You are on page 1of 3

Filipino 8

Uri ng Komunikasyon: Berbal at ‘Di Berbal na Komunikasyon


Inihanda ni: Leian Angelo Cedullo Taberno

I. LAYUNIN
Sa loob ng 60 minuto, ang mga mag-aaral ay kinailangang:
a. natukoy ang uri ng komunikasyon na ginagamit sa iba’t ibang sitwasyon sa pamamagitan ng
pagtatala ng mga terminong ginamit sa mga larangang ito; (F8PT-Ia-85)
b. napahalagahan ang komunikasyon sa iba’t ibang sitwasyong panlipunan; at
c. nagtanghal ng isang skit na kakakitaan ng uri ng komunikasyon.

II. PAKSANG ARALIN


a. Paksa: Uri ng Komunikasyon (Berbal at ‘Di Berbal na Komunikasyon)
b. Sanggunian: Komunikasyon at Pananaliksik para sa Senior High School at Kanlungan 11A
Komunikasyon sa Wika at Kulturang Pilipino
c. Kagamitan: Audio-Visual Materials at Powerpoint Presentation
d. Valyu Fokus: Pagpapahalaga sa Mabisang Komunikasyon (Effective Communicator Attribute)

III. PAMAMARAAN
Panimulang Gawain: Pagbating STIers
1. Panalangin
2. Paalala sa Alituntunin
3. Pagtala sa Liban
4. Pagbabalik-Aral

A. Pangganyak

I-Aakto Ko, Tukuyin Niyo!


Panuto sa Paglalaro:
1. Pipili ang guro ng tatlong (3) mag-aaral na siyang aakto,
2.Hahatin ang klase sa dalawang (2) pangkat. (Pangkat A at B)
3. Ang mga natukoy na tatlong (3) mag-aaral ay pipili ng isang sobre na naglalaman ng larawan ng
iba’t ibang tao sa lipunan.

Mike Enriquez Magbabarkada

Doktor

4.Matapos makapili ay bibigyan ng 15 segundo ang bawat isa na gayahin o itanghal ang kilos ng
mga napiling larawan.
5.Paunahang tutukuyin ng dalawang (2) pangkat ang pagkakakilanlan nito; kung sino sa dalawang
(2) pangkat na magkakaroon ng dalawang (2) puntos o hight pa ay siyang tatanghaling panalo.
6.Magtatanong ang guro ng kaugnayan ng gawain sa talakayan.
7. Pagbasa ng layunin.

B. Paglalahad
Ang guro ay magkakaroon ng gawain sa paghawan ng semantikang sagabal.

Hanapin Mo Ako Sa Pool


Panuto:
1. Ang guro ay pipili ng unang mag-aaral na sasagot sa unang tanong;
2. Hahanapin sa word pool ang kasingkahulugan ng mga salitang may naka-diin sa
pangungusap; at
3. Matapos masagutan ay hihingi ang guro sa mag-aaral na sumagot ng pangalan na siyang
sasagot sa susunod na katanungan.

C. Pagtatalakay

1. Ang guro ay magpapakita ng vidyu klip sa bawat uri ng komunikasyon.


Berbal - https://youtu.be/lh_W18kXMIc?si=cqiTmnp94QWbUbZP
‘Di Berbal - https://youtu.be/qkAvyxZNOvo?si=SVNMnTDp0tjRBHxq
2. Sa bawat vidyu klip, ang guro ay hihingi ng panghinuha ng mga mag-aaral at ipro-proseso ang
mgabkasagutan.
3. Magdadagdag ng mahalagang imformasyon ang guro matapos ang paghinuha sa bawat vidyu
1|P a g e
klip.

Mga Pamprosesong Tanong:


a. Ano ang komunikasyon at uri nito.
b. Magbigay ng maaari mong gawin upang malinang nang maayos at mapanatili ang paggamit ng
komunikasyon sa lipunan, Pangatwiranan.
c. Kung Berbal at ‘Di Berbal na Komunikasyon ay madalas mong marinig, makita at paminsan-
minsan ay nakasanayan mong gamitin, paano ito makaaafekto sa iyo bilang isang mag-aaral sa
loob ng klase? Ipaliwanag.

D. Paglalahat

1. Magbigay ng mga sitwasyon na kakikitaan ng paggamit ng komunikasyon at ipaliwanag.


2. Bilang isang mag-aaral na STIer, sa simpleng paraan, paano mo maipapakita ang
pagpapahalaga para sa mabisang komunikasyon?

E. Paglalapat
Itatanghal Ko, Ang Mga Natutunan Ko!
Panuto:
1. Ang klase ay hahatin sa dalawang (2) pangkat (Pangkat A at B)
2. Magbibigay ng isang sitwasyon ang guro para sa klase – “Nasa Paaralan”.
3. Sa pagtatanghal kinakailangang makita ang Berbal at ‘Di Berbal na Komunikasyon.
3. Bawat pangkat ay magtatanghal ng kanilang bahagi gamit ang sitwasyong binigay ng guro.
4. Bibigyan ng tatlong (3) minuto ang bawat pangkat sa pagpaplano at dalawang (2) minuto
sa pagtatanghal.

Rubrik Puntos

Nilalaman Malinaw na naipakita ang diwa. 5


Paglalahad Maayos na nailahad ang diwa sa klase. 3
Pagkakaisa Lahat ay nagtulong-tulong sa paggawa. 2
Kabuuang Puntos 10

IV. PAGTATAYA

Itambal Mo Ako!
Panuto:
Ihanda ang bolpen at isang-kapat (1/4) na papel. Mayroong tatlong hanay ang nasabing pagtataya;
Hanay A – Mga Aksiyon/Pahayag, Hanay B – Kahulugan ng Aksiyon/Pahayag, at Hanay C – Berbal/’Di
Berbal na Komunikasyon. Ang mga mag-aaral ay uunawain nang mabuti ang nasabing mga hanay at
pag-uugnayin ang bawat isa. Titik lamang ang isagot. Mayroong tatlong (3) minuto ang bawat isa sa
pagsagot.

Kahulugan Uri ng
Aksiyon/Pahayag
ng Aksiyon/Pahayag Komunikasyon

1. Ang guro ay nagsenyas na pumalakpak. A. Pagmamahal ng magulang

F. Berbal
2. Binati ng guro ang nanalong kalahok sa
B. Ipinagmamalaki
patimpalak.

3. Halos ‘di na makita ang kaniyang mata sa


C. May mabuting ginawa
ligayang kaniyang nadama.

4. Pinayuhan ng ina ang anak na ipagpatuloy ang


D. Masayang-masaya
nakuhang marka.

G. ‘Di Berbal
5. Halos magkasalubong ang kilay ni
G. Sanchez nang makita niya ang E. Galit na galit
katarantaduhang ginawa ng anak.

2|P a g e
V. TAKDANG ARALIN

Itala Mo!
Panuto:
Magtala ng limang salitang kadalasang ginagamit sa lipunan bilang berbal na komunikasyon at gawan ito
ng ilustrasyon.

Gawin ito sa letter-sized bondpaper.

Sundin lamang ang format sa ibaba at ang pamantayan sa pagmamarka ng bawat isa.

Isumite sa lunes ika – 4 ng Disyembre 2023.

Bawat bilang ay may limang (5) puntos na siyang makikita sa pamantayan sa pagwawasto.

Salita (Berbal na Komunikasyon) Ilustrasyon (‘Di Berbal na Komunikasyon)

1.

2.

3.

4.

5.

Rubrik Puntos

Nilalaman  Malinaw na naipakita ang diwa ng salitang tinukoy. 3

Malikhain  Pagiging mapanlikha sa tinukoy na salita 2

Kabuuang Puntos 5

3|P a g e

You might also like