKAS
D. Anunsyo tungkol sa Film Showing (BAYANI)
IV. TAKDANG ARALIN
Magsaliksik tungkol sa Impeng Negro

Inihanda ni:

Bb. Cristine L. Vergara


Nagsasanay na Guro

Ipinasa kay:

Bb. Jasmine A. Flores


Cooperating Teacher

You might also like