You are on page 1of 4

Learning Area EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Learning Delivery Modality FACE TO FACE

Paaralan Sugod ES Baitang Baitang 2

Guro Mike Angelo C. Macalindong Asignatura Araling Panlipunan

Petsa Markahan Ikalawang Markahan

BANGHAY SA
PAGTUTURO Oras Bilang ng Araw 1 araw

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pagiging sensitibo sa
Pangnilalaman damdamin at pangangailangan ng iba, pagiging magalang sa kilos at pananalita
at pagmamalasakit sa kapwa.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ang mga kilos at gawaing nagpapakita ng pagmamalasakit sa
kapwa.
C. Pinakamahalagang Nakatutukoy ng mga kilos at gawaing nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga
Kasanayan sa Pagkatuto kasapi ng paaralan at pamayanan. EsP2P- IIg – 12
(MELC)
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Enabling Competency)
E. Pagpapayamang
Kasanayan
II. NILALAMAN PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Mga Sanggunian MELC p. 67
1. Mga Pahina sa Gabay ng
Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang LM p. 132-134
Pangmagaaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagan Kagamitan MODYUL
mula sa Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga Telebisyon at powerpoint presentation/ Video Lessons
Kagamitan Panturo para sa
mga Gawain sa Pagpapaunlad
at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula (Introduction) BALIK-ARAL
Panuto: Gamitin sa sariling pangungusap ang mga sumusunod na
magagalang na pananlita. Isulat ang sagot sa ibaba ng kahon.

1. walang anuman
2. pasok po kayo
3. kumusta po kayo?
4. magandang gabi po
5. makikiusap po sana ako

B. Pagpapaunlad A. Pagganyak
(Development)
Panuto: Sa iyong sagutang papel, gumuhit ng puso sa bawat bilang at kulayan
ang mga ito sa pamamagitan ng pagpili ng kulay na katumbas ng gawaing
ipinapakita sa bawat larawan.

B. Paglalahad

Ang paggawa ng mabuti sa kapuwa ay hindi dapat binabayaran ng materyal na


mga bagay kundi dapat ito ay bukal sa kalooban o kusang ibinibigay sa bawat
taong nangangailangan ng tulong.

Mahalaga ang paggawa ng mabuti sa kapuwa dahil ipinakikita nito ang


pagpapahalaga at pagmamahal sa kapuwa at sa sarili. Nagdudulot ito sa atin ng
kaligayahan at kagaanan ng kalooban lalo na kung ito ay kusang loob na
ginagawa.

Narito ang ilang halimbawa ng paggawa ng mabuti sa kapuwa na nagpapakita


din ng pagmamahal natin sa ating sarili.
C. Pakikipagpalihan Gawin ang Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
(Engagement)
Panuto: Iguhit ang masayang mukha sa iyong sagutang papel kung ang
sitwasyon ay nagdudulot sa iyo ng kaligayahan at kagaanan ng loob, at
malungkot naman kung ito ay nagdudulot sa iyo ng mabigat na damdamin.
SITWASYON DAMDAMIN

1. Tinutulungan si nanay sa pagwawalis sa


bakuran.

2. Nagbabahagi ng baon ang kaklase.

3. Hindi isinasali sa laro ang kapatid.

4. Nagmamano sa nakatatanda.

5. Pinapasilong sa payong ang kaklase.

D. Paglalapat (Assimililation) PANGKATANG GAWAIN


Panuto: Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Ipakita sa pamamagitan ng isang dula-
dulaan o role play ang nararapat na gawin sa mga sumusunod na sitwasyon.

Sitwasyon 1: Nakita mong nadapa ang kaklase mo at nasugatan. Ano ang


gagawin mo?

Sitwasyon 2: Umiiyak ang kapatid mo dahil nasira ang kaniyang laruan. Ano
ang gagawin mo?

Sitwasyon 3: Nakita mong nahihirapang magbuhat si Aleng Beng ng kaniyang


mga pinamili. Ano ang gagawin mo?
Sitwasyon 4: Nakita mong nagkamali sa pagsusulat ang iyong kaklase. Ano ang
gagawin mo?

Sitwasyon 5: Nakita mong nagwawalis ang iyong nanay sa inyong bakuran. Ano
ang gagawin mo?

E. PAGATATAYA Panuto: Punan ng angkop na salita ang mga patlang upang mabuo ang talata.
Pumili ng sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa iyong sagutang papel.

Ang paggawa ng (1) __________________ sa kapuwa ay isang paraan ng


pagpapahalaga at (2)___________________ sa kapuwa at sa ating
(3)_____________________. At bilang resulta, nagdudulot din ito sa atin ng (4)
________________________ at kagaanan ng loob lalo na kung ito ay bukal sa
ating kalooban. At kapag napapasaya natin ang ating sarili, ito ay nagpapahayag
ng (5)________________________ natin sa ating sarili.

F. Pagninilay Isulat sa iyong sagutang papel ang nararamdaman mo o realisasyon gamit ang
mga sumusunod:

1. Ang natutuhan ko ngayon ay _______________________________.


2. Nalaman kong _____________________________________.
3. Gusto ko pang malaman ___________________________________.

G. Takdang Aralin Panuto: Iguhit mo ang iyong sarili sa loob ng bilohaba. Magsulat sa loob ng call-
out ng limang (5) mabuting katangian na maglalarawan sa iyo tulad ng
halimbawa sa isang call-out.

Inihanda ni:

MIKE ANGELO C. MACALINDONG


AP Coordinator

Binigyang pansin ni:

MA. BUENA S. BAUTISTA


Ulong Guro I

You might also like